Share

chapter 45

Author: Gn003
last update publish date: 2023-12-02 02:01:10

17

Alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam ng isang malakas at makapangyarihang presensya. Alam kong pati si Vayne ay nararamdaman rin iyon sa babaeng kalahating kabayo o unicorn na biglang sumulpot sa harapan namin ngayon.


Pero mabuti naman at meron nang nilalang rito na nagsasalita sa lenggwahe namin. Kaya lang, mukhang hindi madaling kausapin ang babaeng ito.


Pabalik balik naman ang tingin sa amin ng babae kay Vayne at sa akin hanggang sa bigla na lang siyang mahinang tumawa na siyang kinataka namin ni Vayne.


"Biro lang," nakangiting saad niya sa amin. Kahit purong puti ang mata niya ay lalong gumanda siya dahil sa pagngiti niya. "Mga manlalakbay siguro kayo, ano?"


Nagkatinginan lang kaming dalawa ni Vayne. Parehong nag-uusap kaming dalawa gamit ang mata kung sino sa aming dalawa ang sasagot para magsinungaling sa kumakausap sa amin. Pero sabay din kaming napatigil nang marinig ang mahinhing tawa ng misteryosang babae.


"Ano? Naglaho na ba ang mga dila niyo? Bakit hindi kayo nagsasalita?" wika nito sa amin.


Kaagad ko namang tinulak si Vayne paharap para siya na ang kumausap sa babae.


"Ah! Oo! Manlalakbay kami!" pinasigla ni Vayne ang boses niya at tumawa tawa pa pero nahalata kong medyo paalanganin ito. "Kasi diba naglalakad kami? Ganun! Kaya manlalakbay yata kami!"


Napakunot noo ako. Anong yata?! Bakit hindi niya pa sinigurado? Anubayan.


Napatango tango naman ang babae at kalaunan rin ay kumurba ang labi nito. "Kung ganun, anong pakay niyo pala rito? May hinahanap kayo, nakasisiguro akong hindi lang kayo basta napadaan rito."


"Paano mo nalaman?" tanong ko kaya napatingin naman siya sa akin dahil sa biglaan kong pagsalita.


Ngumiti siya, "Ako ang tagapagbantay ng kagubatan na ito kaya alam ko lahat ng nangyayare rito," tugon niya sa tanong ko. "Bukod pa roon, may kakayahan rin akong malaman kung may masama o mabuting hangarin ang bawat taong tumatapak sa teritoryo ko," dagdag pa niya.


"Nararamdaman kong may pakay kayo rito. Pero nakasisiguro akong hindi masama iyon. May maitutulong ba ako sa inyo?"


Tinignan ako ng makahulugan ni Vayne na parang sinasabi niya na sabihin ko na kung ano ang dapat kong sabihin sa babaeng kausap naming dalawa.


Naglakad ako palapit sa kanila at pagkatapos 'nun ay nagsalita na ako.


"May hinahanap kami," seryosong sabi ko. "Naghahanap kami ng daan palabas ng kaharian na ito. Isang daan na kung saan ay hindi kami matutunton ng mga tao. Maituturo mo ba sa amin kung saan ang daan na iyon?"


Napakurap kurap naman ang babae sa sinambit ko.


"Ikinalulungkot ko pero hindi ko maituturo sa inyo ang daan na hinahanap niyo," pagpapaunmanhin niya sa amin.


"Pero bakit?" kaagad na tanong ko.


Mapait siyang ngumiti sa akin, "Hindi pa ako nakakalabas ng kagubatan na ito kaya wala akong alam pagdating sa mga daan na sinasabi niyo."


Bumagsak naman ang balikat ko dahil sa pagkadismaya ko sa sinabi niya. Pero maya't maya ay muling nagliwanag ang mukha ko dahil sa sunod na sinabi niya.


