Share

chapter 10

Author: BN001
last update publish date: 2023-12-01 16:15:35

Sa pangalawang pagkakataon ay parang isang alaala ng nakaraan na naman ang nakita ko. At ang nakapagtataka ay parehas lamang ang mga tauhan... sina Stella at Clara.

Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ito. Hindi kaya tama si Saab?

"Gusto mo ba, diretso muna tayo sa psychiatrist bago tayo magthrifting? Baka kasi may mental issues ka na pala?"

Mental issues? Hindi puwede. Hindi ako puwedeng mabaliw! Paano 'yung anak ko?

"Mayari?"

I snapped out of my thoughts when I heard Uno's voice. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin at mukhang nawi-weirduhan. Puwes, hindi siya nag-iisa dahil maski ako ay ganoon ang nararamdaman.

"You okay?" he asked. Pagkatapos ay inayos niya si Soul sa kaniyang mga braso.

"I'm okay," wala sa sariling sagot ko. Bahagya akong natawa 'tsaka umiling. "Papalitan ko na 'yung damit ni Chim."

"I'll clean him up," sagot naman niya habang hindi inaalis ang nagtatakang itsura. Unti-unti ay nawala ang pagkunot-noo niya saka nagsalita. "I did a little research on YouTube. Well, how to clean up a baby. It's a piece of cake."

Tumango na lang ako at sinabihan siyang umakyat na dahil inayos ko na ang mga kakailanganin ng bata. Mukha namang fast learner siya base sa pananalita niya. Kapagkuwan ay inayos ko na ang kusina. Binalik ko muna ang highchair sa kusina bago ako sumunod sa itaas.

Buong akala ko ay nalinis na ni Uno ang bata dahil nakahiga na ito sa kaniyang kuna pero hindi pa pala, dahil 'yun pa din ang suot ng bata.

Uno was holding his phone, watching something. Nang makita ako ay kaagad siyang nagsalita.

"I think, you should do the cleaning," he said casually. Like he didn't take this responsibility earlier. "I'll watch you so I know what to do next time."

Hindi na ako kumibo. Lumapit ako sa kuna ng anak ko at maingat siyang binuhat. Hiniga ko siya sa kama at dahan-dahang inalis ang terno niyang suot. Pagkatapos ay kumuha ako ng baby wipes at pinunasan ang kaniyang mga kamay dahil medyo malagkit sila dahil hinawakan niya ang baby food.

Next, I wiped his mouth area. Then, I changed his heavy diaper before finally putting his onesie on his fragile body.

"Uh," rinig kong sabi ni Uno sa likod ko. Napatingin tuloy ako sa kaniya. Tahimik lang siyang nanonood na para bang inililista sa kaniyang utak ang bawat gawin ko. "Hindi mo siya paliliguan?"

"No, he's sleeping." I replied.

"I see..." he muttered under his breath, then, he let out a long sigh. "Can we talk?"

"Ano naman ang dapat nating pag-usapan?"

Sa totoo lang, hindi ko na bigla maintindihan ang sarili ko. Masyado na akong naguguluhan sa lahat. Sa mga bayarin ko, sa mga susunod na gastusin, 'yung kainan, 'yung pagtuturo ko, 'yung pambili ng vitamins at gatas ng anak ko, 'yung parental rights na ayaw pirmahan ni Uno, at sina Stella at Clara.

Kung hindi man tama si Saab ay baka pagiging baliw parin ang puntahan ko dahil sa dami ng tumatakbo sa isip ko. Napapagod na ako mag-isip.

"Why you?" he asked after a long silence.

"What?" Kinarga ko si Soul at maingat na ibinalik sa kaniyang kuna. Pagkatapos ay hinila ko na ito palapit sa kama ko.

"Why did you take Idianale's responsibility?" His eyes were following me. Prente lang siyang nakatayo sa tabi ng stool. "I don't understand. This is such a big role. So, what's the deal?"

"There's no deal," walang ganang sagot ko. "Soul was meant to be mine, that's pretty much it."

"I won't buy your story," he shrugged as he walked closer to the edge of the bed. "Can I sit here?"

I nodded. Nanatili akong nakatayo sa tabi ng kuna ng bata. Uno asked again about the real deal between Diya and I.

