Chapter 1
Hindi maipinta ang ngiti sa mga labi ni Rain habang abala sa paghahanda ng kanyang sorpresang gagawin mamaya. Ngayon kasi ang araw ng ikaapat na anniversary nila ni Sunny at balak nya na ring magpropose sa dalaga.
Pinaghandaan nyang mabuti ang araw na ito. Mula sa mamahaling singsing na kumikinang, sa mga naggagandahang bulaklak na paborito ng kanyang girlfriend, sa mga paborito nitong pagkain at ang lugar kung saan sila nagkakilala ay handang-handa na rin sa magaganap na proposal mamaya. Humarap sya sa malaking picture frame ng girlfriend nya at ngumiti ng pagkatamis-tamis rito.
Marahan nyang hinahaplos ang larawan ng dalaga.
"I can't wait to marry you Babi. Mahal na mahal n as a mahal na mahal kita. I love you so much." paulit-ulit nyang sambit sa picture frame. Maya-maya pa ay tumayo na sya mula sa pagkakaupo at hinanda na ang sarili. Kinakabahan man ay pursigido pa rin syang gawin ang proposal mamaya. Gusto nyang mapasakanya na ang girlfriend nya ng buong-buo. Gusto nyang matali na rito at makasama ito sa habang panahon.
Pumunta na sya sa destinasyon kung saan magaganap ang proposal. Ang lahat ay nakahanda na. Pati ang mga empleyado na saksi sa pagmamahalan nila ay naroon na rin. Maliban na nga lang sa magulang nya. Tutol kasi ang mga ito sa girlfriend nya pero kahit ganon, ay wala syang pakialam. Hindi nya hihiwalayan ang girlfriend. Walang kahit na sino man ang pwedeng makapaghiwalay sa kanilang dalawa.
Nang makarating sa nasabing lugar, tinext nya ang girlfriend nya para papuntahin na din rito. "Babi, where are you? I'm already here. Ingat sa pagdrive okay? I love you, I can't wait to see you." Nakangiti syang nagtitipa ng text sa cellphone. Pagkatapos ay binulsa na nya ang cellphone nya at nilibot muli ang kagandahan ng lugar.
"Paniguradong magugustuhan ito ni Babi. Ito ang pangarap nya. Ang pangarap naming dalawa. Excited na ko na mapangasawa sya. Hindi na ko makapaghintay na bago ako matulog at paggising ko ay sya ang mabubungaran ko. Excited na kong makasama sya araw-araw sa bahay at bumuo ng isang masayang pamilya." tila nasisiyahan na wika nya sa kanyang isip.
Hindi maalis ang ngiti sa kanyang mga labi habang iniisip ang mga bagay na yon. Ang mga bagay na plano nya pag nakasal na sya sa babaeng pinakamamahal nya.
Ilang minuto, ilang segundo, at ilang oras pa ang hinintay nya pero wala pa rin ang babaeng mahal nya. Nag-aalala na sya na baka may masama ng mangyari sa girlfriend nya pero nilakasan na lang nya ang loob nya. Pinagdasal na sana ay makarating ng maayos dito ang kanyang girlfriend.
Lumipas na ang ilang oras pero wala pa rin ang dalaga. Pinagtitinginan at pinagbubulungan na rin sya ng mga tao pero hindi nya yon ininda. Tinawagan nya ang girlfriend nya pero wala. Wala syang nakuhang sagot rito at sa halip, kinancel pa nito ang tawag nya.
"Dadating sya. Alam ko dadating sya. Mahal nya ko. Mahal ko sya. Magpapakasal na kami. Hihintayin ko sya kahit umabot pa ng ilang oras."
Panay ang kumbinsi nya sa sarili nya na dadating si Sunny. Ang babaeng pinakamamahal nya. Mula umaga, lumipas na ang tanghali, at ngayong nagdidilim na at tila malapit ng mag-gabi ay wala pa rin si Sunny.
Kaunting oras pa. Konti pa baka may nangyari lang kaya di sya nakadating agad. Baka lowbat ang cellphone nya kaya hindi nya magawang sagutin ang mga misscalls ko."
