Share

chapter 30

Author: Gn003
last update Petsa ng paglalathala: 2023-12-01 21:49:40

Kabanata Labing-tatlo

May kaputian na ang buhok, subalit matikas pa rin ang tindig. Sa edad na limampu't lima hindi nito nakakalimutan mag-jogging sa umaga at magbuhat kapag may oras. Buhok lang nito ang nagpapakitang matanda na subalit hindi ang mukha. May lahing Kastila si Sir Suarez kaya maputi ang kutis nito, hugis-puso ang hugis ng mukhang ngayon ay nagpapakita ng pagka-arogante, may matangos ng ilong na umamoy sa kalamnan ng buhat-buhat na lalaki. Manipis ang mga labi nitong kinulayan ng dugo at ang tanging nagpapakita na Pilipino ang lalaki ay ang mata nito na dark brown.

Nakikipagtitigan si Edgar sa matanda nang biglang isang malagkit na bagay ang humablot sa kanyang kanang braso, hinila siya pataas at hinarap sa nagmamay-ari niyon—si Sir Tawa. Ngayon ay nakatayo na ito sa ibabaw ng mesa, mata sa mata at ang malagkit na nakapulupot sa kanyang braso ay ang mahaba nitong dila.

Ha! Tongue is the strongest muscle, indeed.

Mataman na tinignan ni Edgar si Sir Tawa. Humalukipkip naman ang lalaki at ngumisi. "Nafapatigas palaga ng ulo mo fata. Ta tofrang patigasan ng ulo mo, feto nafifit ka."

Dahil sa paranoia na muling bumalik nang magkita silang dalawa ng babae. Lalong bumilis ang pag-iisip ni Edgar ng mga paraan para makaalis sa lugar na ito. Sa katiting na oras na iyon ay nakabuo na siya ng plano at mga gagawin.

"Hindi ko maintindihan ang language ng mga bulol. Kung ibaba mo kaya ako?" suwestiyon niya sabay tuhod sa baba nito pero hindi ito natinag.

Agad namang nainis si Sir Tawa; npangiwi si Edgar sa kirot nang ibaon ng matabang lalaki ang daliri sa kalamnan, kinalikot nito ang loob niyon at hindi tumigil hanggang sa magpakawala siya ng sigaw. Nagpapakita ng labis na saya ang mukha ni Sir Tawa nang hugutin nito ang daliri, subalit agad itong nadismaya nang tinignan ito at nandidiring winagwag.

"Bakit hindi mo dinilaan?" sarkastikong tanong ni Edgar. "Masarap pa naman 'yon," at nginisian si Sir Tawa.

"Inufil hinfi awo Tikfik!" Sa sinabi ni Edgar lalong nainis si Sir Tawa. Winagayway nito na parang bandila ang binata at malakas na hinagis.

Tumama si Edgar sa pader ng freezer, hindi pa man siya nakakabangon ay isang pares ng sapatos ang humarang sa kanyang paningin; hinablot ng nagmamay-ari niyon ang kanyang buhok at pilit na pinaluhod.

"Kung hindi mo alam, mga Aswang kami at nahahati kami sa dalawang uri," sabi ni Sir Suarez, halatang may pananabik sa boses. "Maranhig sina Rommel, mga patay na aswang at ang tanging kinakain nila ay mga patay din; samantalang ako..."

Nanalki ang mga mata ni Edgar nang bumaon ang mga dilaw at mala-lagaring ngipin ni Sir Suarez sa kanyang balikat. Walng tigil sa pagpapakawala ang bibig niya ng sigaw dahil tila dinudurog ang kanyang buto.

Labis na natutuwa si Sir Suarez sa nakakabinging hiyaw ng inata habang nilalasap ang sariwang dugong pumapasok sa kanyang bibig. Walang balak tumigil ang matanda kung hindi lang niya nakitang namumutla na ang balat ng lalaking gusto niyang pahirapan. Nang itulak niya ang katawan ni Edgar sa pader, agad sumalampak ang katawan nito sa sahig; hingal na hingal at alam niyang hindi na makakalaban ang binata sa anumang kanyang gagawin.

Lumapad ang pagkakangiti ng matanda at tinawanan lamang nito ang kahabag-habag na itsura ni Edgar. Mabilaukan ka sana ng sarili mong laway animal ka, galit na galit niyang dalangin ngunit hindi iyon nangyari.

