LOGINRifle's POV
I drank all liquid in my glass shot. Sumandal ako sa couch na inuupuan ko at hindi ko mapigilan ang mapaisip dahil sa babae kanina. Ok lang kaya s'ya.
Hindi na ako nakialam dahil tinawag n'ya ng nanay ang nakakatakot na babaeng nanakit sa kan'ya.
"Kanina ka pa tulala d'yan!" Tinapik ako ni Uzi, kaya bumalik ang gwapo kong pag-iisip sa lugar kung nasaan ako.
"Si Snipe nga kanina pa tahimik!" Turo ko sa lalaking kaharap namin na inom lang ng inom. Dati s'ya ang pinakamahina dito pero ngayon sumasabay na.
Isang malamig na tingin ang binigay sa akin ni Snipe kaya natawa ako. Sus crush siguro ako ng gago.
"Tikman mo 'to!" May inabot na plastic si Uzi sa akin. Tinignan ko iyon at napakunot ang noo.
"Tang ina ano yan?!" Taka kong tanong sa kan'ya. Baka basura lang ito eh. Madalas pa naman n'ya akong lokohin.
"Binili ko yan kanina sa labas!" Inabot ko ang plastic at napakunot ang noo ko sa laman.
"What is this shitty things?!" Tanong ko at inilagay iyon sa table.
"Tang ina mo! Uzi, kadiri ka!" Inis kong sabi sa kan'ya at uminom na lang ako. NakaVIP room kami dahil si Snipe ay ayaw ng maingay. Arte ng lalaking ito akala mo naman gwapo kagaya ko.
Sarap pa naman maghanap ng chix sa labas.
"Tikman mo na dali!" Sinamaan ko ng tingin si Uzi dahil sa pagpupumilit n'yang ipakain sa akin ang hindi ko alam kung matinong pagkain ba.
"Puta tumigil ka!" Warning ko sa gagong ito. Tumawa lang ito kaya uminom na lang ulit ako.
"Nagtop one na naman ang Arme ah!" Sabi ni Uzi kaya tinignan ko si Snipe na seryoso ang mukha. Wag kayong mag-alala gan'yan na talaga yan dati pa.
"Yeah!" Napailing ako sa sagot n'ya. Wala talagang kwenta kausap ang lalaking ito. Bukod sa boring kausap broken din tang ina.
Sabay sabay kaming napalingon ng bumukas ang pinto ng room namin. Napataas ang kilay ko ng maroong pumasok na babaeng pula.
"Wow!" Sabi ko, nang makita ko ang malaking kahapon. Nakared fitted dress ito at sobrang ikli na makikita ko na nga si santanas pag yumuko pa ako ng konti.
"Hoy mata mo!" Natatawa kong sabi kay Uzi. May girlfriend na linggon pa ng linggon sa iba.
"Sayo ba 'yan?!" Tanong sa akin ni Uzi at umiling ako. Ayoko sa babaeng pula, maganda naman ito pero 'di ko s'ya type.
"Kanino 'yan?!" Takang tanong ni Uzi. Sabay kaming lumingon kay Snipe na tahimik na umiinon at mukhang walang kaalam alam sa babaeng pumasok sa kwartong ito.
"Miss mali ka yata ng pasok!" Sabi ni Uzi sa babaeng nababali ang katawan. Malabong kay Snipe ito, hindi naman mahilig sa ganiyang babae si Snipe.
"Room 4, right?!" Kinilabutan ako sa mapang akit n'yang sabi. Nagkatinginan kami ni Uzi ng umupo ito sa tabi ni Snipe. Tang ina totoo ba ang nakikita ko? Puta kay Snipe talaga?.
"Emer, right!" Muntik ko ng mailuwa ang iniinom ko dahil sa babaeng ito. Ang landi nya magsalita at nakakakilabot talaga, pero mas ikinabigla ko ng kay Snipe pala iyon.
"Sayo yan?" Tanong ni Uzi. Walang sinagot si Snipe at tumungga ng alak. Hindi ko maalis ang tingin sa dalawa. Napailing na lang ako ng pumulupot na ang babaeng pula sa kaibigan namin.
Emer pa ang pakilala ang puta. Akala ko ba ayaw na n'yang gamitin ang pambaklang pangalan na 'yun.
Napahawak ako kay Uzi na katabi ko lang sa kaliwa at si Snipe ay kaharap namin pati ang babaeng pula.
"My innocent eyes!" Kunwari pa akong nagtakim ng kamay sa mata pero kita ko pa rin ang ginagawa ng dalawa.
"Inggit ka ba?" Biro ko kay Uzi na nakatingin din sa dalawa na naghahalikan. Bumaling sa akin si Uzi at todo iling.
"Patay ako sa girlfriend kung nagkataon." Natawa kami sa sagot ni Uzi. Loyal talaga ang isang ito. Loyal din naman si Snipe, iniwan lang. Ok lang naman kay Snipe ang mag enjoy sa mga babae kahit pa minsan minsan para hindi pura trabaho ang inaatupag.
"Gan'yan pag single bro!" Sabi ko kay Uzi at tinuro ang dalawa. Umiling lang si Uzi at uminom.
"By the way, Uzi. How's your business?" Tanong ko na lang kay Uzi kesa panuorin namin ang dalawa.