Pilit mang kumbinsihin ni Rain ang sarili na dadating ang girlfriend nya, unti-unti ay nawawalan na rin sya ng pag-asang sisiputin sya nito. Malapit ng tumulo ang luha sa kanyang mga mata ng maka-received sya ng isang text message galing kay Sunny. Tila nagdiwang ang puso nya dahil sa wakas kahit papano'y nagkaroon sya ng pag-asang matutuloy ang proposal na gagawin nya. Masayang binasa nya ang text message ng girlfriend nya.
"I don't love you anymore. I'm so sorry. I'm leaving. Please don't find me. Goodbye."
Parang sinaksak ng ilang ulit ang puso nya sa nabasa nyang text message. Wala na syang nagawa kundi ang mapaupo na lang at umiyak ng umiyak. Pinagtitinginan sya ng mga tao at kinakaawaan pero wala syang pakialam. Binuhos nya lahat ng luha nya maalis lang ang sakit na nararamdaman nya. Pero hindi nakatulong ang mga luhang yon. Sa halip, ay mas lalo pa syang nasaktan. Ang kaninang pagexcite na nararamdaman nya ay napalitan na ng pagkamuhi. Napalitan ng galit. "Bakit? Bakit Sunny? Bakit nagawa mo sakin toh? Sabi mo mahal mo ko. Pinaglaban kita pero tinaboy mo ko. Sinaktan mo ko. Winasak mo ko."
Patuloy lang ang pag-iyak ni Rain sa isang sulok ng lugar na iyon. Ang lugar kung saan sila unang nagkakilala. Pero hindi nya akalain na sa lugar ring ito mawawasak ang kanyang puso. Maya-maya ay sinira nya na lahat ng dekorasyon na dapat sana ay sorpresa nya. Galit na galit at nagwawalang pinagtatapon nya ang bawat gamit na makita nya.
"Itigil mo yan Rain! Walang mapapala ang pagwawala mo! He hurt you! Ang sabi ko naman sayo eh ginagamit ka lang ng babaeng yan. O ano ngayon? Hindi ka nakinig? Ikaw ngayon ang luhaan dyan. Fix yourself at humanap ka ng babaeng nababagay sayo. Humanap ka ng babaeng kayang suklian yang pagmamahal mo. Sunny doesn't deserve you're worth."
Panay ang panenermon ng kanyang magulang sa kanya. Tama. Tama ang magulang nya. Talaga ngang hindi sya mahal ni Sunny. Sa kanilang dalawa ay sya lang yata ang nagmahal. Sana pala ay nakinig na lang sya sa magulang nya na hiwalayan ito noon pa man para hindi sya ngayon nasasaktan. Sana pinaniwalaan nya ang magulang nya na ginagamit lang sya ng babaeng yon. Sana ay hindi na nya pinaglaban si Sunny.
Ngunit huli na , naloko na sya. Tagumpay na si Sunny at sya ang naiwang luhaan. Mariin nyang hinawakan ang kumikinang na singsing. Mahigpit ang pagkakahawak na iyon na para banggalit na galit. Hindi nagtagal ay lumabas sya sa lugar na yon, pumunta sya sa ilog na lagi nilang pahingahang dalawa ni Sunny. Doon ay tinapon nya ang mamahaling singsing. Ang mamahaling singsing na sumisimbolo kung gaano nya kamahal ang girlfriend nya pero pinili nitong magloko.
Ang araw ng kanilang anibersaryo, ay ang araw rin ng pagkawasak ng kanyang puso.
"Babe! Babe! Huy Babe!" nagising si Rain mula sa pagmumuni-muni at sa pag-alaala ng nakaraan ng tapikin sya ng girlfriend nyang si Gaile.
"Yes babe? I'm sorry what is it again?" marahang tanong nya kay Gaile habang hinihimas-himas ang mahaba nitong buhok.
Gaile, is one of the hottest girls in town. She's a model. Sya ang naging karamay at sumalo kay Rain noong iwan sya nito ng dating girlfriend ni si Sunny. Mapait syang napangiti ng maalala na naman kung paano sya winasak ng babaeng iyon. Nang dumating si Gaile ay ito ang tumulong para makalimutan ang mapait na karanasan nito. And he is so lucky dahil merong Gaile na dumating sa buhay nya. She's a blessing for him indeed.