Well, there wasn't a deal at all, I guess. Ang alam ko lang, nang malaman kong gustong ipalaglag ni Diya ang bata ay nagmakaawa ako sa kaniya na 'wag gawin 'yon. Ang kapalit ay ako ang tatayo bilang ina ng batang isisilang niya.

She didn't like the idea. Hindi niya raw gusto na ako ang mahirapan dahil alam niyang mataas ang pangarap ko. And of course, I told her everything's gonna be fine.

Walang kasalanan ang bata para patayin siya at mas lalong hindi niya desisyon ang mabuo siya. Two people decided to play snake hiding under the bush, so why blame the baby?

Matapos ang ilang umaga at gabing pagmamakaawa ay pumayag na si Diya. I was so happy that I came up with a plan.

Para hindi masira ang tiwala ng mga magulang namin sa kaniya ay pinalabas kong ako ang buntis. Bago 'yan ay sinabi ni Diya na sa ibang bansa siya mag-aaral ng law, and of course, sobrang saya nina mom. They even threw a party! Ako naman ay nagpaalam na sa Maynila mag-aaral. Ako daw ang bahala.

Lingid sa kaalaman nila na hindi talaga pumuntang US si Diya dahil ang totoo ay magkasama kami sa Maynila. Pagkarating namin roon ay naghintay lang ako ng ilang linggo bago ko inako ang lahat. I called mom to tell her I was pregnant.

And right after hearing those words, they disowned me like I wasn't even a big part of the family. Like I was just an old furniture, waiting to be disposed.

I sighed. "Diya is one of the loveliest people I know," sabi ko habang hinahaplos ang harang sa kuna. "Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit marami ang nagkakagusto sa kaniya. She's beautiful inside and out."

Uno chuckled. "You talk like you two aren't identical twins."

"Well, angat sa akin si Diya," I smiled as I reminisced the past. "People kept comparing the two of us, not giving a bread about my feelings. But I didn't mind. Masaya ako na, naaappreciate nila ang kapatid ko. That's good enough for me. Growing up naman, andiyan sila ni Kuya para akin- Wait," I laughed. "Why am I even saying these? Ang layo sa tanong mo."

"I like to hear your story," his eyes suddenly looked attractive to me.

'Tang ina? I shook my head.

No! They weren't attractive. Kamukha lang ng Soul kaya ganoon. I took one of my pillows and sat on bed, then I leaned my back against the headboard. Niyakap ko ang unan saka ako pumikit.

"There's no deal," I trailed off. "It was a gift, a very beautiful gift," I chucked after letting out a satisfied sigh. "Hindi ko kayang mawala ang anak ko sa'kin."

Sandaling bumalot ang katahimikan sa amin. Tahimik lang akong nakasandal at nakapikit habang humihinga nang malalim.

I tried to calm my nerves as I slowly breathed in and out. Calmness was overtaking my body as I focused my attention on my breathing, feeling the temperature of the air as it goes in and out of my nostrils.

Mahina akong natawa nang mapagtanto ang nangyayari. Wow, I was really trying to meditate with Uno inside our room, the threat, how ironic?

"I-I was Diya's best friend," I said with a smile. Hindi ko binuksan ang mga mata ko dahil mas naaalala ko ang lahat kapag ganito, nakasara sila at kalmado ako. "Sa'kin niya iku-kuwento ang nangyari sa buong araw niya... sa'kin siya magsusumbong kapag naman may kagalit siya. Mula bata hanggang pagtanda ay ganoon kami - matalik na magkaibigan. Kaya nga noong nabuntis siya ay ako kaagad ang sinabihan niya. Ako lang, actually. She was too stressed out that time. Worry and fear were written on her face, and I hated it. Hindi ko siya pinagalitan, instead, I became her comfort. But even though I was supportive, it didn't change the fact that she wasn't ready to be a mother."

Nakapikit man ay ramdam kong nakikinig si Uno, hindi ko maintindihan pero, opening up to him felt a little calming. I was like a teapot pouring out some fresh tea and he was the huge tea cup.

"Ni minsan sa buhay ko ay hindi ko pinakita sa kaniya na mahina ako," I chuckled. "Makikita mong masiyahin si Diya, happy pill ng lahat, kuwela, at bibo katulad ni Soul... pero pagdating sa problema ay mahina siya. Hindi niya kinakaya. Kaya nangako ako sa sarili ko na hindi ako puwedeng maging mahina sa harap niya. One must be strong when the other is weak, at pinanindigan ko iyon."