Sa tingin ni Sir Suarez sa kanya ay wala na siyang magagawa, masakit man subalit iyon ang tunay. Nahihilo na si Edgar sa kawalan ng dugo, unti-unti na ring lumalabo ang kanyang paningin at inaanyayahan siya ng katawan na humimbing pero pilit niya iyong nilalabanan. Mayroon pa siyang nais gawin at hindi niya hahayaang sakupin siya ng kamatayan hanggang hindi niya iyon nakakamit.

Kung totoong nakikinig si Bathala, sana magpadala rin siya ng mga alagad niya. Ayoko pang mamatay, gusto ko pa siyang makita... para maghiganti. Umiling-iling ako sa kanyang naisip, hibang ka Edgar.

"Maganda ang pinakita mo, Edgar," anito saka umupo sa harap niya. "Nakakatuwa, gusto ko ang mga sigaw mo. Tumayo ka diyan at maglaro tayo ng habulan, ang matalo ay siyang kakainin ko." Naningkit ang mga mata nito sa sobrang pagkakangiti at unti-unting humahaba ang mga kuko.

"Hindi na ako bata para maglaro," sabi niya. Hinawakan niya ang manhid nang balikat upang mapigilan pa ang pagpapalabas ng dugo. Ngumisi si Edgar sa matanda pagkaraan, alam niyang magagalit agad ito sa kanya. "Kung gusto mo akong kainin, kainin mo na ako habang hindi pa ako panis. Kapag namatay ako sayang ang pagkain mo." Madali lang naman naintidihan ni Edgar ang sinabi nito. Isang Tiktik si Sir Suarez at ang kinakain lang niya ay mga buhay.

Marahas na hinablot ng matanda ang kanang braso ng binata at pinilit na pinatayo. "Edgar, mas masarap ang pagkain kapag tumatakbo at natatakot," anito saka muling tinulak.

Nang sumayad ang likod ni Edgar sa pader ay muling dumausdos pababa ang walang lakas na katawan. "Lintek ka... ina ka." Nanghihina man ay hindi pa rin mapalis ang ngiti sa kanyang labi. Pinilit ni Edgar igalaw ang kamay at kinapa ang bagay sa kanyang bulsa. Iyon na lamang ang natatangi niyang pag-asa para makalabas dito, tamang-tama nasa kanan iyon. "Okay, tatakbo ako... pero gusto kong makakuha ng... sagot," sabi niya sa tonong wala ng pag-asa.

Bahagyang lumapit si Sir Suarez sa binata at sinabing, "Wala ka sa posisyon para magtanong."

"Exciting naman 'yun." Pumikit si Edgar at inuntog ang sariling ulo. Sa ginawa ay tuluyan na siyang nilubayan ng antok.

"Iniisip mo bang makakalabas ka rito? Pwes, kahit makalabas ka rito, Edgar, walang maniniwala sa iyo. Ang alam nila, nababaliw ka na naman."

"Gagawa ako... ng paraan... maniwala sila," seryoso niyang tugon.

Natigilan si Sir Suarez sa sinabi ni Edgar. Kilala siya ng matanda at alam nitong gagawin niya ang mga sinabi anuman ang mangyari gaya noong nilutas nilang dalawa ang kaso na hawak noon. Lumapad ang pagkakangisi ni Edgar nang nawala ang ngiti sa mga labi ng matanda, ginamit niya iyon bilang pagkakataong magtanong kahit na hinihingal.

"Sino ang... mastermind?" Hindi sumagot si Sir Suarez, miski ang mga ibang aswang ay nanatiling walang imik. "Bakit n'yo... pinapatay ang mga... politiko?" Wala pa ring kibo ang Hepe ng CIDG San Juan. Humugot nang malalim na hininga si Edgar saka muling nagsalita, "Huwag mong itanggi dahil alam kong katulad n'yong hindi normal na tao ang pumapatay. At higit sa lahat," nakuyom niya ang mga kamao, "bakit n'yo pinatay ang mga pamilya namin?"

"Hindi ko alam kung bakit nila pinatay ang pamilya n'yo. Siguro corrupt din sila gaya ng mga pinapapatay nila." Sa wakas ay nagsalita na rin ang matanda.