Kahit na madalas ay sobrang selosa nito, tanggap na tanggap naman ito ni Rain dahil mahal nya ito. Mainit ang tingin sa kanya ng mga empleyado ni Rain sa hindi malamang dahilan. Everytime na kasama nya si Gaile, ay nararamdaman nya ang mga mapanuring tingin sa kanila ng mga empleyado nya sa kompanya na pag-aari nya. Para bang may malaking kasalanan si Gaile sa kanila at gustong-gusto nila itong patayin sa isip nila.
"Babe ang sabi ko date tayo. Date tayo mamaya ha? Pretty pretty please babe please."
Rain smiled and nodded. Kulit talaga. Wala talaga syang laban sa kakulitan ng girlfriend nya. Unti-unti ay nilalapit na naman nito ang labi nya sa labi ni Gaile. When he is about to kiss her passionately,
"Sir, sir ."
Mabilis nyang tinulak si Gaile dahil sa biglaang pagbukas ng pinto. Walang paalam na dirediretsong pumasok na lang bigla ang secretary nya. Narinig nya pa ang inis na boses ni Gaile at ang nang-iirap nitong mga tingin sa secretary nya bago inayos ang damit nyang gulo-gulo na.
"Don't you know how to knock!?" Inis na sabi nya sa secretary nya na tila nagulat din sa nasaksihang eksena.
"I'm sorry for interrupting Sir. May naghahanap po kasi sa inyong babae." sagot nito. Rain wondering who' s that girl. Wala naman kasi syang inaasahang bisita at darating ngayon kundi si Gaile lang. Nagtatakang napalingon sya sa secretary nya.
"Who?" maikling tanong ni Rain.
Dahan-dahang tumingin ang secretary nya sa labas ng pinto at nginitian ang taong sinasabing bisita daw ni Rain saka ngumiti bago nagpaalam na umalis. Hinintay ni Rain ang pagpasok ng nasabing bisita. Mayamaya pa'y may babae na ngang pumasok sa opisina nya.
It was Sunny Ramirez, her ex-girlfriend.
Nakangiti itong pumasok at bumungad sa harap nya. Nang mapansin nito si Gaile sa tabi nya ay unti-unting nawala ang kaninang matamis na ngiti sa labi ni Sunny.
"Rain I'm back" maikling sagot ni Sunny habang kinakabahang pinagmamasdan ang binata.
"Too late." sa isip-isip ni Rain.
"What are you doing here? You're not welcome here. Get out." malamig na tugon ni Rain sa kanya. Galit ito sa kanya. Ang kapal nga naman ng muka nitong magpakita pa sa kanya matapos ng pang-iiwan nito ng biglaan. Hinding-hindi nya makakalimutan kung pano sya winasak ng babae.
"Rain, I'm here already, binalikan kita, bumalik ako para sayo." naluluhang sabi ni Sunny habang nakatingin sa mga kamay ni Rain na nakapulupot sa bewang ni Gaile. Mapait na napailing na lang si Rain sa sagot nya.
Ibang klase.
After she left him magpapakita na lang sya rito na para bang walang nangyari. Na para bang hindi sya nakapanakit ng tao.
"But, on the other side, mas mainam na ring bumalik sya. Ipapakita ko sa kanya kung pano nya ko binago. She must face the consequence. If she's coming back, well that's great. Atleast makakaganti ako sa mga parusa at sakit na binigay nya sakin." nakakatakot na sabi ni Rain sa isip nya habang pinagpaplanuhan ang ilang masasamang bagay. Hindi na sya nagdalawang isip at bigla na lang siniil ng halik si Gaile habang tinitingnan ng may pagkamuhi ang babaeng minsan na nyang minahal pero iniwan syang luhaan.
She left with no reason, with no explanation, and she break his heart. And now that she's comeback, ipaparamdam nya sa babae ang lahat ng sakit na dinulot nito sa kanya dati.
"Wala akong ititira na kahit na ano sayo Sunny. Wala." galit na galit na sabi nya sa kanyang isip.