Share

Bab 0010

Author: GN001
last update publish date: 2023-12-01 16:06:19

Kabanata 7

“PATAY na si Miana Devera.”

Nilagok ko ang huling bote ng alak at tiningnan ang mga tao sa paligid na masayang sumasayaw sa gitna. Narito ako ngayon sa isang bar. Lasing na lasing na ako sa dami ng nainom kong alak. Gusto kong makalimot nang panandalian. Gusto kong takasan ang katotohanang patay na ang kapatid ko. Wala na si Miana. Pero mas lalong sumakit ang ulo ko, hindi dahil sa maingay na musikang naririnig ko o ng alak na ininom ko, kundi dahil naghalo-halo na ang mga iniisip ko at pakiramdam ko, sasabog ang ulo ko sa sobrang sakit. 

Inisang lagok ko ang alak bago ko inginudngod ang mukha ko sa lamesa. “Tanginang buhay ‘to.”

Lahat kami ay hindi makapaniwala sa balitang iyon. Namanhid ang buong katawan ko nang marinig ang sinabi ng pulis. Para akong nabingi. 

“Paanong patay na ang anak ko? Patay na si Miana? Hindi ‘yan totoo! Hindi pa siya patay! Bawiin mo ang sinabi mo! Bawiin mo!” Kinuwelyuhan ni Papa ang isang pulis. Inawat siya ng mga kasamahan nito. Umaasa kami na kasinungalingan lang ang lahat. Pero umiling ang pulis.

Pasalampak na napaupo ako sa sahig. Hindi ko alam ang gagawin. Para bang dinukot ang puso ko at walang habas na pinagpira-piraso. Napapikit ako nang maramdamang parang may malaking batong dumagan sa dibdib ko at nahirapang huminga. 

Hindi ako makapaniwala. 

“Ano’ng nangyari sa anak ko? Bakit siya namatay? Sabihin mo sa ‘kin!” sigaw ni Papa at sa unang pagkakataon, nasaksihan ng dalawang mata ko ang pagbuhos ng luha niya.

Natagpuan daw nila ang malamig at duguang bangkay ni Miana sa loob ng isang kubong nasa gitna ng masukal na gubat. Ayon sa kanilang pag-iimbestiga, binalak nitong ipalaglag ang batang nasa sinapupunan niya. Pero hindi kinaya ni Miana at maraming dugo ang nawala sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko. 

“Hindi ko alam. Basta aayusin namin ‘to. Babalik din ang lahat sa dati.”

Mas lalong sumakit ang dibdib ko nang maalala ang sinabi sa akin ni Miana. Naaalala ko, hindi pa handa ang nobyo niyang si Juner. Ang lalaki ang pumilit sa kapatid na ipalaglag ang bata. 

“Hayop siya! Magbabayad siya sa ginawa niya sa anak ko! Magbabayad sila!” May pagbabanta sa tinig ni Papa. 

Masakit isiping hanggang ngayon ay hindi pa rin nadadakip ang may kasalanan. Patuloy na nagtatago sina Juner at ng komadronang gumawa sa operasyon. 

Napakabilis ng mga pangyayari dahil sa isang iglap, bigla na lang niya kaming iniwan. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na baka sakaling panaginip lang lahat ng ito. Umaasa ako na buhay pa si Miana at babalik pa siya sa ‘min. Hindi kayang tanggapin ng puso’t isip ko ang lahat.

 Masyadong masakit. 

Kung nasasaktan ako alam kong mas triple ang sakit na nararamdaman nila Mama at Papa. Biglang nanikip ang dibdib ko nang maalala ko kung paano natulala si Mama at napatakip ng bibig nang malamang niyang nabuntis si Miana at ipinalaglag ang bata. Kitang-kita ko ang paglandas ng luha sa pisngi niya, habang nanginginig ang kan’yang buong katawan. Hindi man niya masabi ang mga salitang gusto niyang sabihin, ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. 

Ilang araw din siya tulala at parang wala sa kan’yang sarili pero nakikita kong nilalakasan niya ang loob niya. Nakikita ko ang pagpipigil ng luha sa mata niya sa t’wing magkakatinginan kami. Umaarte siya na parang normal lang ang lahat, pero sa tuwing palihim ko siyang sinusundan sa kusina’y parang nilalagari ang puso ko kapag nakikita ko siyang tahimik na humihikbi sa isang tabi. 

Ang sakit. 

Ang sakit makita na itinatago niya ang luha niya at pinapalitan ng isang pekeng ngiti upang ipakita sa ‘min na malakas siya. Ang sakit makita na nasasaktan siya. 

Tumingala ako at marahas na pinunasan ang luha sa mata ko nang maalala kung pa’no natulala si Papa nang malaman niyang patay na si Miana. Lalo na nang malaman niyang nabuntis ito, hindi pinanagutan at pinalaglag ang bata. Alam kong walang salita ang may kakayahang ipaliwanag ang sakit at poot na nararamdaman niya. 