"Pero matutulungan ko pa rin kayo. Maraming mga nilalang rito ang sa tingin ko ay alam ang sagot sa mga katanungan niyo."


"Talaga?" natutuwang tanong ko.


Ngumiti naman siya sa amin atsaka na siya tumalikod, "Sumunod kayo ngayon sa akin."


Nginitian ko muna si Vayne bago ako nagpatiuna na sa paglalakad para sundan ang babae. Maya't maya rin ay saka ko na naramdaman ang presensya ni Vayne na sumusunod na rin sa amin sa paglalakad.


Habang naglalakad kami ay maraming katanungan ang ibinigay sa akin ng babae at karamihan roon ay puro kasinungalingan. Sa hindi ko malamang dahilan, bigla akong nakakaramdam ng kaba sa tuwing may lumalabas na kasinungalingan sa bibig ko. Base sa kinikilos kasi ng babae ay parang nararamdaman niya na hindi totoo ang sinasabi ko. Kinakabahan ako kasi paano kung kaya niya palang magbasa ng isip ng tao at inililihim niya lang iyon sa amin.


Talaga bang iyon ang kakayahan niya? Ang malaman lang kung may mabuti o masamang hangarin ang isang tao?


Naalala ko tuloy dati sa inileksyon sa amin ni Lady Annora sa ampunan. Ang Lux Forest daw ang pinakaligtas na kagubatan sa buong kaharian. Kaya dito ko napiling makipagkita kay Vayne nang pinatakas ko siya bago pa siya mahuli ng mga knights.


Pero ngayon mukhang alam ko na ang dahilan. Dahil sa kakayahan ng tagapagbantay. Kung wala kang masamang intensyon, hindi ka sasaktan ng nilalang na ito. Bukod pa roon ay mababait rin ang ibang nilalang na nandirito. Parang wala yata silang kakayahang manghamak ng ibang tao. Kaya siguro ito ang responsibilidad ng tagapagbantay nila. Ang protektahan sila.


"Ano palang pangalan mo?" bigla kong naisipang itanong sa babae habang sinasabayan namin siya sa paglalakad.


Napatigil naman siya sa paglalakad at namamanghang bumaling sa amin ang tingin niya, "Ngayon lang ako nakasalamuha ng mga manlalakbay na nagka-interesado sa pangalan ko," nakangiting turan niya. "Ako nga pala si Meira. Kayo? Anong mga ngalan niyo?"


"Red," banggit ko sa pangalan ko atsaka ko tinuro si Vayne. "Siya naman si Vayne."


Kumurba ang labi niya naman pagkatapos naming ipaalam sa kanya ang mga pangalan namin.


"Akala ko magsisinungaling ka uli," nanlaki naman ang mata namin pareho ni Vayne dahil sa sinabi niya kaya natawa na naman siya ng mahina dahil sa reaksyon naming dalawa.


"Huwag kayong mag-alala," ang sabi niya. "Nakakadama lang ako kapag hindi totoo ang sinasabi sa akin pero wala pa rin akong kakayahang basahin ang isip niyo."


"Totoo rin ba ang sinasabi mo?" nagdududang sabi ni Vayne. "Na hindi mo talaga nababasa ang isip namin?"


Mahinhing tumawa muli si Meira, "Kung nababasa ko ang isip niyo hindi ko na dapat kayo binigyan ng madaming tanong," pagkatapos niyang sabihin iyon ay pinagpatuloy niya na ang paglalakad.


"May balak ka bang sabihin sa kanya ang totoo? Kung ano talagang nangyare sa atin? O sa akin?" mahinang sabi niya sa akin.


"Hindi naman niya kailangan malaman. Kaya nga di na siya nag-abalang magtanong kahit alam niyang nagsisinungaling ako," tugon ko naman sa kanya. "Tara na." yaya ko atsaka na ako sumunod kay Meira.


Mahaba haba rin ang nilakad namin. Hindi ko akalain na sobrang lawak pala ng Lux Forest.