"Doing better than you!" Napangisi ako sa kan'ya. Naglagay ako ng vodka sa baso ako at tinaas 'yun para makipagcheers kay Uzi.
"Pumapasok ka na ba?" Balik n'yang tanong sa akin. Sumandal ako sa couch para maging kumportable.
"Minsan lang, pinagbibigyan ko si Lolo Ramond. Masyado kasing maraming stress sa business baka pumangit ang gwapo kong mukha, pero alam ko naman hindi mangyayari!" Pagmamayabang ko pa.
"Pangit ka naman na matagal na!" Isang gwapo look na may matalim ng tingin ang binigay ko sa hampaslupang nilalang na lumapastangan sa akin hotsomeness.
"Gago, palibhasa kapangitan mo inborn!" Pang-aasar ko at tumawa ng malakas.
"Oh shit!" Napalingon kami ni Uzi at natahimik dahil sa ingay na iyon. Napahawak ako sa ulo ko na hanggang ngayon ay naghahalikan pa rin ang dalawa pero iba na ang pwesto ng babae nasa ibabaw na ni Snipe.
"Para sa atin yata talaga ito, Uzz!" Masaya kong sabi habang hindi inaalis ang tingin sa dalawa.
"Live porn ang mga gago." Rinig kong sabi ni Uzi kaya natawa ako ng mahina. Iyon din ang nasa gwapo ko isip.
"Take your dress off!" Nagkatinginan kami ni Uzi, sa utos ni Snipe. Kaya pareho kaming napaayos ng upo at inabangan ang sumunod na gagawin. Mukhang masaya na yatang kasama si Snipe ngayon. Mag-eenjoy na kami pag laging ganito.
"Pero.." May inilapag na pera si Snipe sa table at tinignan iyon ng babaeng pula.
"Take your dress off." Cold na sabi ni Snipe. Biglang tumayo ang babae at dahan dahan na inalis ang suot nito na ngayon ay naka underwear na lang s'ya.
Kita kong napaayos ng upos si Uzi kaya napangisi ako. Muling upo ang babaeng hubad sa ibabaw ni Snipe at sinumulan na naman n'ya itong halikan.
Tinignan ko si Uzi na napinapanuod lang ang dalawa. Tinapik ko ang balikan n'ya para makuha ko ang attention ng gago.
"Awatin mo na baka saan pa mapunta 'yan!" Mahina kong utos kay Uzi. Nagkakagan'yan lang naman si Snipe dahil sa isang babae. Dati ni hindi makatingin sa ibang babae tapos ngayon masmatindi pa sa amin.
Well wala lang ako sa mood ngayon magsaya, pero baka nagkataon ay nanduon na ako sa labas at naghahanap ng chix na babagay sa kagwapuhan ko.
"Ikaw na, hindi ko pa alam paano mabitin si Snipe!" Natatawang n'yang sabi. Tinignan ko ito.
"Sabihin mo duwag ka lang!" Banat ko sa kan'ya at ininom ko ang laman ng baso ko. Tang ina kinakabahan din ako pag ako gagawa. Tignan ka lang ng masama ni Snipe mawawala na kaluluwa mo sa katawan. Puta kasalanan ito ng Ex n'ya eh.
"Fuck you!" Sabi n'ya sa akin. Tumayo ako at inayos ko ang suot. Tang ina baka kaya ihampas sa akin ang bote ng alak. Magasgasan pa ang gwapo kong mukha.
"Good luck!" Huminga ako ng malalim at lumapit sa dalawang ito. Nakita kong tinanggal ni Snipe ang lock ng bra ng babaeng hubad na ngayan.
"Uzi, ikaw na kasi!" Umatras ako. Mukha live porn talaga papunta ito, pero hindi naman pwedeng gan'yan lang, saka ikakasal na ang gago.
"The heck!" Tinulak ako ni Uzi kaya napalapit ako sa dalawa. Paano ko naman aawatin ang dalawang nasakalagitnaan ng pagsasaya. Huminga ako ng malalim at hinablot ko ang babae.
"Ahhh!" Hindi ko sure kong daing 'yun o moan. Pinatayo ko iyon at taka itong tumingin sa akin. Nakita ko ang hinaharap nito dahil sa bumagsak ang suot n'yang bra.
"Gusto mo ba ikaw naman?" Mapangakit n'yang tanong. Lumayo ako sa babaeng iyon ng balak n'ya akong lapitan.
"No, thanks!" Tipid kong sagot at kinuha ko ang wallet ko. Inabutan ko s'ya ng 5000 bill at hinagis ni Uzi ang damit nito sa kan'ya.
"You may leave us." Sabi naman ni Uzi. Inilipat ko ang tingin ko kay Snipe na umiinom na naman. Wala s'yang reaction sa ginawa namin pero wala namang bago duon.
"Pero hindi pa tapo..." Sinamaan ko ng tingin ang babaeng pula na ito.
"Baka gusto mo ikaw tapusin ko?" Banta ko sa kan'ya. Ayoko sa lahat ang makulit kaya umayos s'ya. Wala na itong nagawa kung hindi magbihis at lumabas ng kwarto.
Bumalik ako sa pagkakaupo at tinignan si Snipe na kanina pa inom ng inom. Halos s'ya lang ang nakaubos ng tatlong bote ng vodka dito sa table namin.