Kinuha ni Edgar ang lakas na unti-unting bumabalik sa kanya at hinila ang sarili para makatayo. "Sino sila?"

Kumunot ang noo ni Sur Suarez, napipikon na ang matanda kaya hinanda na ni Edgar ang anumang susunod na mangyayari. "Wala kang kailangang malaman dahil kapag nagsalita kami magagaya lang kami sa Barang na iyon!" sagot nito sabay turo sa kanan. Saglit na sinundan ni Edgar ang tinuro nito, nakita niya roon ang katawan ng lalaking nakasabit sa kadena na parang kinatay na baboy, si Marcus!

"Bakit kayo biglang nawala? Nakita ko kayo sa record ng mga nawala noon. Ikaw, si Sir Tawa at si..."

"Ramon Sandoval," dugtong ni Sir Tawa sa pangalan ng taong hirap niyang banggitin.

Tila binayo ang dibdib ni Edgar gaya nang naramdaman niya noong makita ang pangalan nilang tatlo sa listahan. Inaalis niya sa isipan na marahil si Ramon ang nagpadala sa babaeng iyon para paslangin ang kanyang pamilya. Natatakot siyang malaman na ang taong umampon sa kanya at binigyan ng tiwala ay ang walang-hiyang tao na iyon. Ngunit kahit anong gawin niyang waglit ay malaki ang posibilidad, kung totoong kasabwat ang ama-amahan sa kanila at kung tama ang hinala niya na kaya sila nawala ay para gawing aswang.

Ngumiti si Sir Suarez kay Edgar, ngunit nakikita niyang may bahid ng kalungkutan ang mga mata nito. "Kung makakalabas ka ng buhay, Edgar, bakit hindi mo tanungin ang umampon sa inyo?"

Sinulyapan ni Edgar ang ilang naroon, lalo na si Sir Tawa, na ngayon ay nakatingin na lang sa kanila. Hawak man nila ang mga laman-loob ng mga bangkay, hindi nila ito makain dahil sa kalungkutan. "Bakit hindi n'yo ito pinaalam?"

"Sabing wala kang kailangan malaman!" pagalit na tugon ng matanda; nanlilisik ang mga mata nito na ngayon ay kulay dilaw na. "Hawak nila ang buo naming pagkatao, Edgar! Hindi namin ito gusto, pero wala kaming magagawa laban sa kanila!"

Biglang umatake ang matanda gamit ang mga mahahaba nitong kuko. Nagawa naman iyong naiwasan ni Edgar at mabilis na tumakbo, ngunit mas mabilis ang matanda at muli siyang inatake. Kung hindi siya agad nakayuko ay marahil ay napugutan na siya ng ulo. Naghiyawan na sina Sir Tawa at ang ilang pang nasa loob. Muli nilang pinagpatuloy ang pagkain na parang popcorn at ang nangyayari sa dalawa ang action movie.

Muling nag-isip ng plano si Edgar, nagkamali siya ng kalkula dahil iba ang mga aswang na napapanood nilang dalawa ni Jared sa mga pelikula. Hindi niya akalain na mabilis silang kumilos sa totoong buhay—well, hindi naman niya akalain na totoo talaga sila. Imbes na hawak niya ang paghahabulan ngayon, siya pa yata ang pinaglalaruan ni Sir Suarez.

Muling umilag si Edgar sa matatalas na kuko ng matanda. Tumawa lang ang lalaki at muling winasiwas ang limang mahahabang kuko na sa tingin niya ay anim na pulgada ang bawat isa. Umiwas ulit siya at tumakbo, muntikan pa siyang masaksak nang gumulong siya patungo sa isang mesa. Nagpatuloy ang kanilang habulan, atake ni Sir Suarez at pag-ilag ni Edgar. Nagpatuloy ang paglalaro nila hanggang sa na-corner na siya ng lalaki.

"Alam mo ba, Edgar, hindi tulad sa mga Maranhig, ang mga Tiktik ay iba't iba ang tunay na anyo?" anito sa tono gaya ng mga nag-uulat sa telebisyon.

"Wala akong... pakialam," humahangos na tugon niya.