"That's actually so selfless," said Uno with a soft voice. Too soft that it sounded like a lullaby to my ears.

"Nope," I contradicted. "There was a time na nag-away kami ng ex-boyfriend ko at sinabi ko kay Diya 'yon. I was crying on her shoulders, and to my surprise, she was crying too. Mukha ngang siya 'yung may problema dahil sa sakit ng iyak niya. When I asked her why she was crying, sagot niya lang ay hindi niya alam kung paano mag-alo kagaya ng ginagawa ko sa kaniya. Nagalit siya sa sarili niya dahil napakawalang k'wenta niya daw dahil hindi man lang ako kayang bigyan ng advice or comfort."

"Mula noon, hindi na ako nagsabi sa kaniya ng problema ko dahil hindi ko kayang sinasabihan niya 'yung sarili niya ng masasakit ng salita," I paused when I felt hot tears streaming down my cheeks. Agad ko namang pinunasan ang mga iyon.

Napasinghap ako.

Where did the 'looking vulnerable in front of this guy is the last thing on my list' went? I tried to stop myself from over sharing but I couldn't.

"At dahil sa desisyon kong iyon, pakiramdam ko mag-isa na lang ako sa lahat... I'm not blaming my twin sister, of course, it was my choice. Sadyang feeling strong lang ako dahil lagi kong inaako ang lahat. Thank God, kinakaya ko naman kahit papaano."

I bit my lower lip, trying to stop the sobs from coming out but I failed, sort of.

Nakaramdam ako ng pag-uga ng kama sa harap ko kaya napamulagat ako. Si Uno, nasa harap ko na.

"Do you need a hug?"

My mind said no but my heart and soul said yes. Hindi ko na namalayan ang paglakas ng iyak ko nang yakapin niya ako. Tanging ang bigat sa dibdib ko at ang mga mainit na bisig ni Uno lang ang nararamdaman ko ngayon.

For the first time in years, I felt safe in someone's arms... and also for the first time, I wasn't alone.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, maga ang mga mata. Nang bumalik sa ulirat ay halos ipukpok ko na ang ulo ko sa pader nang maalala ang nangyari kagabi.

Putang ina, Mayari? Seryoso ka ba? Fuck, what was I thinking?! Panaginip ba 'yon?!

"Tanga mo. Tanga mo. Tanga mo!" I was hitting my forehead with my palm in disbelief. "Bakit ako umiyak sa harap ng- putang ina! Wooh! Lord, pigilan niyo po ako!"

Mas lalo akong nainis sa sarili ko nang mapagtantong nakatulog ako sa kaniya kakaiyak! Pisting yawa.

Tinawagan ko si Tristan at Saab at sinabihan silang pumunta sa eatery mamaya dahil may importante akong sasabihin. Well, the Stella and Clara stuff, of course. Pagkatapos ay hinalughog ko ang apartment dahil baka nandito pa si Uno, pero laking tuwa ko nang wala siya.

Karating ni Tessa ay pinagsabihan kong bantayang maigi ang bata. Sinabihan ko rin siyang 'wag ipagsabi muna kahit kanino na dumating dito sa Mt. Carmel ang tatay ng anak ko. Nangako naman siyang walang lalabas na balita. Sinabihan ko rin siyang baka bumalik ang ama ni Soul kaya papasukin niya na lang.

Pagkatapos magluto, maligo, at magbihis ay dumiretso na ako sa eatery. Gulat pa ako nang makitang nandoon na sila Tristan at Saab. Kumpleto na kasama si Chesca, malamang dahil early bird 'yon.

Nagsimula nang dumating ang mga iba ko pang kasamahan kaya nagsimula na kaming magluto ng iba't ibang putahe. Habang nagluluto naman ay nasa loob rin ng kusina sina Tristan at Saab. Sila daw ang taga-tikim kung masarap na ba o hindi. Taga-awat na naman si Chesca dahil hindi naman raw free taste ang mga pagkain dito.