"Kailan balik ni Julie dito?" Tanong ni Uzi. Naningkit ang mata ko ng mayroong nilabas na yosi si Snipe.
"Kailan ka pa na ninigarilyo?!" Taka kong tanong dito. Madalang kami magsama dahil sa kan'ya kan'ya naming trabaho. Kung hindi lingid sa kaalaman n'yo sa amin tatlo si Snipe ang pinakamahigpit sa health, pero shit anong ginagawa ng gago.
"Hindi ko alam kung kailan s'ya babalik." Napasandal ako sa malamig at medyo lasing n'yang boses.
"Snipe!" Seryoso kong tawag dito. Tinignan n'ya ako ng seryoso kaya napa buntong hininga na ako. Namumula ng ang mukha n'ya at halata na ang tama ng alak dito.
"How's your work?!" Tinignan ko si Uzi. Lasing na nga ito nagtatanong na pero alam kong alam n'ya pa rin ang pinag gagawa n'ya.
"Good!" Tipid kong sagot. Nagsmirked ito at napailing.
"Nagpunta tayo dito para magsaya, Snipe!" Seryoso kong sabi sa kan'ya.
Napapikit ako ng makarinig ako ng pagbasak na bagay at iyon ang hawak na baso ni Snipe.
"Tara magsaya na tayo!" Tahimik na lang kami ni Uzi na nakaupo. Alam kong hindi lang ngayon ganito si Snipe. Nag-aalala ako sa gunggong na ito dahil kaibigan ko s'ya at turing na namin sa isa't isa ay magkakapatid.
Kinuha ko ang hawak kong baso at hinagis ko din iyon sa pader hanggang sa mabasag.
"President Swaggerty!" Nakangisi kong sabi dito. Tinignan n'ya ako at ngumisi din s'ya.
"22 years old president na!" Sabi ko pa dito.
"Ako nga gusto kong maging president na din." Nalipat ang tingin namin kay Uzi.
"Wag ka mag-alala Director Montelle pupunta ka na dun. Ako nga part time Team leader pa lang eh!" Natatawa kong sabi sa kanila.
"Kailangan ko pang maghintay ng dalawang taon para duon." Uminom si Uzi. Ako walang balak sa pagiging president na 'yan ganun din si Snipe, pero na ibigay agad sa kan'ya ang pagkakataon.
Si Uzi talaga ang inaasahan namin sa aming tatlo ang magiging CEO pero dahil kailangan muna n'ya ng experience at utos rin ng papa n'ya kailangan nyang magsimula sa baba. Puta ang akin babang baba naman. Hindi ko magets ang lolo ko kung may galit ba sa akin.
"Saka tamad kang gago ka! Hindi katulad ng isang 'to." Tukoy ko kay Snipe na kahap ang phone n'ya.
"Maghapon magdamag trabaho inaatupag." Kaya wala ng magtataka kung bakit lagi sila ang top one sa business field.
"Tang ina naman trabaho pa rin ba pag-uusapan natin dito!" Angal ko sa kanila. Kumuha ako ng panibagong baso at naglagay ng laman.
"Cheers mga pangit!" Sigaw ko at sabay sabay kaming uminom. Ilang oras lang na pag-inom namin ay umiikot ng ang paningin ko. Nakita ko ang mga kasama ko na wala ng malay.
"M-mga m-mahi-hi-nang n-nilalang..." Tumayo ako para gisingin ang dalawa pero umiikot na ang paligid ko.
"Shit ouch!" Natumba ako sa floor at biglang nagblack out ang lahat.
"FUCK!"
"DAMN!"
"TANG INAAAAAAAAA!" Sigaw ko ng may maramdaman akong malamig na tubig sa mukha ko at ang iba ay pumasok pa sa ilong ko. Daig ko pa tuloy ang nalunod nito sa 1 foot na pool.
Hinanap ko ang may gawa noon para sirain ang pagmumukha. Napakunot ang noo ko na makita si Snipe at Uzi na basa din. Nandito pa rin pala kami sa VIP room ng bar. Kilala ko naman ang may ari nito.
Nagulat ako ng may tubig na naman na tumapon sa katawan ko. Napahampas ako sa lamesa at inis na tumayo para harapin kung sino iyon.
"WHAT IS YOUR FUCKING PROBL... AHHH!" Napahawak ako sa ulo ko ng hampasin ng matatandang kaharap ko.
"Ang sabi ko asikasuhin mo ang business natin!" Muli na naman akong nakatanggap ng hampas kay lolo gamit ang tungkod n'yang bakal.
"LO! NAMAN!" Reklamo ko sa paghahampas n'ya sa akin. Magagasgasan ang maganda kong balat nito.
"Aba sinisigawan mo na akong bata ka!" Umilag na ako sa pagtangka n'yang pagpalo sa akin.
"Lo, 'di ka ba nakatikim magsaya nung kabataan mo!" Sabi ko kay lolo Ramond at pinapatuyo ko ang buhok ko gamit ang kamay ko.
"Goodmorning, Chairman Winchester!" Tinignan ko si Snipe at napangiwi ako ng maghalf bow kay lolo Ramond. Mas'yado naman formal ng isang ito.
"Lolo Ramond para kang 'di tumatanda ah!" Bati naman si Uzi at balak na lumapit kay Lolo pero nakatikim din ito ng hampas ng lumang tungkod ng lolo.
