Share

Bab 0010

Author: GN001
last update publish date: 2023-12-01 16:06:39

Rifle's POV

Kinuha ko ang isang unan sa gilid at tinakip ko sa mukha ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa akin. Aish bwisit na araw na ito.

Bumangon ako para isarado ang kurtina ng kwarto. Bakit kasi lagi kong nakakalimutan ko iyan tuwing gabi. Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng tubig.

Kumuha ako ng isang itlog and bread para lutuin. Binuksan ko ang kalan at inilagay ko ang itlog duon.

"Hell!" Inis kong sabi ng masama pa ang kalahati ng shell.

"Abstract pa ang gawa ko, ibang klase ka talaga, Rifle!" Proud kong sabi sa sarili ko. Anong panama ang ni Snipe sa art na gawa ko. Wala kasi wala s'yang kwenta. Napangisi ako sa iniisip ko. Kung sinabi ko kay Snipe yun wala naman s'yang magiging reaction.

Narinig kong tumunog ang phone ko kaya bumalik ako sa kwarto ko, pero napadaan ako sa salamin kaya tinignan ko muna ang gwapo kong mukha.

"The definition of Hotsome!" Tinaas ko ang shirt na suot ko para tignan ang abs ko.

"Aish!" Matalim na tingin ang binigay ko sa phone ko ng walang tigil ito sa pagtunog. Sarap sapakin ng tumatawag na 'yun. 8:00 A.M palang nang iistorbo na.

Kinuha ko 'yun at sinagot na kahit 'di ko pa tinitignan kung sino iyon.

"PUMASOK KA SA TRABAHO!" Nailayo ko sa tenga ko ang phone dahil sa malakas na volume ng boses ng lolo.

"Lolo naman gusto mo bang mabinge ang gwapo mong apo!" Reklamo ko sa kanya.

"Ikaw bata ka, pag aralan mo ng patakbuhin ang Company natin, dahil ikaw lang ang magmamanage nuon pag nawala na ako. KAYA KUMILOS KA NA!" Sa pangalawang pagkakataon ay nailayo ko na naman sa tenga ang phone.

Bakit ba laging galit ang matandang ito? Naubusan na ba s'ya  ng sperm? Umaasa pa naman akong magkaroon ng tito sa kanya.

"Lolo, buhay ka pa naman kaya wala pa akong kailangan gawin, saka hindi ka pa mawawala bibigyan pa kita ng apo kaya dapat 'di ka pa mawawala!" Nakangiti kong sabi kay lolo.

"Palusot kang bata ka!"

"Tama naman ako hindi ba lolo, gusto mo ng apo?!" Biro ko sa lolo. Narinig ko ang tawa nya sa kabilang linya kaya napangiti na ako.

Ligtas na naman ang gwapo.

"Bago ka magsabi ng apo maghanap ka muna ng babae aalagaan ka! Apo! Apo ka d'yan wala ka ngang maipakitang girlfriend!" Natawa na lang ako kay lolo.

"PUMASOK KA NGAYON, KUNG HINDI HUMANDA KA!"

"Grabe nakakatakot, Lo!" Biro dito at umacting na para bang natatakot kahit 'di naman n'ya nakikita.

Binaba ni lolo ang phone kaya natawa ako at may ngiting tagumpay sa aking magagandang labi. Nawala lahat ng pagsasaya ko ng makaamoy ako ng sunog.

Nanlaki ang mata ko ng maalala ko ang niluluto kong itlog. Pagdating ko sa kusina ay hindi ko alam ang gagawin ko dahil almost black na ang itlog. Naghanap ako ng potholder para kunin ang frying fan pero nataranta na ako kaya kinamay ko na lang at nilagay sa sink iyon at tinapunan ng tubig.

Pinatay ko ang apoy sa stove at napa face palm dahil sa burned egg na ito. Iniwan ko na lang iyon duon dahil mukhang magtitiis na naman ako sa cup noodles nito. Kung pupunta pa ako kay lolo sesermonan lang ako noon.

Kumuha ako sa stock storage ng cup noodles at binuhusan ng tubig na mainit. Habang hinihintay ko iyon ay naligo na ako, pupunta muna ako sa office kahit ang totoo wala talaga akong office sa sarili ng kompanya.

Gan'yan kabait ang lolo ko sa akin. Nag-iisa na nga lang na apo kinakawawa pa. Kaya hindi makapag-asawa ulit dahil masama ang ugali sa apo.

Pagkatapos ng brief shower ay nagsuot na ako ng brief. Pinagmasdan ko ang sarili kong katawan sa salamin na pinasadya ko talaga dito para makita ko ang maganda kong katawan.

Pagkatapos ay bumalik ako sa kusina para tignan ang niluto ko. Pagbukas ko ng takip ng cup noodles ay lumabas ang usok nito at napapikit ako para langhapin ay everyday meal ko.