Tahimik silang lahat na nakikinig sa kuwento ko habang inaayos ang mga ulam na ididisplay ko na sa may salamin sa dining area. As expected, I got different reactions and opinions.

Tuwang-tuwa si Chesca.

"Pay attention to the details!" said Chesca cheerfully, pumapalakpak pa siya na parang bata. "Baka nakikita rin ni Stella 'yung nangyayari sayo rito, Mayi! Try to communicate kaya?"

"Luh? Sige nga, paano?" malditang tanong ni Tristan habang pinapapak ang shanghai.

"Uh," nag-isip si Chesca sandali kaya binitiwan niya ang lagayan ng ulam kung saan isasalin ang adobo. "Post-it notes? Sulat mo 'Hi, Stella! Nakikita mo rin ba 'yung nangyayari sa'kin dito? Unti-unti ko kasing naikita 'yung sayo. Ang cute niyo ni Clara!'"

Tristan made a face but Chesca opt not mind. Masaya kasi talaga siya kapag Science na ang pag-uusapan.

"No offense ha?" sabat ni Saab. "That's really childish. Magpacheck-up ka na, love love! 'Wag mo hayaang lumala-What?!"

Pinanlakihan siya ng mata ni Tristan.

"I'm just concern lang, 'no!" depensa niya sa sarili saka uminom ng orange juice. "'Tang ina nito! Buhos ko sa'yo 'to, e!"

"Subukan mo! Ipapasok ko 'tong shanghai sa hopia mo! Tampon ala Shanghai!" sabay-sabay kaming natawa sa kagaguhan ni Tristan. Si Chesca naman ay pumagitna na sa dalawa dahil susugod na si Saab. "Jusko! I'm so funny!"

"Nyenye, taas bangko!" pang-aasar ni Saab na may halo pang monkey dance.

"Gago, bagay mo pala 'yan?" Tristan chortled and ran as fast as he could when Saab tried to attack him.

At naghabulan na nga ang dalawa sa buong kainan kaya na bad trip na naman si Chesca. Wala talagang araw na darating na hindi sila mag-aaway e. Mga batang 'to nakakahibang.

"Daig ko pa 'yung may anak sa inyo!" inis na sabi ni Chesca habang nagtatago si Tristan sa likod niya. Ginawang shield ng gaga.

Mabilis tumakbo ang oras at nang magsara ang kainan ay dumiretso kami sa isang psychiatrist. Napagpasiyahan naming apat na magpacheck na nga ako para sure. Papuntang Ponduan pa ang clinic kaya medyo malayo-layo ang biyahe.

Bago magbyahe ay tinext ko si Tessa.

To: Tessa

late ako makakauwi, tess. sorry. dumating ba si uno?

Mabilis naman akong nakatanggap ng reply.

From: Tessa

Hi ate!! Sureness! Naglalaro kami ni Chim ngayon donchu worry! :))

From: Tessa

Btw, wala pong dumating ih

Gumaan ang pakiramdam ko sa huling text ni Tessa. Mabuti naman kung ganoon.

Ako na ang nagmaneho dahil tinatamad raw si Saab. Namiss ko tuloy bigla 'yung kotse kong naiwan sa Cortegana. Isang Blue Mercedes Benz CLA ang binili sa'kin ni Kuya nang matuto na ako. Regalo niya sa akin noong 18th birthday ko.

I named it 'Zen' as it means feeling peaceful and relaxed, exactly what I feel when I drive.

At the age of 17, I was already driving. Kuya Eros was the one who taught me how to drive and it was pretty easy. But before all else, he taught me about the basic road rules, traffic signs, and basically everything I needed to know first.

After being a student driver for a year, I passed my driving test. Then, I became a non-pro driver afterwards. Kuya was so happy for me that he even cancelled all his plans for that day to spend his time with me and Diya.

Nakakalungkot. Miss ko na sila.

Buong biyahe ay love life ang usapan ng mga kaibigan ko kaya hindi ko na pinansin. Buti na lang ay hindi ako ang napagtripan, kundi si Tessa.

"19 lang si Tessa, 'no?" asked Tristan. "Sayang na bata, tumigil sa pag-aaral dahil need magwork."

"She can study anytime naman!" hirit ni Saab na nasa shotgun seat. "She stopped kasi nga gusto niyang maalagan si papa niya, 'di ba?! That's not sayang!"

