Share

chapter 9

Author: BN002
last update publish date: 2023-12-01 15:59:59

Switzel POV

Mabigat ang loob ko habang tuloy-tuloy lang sa paglalagay sa maletang gagamitin ko ng mga gamit na dadalhin ko sa lilipatan kong school. Wala akong kaalam-alam sa lahat. Ni rason kung bakit ako lilipat, walang sinabi sa akin. Muli kong pinahid ang luha kong lumandas sa aking pisngi nang may kumatok. 

"Come in."

Bumungad sa may pinto si Mommy. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala nang makita ang mukha ko. "Anak, are you ready?"

Ang luhang pilit kong pinipigilan ay muling rumagasa. Lumapit siya saka ako niyakap nang mahigpit. 

"Mom, kailangan ko ba talagang lumipat ng school? Paano na 'yong mga kaibigan ko sa YG High?" 

She gently caressed my back. "Kailangan mong lumipat ng school anak eh. Don't worry, dadaanan muna natin sina Yna at Aly sa YG para makapagpaalam ka sa kanila ha?" 

Humiwalay ako sa pagkakayakap. "Bakit ko po ba kailangang lumipat ng school?" Agad naman siyang napabuntong-hininga. 

"I can't say it now." She looked away then a subtle but full of sadness smile appeared on her lips. "You'll know it when you turn 16." 

Hindi na ako nagtanong pa matapos nun. Tinulungan na ako ni Mommy sa pagliligpit ng mga dadalhin ko dahil kailangan na raw naming makaalis. Kabado man at lito sa mga nangyayari, nagpatianod ako sa gusto ng mga magulang ko. 

Sa buong oras ng byahe namin, tulala lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Mahirap pa rin intindihin kung bakit nangyayari 'to dahil napakabiglaan. Kung sana kasingbagal lang ng traffic sa EDSA ang lahat, baka sakaling na-grasp ko pa. 

"We're at YG," sabi ni Mommy. 

I smiled a little then sighed. Bukaba na ako nang sasakyan at hinintay sina Yna at Aly sa tambayan namin. They're my bestfriends and two of the most amazing people I've ever known. 

"Yna! Aly!" Yakap ko ang sumalubong sa kanila. Niyakap din nila ako pabalik and the warmth of their hugs makes me want to beg na rito na lang ako sa YG at huwag na lumipat pa. 

"Bakit parang ang aga mo ata, Switzel?" Nagtataka si Aly dahil sa aming tatlo, ako ang madalas na nahuhuli sa pagdating sa klase. 

"I..." I can't help but to sigh to stop my tears from falling. "I came here to say goodbye." 

Tila nagulantang naman sila sa sinabi ko kung kaya ay hindi sila agad nakasagot. Nang makabawi, agad na inunahan ni Yna si Aly. 

"May vacation kayo?" ani Yna. 

Mabilis kong naiiling ang ulo ko. "No, lilipat na ako ng school..."

"Ha?!" halos sabay sila. 

"Bakit?! Nasa kalagitnaan ka na ng second sem, zel!" sabi ni Aly. 

"Sayang naman yung nasimulan mo, zel," maging si Yna, halatang dismayado. 

"I know..." tanging nasabi ko saka muling bumuntong hininga. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga tanong nila dahil hindi ko rin alam ang dahilan ng lahat. 

Ilang sandali pa ay bumusina na ang sasakyan kung nasaan sina Mommy at Daddy. It's time.

"Goodbye..." Niyakap ko sila while silently hoping na hindi pa iyon ang huli.

I ran to the car but before I hopped in, I waved at them and they waved back. Goodbye for now Aly and Yna. Goodbye YG High. 

"Off to RMA," ani Daddy saka makahulugang tumingin sa akin. 

Nakaramdam ako ng hilo habang nasa byahe. Mukhang malayo-layo pa ang aming pupuntahan kaya mas minabuti ko munang ipikit ang mga mata ko. 

"Switzel...baby, wake up..." ang banayad na boses ni Mommy ang gumising sa akin. 

I scanned the place and I realized na masyadong mapuno sa lugar na kinaroroonan namin. Nakita ko rin sa hindi kalayuan, sa may maburol na parte, ang isang mala-kastilyong building. Hindi ko maipaliwanag ang disensyo na meron ito ngunit tunay na nakakamangha ang lugar. 

"Ayan ang magiging bagong school mo," ani Mommy. Napaamang ang bibig ko sa sinabi niya. 

I am no royalty but is she serious? Sa ganyan kagarbong paaralan ako mag-aaral? 

"Let's go," aya ni Daddy. Ni hindi ko namalayan na naibaba niya na mula sa sasakyan ang mga gamit ko. I took a photo of the school but when I was reviewing it, walang nasisave sa gallery ko. Weird. 

"Switzel!" Dali-dali na akong naglakad nang tawagin din ako ni Mommy. 