Hindi na siya makausap. Hindi na rin siya kumakain. Palagi na lang siyang nakatulala na para bang lumilipad ang isip habang hawak ang paboritong alak niya pero ang sakit din pa lang makita na humahagulgol siya sa isang tabi, habang hawak ang litrato ni Miana. Niyayakap niya ang larawan nito na para bang si Miana na rin ang yakap niya.  

“Hindi ako pupunta sa burol na ‘yon! Hindi si Miana ang nakaburol doon! Buhay pa ang anak ko! Alam kong babalik pa siya. Babalik pa siya.” Naalala kong sabi ni Papa nang araw ng burol. 

Maging ako ay hindi rin pumunta sa unang burol. Nagtago ako sa kuwarto ko at doon ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hindi ko kasi kaya. Sa puso at isip ko, buhay pa siya. Buhay si Miana.

Matapos kong bayaran ang mga ininom kong alak ay napagpasyahan kong umuwi na. Pupunta na sana ako sa aking kuwarto nang makita si Papa na nakatayo sa bungad ng hagdan, hawak ang isang bote ng alak na nilalagok pa niya. 

Isang matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin. “Ano, masaya ka na ba? Masaya ka na ba na wala na si Miana? Masaya ka na ba?” bulyaw niya at walang habas na ibinato sa malaking salamin ang hawak na bote. Sa sobrang lakas, nabasag ang salamin at nagkalat sa sahig ang mga bubog. 

Naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko, kasabay nang pamumuo ng luha sa mata ko habang nakatitig sa kanya. “Oo, masaya ‘ko. Masayang-masaya ‘ko,” usal ko kasabay nang unti-unting paglandas ng luha sa aking pisngi.

Mas lalo nagtagis ang panga ni Papa at ikinuyom ang kamao. Kitang-kita ko ang paglabas ng mga ugat sa mukha niya habang nanlilisik ang mga mata. “Sana ikaw na lang ang namatay!”

Mataman ko siyang tinitigan nang naramdaman ko ang muling pagragasa ng luha ko, kasabay nang paninikip ng dibdib ko. 

Ang sakit. Para akong dinukutan ng puso sa sinabi niya. 

“Sana nga... sana nga ako na lang ang namatay!” sigaw ko na puno ng hinanakit. “Kung puwede ko lang ibalik ang oras, hihilingin ko na sana ako na lang at hindi si Miana. Dahil alam kong mas may kuwenta ang buhay niya kumpara sa buhay ko!” 

Itinulak ko si Papa at patakbong umakyat ng hagdan. Padabog kong isinara ang pinto ng kuwarto ko. Tama naman siya, e. Dapat ay  masaya na ako ngayong wala na si Miana. Dapat ay masaya na ako dahil ngayong wala na siya, baka sa akin na mapunta ang atensyon nila. Baka sakaling ako naman ang mahalin nila. 

Pero bakit gano’n? Bakit hindi iyon ang nararamdaman ko? Bakit lumuluha ako? Bakit hindi ko matanggap na wala na siya? Bakit ang sakit? Bakit?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Gn 001 book-00005   Bab 0117

    a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a

  • Gn 001 book-00005   Bab 0116

    I love my siblings, but there were days when it had been hard.Only I would not see them as often, now that I lived so far away.It’s not that it bothered me much, and we’ve talked online at least every week, but it was a bit odd, this realisation that when things went sideways, everyone was so far.

  • Gn 001 book-00005   Bab 0115

    Eloim made his father go back for the pets, and no matter how freaked he was, he went back in, but before he left he gave me a knowing look. Stay with Eloim. It wasn’t just for his safety and comfort, he had realised as I had that I was at a higher risk on my own.I hated this. I hated the thought o

  • Gn 001 book-00005   Bab 0114

    Nara berjalan dengan santai menuju ruangan kekasihnya. Sudah beberapa hari ini dia tidak bertemu dengan Dion. Dion juga belakangan ini sangat susah dihubungi. Oleh karena itu dia memutuskan untuk mengunjungi kantor Dion tanpa sepengetahuannya untuk memberikan kejutan pada kekasihnya itu.Pintu lift

  • Gn 001 book-00005   Bab 0113

    "So uhm I need to get some sleep" he said rubbing his neck. "So I'm going to head to my room now goodnight". "Wait "she said She stood on her tiptoes and kissed him, jason responded to the kiss quickly but immediately withdrew back from it when realization hit him and he walked out of her ro

  • Gn 001 book-00005   Bab 0112

    She knew this was wrong, she had said this to herself a thousand times. She knew she shouldn't be going down this road again. But like every other time, she blocked out every thought. "Done"he said as he began to redraw back when prisca swiftly sat on his lap and began to kiss and suck on his neck.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status