I saw from my peripheral vision that Tristan came closer to pull Saab's hair. "Kontrabida ka talaga ng buhay ko, 'no?!"

Inawat naman ni Chesca ang dalawa dahil nagmamaneho ako, baka mapahamak kami. Kasama na ako sa nagalit dahil nagkaroon kaming lahat noon ng near death experience dahil sa kanilang dalawa. Galit na galit ako no'n dahil kasama ang anak ko.

Paano ba naman! Si Tristan ang nagmamaneho tapos si Saab ang katabi. Nang sabihin ni Tristan na kaya niyang agawin ang magiging jowa ni Saab ay naghilahan ng buhok ang dalawa. Mga gaga talaga.

I pulled over and asked a stranger about the clinic's direction. Nang malaman ay sumugod na kami roon. Si Tristan at Saab ang unang pumasok sa office ni Dr. Mariano, makarampa sa loob akala mo naman may appointment. Suwerte nga lang dahil walang pasiyente kaya nakausap ako agad.

Kinuwento ko ang mga nangyari sa sa akin at tahimik lang siyang nakikinig habang nagno-notes sa jotter pad niya. Pagkatapos kong magsalita ay nagsimula na siyang magtanong. Bawat sagot ko rin ay sinusulat niya.

"Have you ever experienced daydreaming before?" he asked. Umiling ako. "When you were seeing Stella and Clara, were you aware that it wasn't your reality?"

"No, I wasn't. Para siyang isang memory from the past na naalala ko lang," sagot ko. "Well, as I said po. It happened twice, same characters. I could also feel Stella's emotions. Weird, right?"

Nasundan pa ako ng maraming tanong bago niya sinabi ang nakikita niyang nagyayari sa'kin.

"Pay attention to what's happening, try to experiment. Try to control that 'dream' of yours and jot it down. Hindi mo na kailangan bumalik dito, hija," saad niya at saka tumayo at umikot para umupo sa upuang nasa harap ko. "At first, I thought you were Schizophrenic, but I realized it wasn't the case. I think you are a Maladaptive Daydreamer."

"Po?"

"Maladaptive Daydreaming is an excessive form of daydreaming. You are extremely fantasizing that it tends to interfere your everyday life. You couldn't pay attention to your surroundings, right?"

I nodded.

Pinaliwang niya pa ang lahat tungkol dito. At pagkatapos magpaliwanag at magbigay ng payo ay umuwi na kami. Sa kotse ko ikinuwento ang lahat kina Saab. We were all relieved when the doctor said it wasn't a disorder. It wasn't dangerous, too. Pero pakiramdam ko ay hindi tugma ang mga sinabi niya sa nangyayari pero hindi ko na lang pinansin.

Ang mahalaga, hindi ako baliw.

Kauwi ko ay umuwi na rin si Tessa. Kaagad naman akong nag-ayos at nagpalit ng pambahay. Mino-monitor ko din ang sarili ko maghapon habang binabantayan ang anak ko. Pagsapit ng alas-sais ay nakarinig ako ng katok sa ibaba. Malakas ang mga iyon dahil sira ang doorbell.

Habang karga si Soul ay bumaba ako para pagbuksan ang kumakatok. Buong akala ko ay si Tessa iyon at may nakalimutan pero hindi. Si Uno pala.

"Anong ginagawa mo rito?" naiinis na tanong ko ngunit ngumiti lang siya at tinaas ang mga kamay niyang may hawak na mga plastic. Food take-outs. "Ano 'yan?"

"I'm hungry, been waiting for you to come home for hours," he said casually as he shrugged his shoulders. Then, he waved hello to his son.

"Wala ka bang bahay, ha? At bakit mo ako hinihintay umuwi?" pagsusungit ko. "Hindi ko naman dala si Chim."

"I know. Kanina pa ako nakapark roon sa bakanteng lote sa harap ng apartment mo but then I saw the same woman who let me enter your home the other day so I decided to just wait. I knew you were working."

"Jusko, Uno," naiiritang sabi ko habang binibigyan siya ng masasamang tingin. "E 'di sana pumasok ka na lang para nakasama mo si Chim! I knew you were coming kaya nagbilin na ako kay Tessa na papasukin ka."