"Tang ina!" Masaya kong sabi at hinalo ang noodles na ito. Kung sa bahay kaya ako ni Snipe tumira para naman matino ang pagkain ko, kaso 'di naman papayag yun.

Hindi ko pa nakakalahati ang pagkain ko ay tinapon ko na lang dahil hindi ko rin naman na malunok dahil sa lagi na lang iyon ang kinakain ko.

Bumalik ako sa kwarto para kuhanin ang airsoft gun ko at isinabit sa likudan ko iyun. Kumuha ako ng blue long sleeve at black pants. Kailangan ko rin dalaw dalawin ang business namin pinaghirapan 'yan ng family Winchester.

Chineck ko muna ang sarili ko kahit na alam kong sobrang gwapo ko kahit sa anong bagay. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang malambot kong mga kamay.

"Walang pinag-iiba gwapo talaga!" Kinuha ko ang susi ng kotse at bumaba na sa building. Bago ko pinaandar ang kotse ay tinignan ko muna ang mukha ko sa rear mirror.

Mabilis kong pinaandar inyon at chill chill lang tayo sa mga nadadaanan ko. Isa akong team leader ng production department pag nanduon pang ako pero meron ibang team leader na pumapalit sa akin pag hindi ako pumupunta sa Company.

Wala naman akong ginagawa duon kung hindi ang umupo at tignan ang mga ginagawa ng mga employees ni Chairman Ramond Winchester or should I say my lolo.

Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Team leader lee dahil ayokong may kalat sa table ko pag uupo ako duon.

Napaapak ako sa preno bigla ng may batang tumawid sa daan.

"What the fuck!" Bumaba ako para tignan ang batang babae na 'yun. Naka uniform ito mukhang studyante palang.

"Hoy!" Sita ko sa batang babae. Siguro teenager ang bata na ito.

"Hindi mo ba nakikita nakagreen!" Turo ko sa traffic light. Napayuko ang batang babae kaya napakamot ako sa ulo ko.

Lumapit ako sa kanya at chineck ko kung meron ba itong sugat sa katawan.

"Ok ka lang ba?!" Tanong ko sa batang ito. Mabilis s'yang tumango at halata sa mukha nito ang takot.

"HOY JANE!" Napalingon ako sa sigaw ng isa pang bata. Napatayo ako ng makita ang tatlong mga batang babae.

"Kaibigan mo ba sila?!" Tanong ko sa batang katabi ko pero bigla s'yang nagtago sa likod ko.

"Tumabi ka nga d'yan!" Natawa ako sa inasal ng sa 'di naman kalakihan na batang ito. Hahawakan ko sana ulo n'ya pero tinapik n'ya iyon. Tumingin ako sa paligid dahil na inis ako sa asal ng batang ito.

Yumuko ako para pumantay sa batang siga na 'to.

"Ano pangalan mo?!" Mahinahon kong tanong sa sigang bata. Pag ito inihagis ko sa pauwi sa kanila iyak 'to.

"Paki alam mo! Hindi ikaw ang kailangan namin si Jane!" Napaayos ako ng tayo at natawa na lang sa sigang maliit na ito. Nakapamewang pa sila na nakaharap sa amin. Halatang nambubully ang mga ito.

"Hoy Jane wag ka nga magtago sa lalaking 'yan!" Sabi naman ng pangalawang bata. Ganito na ba talaga katatapang ang mga bata ngayon. Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit sa suot ng batang nasalikudan ko.

Hindi ko alam kung sa muntik ko na s'yang masagasaan o dahil sa tatlong batang babae na ito.

"Wala naman akong ginagawa sayo Margaret!" Takot nitong sagot aa babae. Feeling ko ka ang naunang batang babae ang Margaret.

"Tumigil na nga kayo! Magsiuwi na kayo!" Suway ko sa kanila pero natawa na naman ako ng mahina ng walang gumalaw sa mga pasaway na ito.

"Gusto n'yo bang tumawag pa ako ng pulis?!" Mananakot ko sa kanila. Ang matapang na bata ay tinignan ako ng mataray.

"Tumawag ka, pulis din ang papa ko!" Napahawak ako sa ulo ko at napahinga ng malalim. Sumasakit ulo ko sa mga batang ito.

Ayoko sanang gawin ito pero kailangan na. Mahaba pasyensya ko pero naubos na ng tatlong bad girl kuno na ito.

"Sabihin mo sa papa mo sapakan kami!" Nagtitimpi kong sabi at tinalikuran na ang mga iyon, kaso na pabalik ako at hinila ang batang babae. Pinapasok ko ito sa kotse at sumakay ako.

"Saan ka ba nakatira?!" Tanong ko sa kanya. Hindi ito sumagot kaya tinignan ko s'ya.

"Hindi ko po kayo kilala!" Inosente nitong sabi kaya napatawa na naman ako.