"Ahh!" Daing ni Uzi habang hinihimas ang braso nito.
"Magsiayos kayong mga bata kayo!" Sermon nito. Napangiwi ako sa kan'ya. Napakakill joy talaga ng matanda na ito.
"Lalo ka na, Rifle!" Tumakbo ako sa likod ni Snipe. Hindi sa takot ako sa palo ng lolo ko. Si Snipe na lang kasi ang hindi na hahampas eh.
"Ikaw naman, Snipe sumasama ka pa sa kalokohan ng dalawang yan!" Walang sinagot duon si Snipe at nagbow lang ulit.
"Lolo sino ba ang apo mo diba ako!" Kung magsalita s'ya parang si Snipe ang totoo n'yang apo.
"Ikaw ang apo kong pasaway!" Napapikit ako ng hampasin n'ya ako sa ulo.
"Pag ako nabobo nito, Lo!" Inis kong singhal. Nakakarami na ang matanda na ito sa akin ah. Kung hindi ko lang s'ya lolo talaga eh.
"Ako na mismo ang tatanggal sa ulo mo pati ulo mo sa baba tatanggalin ko na para tumino ka lang!" Napahawak ako sa baba ko.
"Kung gagawin mo 'yun paano ka magkakaapo sa akin!" Sagot ko dito. Natahimik sa duon kaya natawa ako.
"Secretary Luke ihatid mo na ang dalawa na yan bahay nila!" Utos ng lolo sa ungas n'yang kasama lagi.
"Mauna na kami Lolo Ramond!" Paalam ni Snipe.
"Bye, Lo!" Sabi ni Uzi.
Naiwan kaming dalawa dito sa loob.
"Duon ka sa bahay umuwi!" Sabi ni lolo at nauna ng maglakad sa akin. Napakamot ako sa ulo ko dahil sa stress ko sa lolo ko na ito.
"Lo!" Tawag ko dito. Nilingon n'ya ako at sinamaan ng tingin. Nasakotse na kami at umaandar na ito patungo sa bahay ni Lolo.
"Ano?" Masungit n'yang sagot kaya natawa ako ng mahina. Gan'yan lang ang lolo ko pero alam kong hindi naman n'ya ako matitiis.
"Feeling ko meron na akong babae na mapapakilala sayo!" Nag-iba ang awra ng mukha n'ya kaya napangiti ako duon.
"Sino naman?" Umayos ako ng upo.
"Hindi ko pa kilala!" Sagot ko. Dalawang beses na kaming nagkita kaya may kakaiba akong feeling sa babaeng 'yun.
"Ok lang naman sayo kahit 'di mayaman?" Tanong ko sa lolo ko at binigyan ko s'ya ng tingin. Base sa nakita ko sa babaeng na 'yun kagabi bigla akong naawa sa kan'ya.
"Ipakilala mo muna sa akin!" Tumango ako sa sinabi ni Lolo. Hindi na nawala sa isip ko ang babaeng 'yun simula kagabi. Bakit kaya s'ya sinaktan? Puta baka pasaway na babae 'yun, pero mukhang hindi naman eh.
"Rifle!" Napatigil ako sa pag iisip ng tawagin ako ni lolo.
"Hmmm!" Sagot ko. Bigla na lang akong nakaramdam ng pagod sa katawan ko. Late na rin kasi kami natapos uminom ng dalawa.
"Kailangan mo ng hawakan ang Winchester Company." Eto na naman po tayo.
"Lo! Alam mo naman na hindi iyan ang gusto ko 'di ba?" Paliwanag ko dito. Matagal tagal na rin namin pinagtatalunan ang ganitong bagay pero bata palang ako alam ko naman na ako na talaga ang magmamana ng lahat ng negosyo ng pamilya.
"Paano pag nawala na ako!" Bumuntong hininga ako.
"Gusto mo na bang mawala?" Seryoso kong tanong sa kan'ya. Alam naman n'yang ayoko na pinag uusapan ang mga ganitong bagay lalo na s'ya na lang ang pamilya ko.
"Gusto ko lang na ihanda ka, Rifle!" Tumingin ako sa labas. Magiging handa lang ako pag nakuha ko na ang hustisya para sa magulang ko.
"Hahawakan ko 'yan Lo, pero hindi pa sa ngayon." Wala naman akong kawala sa bagay na iyan, saka iyan ang iniwan sa akin ng magulang ko. Hindi ko hahayaan na mawala iyan pero kailangan ko munang makuha ko.
Kung kinalimutan na ni lolo lahat ng nangyari or kahit ganun din ang mga magulang ko. Ako hindi ako titigil para mahuli ang mga taong gumawa nun sa magulang ko.
"Mabuti ng malinaw, Rifle. Ayokong mapunta lahat ng pinaghirapan namin ng papa mo sa mga Hernandez!" Pinikit ko ang mata ko at hinayaan na makatulog. Kay tito James Hernandez n'ya pinaubaya ang Company tapos mangangamba s'ya. Hindi ko rin talaga maintindihan ang matandang ito eh.
Xyra's POV
Inaayos ko ang mga paninda ng makarecieved ako ng isang message. Kinuha ko ang phone ko sa para tignan iyon. Wala akong idea sa nagtext.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang laman ng text. Napahawak ako sa bibig ko at hindi makapaniwala sa natanggap ko.