"Well, papasukin niya man ako o hindi, papasok pa din naman ako. I have my own rules," mayabang na sabi niya saka tumingin sa likod ko. "Can I come in?"

Walang gana akong umatras at binuksan nang malaki ang pinto. "Come on in."

Dumiretso siya sa kusina. I locked the door and followed him. Feel at home rin itong isang ito, ano? Bago tuluyang pumasok sa kusina ay binitbit ko na ang highchair sa kabilang kamay ko. Kapagkuwan ay inupo ko roon si Chim at inilapit siya sa kaniyang ama.

I kissed him on his head before walking away from them, but then, Uno called.

"What?" naiinis na tanong ko.

"Where are you going?" he asked.

"Upstairs," tipid kong sagot. "Matutulog ako. Gisingin mo na lang ako kapag uuwi ka na-Wait, don't touch me. Hit me with a pillow or something, just don't touch me."

He looked at me as if I said something so funny... or maybe because I suddenly became the joke myself?

"What?" Naiirita na ako sa lalaking 'to. Masyadong panira ng buhay. This was actually Soul and I's cuddle time!

"Let's eat first," sagot niya nang makabawi. Isa-isa niyang inalis ang mga nasa plastic at maingat na nilapag sa lamesa. "Let's just your utensils? These plastic spoons and forks won't do their thing."

"I'm full," sabi ko lang. Jusko, close ba kami? Malamang hindi! Kumain siya mag-isa niya! Lakas ng loob mag-aya. "Those plastic utensils can't do their thing, but you can do yours. Eat well, you two. Feed Soul with the Butternut Squash baby food."

Hindi siya pumayag na hindi ako kumain. He was like a boss giving orders to his employee! Bossy amputa. Bandang huli ay kumain na rin ako. Para matahimik na siya.

Pagkatapos ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan at pinaakyat ko na sila. I followed them upstairs after doing my chores.

"It's already 8:32 in the evening," bungad ko kapasok. Buhat ni Uno si Chim, padapa sa kaniyang dibdib, habang mahinang tinatapik-tapik ang likod.

"I did my research," saad niya habang patuloy sa kaniyang ginagawa. "They should burp, right?" he chuckled. He wasn't even asking, it was a statement. "Babies are so lucky. Lahat ginagawa para sa kanila. But they're not that lucky, are they? They cry and we feed them... little do we know that their back was actually itching and they weren't hungry."

Natutuwa ako sa mga naririnig ko kay Uno. Masyado siyang pursigidong matuto para sa anak niya.

"I read that on Reddit, though," he chucked. Lumapit ako sa kuna at inayos ang higaan ni Chim.

"Enough," pagpigil ko. "Nagburp na siya."

"Wait, what? When?"

Napakamot ako sa ulo at umirap. Sa kadaldalan niya, hindi niya na narinig. Binuhat ko ang anak ko at sinubukang patulugin sa mga bisig ko, ngunit ayaw niyang matulog. Kaya napalitan akong ihele siya. Moments later, he was already asleep.

"What was that song?" rinig kong tanong ni Uno mula sa likod ko. Inalis ko ang baby towel na nahulog sa kuna mula sa balikat ko dahil baka maglikot si Chim at matakpan mukha niya. Masuffocate pa.

"Have I told you lately," I replied. "By Rod Stewart."

Tumango siya saka lumapit sa kuna nang makaalis na ako. He stood beside the crib, watching his angel as he sleeps. He was looking at his child like he was the most beautiful view he had ever seen... and I'd say this view I was witnessing, was beautiful and calming to the eyes.

Inaantok na ako pero hindi ako humiga. Ayaw kong matulog na nandito si Uno kaya bumaba muna ako at nagpahinga sa salas. I laid myself on top of the couch and did a little breathing exercise.

"Maladaptive Daydreamers can control their dreams, so try it, but it's quite addicting. Some people who experience the same thing tend to use this as their escape from reality," the doctor explained. "Give your mind some time to wander but always remember the importance of the present moment. Don't live inside your made up world."

Huminga ako nang malalim habang inaalala ang sinabi sa akin ni Dr. Mariano. Umupo ako at tumingin sa kung saan at sinubukang alalahanin sina Stella at Clara.

