Share

chapter 10

Penulis: GN001
last update Tanggal publikasi: 2023-12-01 16:08:04

O, heto na nga ang moment of truth. Nakaraos na naman ang gabi ni Randy. Kaya kailangan niyang tuparin ang napagkasunduan nila ni Amanda. Kaya naman kinaumagahan, sa dati nilang tagpuan - sa park, nauna ng dumating si Amanda at naupo roon. Hinihintay ang pagdating ni Randy. 30-minuto na ang nakalilipas at wala pa siya. Naiiyak na si Amanda sa naiisip niya na baka hindi na siya talaga sisiputin ni Randy. At hinding hindi na siya makikipagkita pa sa kaniya, kahit kailan. Napapaisip na rin siya sa mga sandaling iyon kung paano na lang sila ng kaniyang dinadala. Paano na lang ang kaniyang buhay pag-ibig. Ngunit ilang sandali pa ang lumipas at natanaw na niya sa malayo ang paparating na si Randy. Muling nagkaroon ng buhay sa puso si Amanda. Muli ay nakaramdam siya ng sigla. Nanumbalik ang kaniyang matamis na ngiti at ang pananabik na makita at mayakap muli ang kaniyang sinta. May dala-dalang dalawang siopao si Randy, para sa kaniya at para kay Amanda.

Papalapit na siya ng papalapit sa kinaroroonan ni Amanda. Kinakabahan siya, parang first time niya ulit, ‘Like a Virgin’ by Madonna. Nahumaling na nga si Amanda sa mukha at tindig ni Randy, apat na araw din niyang hindi ito nakikita, 'di ‘yon biro ah. Kaya naman miss na miss na niya si Randy. Hindi na namalayan ni Amanda ang paglapit ni Randy sa kaniyang kinaroroonan. “Oh, heto, para naman may merienda tayo habang nag-uusap. Ano bang pag-uusapan natin?” Tanong ni Randy. Noong nagsalita si Randy ay dun palang nanumbalik ang katauhan ni Amanda. Kinuha niya ang iniaabot na pagkain ni Randy. Ilang sandali pa ay nagsalita na siya. “Randy,salamat ha at dumating ka….uhm…..Randy……..May sasabihin sana ako sa’yo, pero huwag ka sanang mabibigla.”

Walang kaide-ideya si Randy sa kung ano ang sasabihin niya na huwag siyang mabibigla. Naglalaro sa kaniyang isipan na baka mangingibang-bansa na siya, which for him is good. O na baka uuwi na siya sa kanila o baka may taning na ang kaniyang buhay kaya ayaw niyang mabigla ito, pero either way matutuwa parin siya kasi nga ‘di ba, may iba na siya. “O sige, ano ‘yon?”

“Randy……..bunits ako.” Ang mahinahong waika ni Amanda habang ipinakikita niya ang PT result with two lines. Pagka rinig neto ni Randy ay nasamid siya sa kinakain niyang siopao at naubo-ubo pa. Wala sa mga naisip niya ang sasabihing balita ni Amanda, none of the above ang mga choices niya sa kaniyang isipan. “Ha?! Sinong ama?!”

“Randy naman eh. Ikaw ang ama.”

“Ha? Seryoso ka? Ako ba talaga ang ama ng dinadala mo? Baka naman nabuntis ka sa iba at ako ang ibinibentang mo na ama ng dinadala mo?”

“Ikaw ang ama ng dinadala ko at 100% sure ako dun, dahil ikaw lang naman ang naka siping ko this past few weeks at alalahanin mo wala tayong gamit na proteksyon 'pag nagsisiping tayo. Madalas ipinuputok mo pa nga sa loob eh. Bakit, hindi ka ba masaya?” pagaalinlangang tanong ni Amanda.

Napabuntong hininga si Randy. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Muli ay napabuntong-hininga siya, “Amanda….. sorry. Hindi ko mapaninindigan ‘yan. Wala ito sa plano ko, ang mag asawa ng maaga. Kailangan ako ng pamilya ko. At isa pa, prostitute ka, kaya dapat handa ka na sa mga ganitong pangyayari.”