Hanggang sa makarating kami sa isang falls. Napaliligiran rin ito ng mga pixies at ng mga alitaptap kaya nagliliwanag ang lugar ito. Nagliliwanag rin ang tubig dahil sa mga isdang lumalangoy roon na may makikintab na mga kulay.


Napakamahiwaga at magandang tignan. Matagal kong pinagmasdan ang buong lugar dahil sa pagkamangha.


Nagulat naman kami ng bigla na lang may lumitaw na mga babae sa tubig. Nanlaki ang mga mata ko. Mga sirena!


Ang buong akala ko'y sa karagatan lang namin sila matatagpuan. Meron rin pala dito sa gubat na ito.


Nang mabaling ang mga tingin nila kay Meira ay kaagad nilang iniyuko ang mga ulo nila bilang pagbati.


Pagkatapos nilang magbigay galang kay Meira ay kaagad naman sila kinausap nito gamit ang kakaibang lenggwahe. Kaya nanahimik na lang kaming dalawa ni Vayne dahil hindi naman namin maintindihan ang mga salita nila.


Maya't maya ay natapos na rin ang pag-uusap nila. Binalingan kami ng tingin ni Meira atsaka siya ngumiti sa amin.


"Ayon sa mga sirena na nandirito," sabi niya sabay sulyap sa mga sirenang kinausap niya. "May isang ilog rito na ang daan ay papuntang timog-kanluran. Dire-diretso na ito palabas ng kaharian," nakangiting saad nito sa aming dalawa ni Vayne.


"Saan matatagpuan ang ilog na 'to?" tanong naman ni Vayne.


Sumulyap naman si Meira sa mga sirenang kinausap niya.


"Gheur bivin deru fertes?"


"Lu ruis jul ynmar. Fhir nhomli pyr fino hul'ien," kaagad na sagot ng isa sa mga sirena habang nakarehistro ang ngiti sa mukha nito.


Lumingon sa amin si Meira, "Matatagpuan ito sa isang maliit na bayan. Matatagpuan niyo ito kapag narating niyo ang pinakadulo ng kagubatan na ito sa kanluran," sabi niya. "Kapag narating niyo na ang bayan na iyon, may matatagpuan kayong kagubatan malapit roon. Doon nagtatago ang ilog na tinutukoy nila," sabay sulyap niya sa mga sirena na sabay sabay na ngumiti sa amin.


"Nasisiguro ba kayo na walang masyadong tao ang bayan na iyon?" tanong ko sa mga sirena. Kaagad namang nagsalita si Meira sa ibang lenggwahe upang maintindihan nila ang sinasabi ko.


"Fyn chlir fyuir revun wyrdes tilven." sabi ng isang sirena. "Hyer jhir ju yhal'sen."


"Sa pagkakaalam nila, maliit lang ang populasyon ng mga tao roon. Hindi nila kayo kaagad matutunton," napatango tango na lang ako sa sinabi ni Meira. Mabuti na lang at hindi na nagtanong ang mga sirena kung bakit ayaw naming may makakita sa aming mga tao.


Nang matapos na ang pag-uusap namin sa mga sirena ay sinamahan naman kami muli ni Meira sa paglalakad.


"Kung sa ilog tayo dadaan," ani ko. "May mapagkukuhaan kaya 'roon ng bangka?"


"Malayo sa dagat ang lugar na tinutukoy nila kaya paniguradong walang bangka 'don," kaagad na sagot ni Meira.


"Kung ganun, paano tayo makakadaan sa ilog? Ako, walang problema sa akin dahil kaya kong magpalit anyo bilang ibang hayop pero paano ikaw?" tanong ni Vayne sa akin.


Maya't maya ay muli na naman naming narinig ang mahinhing tawa ni Meira.


"Nagpaparinig ba kayo o nahihiya lang kayo humingi ng tulong?" natatawang saad nito sa amin.