"Please open your email!" Iyan ang sabi sa text pero galing sa Arme Corporation. Dali dali kong binuksan ang email ko at lalo akong natuwa ng makita ko kung anong laman nuon.
"Letter of acceptance!" Napatalon ako sa tuwa at hinalikan ko ang phone ko. Hindi ako makapaniwala na interview na lang ang kulang ko at makakapasok na ako sa isang maganda at malaking kumpanya gaya ng Arme.
Kung makakapasa ako sa interview. Maslalaki ang sweldo ko at maibibigay ko na ang pangangailangan ng pamilya ko dahil permanente na iyon.
Kailangan kong paghandaan ang bagay na iyon. Bukod sa pangarap kong makapasok sa Arme ay malaking tulong din iyon para sa akin.
"What a shitty things inside your phone, makes you happy?" Nawala ako sa pag-iisip ng mayroon magsalita. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang lalaking nagligtas sa akin na Rifle ang pangalan.
Inaamoy n'ya ang mga kakanin na tinda namin at binabato n'ya lang iyon pabalik.
"Bibili ka ba?" Tanong ko sa kan'ya at inayos ko ang mga ginulo nito. Hindi ako tumingin sa kan'ya pero ramdam kong nakatingin ito sa akin.
"Yup! Magkano ka ba?" Napakunot ang noo sa sinabi n'ya. Preskong nakatayo ito sa labas ng tindahan at may nakakalokong ngisi.
"Wala akong presyo!" Tipid kong sagot sa kan'ya. Alam ko naman na medyo bastos s'ya kausap lalo na pag sa kagaya kong 'di n'ya ka level.
Nakasuot s'ya ng sun glasses at mustard yellow na long sleeve ang pants ito. Halatang mamahalin ang suot n'ya. Narinig ko ang tawa n'ya kaya tinignan ko s'ya.
"How's your feeling?" Patuloy n'yang ginugulo ang mga paninda na nakaayos na nakadisplay kaya pinampal ko na ang kamay nito.
"Aray!" Daing n'ya kahit hindi naman ganun kalakas ang pagkahampas ko sa kan'ya. Binaba nito ng konti ang suot ng sun glasses at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Ito ba trabaho mo?" Tanong n'ya sa akin at nagulat ako ng bigla itong pumasok sa loob ng tindahan at pinaikutan ako.
"Bawal ka dito!" Suway ko sa kan'ya. Tumapat ito sa harap ko at tinignan ako kaya nahiya ako ng konti.
"Tatawag ka ba ng security?" Iniwas ko ang mukha ko ng hawakan n'ya ang baba ko. Bigla s'yang tumawa kaya nagtaka ako sa lalaking ito.
"Ikaw ba ang CEO dito?" Nilibot n'ya ang loob ng tindahan kaya sinundan ko ito dahil kung ano ano ang ginagalaw n'ya.
"Ano ba ang kailangan mo?" Napaatras ako ng itapat n'ya sa akin ang mukha n'ya at tinignan ako sa mukha ko.
"Ikaw!" Hinawakan n'ya ang kamay ko at nilagay iyon sa pisnge n'ya at parang pusang kiniskis ang pisnge n'ya.
Hinila ko mula sa kan'ya ang kamay ko at may nakita akong kutsara malapit sa akin at pinukpok ko sa ulo n'ya iyon.
"The fuck!" Napahawak s'ya sa ulo n'ya. Nakakapikon na kasi ang kinikilos n'ya. Una ginulo n'ya ang mga paninda ko tapos pumasok s'ya ng walang paalam ngayon binabastos n'ya na ako.
"Aish, 'di mo ba alam kung gaano kahalaga ang ulo ko!" Inis nitong sabi. Hindi ko s'ya pinansin dahil masyado na s'yang OA magreact.
"Palibhasa crush mo lang ang gwapong kagaya ko!" Natawa ako sa sinabi nito at balak ko sanang ihampas sa kan'ya ulit ang kutsara, pero hinarang na n'ya ang braso n'ya.
"Hindi ka gwapo." Sagot ko sa kan'ya. May itsura s'ya pero nakakainis lang ang ugali n'ya. Masyadong mahangin at may pagkabastos.
"Aba! Pacheck up ka ng mata o baka may sira ka na!" Sinamaan ko ito ng tingin. Hinila ko s'ya sa damit para palabasin na.
"Tomboy ka ba?!" Tinignan ko s'ya ng matalim dahil sa sinabi nito.
"Ikaw bakla ka ba?!" Bawi ko dito. Tumawa ito ng mahina at tinuro turo pa ako kaya hinampas ko iyon.
"Aba palaban ka na ah! Noong nakaraang gabi lang halos maiyak ka sa takot!" Inirapan ko ito. Bigla na lang uminit ang dugo ko sa lalaking ito. Nagpapasalamat ako na iniligtas n'ya ako pero sobra n'yang hangin.
"Nagugutom ako kain tayo." Aya nito. Lumiit ang tingin ko dahil natanaw ng mata ko si Aling Alice na papalapit na dito.
"Yabang umalis ka na dito!" Tinutulak ko s'ya palabas pero nagpapabigat ito at hindi ko s'ya kayang itulak.