                Pagkatapos sabihin ito ni Randy ay nakaramdam si Amanda ng sakit at kirot sa puso niya. Na speechless siya sa mga oras na iyon. Nagmistulang estatwa. “Ang sakit palang ma reject ka ng pinakamamahal mo.” Wika sa isipan ni Amanda. Dahil sa sobrang sakit na nadarama niya ay napaluha siya at napahagulgol. Dahil sa ayaw ipakita ni Amanda ang kaniyang paghagulgol ay tinakpan niya ang kaniyang mukha ng dalawa niyang malalambot na mga palad. Mabilis ang pagdaloy ng kaniyang mga luha. Siguro nga ay ito ang pinakamainam na gawin para maibsan ang sakit na nadarama ng isang tao, ang umiyak. Ilang sandali ang nagdaan at walang anu-ano ay sinampal ni Amanda si Randy at sinabi habang umiiyak, “Akala ko mahal mo ako. Akala ko minahal mo ako. Akala ko mamahalin mo ako. Akala ko lang pala lahat ng ‘yon. Pero how dare you do that to me, how dare….”, itinapal ni Randy ang siopao sa bunganga ni Amanda at sinabing, “Hoy babae ka! Huwag na huwag mo akong ipinapahiya sa harap ng maraming tao!” Luminga-linga si Amanda sa paligid habang nakatapal sa kaniyang bibig ang siopao na kinakain ni Randy ngunit wala naman siyang nakitang ibang tao kundi sila lang naman ang tao sa park na iyon. “Dyan ka na nga!” Ang sigaw ni Randy. At umalis na nga siya. Kinagat ni Amanda ang siopao na nasa bunganga niya at nginuya-nguya niya ito at sinabing, “Tama nga si Edna…masarap ang siopao!” napaupo sa lupa at nagiiyak-iyak at humahagulgol sa sakit na nadarama. Sa ‘di kalayuan ay may naririnig siya na papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Isang motor na malakas ang tugtog. At ang tugtog ay:

Napakasakit kuya Eddie, ang sinapit ng aking buhay!

Napakasakit kuya Eddie, ang sinapit ng aking buhay!

                Dahil sa narinig niyang kanta ay lalo pa siyang umiyak, humagulgol sa hinagpis at mas lumala pa ang kaniyang pagngangangawa. Para siyang isang bata na nagtatantrum na hindi nabilhan ng gusto niya. Hapon na rin nung nagdesisyon si Amanda na umuwi sa kanilang bahay. Lutang ito at wala sa sarili. Parang zombie kung maglakad. “O saan ka na naman galing at hapon ka na naman umuwi, may pasok ka pa mamayang gabi.” Ang paliwanag ng kaniyang ina. Pero hindi nasagot si Amanda dahil wala ito sa sarili. Pagkapasok na pagkapasok sa kwarto ay ibinagsak ang kaniyang katawan sa kaniyang kama at nag umpisa na namang umiyak. Ito na lang ang tangi nitong magagawa para maibsan ang labis nitong kalungkutan at sa sakit na nadarama. Ilang oras siyang patuloy sa pag-iyak. Namamaga na ang kaniyang mga mata sa kakaiyak, ngunit ano nga ba ang kaniyang magagawa? Tinalikuran na siya ng kaniyang kinikilalang prince charming ng kaniyang buhay. Ang kaniyang first love. Sa mga sandaling iyon ay napapaisip siya kung bakit nangyayari sa kaniyang buhay ang mga mapapait na karanasan. Nagtatanong siya sa kaniyang sarili kung hindi pa ba sapat ang mamuhay silang mahirap, isang kahig isang tuka. Ang iwanan sila ng kanilang ama at sumama sa ibang babae. Ang hindi makapagtapos ng pag-aaral. Ang pumasok sa isang bar at mamasukan bilang isang prostitute. Ang maging breadwinner sa pamilya at magkandakuba-kuba na siya sa pagkayod, para na siyang kayod-kalabaw kung tutuusin.

Nagtatanong din siya sa Diyos kung hindi pa ba sapat ang mga karanasang ito at ipinagkait pa sa kaniya ang taong minahal niya ng buong puso at kaluluwa at iniwan lang basta sa ere dahil hindi pa siya handa. Sa tuwing naiisip ito ni Amanda ay labis ang kaniyang hinagpis. May kaunting kirot sa kaniyang puso at kaunting paninisi sa Panginoon bakit ito nangyayari sa kaniyang buhay.

Siguro hindi lang si Amanda ang nakakaramdam ng ganitong pakiramdam, marami din siguro diyang iba na naranasan o nararanasan ang ganitong sitwasyon, ang sisihin ang sarili at minsan ay sinisisi ang Panginoon sa mga hindi magandang nangyayari sa kanilang buhay.

