Mag-log inKabanata 8
UMIHIP ang malakas na hangin nang huminto ako sa harap ng isang pribadong kapilya kung saan inilagak ang mga labi ni Miana. Ayoko sanang pumunta dahil hindi ko gustong makita ang kalagayan niya. Pero parang may tumutulak sa akin para pumunta rito.
Nanigas ang buong katawan ko nang matanaw ang puting kabaong ni Miana. Parang nanghina ang mga tuhod ko. Pati ang mga paa ko ay hindi ko maihakbang. Para bang ang lahat ng lakas na mayroon ako, sa isang iglap ay bigla na lang nawala.
Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung makakaya kong silipin ang bangkay ni Miana. Natatakot akong lumapit. Hindi ko alam kung makakaya ko bang silipin man lang siya. Natatakot akong makita mismo ng dalawang mata ko na wala siya.
Huminga ako nang malalim at sandaling pumikit upang palakasin ang loob ko. Dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko papasok sa loob ng kapilya. Napili kong umupo sa dulo kung saan ay wala masyadong tao.
Tahimik akong nagmasid. Marami ang nakikiramay. Nariyan ang mga kakilala nina Papa at Mama, mga kaibigan at kamag-aral ni Miana, at mga guro. Mas lalong sumikip ang dibdib ko nang makita si Mama na inaasikaso ang mga ito kahit na walang tulog at pahinga.
Natigilan ako nang makitang lumapit kay Mama ang isang pamilyar na tao. May ito isenyas ito sa kan’ya at tumingin sa direksyon ko.
“Nakikiramay ako Elyne,” sabi ni Roan suot ang isang malungkot na ngiti. Umupo siya sa tabi ko.
“Wala na siya, Roan. Iniwan na niya kami.” Nakatingin lang ako sa kabaong ni Miana. “Bakit gano’n? Ang dami namang iba riyan, a. Ang dami-daming tao sa buong mundo, bakit kailangan na ‘yong kapatid ko pa ang kunin Niya? Bakit?”
Huminga ako nang malalim upang pigilang tumulo ang luha ko. Pero nabigo ako. Mabilis na dumaloy sa pisngi ko ang luha. Niyakap ko nang mahigpit si Roan.
“Hindi ko alam kung bakit, Elyne,” sabi niya. Napapikit ako at tahimik na humikbi sa balikat ni Roan. “Ang tanging alam ko lang, lahat ng pagsubok na dumarating sa buhay mo ay may rason. Lahat ng nangyayaring ito’y may dahilan. Dahilan na sa ngayon ay hindi mo maintindihan. Pero sa tamang panahon, lahat ‘yon ay iyong mauunawaan. Lahat ng bakit mo’y magkakaroon na nang kasagutan.”
Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap. Nagpapasalamat ako na nandito ngayon si Roan sa tabi ko. Kung wala siya, baka bumigay na ako.
Nang sumapit ang gabi ay nagsiuwian na ang ibang nakiramay, kasama na roon si Roan. Muli akong tumingin sa kabaong ni Miana. Parang hinampas nang malakas ang puso ko nang makita ang malaking litrato niya sa tabi niyon. Napakainosente ng ngiti niya. Sobrang sakit na isiping hindi ko na ulit iyon masisilayan.
Tumingala ako upang pigilan ang pagbuhos ng luha ko, ngunit mas lalo lang itong kumawala sa mata ko.
Masyado pang bata ang kapatid ko para mawala sa mundo! Mga walang hiya sila! Sana, tuluyan na silang mahuli at pagbayaran ang ginawa nila kay Miana!
Humugot ako ng isang malalim na hininga, saka tumayo. Inihakbang ko ang mga paa ko at nakatulalang naglakad papunta sa mga labi ni Miana. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para gawin iyon. Pero habang palapit ako nang palapit, pabigat naman nang pabigat ang pakiramdam ko.
Nanghina ang mga tuhod ko nang huminto ako sa harapan niya. Sa unang pagkakataon ay nakita ko si Miana nang malapitan. Parang huminto ang lahat sa paligid ko. Parang unti-unting nawawasak ang puso ko.
Naramdaman ko na lang ang mabilis na pagmamalabis ng mainit na likido galing sa aking mata, lalo na nang makita kong suot niya ang paborito niyang bestida na ibinigay ko pa sa kan’ya. Parang namanhid ang buong katawan ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit siya pa ang dumanas nito!
“Alam mo, ang daya mo rin e,” basag ang boses na sabi ko. “Ang daya-daya mo. Sabi mo ay babalik ka. Sabi mo, aayusin mo lang ang problema ninyo. Sinabi mo ‘yon, ‘di ba? Bumalik ka nga... pero nasa kabaong ka na.”
Napayuko ako at humikbi. Bawat segundo ay parang binibiyak ang puso ko sa sakit. Bigla kong naalala ang sinabi niya noong huli kaming nag-usap.