"Huh?" tanging naging reaksyon ko na lang sa sinabi ni Meira.


"Sige, gagawan namin ng paraan iyang bagong pinoproblema niyo," naguguluhang sinundan naman namin siya sa kanyang paglalakad. Hanggang sa makarating kami sa isang lugar na pinagkukumpulan ng mga maliliit na nilalang na nakasalamuha namin kanina. Ang mga pixies, gnomes, brownies at leprechauns.


Katulad nang ginawa ng mga sirena kanina ay iniyuko rin nila ang mga ulo nito bilang pagbati kay Meira. Kinausap naman sila kaagad ni Meira gamit ang ibang lenggwahe at matamang nakinig naman ang mga ito sa kanya. Nang matapos naman ang usapan nila ay masiglang kumilos na ang mga ito kaagad agad.


Nakangiting binalingan naman kami ng tingin ni Meira, "O! Wala na kayong magiging problema sa bangka na sinasabi niyo!" nagagalak na balita nito sa amin.


Napakunot noo si Vayne, "Huwag mong sabihing sila ang gagawa ng bangka na gagamitin namin?" unti unting nanlaki ang mata niya.


Napangiti naman si Meira, "Naku huwag mong mamaliitin ang mga nilalang na ito. Mas mabilis silang makatapos ng gawain kumpara sa inyong mga tao. Makikita niyo! Mamangha kayo ng sobra sa kanila," nasasabik na turan sa amin ni Meira.


Pinagmasdan lang namin ang mga maliit na nilalang na inuumpisahan nang gawin ang bangka na gagamitin namin. At base nga sa binanggit sa amin ni Meira ay mukhang tama nga ang sinasabi nila. Dagdag pa roon ay habang unti unti nila itong ginagawa ay nakikita na namin kung gaano kaganda ang pagkakagawa nila.


Dalawang oras lang yata ang lumipas pero natapos na nila kaagad ang bangkang gagamitin namin. Pinalibutan naman ito ng mga pixies atsaka may lumabas na mga liwanag mula sa kanila. Bigla namang unti unting lumiit ang laki ng bangkang ginawa nila. Hanggang sa maging kasing-laki na lang ito ng palad ng isang tao.


Ibinuka naman ni Meira ang kamay niya atsaka naman binuhat ng mga pixies ang ngayo'y maliit na bangka at nilapag sa palad ni Meira.


Inabot naman sa amin ni Meira ang bangka at kinuha ko naman ito mula sa kanya.


"Ayon sa mga pixies ay kusang magiging normal ang laki niyan kapag inilapag niyo na iyan sa tubig," ang sabi ni Meira. "Sa tingin ko, wala na siguro kayong ibang kakailanganin pa."


Ngumiti ako atsaka ako bahagyang yumuko sa harap niya, "Wala na, Maraming maraming salamat sa iyo. Sobrang laki ang naitulong niyo sa amin," sinserong sabi ko. Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon ay saka ko na dahan dahang inangat ang ulo ko mula sa pagyuko.


"Hindi ko na kayo masasamahan pa sa pag-alis kaya mag-iingat kayo."


Tumango tango ako, "Oo, masyado ng malaki ang abalang ibinigay namin sa inyo."

~*~

Kahit hindi kami naiintindihan ng mga maliit na nilalang na gumawa ng bangkang gagamitin namin ay nag-abala pa rin silang mamaalam sa amin habang nag-uumpisa na kaming maglakad ni Vayne pa-kanluran para makalabas na rito sa Lux Forest. Samantalang si Meira naman ay binigyan lang kami ng ngiti.


Sa saglit na pagkakataon ay gumaan ang loob ko dahil sa kagubatan na ito. Bukod sa magandang lugar ito ay sadyang likas na mababait ang mga nilalang na nandirito at hindi sila humihingi ng kapalit sa bawat pagtulong nila. Nakakahiya pero sino ba naman kami para tumanggi. Nangangailangan nga talaga kami ng tulong dahil hindi basta basta ang kinakalaban namin.