                Pero ganun pa man ang nangyari, nagpapasalamat parin sa Panginoon si Amanda at hanggang nagyon ay buhay sila, masigla at hindi dinadatnan ng sakit ang kaniyang pamilya. Kahit papaano ay nakakakain na rin sila ng mabuti at hindi pa rin nawawalan ng pag-asa na marerealize ni Randy na mahal pala talaga niya ito, babalikan ito at paninindigan ang dinadalang bata ni Amanda. At mamumuhay silang masayang pamilya. Lahat naman tayo ay pinapangarap ang magkaroon ng isang masayang pamilya, maliban na lang kung talagang takot kang magasawa.

Sa mga sandali ding iyon ay napaisip si Amanda, dahil minsan ‘pag may hindi magandang nangyayari sa ating buhay, sinisisi na natin agad ang Panginoon. Hindi ba natin naiisip na ang nararanasan nating sakit o mapait na karanasan sa buhay ay gawa din ng ating sariling desisyon? Katulad na lamang kay Amanda, hindi niya dapat sinisisi ang Panginoon sapagkat siya rin ang may kasalanan. Nag assume siya na mahal siya ng lalaki, ibinigay niya ang kaniyang lahat lahat sa taong hindi naman niya tiyak kung paninindigan siya. Minsan, nagpapadala ng mga instrumento ang Panginoon para bigyan tayo ng paalala. Maaring si Edna pala ang ipinadala ng Diyos na gumabay kay Amanda sa kaniyang magiging desisyon at hindi maranasan ang sakit sa dulo nito, sa sakit na nadarama nito ngayon. Ganyan din sa iba, nagpapadala ng mga instrumento ang Panginoon para bigyan tayo ng guide para hindi tayo mapahamak. Pero sadyang matitigas lang talaga ang ulo natin minsan. Ano nga bang magagawa natin, mga tao lang naman tayo. Nagkakasala at nagkakamali rin. Pero hindi pa naman huli ang lahat, kung kaya pang itama, eh di itama na natin. Kung hindi na, eh di just go with it. Ang ending, move on parin.

Sa sobrang pagod ni Amanda sa kaiiyak, hayun nakatulog na siya. Sobra ang pamamaga ng kaniyang mga mata. Nakakaawa mang makita, pero kung ako rin ang nasa sitwasyon niya siguro ay pag-iyak na lang din ang tangi kong magagawa. Iniwanan ka na nga lang ng boyfriend o girlfriend mo eh, hindi ka na makakakain ng tama. ‘Di ka na makatulog ng tama . ‘Di ka na makahinga ng tama, joke. Si Amanda pa kaya na iniwanan na, iniwanan pa na may dala-dala. Na may karga sa kaniyang sinapupunan.

                Dahil nakatulog na nga siya ay nagtuloy-tuloy na iyon hanggang umaga. So kinaumagahan, wala siyang ganang tumayo ng higaan. Wala siyang ganang kumain. Wala siyang gana lahat. Fresh parin sa kaniya ang mga nangyari sa park, ang mga binitiwang salita ni Randy. Ewan ko ba, pero lumuluha na naman ang mga mata ni Amanda, wala na yata siyang kapaguran sa pag-iyak. Saan ba nagmumula ang kaniyang mga luha at hindi ito nauubos? Siguro ay hindi ko siya masisisi, madali lang sa akin ang sabihin na “tama na yan, okay lang yan Amanda.” Kaso hindi ko naman talaga alam ang tunay na nadarama niya. Wala naman ako sa sitwasyon niya, at hindi ko pa naman naranasan ang mabuntis at iwanan ng nakabuntis sa akin. Kaya shut up na lang ako.

                Isang araw na ang lumipas at hindi parin umaalis sa kwarto si Amanda. Umaga na naman at sumunod ay tanghali. Hindi parin natayo at nakain si Amanda. Ang tibay naman niya. Mag-aalas-5 na ng hapon at naalimpungatan si Amanda. Grabe, simula pa nung isang gabi hanggang kahapon at ngayon di pa siya kumakain o nainom man lang, nanghihina na siya, as in. Hindi ka pa nga lang nakain ng breakfast at Lunch ay nanginginig na buong kalamnan mo. Hindi na sana siya babangon at wala na talaga siyang planong bumangon at ipagpatuloy ang kaniyang buhay dahil sa sakit na kaniyang nadarama nang biglang tumugtog ang videoke ng kanilang kapit-bahay ng napakalakas na parang wala ng bukas at kinanta ang Bridge Over troubled Water:

When you walk through the storm

Hold your head up high

And don’t be afraid of the dark

At the end of the storm

Is a golden sky

And the sweet silver song of the lark

Walk on through the wind

Walk on through rain

Though your dreams be tossed and blown

Walk on, walk on with hope in your heart

And you’ll never walk alone

You’ll never walk alone.

