Share

Bab 0009

Author: GN001
last update Petsa ng paglalathala: 2023-12-01 15:55:33

"What a cute pendant." Pinulot ko't tiningnan kasi sobrang naakit ako dahil kumikinang at nakakatuwa. Mayamaya agad kong naisip kung baka kay Khaile o sadyang nagkataon lang ako ang unang nakakita. Hindi ko napigilan kaya inilagay ko sa loob ng ballpen case ko.

"Miss?" Putek! Nagulat ako n'on. Paglingon ko'y isang puting tao na nakatayo. Hindi ko masyadong nalinawan sapagkat lumalabo narin 'yong paningin dahil madilim sa bandang 'yon.

Ilang mga segundo lumapit sa'kin 'yong lalaki bago ko natiyak na si Manong Guard lang pala. Nakatakot kasi uniform at ngipin lang ang maputi sa kaniya. Char! Hindi ako judgmental no?

"Aong ginagawa mo dito sa stock room?" Oh my gulay! Stock room pala 'to?

"Sorry Manong Guard, napadaan lang by chance." Hindi ko na alam 'yong pakiramdam ko n'on dahil naggagalawan narin lahat ng bagay sa aking paligid na tila ba'y nahihilo ako ulit. Bigla akong napabagsak ng malakas ulit sa sahig at hindi ko na alam kung ano ang kasunod na nangyari.

"Miss?" Isang malumanay na boses ang nagpagising sa'kin. Nang binuksan ko ang aking mga mata di ko masyadong malinawan lahat ng bagay dahil hindi ko pala suot ang aking salamin.

*****

"Nas'an 'yong salamin ko?" Wala akong pakialam ko nas'an ako basta tanging alam ko lang bigla nalang akong bumagsak at nauntog ng malakas 'yong ulo ko sa sahig. Pagkatapos bigla nalang akong nawalan ng malay at napunta dito?

Iniabot sa'kin 'yong salamin ko sa isang babae. Nang bumalik na ang aking paningin nakita ko na isa pala siyang School Nurse dahil 'yong sling niya ay may logo ng USL. Teka lang? Nas'an ako?

"Nas'an ako? Anong nangyari sa'kin?" Kasabay ng pagtanong ko'y lumingon sa paligid at nakita ko 'yong Mama kong nag-aalalang lumapit sa'kin.

"Anak? Diyos ko po, salamat!" Alalang saad ni Mama habang niyakap ako.

Ba't nandito si Mama sa school namin? Paano siya nakarating dito? Ano bang nangyari sa'kin at hindi ko na yata masyadong naalala 'yong mga pangyayari.

"Ba't ka nandito Ma? At anong nangyari sa'kin?"

"Blaire Anak, tinawagan kasi ako n'ong isang School Guard niyo dito. Bigla ka raw natumba at nahimatay bigla d'on sa Stockroom." Paano kaya nagkaroon ng Number si Manong Guard kay Mama? Teka? Oo nga pala, nasa ID ko 'yon.

"Nas'an ba 'yon si Manong Guard Mama? Gusto ko lang magpasalamat sa kaniya." Biglang may lumapit na lalaking doctor sa'kin na may dalang papel.

Ang gwapo niya at maputi tapos nakabrace pa. Nakasalamin rin pero mas makapal pa kaysa akin.

Ayan ka na naman Blaire! Panget na nga, illusyonada pa. Ang daming crush. Whoaaaa! How much more kung naging lalaki ka pa kaya, siguradong marami kang chicks. Char! Wag naman sana.

Binasa n'ong Doctor 'yong nakasulat sa papel.

"Miss Mondragon?"

Agad kong pinapakilala sarili ko.

"Yes Doctor?"

"Sad to say, mayroon kang Anemia. Ang Anemia ay isang kondisyon kung saan mababa ang Hemoglobin at Red Blood Cell."

Alam ko naman 'yan noong Junior High pa 'ko. Pero Ok nalang trabaho niya 'yon sa mga pasyente niya hehe.

"It's a condition in which there aren't enough healthy red blood cells to carry adequate oxygen throughout your body." Si Mama naman ay seryosong nakinig sa Doctor na 'yon.

"Iha, palagi ka bang nagpupuyat?" Mausisang tanong ng School Nurse sa'kin.

Omo! Anong sasabihin ko? Isasagot ko ba 'yong katotohanan? Kasi baka magalit sa'kin si Mama. Baka sabihin niyang "Anong pinagpupuyatan mo?" Tapos sasabihin kong nagwawattpad lang? Hindi naman 'yon maniniwala kung sasabihin kong todo-aral talaga ako o may ginagawa lang na project dahil palagi naman niya akong tutulungan. Kung sasabihin ko na nagwawattpad lang ako baka pagalitan ako ni Mama. Dahil sa pagkaka-alam niya matagal na akong tumigil sa pagbabasa nito ngunit nabulag siya sa realidad na bumalik ako sa pagiging Wattpader.

Natigilan ako ng ilang mga sandali sa pag-iisip kung ano ang pwede kong isagot.

"Ah e-eh ano kasi, eh...hmmm.." Puting Owak! Help me naman oh? Wala akong maisip. Pati brain cells ko hindi na gumana.

"Bumalik ka pa ba sa pagwawattpad?" Tanong ni Mama habang nakataas ang kaniyang kilay.

Tumingin ako sa mga mata ni Mama at kitang-kita ko na may mensaheng nais ipabatid sa'kin na nagsasabing "Humanda ka sa'kin Blaire pag-uwi natin sa bahay." Sheeaaaa ano ba 'to. Hindi man lang ako makasagot kay Mama. Napatingin ako d'on sa poging doctor, ay este hehe at saka d'on sa Nurse.