"Tahimik ka," bigla kong pambabasag sa katahimikan naming dalawa ni Vayne habang naglalakad. Kasalukuyang nasa teritoryo pa rin kami ng Lux Forest at malayo-layo pa ang lalakaran namin.


Bahagyang ngumiti si Vayne at kumibit balikat na lang, "Ewan ko eh."


"Huwag mong sabihing magpahanggang ngayon ay gusto mo pa rin sumuko sa kanila?" sabi ko.


Imbis na sagutin ako ni Vayne ay bumuntong hininga na lang siya. Napairap na lang ako atsaka umiling iling.


"Sabagay tama ka," ani Vayne. "Hindi namin sila ganun kadaling kunbinsihin na inosente ako. Lalo na sa isang katulad ko, wala silang pagdadalawang isip pagdating sa karaniwang mga tao katulad natin," kapansin pansin ang malungkot na tono ng boses nito dahilan para maningkit ang nga mata ko.


Muli pa siyang nagsalita, "Mas ayos pa sa akin ang makulong o maparusahan dahil sa pagnanakaw kaysa makulong sa kasalanang hindi ko naman ginawa."


Bigla naman niyang binaling ang tingin sa akin ng medyo may pagtataka sa kanyang mukha, "Kaya lang naalala ko, biktima ang mga magulang mo hindi 'ba? Pero kataka-taka na ikaw ang kaunaunahang naniwala kaagad sa akin?"


Mahinang tumawa na lang ako dahil sa naguguluhang tanong niya.


"Dami mong sinabi," reklamo ko sa kanya. "Importante meron kang isang katulad ko."


Natawa na lang siya sa sinabi ko atsaka tinuon na lang namin pareho ang atensyon namin sa paglalakad palabas ng Lux Forest.


Pero habang naglalakad ay hindi ko naiwasang maging malalim ang pag-iisip ko dahil sa pagbanggit ni Vayne sa mga magulang ko.


Aalis na ako ng kahariang ito, at walang kasiguraduhan kong kailan ako uli makakabalik. Pero magpahanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya kung sino nga ba ang may dahilan ng pagkawala ng mga magulang ko.


Paano kung may malalim silang basehan, kaya dinidiin nila si Vayne?


Ang paghahanap sa totoong maysala. Iyon sana ang pinakamainam na solusyon para iligtas si Vayne pero wala na kaming oras. Siguradong nagkalat na sila sa buong kaharian. Hindi rin sapat ang kaalaman ko para mabilisan kong matuklasan ang buong katotohanan.


Pasimple akong sumulyap kay Vayne na nakatuon sa harap ang tingin habang naglalakad.


Mababaw man ang basehan ko para patunayang wala siyang kasalanan. Pero malakas ang paniniwala kong wala siyang kinalaman sa magulang ko.


"Bakit?" nag-aalalang tanong niya nang mabaling ang tingin niya sa akin.


"Wala." simpleng sagot ko atsaka ko na binalik sa harapan ang tingin ko.


Halos magdadalawang oras ang lumipas bago kami tuluyang nakalabas na ng Lux Forest. Pero pagkalabas namin ay isang malawak na damuhan ang bumungad sa amin.


Hindi naman kami nadismaya dahil natanaw pa rin namin ang isang maliit na bayan na tinutukoy ng mga sirena.


"Itatago pa ba natin ang katauhan natin?" tanong ni Vayne. Tumango naman ako bilang sagot.


"Huwag pa rin tayong pakampante," ani ko habang tinatali ang buhok ko sa likod. Tinakpan ko ng tela ang ulo ko para matakpan ang pulang buhok ko. Kung pati ako ay pinapahanap rin nila, siguradong ito ang unang katangian ko na paniguradong ipapakalat nila.