"Sus palusot ka pa gusto mo lang hawakan mga muscles ko!" Natatawa nitong sabi. Sinilip ko ulit si Aling Alice na ngayon ay nakatingin na sa amin ng yabang na ito. Kainis baka matanggal pa ako dahil sa lalaking ito.
"Sino s'ya Xyra?" Tanong ni Aling Alice pagkapasok nito sa loob. Seryoso ang mukha ni Aling Alice kaya kinabahan ako.
"Uh Xyra pala pangalan mo." Humarap sa akin si Rifle. Tinapik ko s'ya at sinenyasan na umalis na dito. Nagdedelikado ang trabaho ko dahil sa kan'ya.
"Sino ka ba iho?" Nalipat ang tingin namin ng lalaking ito sa tanong ni Aling Alice. Lumawak ang ngiti ng mayabang na'to.
"Master po ako ni XYRA!" Diniinan n'ya pa ang pangalan ko kaya medyo na ilang na ako dahil panay tingin na sa akin ni Aling Alice.
"Ma'am kung papayag po ang mabuti n'yong loob ay hihiramin ko lang po ang aking mahiwagang alagad!" Sinamaan ko ng tingin ang bwisit na lalaking ito at kung ano ano ang pinagsasabi.
"Wala naman problema duon!" Isang bagsak na pagpalakpak ang binigay ni Rifle.
"Let's go!" Kinuha n'ya ang kamay ko at wala akong nagawa. Nakatingin ako kay Aling Alice habang papalabas kami. Nakangiti lang s'ya sa amin.
"Saan ba tayo pupunta?" Hinila ko na ang kamay ko sa pagkakahawak n'ya.
"Buti na lang gwapo ako pero sige uulitin ko na lang dahil mabait din ako!" Napahinto ako dahil sa tumapat s'ya sa akin.
"Dahil dalawang beses kitang iniligtas ay ilibre mo ako ng lunch!" Nakangiti n'yang sabi. 100 pesos lang ang hawak kong pera ngayon.
"Natulala ka na ba sa kagwapuhan ko? Aish ang ganitong bagay ay normal na lang sa akin!" Tinignan ko ang lalaking ito na parang may sira sa kokote.
"Wala akong pera." Diretso kong sabi dito. Bigla s'yang napatingin sa akin.
"Kung ganun kiss na lang!" Ngumuso s'ya sa harap ko kaya sinipa ko ang binti n'ya.
"Damn!" Tinalikuran ko s'ya at babalik na ako sa tindahan. Hindi ako magkakapera kung s'ya ang makakasama ko at magsasayang lang ako ng oras.
"Gan'yan ka ba magpasalamat?!" Sigaw nito kaya napatingin ako sa paligid ng magtinginan ang mga tao sa amin.
"AHHH! FUCK SOBRANG SAKIT!" Napakunot ang noo sa kaartehan ng lalaking ito. Umupo s'ya sa lupa at hawak hawak ang binti na sinipa ko at umaarte na akala mong naputulan na ng paa.
"Tumayo ka nga d'yan." Sabi ko. Nakakahiya na kasi sa mga tao ang ginagawa n'ya. Umupo ako para magpantay kami. Biglang ngumiti ito sa akin.
"Sabihin mo muna salamat, Gwapo!" Napataas ang kilay ko sa kan'ya. Grabe naman ang taong ito sinasayang n'ya ang oras ko para sa walang kwenta n'yang kalokohan.
"Gago!" Sabi ko at tumayo na.
"Gwapo po hindi gago hindi lang pala mata mo may diperensya pati tenga mo!" Napatingin ako sa kamay kong hawak na n'ya ngayon. Tinanggal ko iyon at hinarap s'ya.
"Mr. Rifle, kung gusto mong makipaglaro sa iba na lang dahil kailangan kong kumita ng pera!" Paliwanag ko dito. Sana naman ay maintindihan n'ya kung hindi hahanap na ako ng pamalo at ihahampas ko sa mukha n'ya.
"Ok na ba ito!" Mayroon s'yang nilabas na 1000 pesos sabay ngiti.
"Gusto ko pinaghirapan ko!" Aalis na ako ng pigilan na naman n'ya ako.
"Samahan mo akong kumain ibibigay ko na sayo ito!" Napaisip ako sa alok n'ya.
"Wag ka ng mag-isip!" Bigla na lang n'yang nilagay ang pera sa bulsa ko at hinila ang kamay ko.
"Hindi ako bayaran!" Seryoso kong sabi sa kan'ya. Nakita ko itong ngumisi.
"Alam ko!" Napaiwas ako ng tingin ng tignan n'ya ako.
"Gusto lang kitang maging kaibigan kaso mas'yado kang mailap!" Dagdag pa n'ya. Tinignan ko ito habang naglalakad kami. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sumusunod lang ako sa kan'ya.
"Wala akong panahon d'yan." Sagot ko sa kan'ya.
"Alam mo hindi ka pwedeng palagi na lang mag-isa. Sa tingin ko isa kang malambot na nilalang!" Hinawakan na naman n'ya ang pisnge ko kaya tinapik ko ang kamay n'ya at sinamaan ito ng tingin.