Isa, dalawa, tatlo, hanggang labing limang minuto ay walang nangyari. I tried what the doctor said only to look stupid? I even called Clara repeatedly so that she will appear in my head but nothing happened!

Putcha! Ayaw ko na nga! Scam naman pala tips ni doc. Kinuha ko ang cellphone ko at 'tsaka nagchat sa group chat namin.

yummy girls ft. the yummiest trista

mayi the suplada:

sinubukan ko yung payo ni doc

chescake the referee:

And????

Uy nakita mo ba ulit??

trista the yummiest:

what is the fucking tea mga sistar?

mayi the suplada:

wala man nga e

nagmukha lang akong tanga jusq

chescake the referee:

Ahhhhhh!!

Confirmed! hindi yan maladibdib daydreaming HAHAHAHHA shifting reality kasi siya mwa

trista the yummiest:

dios mio ches! wag ngayon

mayi the suplada:

si saab?

Hindi ko na nabasa ang reply nila nang may kumalabog sa pinto. Marahas na mga katok na ikinagulat ko.

"Mayi! Buksan mo 'to! 'Tang inang palugit na binagay ko sa'yo! Sumunod ka sa usapan, Mayi!"

Aling Ramona? What the fuck.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bn 001 book-00116   chapter 68

    Are you a tea drinker? If so, you're not alone. Every day around the world millions of cups of this popular brew1 are drunk, and it's been that way for thousands of years. The oldest discovered tea is from the Han Dynasty, dating from 206BC to 220AD. But it's thought that the tea trend really took off during the Tang Dynasty in the 8th Century, when it became China's national drink. Now, Turkey, the Republic of Ireland and the UK are believed to be the biggest tea-drinking nations, per capita. Tea is consumed in many ways – slurped2, sipped3 or glugged. It can be poured from pots, infused or brewed4 in the cup using tea bags – and it's this latter process that is causing concern. Research last year found some premium5 tea bags might be leaving billions of microscopic6 plastic particles

  • Bn 001 book-00116   chapter 67

    *Emrys' POV*"Your father is very unhappy," My best friend, Laker, spoke through the phone that I clutched in my hand as I ran a hand through my black locks, praying that my breathtaking mate was still fast asleep upstairs. "I guess James called him, detailing him about your fight,"开卷考拮抗剂看看急急急艰苦艰苦艰苦Great, so James called my dad last night… Wonderful."Fight?" I scoffed, the pen in my hand turning my knuckles white as I held it with too much force, my notes scribbled in red ink scattered upon the kitchen island. "Hardly... We were talking and that prick thinks he rules me or something, James should know -if anything- I have control over him and thi

  • Bn 001 book-00116   chapter 66

    Killian was in office when Jake came through. He still looked annoyed. It had been three months since Alex went hunting with him and from Jake said, you could definitely tell Alex was an alpha. Jake sat in front of Killian and Aaron also came in and sat. There had been reports of rouges getting closer to the borders of not just his pack, but Green Marsh as well. Jake had suggested it, but Killian didn't want to hear it. He was sure Fredrick was dead by now. Every time he thought of that man, he thought of his mother. It was something still too painful to deal with. It wasn't as hard since he knew he could always talk to Crystal about it. She always listened when he needed to clear his mind and she would always comfort him or she knew exactly what he needed.

  • Bn 001 book-00116   chapter 65

    Giordana's POV"Babe, can I speak to you?" Philip asked.I excused myself and followed him up to his room.

  • Bn 001 book-00116   chapter 64

    ----Alpha Leo Trevino----***Camila's POV***The next day crept up on me much like an unwanted guest. Growling, I forced myself up and got dressed in a plain dress,

  • Bn 001 book-00116   chapter 63

    CHAPTER 1 : 300 YEARS LATER"... And so, as the man showed her all the life they could have spent together, she slowly closes her eyes. In her last breath, with a beautiful smile plastered on her pretty and exhausted face, she murmured ... 'I love you.'...""Woah!"The kids and people who listened to the story left amazed by the heartbreaking story."Then? What happened next?" The girl far from the right raised her hand and ask for the next scene."Although he is the one who killed her, he regret nothing and for the last moment, kissed the girl on the forehead. He won the battle but not the war itself."The woman in a red gypsy dress smiled to everyone who listened to her. Her dirty ash-blond

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status