Samantalang si Vayne naman ay nag-umpisa nang magpalit-anyo bilang isa namang pusa.


"Mga ilang oras na lang ay sasapit na rin ang dilim, kailangan na nating magmadali," pagkasabi ko nun, ay kaagad na kaming naglakad patungo sa maliit na bayan.


~*~

Mukhang tama nga ang sinasabi ng mga sirena. Bukod sa maliit na bayan ito ay napakaliit rin ng populasyon ng mga mamamayan na nananahan rito. Pero kahit gayunpaman, sagana ang mga kabuhayan ng mga taong nandirito. Lalo na ang iba't ibang klase ng prutas na sa tingin ko'y sa lugar lang na ito matatagpuan.


Ngayon, kailangan ko nang hanapin ang ilog na sinasabi ng mga sirena. Kaya lang hindi pwedeng magpalit ng anyo bilang ibon rito si Vayne. Baka magkagulo ang mga tao dahil posibleng may nalalaman na ang mga taong ito sa isyu kay Vayne.


Masyadong delikado rin kung magtatanong tanong ako sa mga tao kaya ang kailangan kami na lang mismo ang maghahanap ni Vayne. Paniguradong madali lang naman siguro hanapin ang ilog na iyon.


Inumpisahan na naming maglakad lakad ni Vayne. Sana lang ay hindi nila mahalata na isa akong dayo sa lugar nila.


"Ayy! Magandang binibini!" biglang nagsitaasan ang balahibo ko nang may marinig akong boses matanda sa likod. Pero kaagad rin akong napalingon rito.


Bumungad naman sa akin ang isang matandang babae na may dala dalang basket na ang puro laman ay mga mansanas.


"Baka gusto mo ng mga mansanas!" ani nito sa akin.


Napataas naman ang kilay ko, "Bakit libre ba?"


Napakunot noo naman ang ekspresyon ng matanda, "Anong libre? Walang libre-libre sa panahon ngayon! Ano ka sinuswerte?!"


Mahinang napatawa naman ako, "Kunsabagay, nakakapagduda naman kung ibibigay mo ang mansanas na 'yan sa akin ng libre," sabi ko atsaka na ako tumalikod at pinagpatuloy na ang paglalakad ko.


"Ang sama mo! Mabuti pa yung unang magandang binibini na kinausap ko! Walang pagdadalawang isip na bumili kaagad sa mga tinda kong masanas!" rinig kong pagrereklamo niya sa likod ko. Napailing iling na lang ako habang nakangiti atsaka ko pinagpatuloy ang paglalakad.


Maya't maya rin ay natagpuan ko na ang daan papunta sa isang gubat. Hindi na kami nag-atubili pa at kaagad sumuong papunta roon hanggang sa matagpuan na namin ang sarili namin na nasa loob na ng gubat na iyon.


Ngayon, ang ilog na lang ang kailangan naming hanapin. At pagkatapos 'nun, ay wala na kaming magiging problema.


Pero maya't maya ay bigla akong napakunot noo nang may mapagtanto ako.


Nilibot ko ng tingin ang buong paligid.


"Malapit lang naman siguro ang ilog rito, diba?" sabi ko kay Vayne. "Sa pagkakatanda ko, madali lang daw matagpuan ang ilog sa kagubatan na ito."


"Pero bakit ganun?" nag-aalalang sabi ko. "Dapat may naririnig na akong agos ng tubig ngayon."


Binalewala ko na lang ang sinabi ko at inumpisahan ko na ang paglalakad para sa paghahanap ng ilog na sinasabi ng mga sirena. Sinundan naman ako ni Vayne na kasalukuyang nasa anyo pa 'ring pusa.


Maya't maya ay natagpuan na namin ang ilog pero imbis na natuwa ay gulat at pagkadismaya ang rumehistro sa mukha ko. Bahagyang bumuka ang bibig ko dahil sobrang hindi ko inaasahan ang itsura ng ilog na madadatnan namin.