“Mas doble ang sakit na mararamdaman nila kung pareho tayong mawawala.”
“Hindi ko man lang napansin na nagpapahiwatig ka na pala. Bakit... bakit mo naman kami biglang iniwan? Bakit sa ganitong paraan pa?” Umiba ako ng tingin at pinunasan ang mga mata. Hindi ko siya kayang pagmasdan nang matagal. Nahihirapan ako. Napakasakit na makita siya sa ganitong kalagayan.
Humugot ako ng isang malalim na hininga at muling tumingin kay Miana. “Magbabayad sila sa ginawa nila sa ‘yo. Mabibigyan din ng hustisya ang pagkamatay mo. Hindi kami titigil hanggang sa hindi nabibilanggo ang mga gumawa sa ‘yo nito,” nakakuyom ang kamao na wika ko. “Pipilitin kong magbago para sa ikatatahimik ng pamilya natin. Pipilitin kong alagaan si Mama at Papa kahit mahirap sa ‘kin. Dapat tayong dalawa ang gagawa no’n, e. Bakit kasi iniwan mo akong mag-isa?”
Napayuko ako. “Makakapagpahinga ka na sa langit, Miana. Marami ka nang isinakripisyo para sa ‘min. Naging isang mabuting anak at kapatid ka. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit lahat sila ikaw ang gusto, napakabait mo kasing tao,” nahihirapang usal ko dahil parang ayaw ng lumabas ng boses mula sa aking bibig. “Patawarin mo ako, ha? Hindi ako naging mabuting kapatid sa ‘yo.” Ngumiti ako ng walang saya. Isang ngiti na muling nagpadurog sa puso ko. “Sobrang dami kong nagging kasalanan sa ‘yo. Patawarin mo ako sa mga maling nagawa ko sa ‘yo.”
“Hindi ko man masabi sa ‘yo... masaya ako dahil ikaw ang naging kapatid ko. Hindi ko lang maamin sa sarili ko dahil napuno ng inggit ang puso ko. Nagpapasalamat ako dahil palagi mong ipinaparamdam sa ‘kin na mahal mo ako, kahit palagi kong inilalayo ang sarili ko sa ‘yo.”
Nanikip ang dibdib ko nang mas lalong bumuhos ang luha ko. Kahit isang baldeng luha pa ang iluha ko, hindi na nito maibabalik ang buhay niya.
“Mamimiss ko ang kadaldalan mo,” sambit ko, suot ang isang pilit at malungkot na ngiti. “Mamimiss ko ang kakulitan mo. Mamimiss ko ang ngiti mo. Mamimiss ko ang lahat sa ‘yo. Kahit huli na gusto ko pa rin sabihin sa 'yo na mahal kita,” usal ko at mariing kinagat ang ibabang labi ko upang pigilan ang muling paghikbi.
Ang masakit lang, sinabi ko ‘yon kung kailan wala na siya. Kung kailan hindi na niya ako maririnig pa.
Ipinatong ko ang isang kamay ko sa salamin na nasa kabaong niya at sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko siya. Unti-unti kong naramdaman ang matinding pagkirot ng puso ko na parang bang winawasak ito, kasunod nang pagpatak ng luha ko sa mata.
Luha na puno ng lungkot. Luha na puno ng sakit. Luha na puno ng pagsisisi.
“Paalam, Miana.”
a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a
Eloim had been sleeping next to me for a while now. I turned the TV off and took him in my arms carefully. He wasn’t light, especially all limp this way and I moved gingerly.I stopped as I heard creaking upstairs.Xander?“Enola,” I heard him say.I froze.My arms were starting to burn and I sat at
Semuanya gelap.Dan hening.Aku tidak melihat apapun di sini.Apakah aku... Sudah mati?Inikah kematian itu? Inikah yang mereka debut dengan... Neraka?****"Bertahanlah, V. Berjanjilah padaku kau tidak akan pergi. Hanya kaulah alasan kenapa aku masih bertahan di dunia ini.""Kau selalu mengangga
"So uhm I need to get some sleep" he said rubbing his neck. "So I'm going to head to my room now goodnight". "Wait "she said She stood on her tiptoes and kissed him, jason responded to the kiss quickly but immediately withdrew back from it when realization hit him and he walked out of her ro
She knew this was wrong, she had said this to herself a thousand times. She knew she shouldn't be going down this road again. But like every other time, she blocked out every thought. "Done"he said as he began to redraw back when prisca swiftly sat on his lap and began to kiss and suck on his neck.
(((JEOFF POV's))) Jay is waiting for me. "I already reminded her." What he have said to me I a while ago. "Master Jeoff, about the commotion tomorrow that might occur during Lily’s enrollment. We already set a plan and security in case we need them." I looked at Jay. Oh yes… There is sudden hug