                Iminulat niya ang kaniyang mga nanghihinang mga mata. Napaisip siya sa kantang iyon. Nilalasap at isinasapuso ang bawat letra sa kantang iyon. At maaring isa rin ito sa mga instrumento ng Panginoon para ipaalala sa kaniya na kahit anong mangyari, na habang may buhay, life must go on. Naisip din niya na ang ibang tao ay nagdarasal na sana ay dagdagan pa ng Panginoon ang kanilang buhay dahil gusto pa nilang makasama ng mas matagal ang kanilang mga mahal sa buhay, samantalang ang iba naman ay kinikitil ang kanilang buhay. Life is really full of irony.

Kahit nanghihina ang kaniyang buong katawan ay pinilit parin niyang tumayo mula sa pagkakahiga. Makikitang nahihirapan siya mula sa pag-upo hanggang sa kaniyang pagtayo. Nahihirapan man ay sinusubukan parin niya ng buong lakas dahil inisip na rin niya na mayroon parin siguro siyang mahalagang papel na dapat gampanan sa mundong ibabaw. Kahit walang umaalalay ay pinilit niyang maglakad patungo sa kusina. At nakarating na nga siya doon at humawak sa upuan. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nadulas ang kaniyang kamay at natumba kasama ang upuan. Maririnig ang malakas na pagbagsak ni Amanda at ng upuan sa sahig. Dahil sa malakas na pagbagsak niya ay narinig ito ng kaniyang kapatid, 8-taong gulang na kapatid. Dali-dali nitong pinuntahan ang kaniyang ate. “Ate! Okay ka lang ba?” Nung makita ni Amanda ang sumasaklolong kapatid ay napaisip siya. “Ito na siguro ang mahalagang papel na aking gagampanan.” Ang wika niya sa kaniyang isipan nang makita niya ang musmos at inosenteng mukha ng kaniyang bunsong kapatid. “Masyadong umikot ang mundo ko kay Randy at nakalimutan kong may pamilya pa pala ako, may mga kapatid at ina pa pala ako.” Ang sambit nito sa kaniyang isipan habang pinagmamasdan niya ang slow motion na pagtakbo ng kaniyang bunsong kapatid papunta sa kinaroroonan niya. Sa unang pagkakataon ay naramdaman ni Amanda ang sarap ng may nagmamalasakit sa kaniya at nag-aalala. Iyong hindi puro lang siya ang nagmamahal, hindi puro lang siya ang nag-aasikaso, hindi puro lang siya ang nag-aalala.

Minsan kasi sa buhay natin, ‘pag alam mong mahal ka ng isang tao, iyong alam mong importante ka sa kaniya at alam mong hindi ka niya iiwan, nagiging kampante ka na eh. Kasi alam mo naman na nandiyan siya parati, kaya minsan ‘yong pag-ibig natin, ‘yong concern natin, ‘yong pag-aalala natin sa taong iyon ay nawawala na. Kaya minsan, ‘pag ang taong iyon naramdaman na hindi mo na siya pinahahalagahan o kailangan, kusang umaalis ‘yan. Doon mo na lang marerealize ang tunay na kahalagahan ng taong iyon, ‘pag wala na siya. Iyon nga lang huli na ang lahat, and we can’t turn back time. Kaya habang nariyan ang mga taong sumusuporta sa atin, nagmamahal sa atin, nagbibigay importansya sa atin, ibalik natin sa kanila ang mga bagay na ito para naman maramdaman din nila ang nais mong maramdaman sa kanila.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Gn 001 book-00026   chapter 68

    Do not tell me the Mountain God’s spirit possessed my body??However, I did not think that was possible. Besides, if he really did possess my body, Liu Longting would have realized. Those few hundred small snakes slowly become wisps of smoke after swallowing the Mountain God’s flesh and blood, disappearing from our sight. Currently, aside from traces of blood across the floor, the temple was the definition of silence. It was so serene that only the sound of Liu Longting and my breathing could be heard. “Ughh…!”I whimpered to get Liu Longting’s attention just to remind him not to forget about me. When Liu Longting heard me, he turned around and looked at me. Seeing that I could not talk and was lying down on the chair unmoving, he smiled and asked, “Why did you eat the pill?” Was that not a dumb question? If I had not eaten that thing, would he have gotten the chance to ambush the Mountain God? However, I could not talk so I gathered my strength and let out a few more whi