Mabilis kaming naglakad ni Vayne palapit sa ilog para malinaw naming makita ang sitwasyon nito ngayon.


Walang tubig kaming nagkita. Nagyelo ang lahat ng tubig na dapat dumadaloy sa ilog ngayon.


"Sobrang nadismaya ba kayo sa nakita niyo?"


Nanlaki naman ang mata ko nang marinig ko ang boses na iyon. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko dulot nang biglaang kaba na naramdaman ko.


Dahan dahan akong lumingon sa likod ko at hindi nga ako nagkamali sa narinig ko.


Nakatayo si Snow White ngayon sa harapan ko na may kalayuan sa pwesto naming dalawa ni Vayne. Nakabuka ang dalawang palad niya at may lumalabas na puting usok mula rito.


Dahan dahan siyang naglakad palapit sa direksyon namin kaya kaagad akong pumunta sa harapan ni Vayne nang magpalit anyo na ito bilang tao.


"Ako rin," ani niya. "Sobrang nadidismaya ako," may diin ang bawat salitang binibitawan nito. "Sobra akong nadidismaya sayo, Rose Red."


"Pagkatapos mo akong patayin. Ngayon naman ay nakikisabwat ka sa pagtakas ng taong pumatay sa mga magulang natin?"


"Hindi siya ang pumatay sa magulang natin!" buong tapang kong singhal sa harapan niya.


Bigla niyang itinapat sa akin ang kamay niya at nanlaki naman ang mata ko nang unti unting nagyeyelo na ang buong katawan ko.


"Red!" nag-aalalang tawag sa akin ni Vayne atsaka niya binaling kay Snow White ang tingin. "Pakiusap! Kapatid mo itong sinasaktan mo, prinsesa."


Diretso lang na nakatitig sa akin si Snow White. Walang emosyon ang mga mata nito.


Walang kabuhay buhay na tumawa ito, "Hindi ko kapatid ang babaeng ito."


Parang mistulang nadurog ang puso ko dahil sa mga salitang binitawan ni Snow White. Hindi 'man tumulo ang mga luha ko pero kulang ang iilang mga salita para maipaliwanag kung gaano ako sobrang nasasaktan ngayon. Mas iniinda ko pa ang sakit na nararamdaman ko sa salitang binitawan niya kaysa ang unti unting pagyeyelo ng buong katawan ko.


"Sabihin mo, shapeshifter," tukoy nito kay Vayne habang diretsong nakatingin pa rin sa akin. "Ikaw ba talaga ang pumatay sa mga taong iyon?"


"Sinabi ngang hindi siya!" singhal ko pero napatigil ako nang unti unting umakyat na papunta sa leeg ko ang pagyeyelo.


"Inuulit ko," ani Snow White. "Ikaw ba ang pumatay sa mga taong iyon?"


Umabot na sa leeg ko ang pagyeyelo at hindi ko na naiwasang manginig ang labi ko dahil sa sobrang panlalamig na nararamdaman ko.


Samantalang si Vayne ay puno ng pagkalito at pagkabahala ang mukha niya. Pabalik balik ang tingin niya kay Snow White at sa akin. Pero kahit hirap na hirap man ako sa sitwasyon ko ngayon ay patuloy ko pa rin siyang binibigyan ng senyas na huwag siyang magsasalita.


Napatingin sa akin si Vayne nang umabot na sa baba ko ang pagyeyelo. Napapikit siya ng mariin atsaka niya binaling ang tingin kay Snow White.


"Oo, ako nga," nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Vayne. Baliw! Siraulo! Hibang! Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko ay isusuko niya lang ang sarili niya sa kasalanang alam niyang hindi niya ginawa?!


Nakakainis! Nakakainis ka, Vayne!