"Hay nako" Sabi ni Mama. Wala na kasi akong maisasagot kaya tumango nalang ako.

*****

Dinala ako ni Mama at sumakay sa kaniyang kotse, ay este, sa aming kotse pauwing bahay. Parang mabibingi na yata ako sa pagiging tahimik ni Mama. Tila ba'y galit siya sa'kin dahil sa kasinungalingan kong nagawa.

Mayamaya.

"Punta tayo sa National Bookstore." Saad ni Mama

What? Totoo ba 'yon?

"Ma?" Sabay kaming nagtinginan sa isa't-isa

"Ayaw mo?" Ba't ko naman tatanggihan? Eh, paradise place ang NBS para sa'kin noh? Yayks! Alabit so much! "Ibibili nalang kita ng books, para matigil ka na sa kakawattpad mo dyan sa cellphone mo!" Ang supportive ng aking maalaga't magandang Ina. Akala ko galit siya.

Mayamaya may tumawag sa cellphone ni Mama. Sino kaya 'yon?

"Anak, pakiabot nga ng phone ko nasa bag." Utos ni Mama sa'kin.

Nabasa ko 'yong name na tumatawag sa kaniya.

"Mary Jane is calling..."

Parang familiar itong pangalan na 'to. Di kaya secretary niya 'to? Oo, parang gan'on nga, naalala ko na. Siya 'yong palaging pumupunta sa bahay namin kapag hindi makapasok si Mama.

"Hello Mary Jane?"

Hindi ko masyadong narinig ang pinagsasabi ng secretary ni Mama dahil hindi naka-loudspeak 'yong phone.

"Sige, sabihin mo papunta na ako dyan." Ano? Babalik si Mama sa kompanya?

"Blaire, sorry hah kailangan ko talagang bumalik sa office dahil may bisita raw na dumating galing U.S gustong makipag-usap sa'kin."

Nag-pout nalang ako. Bumaba ako ng kotse at pumara ng jeep.

Bigla ko tuloy naalala 'yong nangyari sa'min ni Khaile kanina. Ang laki ng pinagbago niya, mas lalo siyang pomupogi at ang tangkad na niya. Nakaka....

"Hi Panget"

What the H! Siya? Sa daming jeep na pwedeng masasakyan dito pa talaga? Pero ba't siya nagje-jeep? Mayaman naman 'yong family nila.

"Ikaw? Stalker!" Nakita ko na nasa harapan at nakangiti sa'kin si Khaile.

"Ako stalker? Kanino? Sayo? A big YUCK! Masyado kang panget upang i-stalk sa kagaya kong pogi." Sabay kindat ng mga mata. Yuck! Pero ang sweet ng pagkakakindat niya sinabayan pa niya ng mga ngiti. Mukhang nakaliptint yata 'to. Haha joke!

Inikutan ko lang siya ng mata at hindi pinansin pero ang cute niyang mang-asar.

"Baka ikaw 'yong stalker sa'kin? Sino bang unang sumakay dito sa jeep?" Napa-isip tuloy ako. Oo nga, kung sa bagay.

Palagi ko siyang ninakawan ng mga sulyap pero palagi rin akong nahuhuli. Shucks!

Ayan tuloy napapangiti na siya sa'kin tapos nakaka-asar na rin. Pilit kong iwasan ang mapatitig sa kaniya pero hindi ko magawa. Ang laki kasi ng pinagbago niya. 'Yong kilalang Khaile ko n'on mas malayo na ang nabago ngayon.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Gn 001 book-00077   Bab 0105

    fqewfqewfvqfq3 eq fqwefqewrfq2 qrqw propriate content for readett t3. 33 rs under 13 with light violence, kissing, light cursing, but not too explicit. Youth and above inappropriate content for readers under 13 with light violence, kissing, light cursing, but not too explicit. Youth and above i

  • Gn 001 book-00077   Bab 0104

    asd;lasd asd An ordinary human girl who has a broken family and tragic childhoodAn ordinary human girl who has a broken family and tragic childhoodAn ordinary human girl who has a broken family and tragic childhoodAn ordinary human girl who has a broken family and tragic childhoodasd;lasd asd An ord

  • Gn 001 book-00077   Bab 0103

    “I was trying to be human and resist my thirst but it got so bad I had to feed from Jordan. Jordan’s body was weak because of Hope needed him so he rushed to get any human even though he knew it was wrong and that’s how he met Ignatius. Hope was too young, four years old at that time; Argent mistook

  • Gn 001 book-00077   Bab 0102

    Elijah and I sat at the top of a mountain as we waited for the full moon to rise. Elijah couldn’t be with his pack because he chose today to watch it rise with me.I opened a packet of chips and handed him one before I opened another as we sat and watched.“How do you know Klaus?” I asked as Elijah

  • Gn 001 book-00077   Bab 0101

    “This is a first in thousands of years I guess. It’s almost like I’m human and I feel awfully hungry.” I said as my hand went to my stomach.“No human food?” Elijah asked.“Just you.” I replied with a smile and he smirked.I pulled out a thermo flask that contained blood before I poured some for mys

  • Gn 001 book-00077   Bab 0100

    “Sorry I’m late.” I apologized as I kissed Elijah’s cheek before he held my hands.“It’s alright. Lea doesn’t seem to like me very much that was why she held you prisoner.” Elijah said as I heaved.“You have no idea but that’s why I love her. She’s the only person who has never left my side even up

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status