"Tignan mo 'yun!" Tukoy ko sa tatlong babae na nakatingin sa amin at mayroong masasamang tingin. Hindi ako natatakot sa kanila.

"Ok lang naman bumaba ka na pero wag mo akong sisihin pag nabugbug ka!" Sumandal ako at tinaasan s'ya ng kilay. Tama naman s'ya na hindi n'ya ako kilala pero wala akong gagawin sa kan'ya. Hindi ako pumapatol sa bata, takot ko lang sa lolo ko.

"Bilisan mo mag-isip malalate na ako sa trabaho ko!" Kalmado kong saad. Kailangan ko magpretend na workaholic ako.

"Diretso lang po!" Hindi ko na s'ya sinagot at pinaandar ang sasakyan patungo sa tinuro nya.

"Ano bang kasalanan mo sa mga iyun?" Tanong ko sa batang ito. Masyado s'yang tahimik eh.

"Hindi ko kasi sila pinakopya ng assignment!" Bigla akong natawa sa sagot n'ya. Taka itong tumungin sa kan'ya kaya tinapik ko ang balikan n'ya pero inilayo n'ya yun sa akin. Matalinong bata.

"Bakit kasi 'di ka nagpapakopya?" Natatawa kong tanong sa kan'ya.

"Sabi ng ate ko pag nagpapakopya ka baka mataasan pa nila ang grade mo!" Tumango ako dun. Tama naman iyon pero iba ang paniniwala ko sa kan'ya at sa ate n'ya, bukod sa hindi ako gumagawa ng assignment ay nagpapakopya din ako.

"Alam mo bata, may advantages din ang pagpapakopya!" Sabi ko dito. Tumaas ang kilay n'ya.

"Actually na sayo lahat ng advantages eh. Bukod sa magkakaroon ka ng kaibigan, ikaw lang din ang matututo!" Huminto ako ng may dalawang paglilikuan. Tinignan ko ang batang babae na nakangiwi sa akin.

"Selfish ka pala!" Binuksan n'ya ang pinto ng kotse at lumabas na ito. Napakunot ang noo ko dahil sa inasal ng batang 'yun.

"Thank you, Rifle sa pagligtas at pag hatid sa bata!" Napa face palm ako dahil dun.

Barkada kaya sila ng babaeng nanampal sa akin kagabi? Pareho sila ng ugali eh. Iniba ko na ang way ko para pumunta sa Winchester building.

Pagpasok ko ay daig ko pa ang President nitong kompanya dahil sa mga paghinto ng mga employees at pagbati sa akin.

"Goodmorning, Sir!"

"Hi, Sir!"

Ngumingiti lang ako sa mga ito at pumunta na ako sa third floor kung nasaan ang office namin. Pagdating ko duon ay nagsitayuan sila para batiin lang ako.

"Goodmorning, Sir!" Naglakad ako papunta sa table ko. Wala pa akong sariling office ngayon pero lahat nagagawa ko dito kahit nga tumambay sa president's office ay nagagawa ko. Ang may president nitong Company ay ang bestfriend ni Papa na si Tito James pansamantala lang naman 'yun hanggang hindi ko pa trip magpatakbo ng business.

Pero Syempre ang Chairman pa rin ang pinakamakapangyarihan sa building na ito at pag naipasa na sa akin ang lahat at sinipag na ako ay ako na ang papalit sa pwesto n'ya.

Pinatong ko ang paa ko sa table at nagphone na lang. Pinagbibigyan ko lang ang lolo ko na pumunta dito pero maya maya lang naman ay aalis na ako dito.

"Ms. Galang timpla mo ako ng kape!" Napataas ang kilay ko sa boses ng narinig ko. Tumigil ako sa pagcecellphone at hinintay ang nakaTshirt at maong pants na si Team leader Lee. Hindi n'ya ako napansin dahil busy ito sa pag-utos sa isang employee.

"Ayos pormahan natin ah!" Tinanggal ko ang pagkakapatong ko sa table ng paa at tumayo para ayusin ang formal kong suot. Nag-effort pa naman akong mag long sleeve ngayon kahit ang init sa pilipinas.

"Sir, Rifle!" Tiniklop ko ang sleeve nitong suot ko at seryosong tinignan si Mr. Lee.

"Baka pagod ka maupo ka muna!" Tumabi ako sabi ko at binigyan ito ng daan papunta sa table n'ya.

Tinignan ko ang wrist watch ko at binaling ang tingin sa kan'ya na ngayon ay hindi mo na maipinta ang itsura.

"Baka gusto mong pagtimpla pa kita ng kape?!" Ako nga 'di pa kumakain at nagiinit na ang ulo ko dahil sa mga batang nakasalubong ko kanina.

"H-hindi na po s-sir!" Lumapit ako sa kan'ya at tinapik ko ang balikat nito.

"Your work time was suppose to be 7:00 A.M, what happened? Almost 10:00 A.M na!" Mahinahon kong sabi nito at tinignan ang suot n'yang sobrang casual.

Naglakad lakad ako sa paligid n'ya habang hinihintay ang pagsagot nito. Pinitik ko ang tenga nito at sinamaan s'ya ng tingin.

"Kita mong busy si Ms. Hmm what's your name again?" Tukoy ko sa babaeng nakatayo na inutusan ni Mr. Lee.

"Mikaela Galang po, Sir Rifle!" Sagot nito.

"Kita mong busy sa pagtratrabaho si Ms. Galang tapos uutusan mong magtimpla ng kape!" Nagpipigil kong sambit dito.

"Ms. Galang go back to your work! Ako na ang magtitimpla ng kape kay Team leader Lee!" Madiin kong sabi habang matalas na tingin ang binigay ko sa kaharap ko.

"Sir, Wag na po!" Tinalikuran ko s'ya para kumuha ng cup nilagyan ko ng 3 in 1 coffee at mainit na tubig. Bumalik ako sa table n'ya at nilapag ko ang mainit na kape. Hindi s'ya makatingin sa akin ng maayos.

"Pag nauna pa akong pumasok sayo sa susunod magbalot balot ka na!" Hinawi ko ang basong nakalagay sa table n'ya kasama ang mga papel na nakalagay duon ay nagkalat sa floor.

"O-opo, sir Rifle!" Inayos ko ang suot ko para kumalma. Kahit saan ba ako pumunta may mga bwisit sa paligid. Umalis ako sa lugar na 'yun at pumunta ako sa rooftop para magpahangin.

Kitang kita mo ang mga maliit na bagay. Gan'yan ang makikita mo pag masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. Ang mga maliliit na bagay sa nakapaligid sayo. Umupo ako sa bench dito at pinikit ang mata ko.

Xyra's POV

"Ilalako ko na po ito aling Alice!" Paalam ko kay aling Alice. Tumango lang s'ya nilang sagot kaya nagsimula na akong mag-lakad lakad habang dala ang bag na may lamang iba't ibang kakanin.

Hapon na at malapit ng mag gabi kaya kailangan ko na ito maubos bago pa ako abutin ng gabi ulit. Panigurado na magagalit na naman ang nanay pag nagkataon.

Siguro mga sampung piraso na lang naman ito. Sabi ni aling Alice na bukas na lang kaso dapat makabili ako ng karne ngayon para matuwa si Nanay sa akin.

"Bili ba po kayo!" Sabi ko sa mga nadadaanan kong tao, pero ang iba ay hindi naman ako pinapansin. Sanay na ako sa mga gan'yang mga tao.

"Bili na po kayo!" Sabi ko ulit. Palakad lakad lang ako dito at halos 20 minutes na ay wala pa ring bumibili. Pinagpatuloy ko lang ang paglalako hanggang sa nakarating ako sa maingay na lugar.

Ang ingay ng loob nuon kaya hanggang sa labas ay rinig ang kanta. Tinignan ko ang pangalan ng lugar.

"Jacob's Bar!" Basa ko dito. Kaya pala ang ingay. May humintong nakakotse sa tapat ko kaya lumapit ako duon. May kausap ito sa phone kaya hindi ko maialok ang dala ko. Magara ang kasuotan n'ya kaya hindi ko lang alam kung bibili ito sa akin, pero susubukan ko pa rin.

"What the heck, Rifle nasaan ka na ba?!" Napaatras ako dahil parang galit s'ya.

"Wait a second, Rif!" Tinignan n'ya ako.

"Why?!" Bigla akong nahiya ng tignan n'ya ako. Gwapo at matangkad ba lalaki ang kaharap ko ngayon ay sobrang ganda ng suot nito. Nakakahiya tuloy kung aalukin ko s'ya ng paninda ko. Hindi bagay sa suot at porma n'ya.

"Biko po kayo!" Nahihiya kong alok. Tinignan nya ang paninda ko.

"Give me one!" Napangiti ako ng marinig iyon. Akala ko talaga hindi n'ya ako papansinin eh.

"Tang ina bilisan mo! Malapit na daw si Snipe!" Sabi n'ya sa kausap nito. Nilagay ko sa plastic ang isa biko ang inabot iyon sa kan'ya.

"Ito po, sir!" Kinuha n'ya naman agad iyon. Inabutan n'ya ako ng 1000 pesos kaya tinignan ko ito.

"Sir, wala po akong barya!" Napakamot ako ng ulo ko. 300 lang ang dala kong pera kaya wala pa sa kalahati ang inabot n'ya sa akin.

"Siguraduhin mo lang, Rif! Pareho tayong lagot kay Snipe pag nagalit 'yun!" Nagsimula s'yang maglakad kaya hinila ko ang suit nito dahil hindi ko pa s'ya nasusuklian. Napahinto s'ya at tinignan ako. Sobrang busy n'ya sa kausap n'ya kaya nakalimutan na nito ang sukli n'ya sa akin.

Napabitaw ako sa suot n'ya at medyo nalukot ang parteng hinawakan ko.

"Pasyensya na po, Sir pero wala po akong isusukli sa inyo!" Mahinahon kong sabi.

"Keep the changes!" Nanlaki ang mata ko at lumapad ang ngiti ko sa sinabi ng lalaki.

"Salamat po!" Masigla kong sabi. Hindi ko na tatanggi dahil kailangan ko talaga ng pera. Wala s'yang sinabi at umalis na lang ito papasok sa loob ng maingay na lugar.

Dahil sa kan'ya makakauwi na agad ako. Saan kaya meron pang nagtitinda ng mga karne dito. Naghanap hanap ako ng tindahan para maghanap ng karne at patuloy pa rin ako sa pag-aalok ng tinda ko.

"Hello, Miss!" May dalawang lalaking lumapit sa akin. Medyo malalaki ang katawan nila.

"Ano yang hawak mo?" Turo ng nakasandong lalaki sa dala kong bag. Ang isa namang lalaki ay lumapit sa akin. Naka puting Tshirt ito na may sira sira pa. 

"Biko po!" Sagot ko sa kanila.

"Bigyan mo nga kami!" Tumango ako sa kanila at binigyan ito ng tig-isang slice. Tahimik akong hinihintay na magbayad sila pero saglit lang nilang naubos ang biko na inabot ko sa kanila.

Nilibot ko ang paningin ko kaming tatlo na lang pala ang nandito at medyo madilim na rin.

"Ang sarap ah!" Sabi ng nakasandong lalaki. Ngumiti lang ako sa kanila.

"Bigyan mo pa nga kami!" Kumuha ulit ako ng tigisa at binigay sa kanila. Pagkaabot ko ay kinuha nila ang biko pero ang lalaking naka puti Tshirt ay pati kamay ko ay kinuha. Hinila ko naman agad yun.

"60 pesos po lahat!" Singil ko sa kanila. Hindi na kasi maganda ang pakiramdam ko sa dalawang ito. Napahinto sila sa pagkagat at tinignan ako.

"Kumakain pa kami." Malalim na sabi ng lalaking nakasando kaya natakot ako. Bigla akong kinabahan sa kakaiba nilang tumingin.

"Sige wag n'yo ng bayaran!" Tumalikod ako sa kanila.

"WAHHH!" Sigaw ko ng bigla hablutin ng lalaking nakasando ang kamay ko. Nabitawan ko ang dala kong bag at nagkalat sa sahig ang mga tinda ko.

Hinila ko ang kamay ko sa mula sa lalaking iyon pero hinigpitan nya ang pagkakahawak sa akin.

"Alam mo bang ayoko sa lahat ng maingay pag kumakain ako!" Nakakatakot nitong sabi sa akin. Naiba ang direksyon ng mukha ko dahil nilalapit n'ya ang mukha nya sa akin.

"Dahil d'yan kami ang bayaran mo!" Kinuha ng naka Tshirt ang wallet ko kaya nagpumiglas ako duon. Hindi nila pwedeng kunin sa akin iyon.

"Parang awa n'yo na po wag n'yo pong kunin ang pera ko! Baon po iyan ng mga kapatid ko bukas!" Pagmamakaawa ko dito. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko dahil sa takot sa dalawang lalaking ito.

"Ayoko nga!" Biglang inapakan ng lalaking naka sando ang biko na nakalagay sa sahig.

"Sumama ka na lang namin!" Nagpumiglas ako sa pagkakahawak ng lalaking ito ng bigla n'ya akong hinihila.

"TULONG!" Sigaw ko. Sana naman may makarinig sa akin dito. Maiiyak na ako dahil sa takot dito hindi ko alam ang gagawin ko para makatakas sa dalawang lalaking na'to.

"Sabing ayoko sa maingay!" Inangat ng lalaking nakasando ang kamay nito at balak n'ya na saktan ako kaya napaiwas ako at napapikit para intayin ang pag tama ng palad n'ya sa akin.

"Aish! Tama bang manakit ng babae?" Ibang boses ang narinig ko kaya agad kong dinilat ang mata ko. Nakita ko ang isang lalaki na nakablue na long sleeve at seryosong nakatingin sa lalaking nakasandong may hawak sa akin.

Hinila ko ang kamay ko para makawala sa lalaking iyon para lumayo.

"Sino ka ba?!" Tanong ng lalaking nakasando duon sa dumating na lalaking nakakulay blue.

"Pake mo kung sino ako!" Maangas pero may halong pang-aasar sa boses ng nakablue. Hindi ko makita ang mukha n'ya dahil nakatalikod ito sa akin.

"Maangas kang lalaki ka ah!" Natawa ang lalaking nakablue sa sinabi ng nakaTshirt na white.

Dahan dahan ko naman kinuha ang bag ko habang busy sila sa isa't isa. Kailangan ko na talagang umuwi ngayon eh.

"Maangas talaga ako lalo na pag maangas ang kaharap ko!" Diretsong sagot nitong lalaking nakablue na kahit anong bahid ng takot sa dalawang malalaking katawan na lalaki sa harapan n'ya. Ang isa ay hawak pa ang kamay.

"Wag kang makialam away namin magsyota ito!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng nakasando, pero mas ikinagulat ko ng humarap ang lalaking nakablue. Mukhang nagulat din ito dahil sa facial expression n'ya. S'ya ang tumulong at nasampal ko kagabi na pinagsisihan ko naman.

Nabawi din n'ya agad iyon dahil tumawa ito ng malakas na pinagtaka naming lahat.

"Nagloloko ka na pala sa akin babe!" Humarap s'ya sa akin kaya umiwas ako sa tingin n'ya. Masyado s'yang masaya sa mga bagay.

"Anong ibig mong sabihin?!" Tanong ng nakasandol. Mabilis na nagpalit ang expression ng lalaking nakablue at tinignan ang lalaking hawak n'ya.

"Ito ibig kong sabihin!" Napaatras ako ng bigla n'yang suntukin sa mukha ang lalaking nakasando kaya bumagsak ito sa sahig. Lalo akong kinabahan dahil susugod ang naka white tshirt na lalaki.

May hinugot sa likudan ang lalaking nakablue at biglang napatigil sa pagsugod ang nakaputing damit ng tinutukan s'ya ng baril ng nakablue.

"Kung kayo ayaw n'yo ng maingay. Ako ayoko sa mga pangit na kagaya n'yo!" Sinipa n'ya sa mukha ang lalaking nakaputi at bumagsak din ito. Hindi naman sila makapalag dahil sa hawak ng lalaki na baka natatakot din.

"Sa susunod na magkita pa tayo, ibabaon ko ang tingga nito sa mga ulo n'yong walang laman!" Paatras itong pumunta sa akin kaya nailang ako ng tumabi s'ya sa akin.

"Nasaktan ka ba?!" Hindi ako makapagsalita agad dahil sa hawak nitong baril.

"Wag mong mas'yadong tignan ang mukha ko, alam kong gwapo na ako!" Umiwas ako ng tingin sa kan'ya.

"Ang wallet ko na sa kan'ya." Tinuro ko ang naka puting damit na hawak pa rin ang wallet ko.

"Tang ina n'yo, kalaki ng katawan n'yo na ngunguha kayo ng wallet ng babae!" Inagaw ng nakablue ang wallet ko at hinagis sa akin. Nasapo ko iyon kaya naglakad na ako paalis, baka kasi lumaban ang dalawa. Mabuti ng wala na ako duon. Kailangan ko na rin naman umuwi.

"Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa akin?!" Nagulat ako ng biglang pagsulpot ng lalaking ito sa gilid ko. Hindi ko s'ya pinansin at patuloy lang akong naglakad.

"Ibang klase talaga ang mundo ngayon!" Hindi ako masyadong nakikipag usap sa ibang tao lalo na pag hindi ko naman kilala.

"Lapitin ka ba talaga ng gulo!" Lumayo ako sa kan'ya ng hawakan n'ya ako.

"Umuwi ka na sa inyo!" Mahina kong sabi.

"Hindi ka ba sanay magpasalamat man lang?" Huminto ako at tinignan s'ya. Bigla itong ngumiti sa akin. Mukha s'yang mayaman kung titignan mo ang porma nito.

"Salamat!" Mabilis kong sabi at pinagpatuloy ko ang paglalakad ko.

"Aish! Kaya mo naman pala bakit ka nanakit pa!" Hindi naman galit ang tono n'ya, pero halata ang pagkadismaya nito sa nagawa ko sa kan'ya kahapon.

"Akala ko kasi masamang tao ka." Sagot dito. Napatigil ako sa paglalakad ng humarang s'ya sa dadaanan ko at napaatras ng itapat n'ya ang mukha n'ya sa akin at tinuro ang sarili.

"Sa gwapong ito? Mukhang masamang tao?!" Umiling s'ya at tinignan ako mula ulo hanggang pa. Bigla tuloy akong nahiya sa suot ko. Luma na ito at bigay lang sa akin ang halos lahat kong damit. Hindi ako makasabay sa mga babaeng kaedad ko dahil maspinagtutuunan ko ng pansin ang mga kapatid ko at si Nanay.

"Kailangan ko ng umuwi kaya tumabi ka na!" Nilagpasan ko, pero ramdam ko pa rin ang pagsunod n'ya.

"What's your name?" Rinig ko mula sa gilid ko. Mukha namang mabait ang lalaking ito pero hindi pa rin ako kumportable na kausap s'ya kahit na dalawang beses n'ya na akong nailigtas.

"Hindi ko p'wedeng sabihin." Sabi ko habang naglalakad kami.

"Bakit naman hindi?!" Mas'yadong masigla ang boses n'ya na parang walang iniintindi sa buhay.

"Kasi hindi kita kilala!" Tinignan ko s'ya pero Diretso ang tingin nito.

"My name is Rifle Winchester!" Napahinto na naman ako dahil humarang na naman s'ya sa daanan ko. Tinignan ko ang kamay nito na bigla n'yang inoffer sa akin.

Parang narinig ko na ang pangalan n'ya pero hindi ko lang matandaan kung saan.

"Tsk! Pinaghihintay mo ang gwapo!" Mahangin n'yang sabi. Tinapik ko lang iyon at muli s'yang nilagpasan.

"Ms.Unknow-" Hinarap ko na ito dahilan ng pagkahinto n'ya.

"Kailangan ko ng umuwi, kaya umuwi ka na rin!" Sabi ko sa kan'ya. Kung s'ya ay p'wedeng gabihin sa daan ako ay hindi.

"Ihahatid na kita maraming gago dito!" Hindi ko na lang ito pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad.

Naghintay ako ng jeep para sumakay. Hindi ko inakala na sasakay din ito ng jeep, baka naman kasi pareho lang kami ng way pauwi kaya s'ya sumabay sa aki.

"Alam mo ngumiti ka naman!" Tinignan ko s'ya, pero iniwas din. Feeling ko mayaman s'yo talagang nadadalang ito dahil sa porma n'ya.

"Gabi na bakit nag gagala ka pa?!" Tumingin ako sa labas. Kung buhay pa ang tatay hindi ako maghihirap ng ganito dahil hindi s'ya papayag na mahirapan kami saka ipagtatanggol n'ya ako sa mga bumabastos sa akin.

"Para po!" Sigaw ko ng makarating na ako sa lugar namin. Tinignan ko ang lalaki na bumaba din.

"Pag ganitong oras ba nagiging pipi ka?!" Hindi ko na s'ya pinansin dahil kinakabahan na ako sa nanay ko na baka magalit na naman iyon.

"Umuwi ka na!" Sabi ko ng malapit na kami sa bahay namin.

"Ano muna pangalan mo?!" Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa kakulitan nito.

Nakarinig ako ng phone call at nakita na ang phone ni Rifle ang tumunog. Kinuha n'ya iyon at sinagot. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko papunta sa tapat ng bahay namin.

Papasok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at nagulat ako na lumabas si Nanay. Nakapamewang ito at halata ang galit sa mukha.

"AT UMUWI KA PA TALAGANG BABAE KA!" Napaatras ako ng isang sampal ang binigay sa akin ni Nanay.

"Nay!" Hindi ako sumagot duon at napayuko na lang ako.

"Tama na po, Nay kawawa naman si Ate!" Rinig kong awat nila Jason at Jane kay Nanay.

"MAS INAATUPAG MO PA ANG PAG GAGALA MO KESA ASIKASUHIN ITO MGA KAPATID MO!" Napaupo ako sa lapag ng itulak n'ya ako.

"Pasyena na po, Nay!" Maluha luha kong saad at iniinda ang sakit ng pwet ko dahil sa pagbagsak sa bato.

"PUMASOK KAYONG DALAWA SA LOOB!" Tinignan ko ang dalawa kong kapatid at tumango para sabihin na sumunod na lang sila kay Nanay.

"AT IKAW BABAE KA! SANA HINDI KA NA UMUWI BWISIT KA! SIMULA NG DUMATING KA SA BUHAY NAMIN NAGKALECHE LECHE NA ANG LAHAT!" Napapikit ang ng itulak n'ya ang ulo ko. Wala naman akong nagawa kung hindi ang tiisin ko na lang iyon.

"Nay, ito po ang kinita ko!" Inabot ko sa kaniya ang wallet ko. Hinablot n'ya iyon sa kamay ko pero hindi ko inasahan ng bubuhusan n'ya ako ng tubig.

"ANO AKALA MO! MAPAPANTAYAN NITONG MALIIT NA HALAGA NA ITO ANG PAGKAWALA NG ASAWA KO? DAHIL SAYO KAYA NAMATAY ANG PINAKAMAMAHAL KONG ASAWA! DAHIL SA KATANGAHAN MONG BABAE KA!" Hinagis n'ya ang timba sa akin. Pumasok na ito sa loob ng bahay at pabalibag na sinarado ang pinto.

Tumayo ako at inayos ko ang sarili kong basang basa na. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak at mapatingin sa taas. Bigla kong naalala ang tatay, namiss ko na ipagtanggol n'ya ako kay nanay. Alam ko naman na mahal talaga ako ni nanay eh.

"SIMULA NGAYON WALA NA KAYONG ATE!" Napayakap ako sa sarili ko ng biglang humangin at lamigin ako. Naglakad ako pa punta sa pinto at pinihit ko ang doorknob pero nakalock na ito.

Nanginginig na ako sa lamig at patuloy na tumutulo ang luha ko. Umupo ako sa tapat ng pinto namin.

Madalas naman akong matulog sa labas kaya sanay na ako sa ganitong pangyayari. Hindi ko alam kung bakit mainit ang ulo ni nanay sa akin palagi.

Tinanong ko kay tatay kung ampon ba ako pero ang sagot n'ya ay hindi. Sila ang tunay kong magulang kaya wala na akong maisip na dahilan kung bakit galit na galit sa akin si Nanay.

Sana balang araw ay maranasan ko din ang pagmamahal ng isang ina mula sa kan'ya, pero ok na rin ako dahil inaalagaan naman n'ya ng mabuti ang mga kapatid ko.

Nararamdaman ko ang pagmamahal sa akin ni Nanay, baka ayaw n'ya lang ipakita dahil na hihiya ito sa akin.

Yumuko ako at niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig dito sa labas. Pinikit ko ang sarili ko. Bukas huhupa din ang galit ng nanay sa akin.

"Ate!" Nagising ako ng may humawak sa akin. Inangat ko ang ulo ko at napatingin sa humawak sa akin.

"Jane!" Gulat kong sabi. Inilagay nito ang hintuturo n'ya sa bibig nito para patahimikin ako.

"Pumasok ka na tulog na ang nanay!" Pabulong n'yang sabi sa akin. Tumango ako at tumayo. Malalim na ang gabi ngayon. Buti na lang talaga at tinutulungan ako ng dalawa kong kapatid pag nasasaraduhan ako ng pinto.

Sabay kaming pumasok sa loob, nandoon si Jasom na may dalang towel kaya napangiti ako sa kanila. Nagpalit lang ako ng damit at pumasok na ako sa kwarto na ngayon ay natutulog na ang dalawa. Siguro inantay muna nilang makatulog si Nanay kaya antok na antok na ang mga ito.

Kinumutan ko sila at hinalikan ko ito sa noo. Kaya ako nagsisipag para sa inyo nila nanay, pag meron na akong napatunay baka magbago ang tingin sa akin ni nanay at mahalin na rin n'ya ako.

Hindi ako titigil para gawin ang lahat mahalin lang ako ng nanay. Tumabi ako sa dalawa at niyakap ko si Jane na mahimbing na ang tulog.

Bigla kong naalala si Rifle, nakita kaya n'ya ang mga nangyari, baka kaya natakot ito kay Nanay kaya nawala. Hindi ko naman s'ya kilala kaya ok lang iyon. Pinikit ko na ang mata ko para matulog masyado akong napagod ngayong araw.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Gn 001 book-00009-S   Bab 0123

    After getting home, Grandmother managed to contact a shaman from outside the city through someone’s recommendation. She was a woman, aged slightly above 50 named Yinggu, and was supposedly very good. Grandmother accompanied me to Yinggu’s house. I entered alone and saw the shaman sitting in front o

  • Gn 001 book-00009-S   Bab 0122

    Twelve years ago, in the year of the Snake. I had been gravely ill for no apparent reason, and had a fever throughout the year. No matter what we tried it could not be cured. One midnight toward the end of the year, I watched in a daze as a big white snake slithered into my bed and climbed up my leg

  • Gn 001 book-00009-S   Bab 0121

    Poniendo clases demás en la pizarra, logró que los estudiantes no tuviesen mucho tiempo para hacer sus actividades en la cafetería. A la hora de la salida observó como Daniel se despedía de su amigo con un ademan de manos, por fin podía estar solo con el chico sin la necesidad de que alguno de sus

  • Gn 001 book-00009-S   Bab 0120

    — No — dijo, y desapareció de la pantalla por unos minutos — Mañana irás a la escuela como cualquier otro día — le mostró una bolsa — Como el parto de tu padre está cerca, y con eso quiero decir que te quedarás solo en casa, usarás algunas cosas para mí cuando estemos solos — dijo, serio —Habrán una

  • Gn 001 book-00009-S   Bab 0119

    Le dirigió una pequeña sonrisa a su padre, en cuanto vio que se estacionaba en la entrada de la escuela a la hora acordada. Habían pasado algunos días en los cuales no se había vuelto a mencionar el tema entre su profesor y él, acerca del pequeño trato que tenían por lo que estaba feliz.Sus padres

  • Gn 001 book-00009-S   Bab 0118

    "I don't want to hurt you, he said; for you are not only a wonderful person but too innocent."I stared within his eyes; while my green eyes became filled with water.He was the only person who was nice to me. I didn't want him to leave me.He brings his face towards me and started to kiss me again.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status