Kaagad akong napaupo nang kusang mawala ang pagyeyelo ng buong katawan ko. Patuloy pa rin sa panginginig ang labi ko at pati na rin ang mga kamay ko dahil hindi pa din nawawala ang sobrang panlalamig na naramdaman ko.


Kaagad akong dinaluhan ni Vayne, "A-Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong nito sa akin pero walang sagot na lumabas sa bibig ko.


Ibinaba na ni Snow White ang palad niya.


"Rolan." mautoridad na tawag nito sa isa niyang kasama.


Biglang may bumulusok na isang palaso at bumaon ito sa leeg ni Vayne.


"Vayne!" sigaw ko nang biglang bumagsak sa lupa si Vayne at nawalan na kaagad ito ng malay. Tinapik tapik ko naman ang pisngi niya pero hindi pa din nito magawang magising.


Napatingin naman ako sa isang direksyon na kung saan unti unting nagpakita 'roon si Rolan habang may bitbit itong crossbow.


"Ikaw nang bahalang magdala sa kanya kung saan siya nararapat," utos sa kanya ni Snow White.


Yumuko naman si Rolan, "Masusunod po, mahal na prinsesa."


Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • GN003 book 21000000101   chaopter ssss

    Chapter test, please forgive me A a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a B b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b C c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c D d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d E e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e e F f f f f ff f f f f f f f f f f f f f f f f f f f f f f f f f f f f f f G g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g g H h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h h I i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i i J j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j j K k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k k L l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l l M m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m mm m m m m m N n n

  • GN003 book 21000000101   chapter 68

    1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d d f gg a a a a1 2 3 d

  • GN003 book 21000000101   chapter 67

  • GN003 book 21000000101   chapter 66

    DOUBLE HAPPINESS Mrs. Adel and Russo followed the two nurses with the twins to the nursery room, to make sure where the babies were placed. The twins were very special babies in the nursery room. The two nurses can not just leave the babies, they were assigned to take care of the babies properly and protect them. There were two securities guarding the nursery room. Babies being brought would be checked first. After Jade was brought out from the operating room, she was brought up to the VVIP hospital level. The floor level was only for Medrex Family Hospital Ward, it was not used for other patients unless Master Javen allowed.&n

  • GN003 book 21000000101   chapter 65

    Estaba emocionado, ese día era su gran debut, se había levantado temprano y había acudido al circuito con su padre, mientras que su madre, sus hermanos y su novia, llegarían posteriormente para ubicarse en la tribuna Fangio, situada a lo largo de la recta principal, donde podían darle seguimiento a la actividad previa y posterior a la carrera, así como a la apasionante salida y la memorable meta.Al llegar al circuito, una de las primeras personas que vio fue a su amiga Camilla que estaba en el pit stop con otros mecánicos, haciendo las últimas revisiones a los monoplazas de su escudería que participarían en la carrera, la chica cargaba la braga que la identificaba como mecánica de la Scudería Ferrari, al verlo salió del Pit, hacia un pasillo, Taddeo la siguió y la inc

  • GN003 book 21000000101   chapter 64

    Antonia estaba jugando tenis, con Alondra y Matteo en una de las canchas de la villa, mientras Nick y Sophía los observaban, cuando se dio cuenta de la llegada de Sebastián y uno de los gemelos, que estaban siendo acompañados por una persona de servicio hacia Nick y Sophía, donde se saludaron y se quedaron conversando; ella extendió su mirada hacia ellos y supo que el niño que lo acompañaba era Camillo, eso la sorprendió un poco, pero ya sabía que era Anabella y aunque no recordaba, esto era otro indicio de quien era realmente, ¿Por qué cómo se podía explicar que una desconocida supiera identificar a unos niños que son exactamente iguales físicamente? porque de carácter eran muy distintos, uno era más tranquilo, metódico conciliador, raramente creaba conflictos el otro era impulsivo, irreverente, combativo, aunqu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status