"Tignan mo ang babaeng ito. Hindi kita maintindihan kaya mo naman pala maging matapang pero bakit ka laging napapahamak?" Sabi ng lalaking ito sa akin, pero hindi ko s'ya pinansin. Hindi ko na malayan na napadaan na kami sa isang boutique at meron duon na ka display na isang formal na kasuotan.
"Gusto mo 'yan?" Iniwas ko ang tingin ko duon at nagpatuloy sa paglalakad. Gustuhin ko man iyon ay hindi ko kayang bilin dahil sobrang mahal. Manghihiram na lang ako ng susuotin ko sa interview.
"Aish kung hindi ka lang babae!" Rinig kong bulong n'ya.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kan'ya. Huminto ito sa isang tapat ng mukha restuarant.
Hindi pa ako nakakarating sa ganitong klaseng restaurant at mukhang korean restaurant pa.
"Tara!" Hinila n'ya ako papasok at umupo kami. Walang mas'yadong tao dito ngayon. Meron pang nakasabi sa taas na mukhang para sa usok dahil merong ihawan dito sa gitna ng table.
"Marinated samgyeopsal ako!" Tinignan ako ni Rifle. Tinignan ko ang menu nila at wala namang pamilyar sa mga mata ko dito.
"Pareho na lang kami." Sabi ni Rifle sa lalaki. Tinignan n'ya ako pero ang tingin na iyon ay naiilang ako.
"I saw you, last last night." Tinignan ko s'ya na seryoso ang mukha. Nakapatong ang dalawa nitong siko sa table.
"Are you alright?" Alam ko ang tinutukoy n'ya ang gabing napagalitan ako ni Nanay dahil sa paghatid n'ya sa akin. Tumango ako sa kan'ya pero nagulat ako ng tumawa ito.
"Tumigil ka nga." Saway ko sa kan'ya iilan na nga lang ang tao dito tapos s'ya lang ang maingay.
"Why?" Ang lalaking ito para talagang s'yang walang priniproblema sa buhay.
"Ang ingay mo." Mahina kong sabi sa kan'ya. Ako ang naiilang dahil sa ginagawa ng isang 'to.
"Paano ba naman kasi madalang pa sa super moon ang mga sagot mo! Ay hindi! Naiintindihan pala kita. Ganito ba naman kagwapo kaharap hindi ka madistract at matulala. Tama kasalanan ko." Turo n'ya sa mukha nito, bigla na naman itong tumawa kaya napapoker face na lang ako sa kan'ya. Mukha namang mabait ang isang 'to, pero parang maysira lang sa kokote at masyadong mahangin.
"Ang mga babae minsan na babaliw dahil sa taglay kong hotsomeness!" Pagmamayabang nito. Dumating na ang inorder n'ya at sobrang dami nito. Hindi ko alam kung ano ano pangalan ng mga pagkain na ito pero feeling ko masarap silang lahat.
"Kaya minsan tinatago ko ang gwapuhan ko." Nagsimula s'ya mag grill ng mga meat habang patuloy pa rin s'ya pagmamayabang at pagpuri sa mukha n'ya pero ako ay wala akong paki alam sa sinasabi n'ya.
"Hindi mo alam ang pakiramdam ng kung ano ang nafefeel ko tignan mo nga ang suot mo ang baduy, wala man lang attraction na makita sayo meron pala lapitin ka ng gulo." Sinimulan ko ng kainin ang mga pagkain sa harapan ko.
"Hmm!" Napangiti ako dahil ang sasarap ng mga ito.
"Sarap?!" Agad akong tumango sa tanong n'ya. Kinuha ko ang tong na hawak nito para maglagay ako ng meat sa plate ko.
"Aish! Libre eh kaya masarap." Napatigil ako at tinignan s'ya na kumukuha din ng meat gamit ang chopstick. Sanay pala s'ya nun.
"Thank you!" Huminto ito sa pagsubo at tinignan ako, biglang nagkaroon ng ngiti sa labi.
"Maganda ka pala pag tinititigan." Napaiwas ako ng tingin sa kan'ya. Wala akong nilalagay sa mukha at wala na rin akong panahon mag-ayos ng sarili kaya feeling ko ang pangit ng itsura ko.
"Sa inyo ba ang tindahan na 'yun?" Tanong ni Rifle. Umiling ako sa kan'ya.
"Pumapasok lang ako duon!" Sagot ko. Tumango ito at nagpatuloy sa pagkain.
"Kung bibigyan kita ng trabaho ano sa tingin mo?" Napahinto ako sa pagsubo at tinignan ang lalaking nakatutok sa pagkain n'ya.
"Ano namang trabaho?" Tanong ko sa kan'ya.
"Ano ba kaya mo?" Mabilis nitong sagot. Tinignan n'ya ako sa mata. Ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng mata nito. Ang haba ng pilik mata ang tangos ng iling ang kissable lips.
"Aish! Oo alam kong gwapo ako!" Bumalik ako sa reality ng humangin na naman s'ya.
"Madami!" Tipid kong sagot sa kan'ya at pinagpatuloy ko ang pagkain.
"Let's have an interview!" Binaba n'ya ang hawak na chopstick at umayos ng upo.
"How old are you?" Hindi ko alam kung seryoso ba ang lalaking ito, pero dahil nilibre naman n'ya ako ng pagkain ay pagbibigyan ko na lang.
"22 years old!" Tipid kong sagot sa kan'ya.
"What's your name?" Muli n'yang tanong.