  • Gn 001 book-00026   chapter 67

    Your story is appropriate for all audiences. However, The GoodNovel community has the ability to rate your story Mature.微软雅黑, 'SF Pro Text', 'Helvetica Neue', Helvetica, 'Arial, sans-serif'; font-size: 14px;" data-mce-style="background-color: #ffffff; color: #3a4a5a; font-family: PingFangSC-Regular, PingFangSC, Roboto, 'Nunito Sans', 'Microsoft YaHei', 微

  • Gn 001 book-00026   chapter 66

    "no you heard it right. Ang ganda mo"-Jared"Nambola pa amp. Ano aren't we going to talk about something? Kakanta na lang ba tayo?""Of course not. If you don't mind how old are you?" -JaredNatahimik ako ng ilang saglit, iniisip kung sasabihin ko ba ang totoo kong edad o pepekein ko ito tulad ng nakasanayan kong gawin sa aking mga naka harutan."Right I'm 16, kaka 16 ko lang kahapon" pagsasabi ko ng totoo dito."Fuck I really did messed up" bulong nito, hindi ko agad nakuha kung ano ang ibig sabihin."Few months from now I'll be 19 years old, and I messed up because I like you" pag amin nito sakin. Agad itong tumayo saka lumayo ng kaunti sakin, nahihiya siguro sa sinabi nya."Then I messed up too? Because I like someone who have the same age as my brother? Plus the fact that my brother doesn't like you I messed up too" sagot ko dito.Agad sya

  • Gn 001 book-00026   chapter 65

    Seorang lelaki muda, tampan , dan mempesona, tampak sedang duduk di kursi kebesarannya. Dia adalah Arka Wijaya, seorang pengusaha muda yang sudah mempunyai dua istri, namun sampai sekarang, di antara kedua istrinya itu,belum ada yang hamil dan belum ada yang bisa memberikan Arka seorang anak. Padahal keluarga besar Arka, sangat menginginkan Arka itu mempunyai anak. Apalagi orang tua Arka.Arka masih menatap tajam seorang lelaki bujang, yang bernama Arifin. Arifin adalah karyawan di kantor Arka. Dia seorang cleaaning service di kantor Arka." Ada apa Arifin...?" Tanya Arka." Maaf Tuan sebelumnya." Kata Arifin sembari menunduk. Arifin tampak takut untuk mengatakan kalau dia akan meminjam uang pada bosnya itu."Kamu perlu bantuan? Silahkan... Bicaralah...!"" Saya butuh uang Tuan."" Apa? Butuh uang? Kamu itu sudah banyak meminjam uang di kantor Arifin. Kamu mau uang berpaa lagi?"" Satu milyar Tuan. Mungkin satu milyar cukup untuk melunasi hu

  • Gn 001 book-00026   chapter 64

    "And the new Miss Limgas na Dayat is---!"Ipinikit ni Emerald ang kanyang mga mata habang pigil-hininga niyang hinihintay ang pag-anunsiyo ng host sa winner ng Limgas na Dayat 2018 o "Beauty of the Sea 2018." Ito ang pinakamalaking beauty contest sa Pangasinan,and she's representing San Carlos City. Ang kaharap niya ang isang napakagandang babae na nire-represent ang Dagupan City. Magkahawak ang kanilang mga kamay,trying to support each other,habang hinihintay nila ang announcement ng winner."Lord,ibigay ninyo na po sa akin ito. Pangatlong beses na po akong sumali sa beauty contest na ito at sana naman a

  • Gn 001 book-00026   chapter 63

    •Third Person•"Amin...why did you leave me!" Mrs. Shihas or Dhariya cried. She was in the hospital. The doctors and nurses were trying to calm her down but miserably failed. Aimaan was in the ICU, in critical state.The Justice, Mr. Amin Shihas, passed away. It took a lot of time for them to register it to their brain."Madam, please try to understand us. Your baby is getting a hard time. You may loose your child. Stop weeping for the passed out and concentrate on your coming out." The head doctor tried to calm her down."For whom, for whom am I trying to concentrate? The unborn child? Will that come into my life if my husband wasn't there?" She screamed, while trying to get rid of the grip on her hands.Aimaan was in the first ICU , fighting for her life; where her mother was in the next ICU pleading for her li

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status