Nang tuluyan kaming makalapit sa lugar, walang gate o kung ano na bumungad sa amin. The arc type doorway engraved with gold letters that says Royalties Magical Academy at ang iilang estudyanteng naroon ang bumungad sa amin. Everybody's busy on what they're doing kaya iilan lang ang pumansin sa presensya namin nina Mommy. Ang iilan ay nagawa pa akong tignan mula ulo hanggang paa. Weird school name and weird people. 

Nagtuloy-tuloy lang kami sa hallway ng school na 'yon hanggang sa pumasok sina Mommy at Daddy sa Head Office. Agad din akong sumunod sa loob dahil hindi ko na ata kayang tagalan ang tinginan ng mga tao sa labas. 

"Good afternoon, Valderamas," bungad nung lalaking nakaupo sa swivel chair, nakatalikod sa gawi namin. Agad naman siyang humarap saka kami nginitian. 

"Alam mo na ang sadya namin, sir Orquez," ani Daddy saka hinila ako papalapit kaniya. "This is Switzel, our daughter," he added. 

"Beautiful," ani Sir Orquez then he smiled at me. Don't tell me, may pagnanasa siya sa akin?! Ew! 

"The time is near..." I noticed how Mommy hesitated. "Wala pa siyang alam so please, sabihin at ipaliwanag niyo sa kaniya nang paunti-unti. Huwag niyo siyang bibiglain," she added. 

"We will," tugon ni sir Orquez saka muling tumingin sa akin. "Welcome to RMA, Ms. Switzel Valderama."

"Thank you, sir," yumuko pa ako nang konti bilang paggalang. 

He smiled then in a snapped, he's handing a paper to me. Halos balutin ng takot ang sistema ko dahil hindi ko man lang nakitang gumalaw ang kamay niya o ano. "This will be your guide rito sa RMA. The place where magic begins at 16th..." he smiled again. 

I accepted the paper saka mabilis na tumabi kay Mommy. Nang buklatin ko iyon, lumitaw ang isang I.D na naroon. Kumpleto mula sa pangalan at iba pang importanteng detalye tungkol sa akin. Sa likod ay isang key card na may nakaukit din na pangalan ko. Nang suriin ko ang papel, mapa ang nakita kong nakalagay roon. 

"Brixx will accompany you sa girl's dormitory, Valderamas," ani sir Orquez at pumasok sa office ang isang lalaking may suot na black suit. Sosyal! 

"This way, please," sabi nung Brixx sa amin at naglakad na rin palabas. Pumasok siya para lumabas ulit. Pfft! Agad naman akong sumunod sa kaniya dahil hindi ko gusto ang vibe sa loob ng opisina ni sir Orquez. 

Dire-diretso kami hanggang sa makatagos kami sa isa pang arkong doorway. Halos mapanganga ako sa laki ng RMA. May malawak na open court sa gitna at may mini garden na mayroong fountain sa dulo ang napapalibutan ng sari-saring building. 

Tuloy-tuloy lang ang lakad namin ngunit sa bawat madadaanan, hindi ko mapigilang mamangha. Kumpleto ang RMA sa kung ano-anong bilihan na naisin mo. Ngunit agad din akong napangiwi nang marating namin ang dulo ay wala pa rin akong nakikitang fast food chains. May dalawang entrance ang building na nasa harap namin ngunit sa kaliwa kami dumaan dahil iyon daw ang girl's dormitory. Ang nasa kabila, ayon sa mapa dahil hindi nagsasalita si Brixx, ay ang boy's dormitory. 

Hanggang doon, pinagtitinginan pa rin kami. Siguro'y nababother sila sa presensya namin o hindi naman kaya'y dahil sa cute na hello kitty design ng maleta ko. Oo na, ako na ang soon to be 16 years old na isip bata. 

Sumakay kami ng elevator at pinindot ng Brixx yung '36'. Grabe lang! Floor 36 pa ang magiging kwarto  ko?! Patayan 'to everyday ganern? 

"Kuya Brixx," agad niya akong nilingon. "Floor 36 pa ang kwarto ko?" 

"No. 36 means third floor, hallway no. 6," inalis niya rin agad ang tingin niya sa akin. Napanguso naman ako sa nalaman. 

Nang makababa kami ng elevator, ilang pasikot-sikot pa ang dinaanan namin hanggang sa makarating kami sa isang kwarto na may naka-engraved na 2390 sa pinto nito. 

"This will be your room, miss Valderama. Tap your key card to lock or to unlock it. Isa pa, kung ano ang room number mo, ayon din ang missing four numbers sa student number mo. Welcome to RMA," paliwanag ni Brixx na medyo nagpaamaze sa akin dahil hi-tech na pala sila rito. Hindi kasi halata sa lugar. Pansin ko na lumingon ito nang bahagya kina mommy at daddy. "Hanggang dito na lang po kayo."

Mom let out a sigh saka yumakap sa akin. Ganun din ang ginawa ni Daddy. 

"Take care of yourself okay? We can't be here on your birthday. I'm sorry," ani Mommy. 

"It's okay Mom. Take care also."