Tumawa si Sir Suarez; nanatiling nakatingin sa kanila ang mga Maranhig, nakangiti habang kinakain ang ilan pang laman-loob ng mga bangkay. "At least bago ka mamatay may nalaman ka sa amin kahit papa'no."

"Hindi pa ako mamamatay, kakainin mo ako ng paunti-unti 'di ba?" sarkastiko sabi ni Edgar at binigyan ang matanda ng pinakamaganda niyang ngisi.

Ngumisi rin sa kanya si Sir Suares at bigla'y umitim ang mukha nito na tila nasunog, kumalat iyon pababa sa leeg at sa kamay. Nagsilagutukan ang mga buto nito pagkaraan at kasabay n'on ay namantsahan ng pula ang puti nitong polo at napunit ang stripe blue slacks na suot. Naglaway ng husto ang matanda habang nagpapalit ng anyo, mula sa mas lalong humahaba nitong dila ay tumulo ang laway nitong agad sumagitsit nang bumagsak sa sahig. Hindi nagtagal kumpleto na nito ang pagbabagong-anyo. Sa itsura ng lalaki ay para lang itong tipikal na taong-lobo sa mga palabas na napanood ni Edgar kaso hindi ito mukhang lobo, mukha itong asong may mahabang dila. Tumingin ang matanda sa kanya. Ngumisi at tinalsikan siya ng laway; bagamat mabilis siyang nakaiwas ay natalsikan pa rin siya sa kanyang pantalon.

"Akala ko ba uunti-untiin mo ako?" sabi ni Edgar na parang nagtatampo at pinagpag pa ang nabutas na suot. "Sa isang hagupit ng dila mo malulusaw ako."

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • GN003 book 21000000101   chaopter ssss

    Chapter test, please forgive me A a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a B b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b C c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c D d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d E e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e F f f f f ff f f f f f f f f f f f f f f f f f f f f f f f f f f f f f f G g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g H h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h I i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i J j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j K k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k L l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l M m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m mm m m m m m N n n

  • GN003 book 21000000101   chapter 68

    1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d

  • GN003 book 21000000101   chapter 67

  • GN003 book 21000000101   chapter 66

    DOUBLE HAPPINESS Mrs. Adel and Russo followed the two nurses with the twins to the nursery room, to make sure where the babies were placed. The twins were very special babies in the nursery room. The two nurses can not just leave the babies, they were assigned to take care of the babies properly and protect them. There were two securities guarding the nursery room. Babies being brought would be checked first. After Jade was brought out from the operating room, she was brought up to the VVIP hospital level. The floor level was only for Medrex Family Hospital Ward, it was not used for other patients unless Master Javen allowed.&n

  • GN003 book 21000000101   chapter 65

    Estaba emocionado, ese día era su gran debut, se había levantado temprano y había acudido al circuito con su padre, mientras que su madre, sus hermanos y su novia, llegarían posteriormente para ubicarse en la tribuna Fangio, situada a lo largo de la recta principal, donde podían darle seguimiento a la actividad previa y posterior a la carrera, así como a la apasionante salida y la memorable meta.Al llegar al circuito, una de las primeras personas que vio fue a su amiga Camilla que estaba en el pit stop con otros mecánicos, haciendo las últimas revisiones a los monoplazas de su escudería que participarían en la carrera, la chica cargaba la braga que la identificaba como mecánica de la Scudería Ferrari, al verlo salió del Pit, hacia un pasillo, Taddeo la siguió y la inc

  • GN003 book 21000000101   chapter 64

    Antonia estaba jugando tenis, con Alondra y Matteo en una de las canchas de la villa, mientras Nick y Sophía los observaban, cuando se dio cuenta de la llegada de Sebastián y uno de los gemelos, que estaban siendo acompañados por una persona de servicio hacia Nick y Sophía, donde se saludaron y se quedaron conversando; ella extendió su mirada hacia ellos y supo que el niño que lo acompañaba era Camillo, eso la sorprendió un poco, pero ya sabía que era Anabella y aunque no recordaba, esto era otro indicio de quien era realmente, ¿Por qué cómo se podía explicar que una desconocida supiera identificar a unos niños que son exactamente iguales físicamente? porque de carácter eran muy distintos, uno era más tranquilo, metódico conciliador, raramente creaba conflictos el otro era impulsivo, irreverente, combativo, aunqu

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status