Share

chapter 10

Author: GN001
last update publish date: 2023-12-01 16:06:09

Kabanata 9

NAGMADALI akong bumaba ng hagdan nang marinig ang malakas na boses ni Papa. 

“Tigilan mo ako, Erlinda! Tatamaan ka sa ‘kin!” Halos hindi na makatayo nang tuwid si Papa sa sobrang kalasingan. Pulang-pula na ang mukha niya at halos hindi na maidilat ang mga mata. Pero patuloy pa rin siya sa pagtungga ng alak at paghithit sa hawak na sigarilyo. 

Naningkit ang mata ko nang mas lumapit si Mama kay Papa at ipinakita ang loob ng isang itim at maliit na bag na walang laman. Pamilyar sa akin ang bag na iyon.

“Pinagbibintangan mo ba ako, ha?” sigaw ni Papa. “Hindi ako ang kumuha ng pera riyan!” 

Ibinaba ko ang tingin nang umigting ang panga niya sa galit. Nakakatakot. Parang wala sa sarili. Parang sinaniban ng demonyo. Parang handa niyang saktan si Mama ano mang oras.

Maraming isinenyas si Mama na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang lakas ng loob na harapin si Papa. 

“Wala akong pakialam kung wala tayong ipambayad ng tubig at kuryente! Promblema mo na ‘yan!” Ibinato ni Papa ang hawak na bote sa dingding. Nabasag iyon at nagkalat ang bubog sa sahig. Nanginig sa pagkatakot si Mama. “Bakit hindi mo tanungin ang magaling mong anak? Baka siya ang nagnakaw ng pera riyan!”

Umusok ang ilong ko at lihim na ikinuyom ang kamao. Alam kong hindi ako mabuting anak pero hindi ko gawain na pagnakawan ang mga magulang ko tulad nang ibinibintang ni Papa sa akin. 

“Puñyetang buhay ‘to!” sabi ni Papa at gegewang-gewang na lumabas ng bahay. 

Unti-unting napaupo si Mama. Napahilamos siya ng mukha. Huminga ako nang malalim na hininga at nilapitan siya. “Nakakarindi. Nag-aaway na naman kayo.” Tiningnan niya ako nang seryoso. “O, ba’t ganyan ka makatingin? Pagbibintangan mo rin ba ako tulad ni Papa?”

Nanlaki ang mata ni Mama at umiling. Sesenyas sana siya pero hindi ipinagpatuloy. Siguro ay naalala niyang hindi ko siya maiintindihan. Inilabas niya ang selpon niya at kung ano-ano ang pinindot.

“Hindi, Anak. Alam ko naman na hindi mo ‘yon magagawa. May tiwala ako sa ‘yo.”

Parang may kung anong humaplos sa puso ko sa sinabi ni Mama. Nagtitiwala siya sa akin kahit na ilang beses ko siyang binigo. Napahinto ako. Bahagyang nanliit ang mga mata ko nang makita nang malapitan ang maliit na bag na hawak niya. “Nakita ko si Papa na hawak ang bag na ‘yan. Nasa palengke ka noon nang umuwi siyang lango na naman sa alak. ‘Di ko naman alam na pera pala ang laman niyan kaya hindi ko pinansin.” 

Napansin kong tumulo ang luha mula sa mga mata ni Mama. “Ilang beses ka na bang nawalan ng pera? Nilulustay niya ang pera natin sa sugal. Lulong na lulong na siya, ‘Ma. Pilit tayong umaahon pero siya mismo ang naglulubog sa ‘tin.” 

Napayuko na lang si Mama at humikbi. 

“May naitabi pa naman akong pera. Baka kasya pa ‘yon na  pambayad ng tubig at kuryente. O kaya ay manghihiram muna ako sa mga kakilala ko para makabayad tayo,” sabi ko, dahilan para bigla niya akong lingunin. Pinunasan niya ang luha sa mga mata niya at mabilis na pumindot sa selpon.

“Maraming salamat sa tulong mo... pero pasensya na dahil hindi ko matatanggap ‘yan, ‘Nak. Itabi mo na lang ang pera na ‘yan para sa mga kailangan mo o sa mga bagay na gusto mong bilhin. Problema namin ‘to bilang mga magulang mo. Ayokong pati ikaw ay madamay. Aayusin ko ‘to. Gagawa ako ng paraan.” Ngumiti si Mama pero halatang pilit iyon. 

“’Ma, naman. Ayokong tumunganga lang dito habang ikaw, nag-iisip kung pa’no sosolusyonan ang problema mo. Kaya puwede ba, kahit ngayon lang hayaan mo naman akong tulungan ka?” 

Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Mama. Sumenyas siya pero ang naintindihan ko lang sa lahat ay salamat. 

Tumango ako. “Magpapahinga na muna ‘ko,” sabi ko at tinalikuran siya. 

Bago ako pumasok sa kuwarto, nahagip ng mga mata ko ang isang litratong nakasabit sa dingding. Larawan iyon ni Mama, Papa at Miana. May maliit din akong larawan doon na halatang ipinilit lang na  isama. Nakakatawang isipin na hanggang sa litrato, panggulo pa rin ako. Sabagay, sanay naman na akong laging hindi kasali. 

Nang muli kong pagmasdan si Miana sa litratong iyon, isang malungkot na ngiti ang umukit sa aking mga labi. Halos isang buwan na rin ang nakalipas mula nang mamatay siya. Naisip ko nga, paano kung sinabi ko kaagad kay Papa na may nobyo na siya? Paano kung pinigilan sila ni Papa? Baka hindi siya nabuntis. Baka hindi nila naisip na ipalaglag ang bata. Baka hanggang ngayon ay buhay pa siya. 

