Home / All / Gn 003 IN 00095 / Chapter 0011

Share

Chapter 0011

Author: Gn003
last update publish date: 2023-12-01 16:30:36

Theater

NANDITO kami sa loob ng sedan stretch limousine na good for four person. Pa-letter C ang sofa, at mayroon flat screen TV at bar station. Personal car 'to ni Daddy, gamit niya pag pumupunta sa airport. Ginamit lang namin 'to ngayon dahil naglambing si Tita Susane. Over-used na raw kasi sa camera 'yong ibang cars namin, kaya mas mainam kung may bagong maipakita sa mga tao. 

Si Maximo naman ay kanina pa tulala sa bintana. He is eighteen years old and I'm six months older than him. 5'8 ang height niya, mapayat, tisoy at malalim ang mga mata. Tahimik siya at masunuring bata. Never siyang nag-break ng rules. Hindi siya kilala sa social media kaya hindi niya kailangan ng bodyguard. Ako ina-idolize ng maraming kabataan, kung sino-sino na rin kasi naka-date kong artista kaya mabilis akong nakilala. Pero siya, kaya niyang lumabas ng twenty-four hours na walang nakakakilala. Sa totoo lang, kinaiinggitan ko siya dahil bukod sa kasama niya ang tunay niyang Nanay ay malaya rin niyang nagagawa ang maraming bagay na walang nanggugulo. 

"Maximo, kagabi ka pa tulala, may problema ba?" tanong ni Tita Susane. 

"Wala, Mama." Umayos na 'to ng pagka-upo at chineck muli ang cell phone. 

"May problema ba kayo ni Cherry?"

Napahilamos lamang sa mukha si Max habang umiiling. Si Cherry Aries ang ka-red string niya. Ito 'yong anak ng may ari Eastwood University. Ang pagkakatanda ko may gusto siya rati sa dalaga, ewan ko lang ngayon. 

Nandito na kami sa harapan ng Kia Theater sa Cubao. Nakadikit ang isang malaking poster na may nakalagay na 'Featuring the Stars from Magic ballet. Allesandra Gwen and Jonas Gwen. Accompanied by the Youth Dreamers'  at may stand-poster na larawan ng kambal habang naka-sout na pang ballerina. 

Pagkababa namin ng sasakyan ay sinalubong kaagad ako ng mga camera. Bumalandara ang mahaba kong black gown off-shoulder na may ostrich feathers. May extension ang straight kong buhok na umabot hanggang puwetan. Naka hard make-up ako with brown eyeshadow and violet lipstick. Mas pumayat ako tignan at mas nag-highlight ang cheekbones ko dahil sa contour. 

Napanganga ko na naman ang mga photographer dahil sa outfit of today ko. Nagkulong kasi ako sa bahay ng ilang araw sa bahay, kaya 'yon gumawa ako ng something productive. I make my DIY (Do-It-Yourself) dress. Hindi kasi tumitigil ang utak ko sa pag-iisip ng fashion.  Mas lalo na noong quarantine ay isang taon akong nag-drawing at nag-tahi ng mga damit. 

Naunang lumakad si Tita Susane sa loob ng theater. Naka navy blue dress siya at curly hair. Si Maximo naman ang nasa likuran niya na mukhang wala pa rin sa mood. 

Naka-fierce face ako habang naglalakad ng pang-catwalk. 

"Ms. Onalisa, ano pong drugs 'yong ginamit mo?"

Tila ba ay bumaon ang takong ko sa tiles. Lalo tuloy uminit ang mga tanungan dahil sa nagpasimuno na 'yon! 

"Totoo po bang binayaran ng malaki ni Chairman ang polisya para hindi ka sampahan ng kaso?" 

"Tumanggi ka po bang magpa-drug test?" 

"Ano pong masasabi mo na laganap na ang paghuli sa mga drug user, pero kayong mayayaman ay nakakaligtas?" 

Hindi pa ba tapos ang issue na ito? One month ago na ang balitang 'yan! 

"Wala ka ba talagang sout na bra tuwing umaalis?" tanong ng isang istudyante. 

Three years ago na 'tong issue. And, yes, I don't wear bra sometimes. Pero ngayon naka-sout ako, hiyang-hiya naman kasi ako sa pagiging pakielemera nila! Kaya mas magandang tumira sa Europe, malaya akong makapag so-sout ng gusto ko. 

"Ang suplada! Katulad lang naman siya ng Nanay niya na isang katulong!"

"Oo nga, katulong na malandi ang Nanay mo!" Nagsi-tawanan sila. Mabilis namang tumakbo ang mga kabataan na 'yon nang pagsabihan sila ng security dito. 

Sa lahat ng narinig ko, 'to lamang ang bumaon ng husto sa puso ko. Gusto kong manabunot hanggang sa makapatay. Anong karapatan nila para i-bash ang Mommy ko? 

Eighteen years nang nakakalipas 'yon, bakit ba hindi sila maka-move-on? Sila ba yung anak? Sila ba yung iniwanan? 

Nag-eenjoy sila sa storya kung paano ako nabuo, pero hindi nila alam kung paano ako lumaki, I hate them. 

Naramdaman kong may kamay sa bewang ko at hinila ako nito papasok ng theater. "Daddy..." napapaos ko. Medyo blurred na rin ang mga mata ko dahil sa namumuong luha. 

Hindi naman sila inaano ni Mommy...bakit ganyan sila kung makapang-bash? Kaya nga nagtago na lang 'yong tao dahil sa mga paratang natatanggap at threat. Maging ako ay tinaguan niya. 

Hindi masaya ang childhood, kapag 'di mo nakasama na kumpleto ang magulang mo. Laging may kulang. