공유

chapter 9

작가: GN001
last update 게시일: 2023-12-01 15:50:38

Pag-uwi ko ng bahay. Hindi ako mapakali dahil sa nangyari. Kahapon, nanaginip lang ako tungkol sa kanya. Ngayon, abot kamay ko na siya kanina.

"EHHHHHHHH!!!"

Sumigaw ako sa loob ng kwarto ko dahil sa kilig. Putek! Ang gwapo niya talaga. Rawr. Pag ako trinigger niya. Papatulan ko talaga siya. Kaya wag lang siya magkakamaling hamunin ako. Lalabanan ko talaga siya.

Mama: Puntahan mo nga ang ate mo sa kwarto niya. 'Bat sumigaw 'yun bigla.

Letecia: Sige po ma.

"Tokkk... tookkkk!!!"

"Ate?..."

"Oh, bakit?" sagot ko.

"'Bat ka raw sumigaw? Tanong ni mama."

"Ahhh, wala. May ipis lang kasi dito sa kwarto ko. Pero okay na." pagdadahilan ko.

Narinig pala nila mama at ng kapatid ko ang sigaw ko mula dito sa kwarto hanggang sa ibaba. Sobrang lakas siguro ng sigaw ko, kasing lakas ng kagwapohan niya pagdating sa akin.

"Hehehe..."

Makakasakay pa kaya ako sa kotse niya? Mmmm... di bale na. Magpapalit lang muna ako ng damit pangbahay.

Tumungo ako sa aparador para tingnan ang kabuoan ng kaanyoan ko, ang physical appearance ko. Habang hinuhubad ko ang blause ko, napapaisip tuloy ako kay Fil Am. Nag-iinit ang aking katawan. Hindi ko alam kung bakit pero parang naglalaro sa isip ko ang napaginipan ko nung isang gabi.

"Ateee!!! Kakain na raw tayo!" pasigaw na sabi ng kapatid ko.

Napahinto ako sa ginagawa ko at binilisan ko ang pagbibihis dahil baka maabotan pa ako ng sermon pag hindi pa ako makababa agad.

Pagdating ko sa ibaba, nandun na si mama at ang kapatid ko sa gilid ng mesa, nakaupo na. Ako na lang ang kulang.

"Anong nangyari sayo? 'bat parang sobrang pinapawisan ka?" pangungusisa ni mama.

"A-ahhhh... wala 'to ma. Mainit lang sa kwarto." pautal kong sagot.

"Oh, sige. Kumain na kayo at pagkatapus niyong kumain. Gawin niyo agad ang assignments niyo, para maaga kayong makapagpahinga." bilin ni mama.

Sabay-sabay na kaming kumain at sarap na sarap kami sa luto ni mama na gulay. Malunggay na sinabawan lang, pero masarap na 'to sa amin.

Ganito kami pag walang ulam. Minsan kasi hindi nakakapunta ng palengke si mama dahil may ginagawa siya dito sa bahay na hindi niya kayang iwan. May sarili kasi kaming internet shop na ngayon.

Hindi na namin kailangan na pumunta pa dun sa pinupuntahan namin ng kapatid ko sa kabilang village. Kung saan nangyari ang pagsasamantala sa akin ng demonyong lalaking 'yun.

Pagkatapus naming kumain ay agad na bumalik ako sa kwarto ko para tingnan ang mga notebook ko kung may takdang aralin ba kami. Sa kalagitnaan ng pagbubukas ko ng mga pahina ng notebook ko. Biglang tumunog ang cellphone ko.

"RINGGGG!!!"

"RINGGGGG!!!"

Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Pagbukas ko, wala namang tawag. Pero 'bat ganun ang ringtone.

Putek, hindi ko pa pala napapalitan ang notification ring ko. May nag-add lang pala sa akin sa Facebook.

'Calvin Ayco?'

Sino kaya siya. Matingnan nga. Kaya pinindot ko ang notification bar at dumiretso naman ito sa Facebook app ko. Ito na, nakikita ko na ang timeline niya.

Agad kong pinindot ang profile picture niya. Wala ng patumpik-tumpik pa. Paglabas ng picture, bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko matukoy kung, kinakabahan ba ako o natutuwa sa nakikita ko.

Siya pala yung lalaking kasama ni Fil Am halos araw-araw. Calvin Ayco pala pangalan niya, hah. Bakit niya kaya ako inadd. At tiyaka paano niya nalaman ang pangalan ko.

Kinonfirm ko siya at pinatay muna ang phone ko. Para makapag-concentrate lang muna ako sa takdang aralin ko. Ay! Ito, sa math. May assignment kami.

Dito lang sa college, masasabi kong sobrang easy ng math. Para bang napakadali lang lahat na esolve. Di gaya sa high school, ang hirap. Wala talaga akong na learn sa high school ko. Mabuti na lang at sobrang bait ng prof. namin sa math. Pinapadali niya sa amin ang math. Nakadepende lang talaga sa guro kung paano nila ito tinuturo sa mga estudyante nila.

"Vibrateeeee... vibrateeee..."

Narinig kong nag-vibrate ang phone ko sa ibabaw ng mesa. Kaya agad ko itong kinuha. Marupok kasi ako. Madali lang akong ma destruct pag cellphone na ang pinag-uusapan.

"Calvin Ayco message you on messenger."

Ano kaya menessage niya. Na-curious tuloy ako. Parang ang bilis naman atang gumalaw nitong lalaking 'to. Pero kahit na landiin niya ako, si Fil Am pa rin ang gusto ko.

"Salamat pala sa tulong mo." ang laman ng message ni Calvin.

"Hah? Salamat, para saan?" reply ko.

"Sa pagpapahiram mo ng pera nung isang araw." reply niya.

In fairness hah, ang bilis niya mag-reply. Sana all. "Nako, wala 'yun." reply ko.

"Salamat talaga. Babawi na lang ako sayo, pag nagkita tayo sa school." reply niya.

"Basta, wala akong hinihingi na kapalit sa pagtulong ko sayo. Ikaw bahala." reply ko.

"Sige." huli niyang reply.

Ibinalik ko sa mesa ang phone ko at nagpatuloy sa pagsagot ng assignment ko. Makalipas ang dalawang oras, natapus na rin ako at inayos ko na agad ang higaan ko dahil inaantok na rin ako.

"Nak," biglang pumasok si mama sa kwarto ko.

"Bakit ma?" malumanay kong sagot.

"Matulog ka na, maag ka pa bukas." caring na boses ni mama.

"Sige ma."

Tapus sinara ni mama ang pintuan at umalis. Natulog na ako ng makaalis si mama. Napagod ako sa problem sa math.

Kinabukasan, sa school.

Tara na guys, kain na tayo sa canteen. Pag-aaya ko sa mga classmate kong puro babae. Ang mga lalaki kasi may iba ding groupo.

"Kayo? Sasama ba kayo sa amin?" pag-aaya ko rin sa mga kaklase kong lalaki.

"Sige, sabay na rin kami sa inyo." bibo nilang sagot.

Sabay-sabay na kaming tumungo sa canteen. Pagdating namin ay agad kaming umorder sa cashier ng ulam. Nauna na ako sa kanila dahil hindi pa sila makapagdecide kung bibili ba sila ng ulam o soft drinks na lang ang bibilhin nila.

"Ate, isang chicken curry nga... Magkano po?"

"25 pesos." sagot ni ateng cashier.

Binuksan ko ang pitaka ko. One hundred lang ang pera ko. Walang barya. Kaya itong isang daan ko na lang ang ibinigay ko sa kaniya.

"Nako, wala kaming barya niyan." pagtanggi ni ateng cashier.

"Ate, sa akin niyo na lang po kunan." Isang lalaking boses ang nagsalita na nasa tabi ko lang. Nauna siya sa akin sa linya.

Lumingon ako para tingnan kung sino siya. @_@ OHHH EMMMM JAYYY... kung ang panahon ba naman talaga ang magdadala sa amin sa isang lugar.

"Diba ikaw si...," hindi ko tuloy matandaan ang name niya dahil inunahan na ako ng kaba.

"Calvin... Calvin Ayco." wika niya.

"Ay! Tama. Babayaran na lang kita pag may barya na ako nito." sabi ko sabay pakita sa pera ko.

"Haha, diba sabi ko sayo. Babawi ako. Baka ito na 'yun." napangiti siya.

"Salamat." kunting sagot ko sa kaniya.

Pinasok ko pabalik ang pera ko sa pitaka. Pagkatapus, kukunin ko sana ang ulam na binili ko ng... bigla itong nawala.

'Nasaan na 'yun?' tanong ko sa aking sarili.

Lumingon ako sa paligid at nakita ko si Calvin na hawak-hawak ang plato ng ulam ko. Nakangiti pa ang puta, gwapong puta rin.

"Hoy! Gwapong put..." pasigaw kong tawag sa kaniya. Ngunit hindi ko natapus ang huling letra.

"Gwapong put...?" curious at parang nang-aasar niyang mukha.

"Wala." nahihiya kong sagot.

"Talaga?" pang-aasar niya.

"Akin na nga yan." inagaw ko ang plato.

"Wag na. Ako na magdadala nito para sayo. Saan ba ang mesa niyo?" boluntaryo niyang dinala ang ulam ko sa mesa namin.

Hindi pa talaga siya nahiya sa harap ng classmate ko. At inilapag niya na para bang kilala niya na lahat ng klasmeyt ko.

"Your welcome." sabi niya sabay ngiti.

Wait! whutt??? Inunahan pa ako ng gwapong putang ito. Inaasar niya talaga ako, hah.

"Thank you Ser! Happy?" pang-aasar ko rin sa kaniya.

Ngumiti lang siya at umalis papunta sa mesa niya. Sinundan ko ng tingin ang direction niya. At nang makita ko siyang may kasama pala siyang isang lalaki na nakatalikod sa amin.

Hindi ko matukoy kung sino siya pero parang familiar sa akin ang gupit ng buhok. Parang si Fil Am 'yun, ah. Pero paano naman nangyari na magkaibigan sila. Pero di rin imposible na magkaibigan nga sila.

Ehhhhhh... paano na yan. Baka pag magkita kami ulit o magkasalubong kami sa daan, kasama ni Fil Am si Calvin at baka tuksuhin niya lang ako. Grrr... hindi ko dapat ipamukha kay Calvin na may crush ako sa kaibigan niya. Kung hindi malalagotan ako ng hininga.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Gn 001 book-00018   chapter 68

    After getting an understanding of the situation, I hung up the phone. I asked Liu Longting how we should proceed; after all, they were of the same species. Listening to what Ma Jianguo had to say, Liu Longting’s expression remained unchanged. He told me we did not need to prepare anything to deal with that and could head there right away.Ma Jianguo’s house was quite a distance from mine. It was in Tieling, and I did not have a car yet so all I could do was get a train ticket. It was an approximately six-hour journey! I thought that I would have to suffer alone on the train, but unexpectedly just as I was heading out, Liu Longting casually told me to prepare his luggage. He would be sitting on the train with me. That was going to be awkward. I did not mind if he accompanied me, but why would he want to sit on the train with me. Furthermore, I did not have much to talk about with Liu Longting—it would be uncomfortable to sit together. However, since Liu Longting wanted to, I wo

  • Gn 001 book-00018   chapter 67

    "A day to our wedding, Charlotte realized her wedding gown was shredded to pieces. She called to inform me that she was on her way to pick a new gown. I told her to wait for me to join her because it was strange for someone to do that. Besides, her house was well secured because she was from a wealthy home. Since the wedding was just the next day, we didn't have time to investigate. I smelled foul play so I didn't want her to go alone but she insisted she

  • Gn 001 book-00018   chapter 66

    “The boy woke up from another awful nightmare. Bad memories from the past that he wanted to remove from his mind were replayed in his dreams every night and haunted him endlessly. The boy was terrified of falling asleep.”-The Boy Who Fed on Nightmares

  • Gn 001 book-00018   chapter 65

    NikkiI stood from where I sat with furrowed eyebrows and my gazed fixed on Chad. "Ehat is she doing here?" I was thrown back. My feet were unable to consume my balance and I felt trapped. I wanted to be out of there the quickest that I could.My eyes went back to Rebecca when she broke the silence for a confused Chad that could not stop scratching the back of his neck. He was clearly not expecting her to show up here and was not taking her entrance lightly."Oh my God, you?" Rebecca gasped, "I'm so sorry. I didn't know you were here, Chad and I were just having a little fun time together, I literally thought the pizza man was here." She smirked, folding her arms across her naked body."Nikki, it's not what it looks like I promise." Chad stepped forward and out his hands on my shoulders. "Look, Rebecca is only here because we wanted to talk about our plans for her pregnancy.""Ejat?" I gasped.

  • Gn 001 book-00018   chapter 64

    EPILOGUE: ... it is still with a heavy heart that I, Chris Ronald, write to you, The United Nations. For the sake of the very lives that have been lost so far in this fight, this struggle for a sovereign state of Nigeria. I still fight, with only one hand and one leg. I refuse to remain silent. Please fulfill the promise you made to my late brother, Chiadi Okorie, the Fisheye, who gave his life in service for this purpose. Avenge us, I beseech you. Avenge Nigeria, for all our sakes. For I, only I, and a few others are still well and able to carry guns to go out into battle against Medusa. But if I go wit

  • Gn 001 book-00018   chapter 63

    Nia Prameswari namanya. Kulitnya putih, rambut hitam sebahu, tinggi badan 160 cm, cerdas dan memiliki wajah lumayan manis. Anak kedua dari 3 bersaudara. Kakaknya perempuan berwajah lebih oriental, lebih cantik dan bertubuh lebih pendek. Adiknya laki-laki berkulit lebih gelap tapi bertubuh paling tinggi.Keluarga Nia merupakan keluarga berpendidikan. Ayah dan ibunya seorang sarjana tahun 80an. Ayahnya pegawai di Kementrian dan ibunya seorang guru.Sebenarnya kehidupan Nia dan keluarganya berkecukupan. Namun, karena ayah Nia seorang pemabuk berat membuat keuangan keluarga Nia menjadi sering tidak stabil.Nia tidak pandai bergaul. Dia lebih menyukai membaca buku atau hanya sekedar melihat-lihat teman-temannya bermain. Dia tidak percaya diri untuk bergabung dengan teman-temannya. Bahkan ketika ada teman laki-laki yang menyukainya, Nia malah menjauhi laki-laki itu. Nia bukan membenci laki-laki, dia hanya tidak percaya ada laki-lak

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status