"Xyra Cy!" Pinatong n'ya ang baba n'ya sa mga palad nito at tinignan ako ng seryoso.
"May crush ka ba?" Napataas ang kilay ko sa tanong n'ya.
"Ano naman kinalaman ng tanong na yan sa interview?" Ako naman ang nagtanong sa isang ito. Tumawa s'ya ng mahina. Tumayo ito dala ang upuan n'ya kaya sinundan ko ito ng tingin at umupo s'ya sa tabi ko.
"Kailangan ko kasi malaman kung ano ang nararamdaman mo para alam ko ang feeling ng mga employee." Paliwanag n'ya. Napalayo ang mukha ko ng ilapit n'ya ang mukha n'ya. Inipit nito ang buhok ko sa aking tenga kaya napakunot ang noo ko. Tinignan n'ya ako sa mga mata.
"May boyfriend ka ba? Kung wala pwede ako na lang?" Kinuha ko ang isang piraso ng chopstick at pinukpok ko sa ulo n'ya.
"Aish!" Daing n'ya at napalayo s'ya sa akin ng konti.
"Ang tanong na iyon, mayroon din bang kinalaman sa pagiging employer mo!" Inis kong tanong sa kan'ya. Bigla na naman s'ya tumawa at napahampas sa balikat ko.
"Ay oo nga pala, nadala lang ako!" Natatawa n'yang sabi. Hindi ko na s'ya pinansin at pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.
"Hindi mo na ako kailangan interviewhin sa susunod na araw meron akong interview sa Arme!" Sabi ko sa kan'ya. Masyadong mahangin ang kasama kong ito at akala n'ya wala akong makukuhang ibang trabaho.
"Arme?" Tumango ako. Nag lagay ulit ako ng meat para igrill.
"Alam mo ba ang Winchester Company?" Umiling ako sa kan'ya. Tinignan ko s'ya nasagilid ko na lang ito, pero pansin ko na ako lang ang kumakain.
"Duon ka ba nagtratrabaho?" Tanong ko sa kan'ya.
"Aish! Nasunog na!" Napalingon ako sa niloloto ko at oo nga.
"Bakit sa Arme ang gusto ko?" Tanong na naman nito. Inaayos n'ya ang nasunog na pagkain at pinalitan na iba.
"Pangarap ko kasing pumasok duon at mahilig ako sa mga pen!" Paliwanag ko. Nasahigh school palang ako ay duon ko na gusto kong magtrabaho.
"Okie!" Natawa ako sa sinabi nito.
"Okie!" Gaya ko sa kan'ya. Kung hindi lang mag-yayabang ang isang ito mabait s'ya pero hindi ko pa lubos na kilala ito kaya kailangan ko pa rin mag-ingat.
"Goodluck sayo!" Tumango ako sa kan'ya at bumalik kami sa pagkain. Napansin ko ang relo nito at nanlaki ang mata ko.
"Oh no!" Bigla akong napatayo na ikinagulat n'ya.
"Why?" Taka nitong tanong.
"Kailangan ko na palang umuwi, salamat sa libre mo!" Hindi ko na nahintay ang sagot n'ya at tumakbo na ako palabas. Malapit na kasing mag gabi at ayokong magalit si Nanay ulit dahil sa pag suway ko sa kan'ya. Masmaganda na sumunod na lang ako sa kan'ya para walang gulo.
ในสหรัฐอเมริกาหน่วยงานจัดเก็บภาษีและการบริหารจัดการโดยหน่วยงานของรัฐนอกเหนือจากแผนกจัดเก็บภาษีหน่วยงานด้านภาษีและการบริหารไม่ได้เป็นเพียงหน่วยงานของรัฐบาลเท่านั้นผู้ประเมินมูลค่าอสังหาริมทรัพย์ได้รับการว่าจ้างจากการคัดเลือกหรือแต่งตั้งโดยสาธารณะก่อนอื่นผู้ประเมินต้องพิจารณาว่าคุณสมบัติใดที่ต้องเสีย
— Usted es el único que hará todo, joven Hamilton — apoyó su cadera en el escritorio del chico — Ahora que todos tienen el nombre de sus parejas espero que me entreguen las tareas que tienen pendientes antes de que se acabe el mes — miró a todos los estudiantes — Tienen dos semanas para entregar to
Cristian metió a Daniel en el baño de la escuela después de que tocaron el timbre para que volvieran a ingresar a clases. Vio como todos los cubículos del baño estaban vacíos y cerró la puerta para que nadie entrara.Daniel observaba cada uno de los movimientos de Cristian esperando que este le dije
"I don't want to hurt you, he said; for you are not only a wonderful person but too innocent."I stared within his eyes; while my green eyes became filled with water.He was the only person who was nice to me. I didn't want him to leave me.He brings his face towards me and started to kiss me again.
I dig my hand within the ground grabbing a handful of dead leaves. Twisting and turning my head."Hah!...," I made a strange sound.It was as if I could not control the sounds that we're escaping my mouth."Josh," I called his name. As he sucks between my legs; not knowing what to do. I felt a stron
After a long search of about fifteen minutes, she finally found her now husband standing next to her father and an old man. She assumed that he's his father, as their looks quite matched a lot. With a sigh she made their way towards them and intertwined her fingers, her gaze firm on the floor."Zoya