I bid goodbye saka tinanaw nalang ang likod nila nang isama na ulit sila ni Brixx pababa. 

Pinasok ko na ang mga gamit ko sa magiging kwarto ko. It's cute. Color pink and blue kasi ang color ng room. Pagkatapos kong mag ayos ng mga gamit ko, I looked at the window and I was amazed again by the view. I still can't believe na sa ganitong environment na ako gagalaw. 

Still, there's something that tells me that this school is not an ordinary one. There's something strange happening and I will find out about it tomorrow.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bn 002 book-00130   chapter 68

    My drawing on the talisman looked like it had been drawn by a blind chicken and was rightly rather skeptical about my sh*tty talisman being able to save me in times of crisis. I wanted to ask Liu Longting to stay with me until the task was finished, but before I even had the chance to speak, Liu Longting gave my cheek a hard pinch. “If you harm our child after I leave, I’ll make sure that none of your family members live to see another day.” Was he threatening me? When Liu Longting was pleasing me earlier in the day, I thought he actually felt something for me, but I was wrong. It was all for the sake of the baby snake that I was carrying in my belly! D*mn it! I pushed Liu Longting’s hand away from my face and said, “I hate you. You better pray that I don’t get eaten by that thing. If I die, your baby will surely die with me!” After hearing what I said, Liu Longting paused for a moment before letting out a soft chuckle. He responded, “Of course I don’t want you to die. Don’t

  • Bn 002 book-00130   chapter 67

    After dinner, Laker escaped his townhouse with Ostana in his arms, claiming that he had ‘pressing issues’ to deal with - though I am pretty sure the only ‘pressing issue’ was in his pants; leaving Emrys and I alone with each other. He sat on one side of the couch, me on the opposite and in front of us, some Netflix show played mindlessly on the television, my fingers busy texting my mom.

  • Bn 002 book-00130   chapter 66

    - Por favor, me solta... Por favor - implorava enquanto estava sendo arrastado pelo chão de uma casa que eu desconhecia, um pano cobria meus olhos me impedindo de ver quem me arrastava, mas pela força deduzi ser um homem.Ainda estava me debatendo e tentando me soltar de suas mãos grandes quando ele por fim me levantou e me colocou em uma cadeira.- Me solta! - Gritei jogando a força do meu corpo pro chão na esperança de me livrar de sua pegada, uma tentativa falha.- Cala a boca - Sua voz entrou em meus ouvidos causando uma série de arrepios duradouros e de grande intensidade, a voz era masculina como eu suspeitava a pouco. Por essa razão tentei me libertar mais ainda, o que resultou em um tapa certeiro no rosto, desequilibrando a venda, me permitindo enxergar de uma maneira limitada.- Se não ficar quieto vou arrancar a sua língua! - Gritei mais desesperadamente do que antes e desta vez derrubando tudo ao me

  • Bn 002 book-00130   chapter 65

    Bang!Yvonne’s forehead collided against the windshield and she gasped in pain.Henry didn’t expect that at all. He promptly slammed on the brakes and the car screeched to a halt before he unfastened his seatbelt and then reached out to check on her.A frown instantly appeared on his face when he saw a large red patch on her forehead. “Why are you such an idiot?”Yvonne was a little annoyed. “Who are you calling an idiot? I was just caught off guard by your question...”“You’re just feeling guilty, aren’t you?” Henry shot her a cold glance, then opened the small fridge. He took out a can of cold beer and tossed it to her. “Use this on it. Wouldn’t want Grandpa to see it and think I did that to you.”“Wasn’t that what happened?” Yvonne muttered under her breath.That didn’t escape Henry’s ears and he gave her the silent stare.Yvonne shrank in her seat and said nothing else.The man looked away, then tapped his finger on the steering wheel. “Spill it. Why did you go looking for

  • Bn 002 book-00130   chapter 64

    "Ms. This is my report for this month" I confidently said while giving them my report. I feel like it was my success. I worked for that for straight one week!She does skimming in my report "This was good. You did a great job, Sylvie" she said, and then she put down the mountain of papers that I gave her. "I hope you will work harder, you can be the employee of the month, Sylvie" I curved my lips into a smile. I feel so proud of myself. Accomplishing my report is an achievement for me. "You can have your rest day for this week

  • Bn 002 book-00130   chapter 63

    One week of being a husband, an unexpected incident occurred. To be precise this morning, when Sean was getting ready to leave for his office.“So I go to school without wearing sanitary napkins ?! Later, if the blood is translucent, how about it, uncle?”Anjani comes in months, and Sean doesn’t know what to do.“You can use the tissue first!”“Uncle thinks my vagina is bleeding!”Sean growled, “So what should I do?” Sean asked trying to be calm, but believe me, his chest is rumbling violently with the emotion he’s holding back.Anjani crossed her chest, staring irritably at the insensitive Sean, “Buy me a sanitary napkin, the one with wings.”“Hah?!” Sean’s eyes opened wide, his jaw dropped at once upon hearing Anjani’s request.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status