Minsan, sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay niya. Aminado ako na malaki ang pagkakamali ko. Malaki ang kasalanan ko. Ganoon pala talaga, ano? Palaging nasa huli ang pagsisisi. 

Simula nang mamatay si Miana puro alak at sugal na lang ang inaatupag ni Papa. Ni hindi siya umuwi sa bahay ng hindi amoy alak ang hininga. Palagi ring ubos ang salapi sa kan’yang bulsa. Pati nga trabaho’y inayawan na niya. Gano’n katindi ang epekto sa kan’ya nang pagkamay ni Miana. Para bang buong mundo niya’y gumuho na lang bigla. Para bang nawalan siya ng rason para mabuhay pa. 

Mas pinipili kong manahimik na lamang at itikom ang aking bibig sa tuwing uuwi siyang lasing, magwawala at bubulyawan kami. Hindi na siya kumakain. Halos alak na lang ang laman ng kan'yang tiyan. Ayos lang sana kung gano’n, e. Tutal wala naman akong pakialam kahit ano pa’ng gawin niya sa buhay niya. Pero hindi lang ‘yon ang ginagawa niya. Palagi niyang pinipiga at hinihingian ng pera si Mama, kahit halos wala na itong maibigay sa kan’ya. 

“Elyne ‘di ba Papa mo ‘yon?”  Naalala kong sambit ni Roan bago niya itinuro ang isang lalaki na lasing, malaki ang ngisi sa labi habang papasok na sa loob ng casino. 

Kasalukuyan kaming naghahanap ni Roan ng trabaho no’n dahil balak kong mag-part time job, para makatulong sa mga gastusin sa bahay. Nanliit ang mata ko nang mapagtanto kong si Papa nga ang itinuro niya. 

Doon ay nalaman ko na lulong na lulong siya sa pagkaka-casino. Lahat nang pera na kinukuha niya kay Mama ay doon niya ipinapatalo. Pati ‘yong dalawang bahay sa probinsya at dalawang kotse na pagkamamay-ari namin, palugi niyang ibinenta para lang may ipangsugal siya. 

Halos gumuho nga ang mundo ni Mama nang malaman niya ‘yon. Bukod sa wala nang trabaho si Papa at sa isang kisapmata’y inubos nito ang pinundar nila, hindi na namin alam saan kami pupulutin. Idagdag pa na hindi ako makahanap ng trabaho dahil wala pa raw ako sa hustong gulang. Hindi ko tuloy alam kung pa'no ko tutulungan si Mama. 

Para bang pinagsakluban kami ng langit at lupa. Pakiramdam ko nga ako talaga ang malas sa buhay nila. Para bang hindi kami nauubusan ng problema. Pero kahit gaano pa karaming problema ang dumating sa buhay namin, wala na akong balak sumuko. Lalaban ako. 

Ngayon pa na alam kong kailangan ako ni Mama, hindi ko siya iiwan mag-isa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Gn 001 book-00003   chapter 68

    1 a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a

  • Gn 001 book-00003   chapter 67

    Xander wrapped his arms around my waist, put his head on my shoulder and swayed us from side to side slowly as I was finishing the preparation for dinner.“I love you,” I admitted.He stopped for a few heartbeats.

  • Gn 001 book-00003   chapter 66

    Aku selalu menertawakan teman-temanku saat mereka mengatakan telah jatuh cinta. Bahkan dengan mengatasnamakan cinta mereka sampai rela berbuat hal-hal bodoh.Benar, aku selalu menertawakan mereka. Sampai akhirnya mata hijau itu menatapku.

  • Gn 001 book-00003   chapter 65

    She knew this was wrong, she had said this to herself a thousand times. She knew she shouldn't be going down this road again. But like every other time, she blocked out every thought. "Done"he said as he began to redraw back when prisca swiftly sat on his lap and began to kiss and suck on his neck. She gently pushed him to lay down as she leaned down slightly to look at him. As she gazed into his eyes, she could see pure desire and a bit of uncertainty, but she was about to make the decision for him. She dipped down and began to bite and suck on his neck again. Jason's mind kept telling him that this was wrong, so wrong. But why wasn't he stopping it? Why were the only sound coming from his mouth groans of pleasure?. She climbed up his throat to his chin and finally, she claimed his lips. The passion with which the kiss grew made it clear that they had both longed for this moment. He dipped

  • Gn 001 book-00003   chapter 64

    (((LILY POV's))) Jeoff? What is he doing here? I can't really fall asleep. I already go back to this room because Jay has arrived already. Jeoff want to steal my precious energy drink. Then I fight to get it back to him. I need to taste it first before he throws it. I don’t believe in his references. But it was true… I feel dizzy. Why I drink those? Bitter and arghhh… I drink a lot of water just to replenish the disgusting taste. It was a sex simulant. Why did I drink those? I kicked Jeoff out of my room, because I don’t like what he is talking.Since I can't do anything. I get my phone and turn it on. I turned on the

  • Gn 001 book-00003   chapter 63

    Mum: time for school do you want me to drop you off to school or is Randy going to drop you off at schoolJacinta: well I want you drop me off to schoolMum: sorry honey but I have to go to work plus Randy's father is taking me to work since we both have the same job, how are you and randyJacinta: yeah we are fineMum: so you can get randy to pick you upJacinta: yeah sureScene randy was waiting outsideRandy: hello babeJacinta: hello randyScene: they were driving to schoolRandy: how is your mumJacinta: she is goodRandy: you better not tell her what happened or you will regret itJacinta: dont worry I didn't so cool downRandy: ok then I am going out with the boys tonightJacinta: but we were going to spend the night togetherRandy: that can waitJacinta: fine see you laterRandy: come back hereJacinta: no, enjoy your night with boys RandyScene

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status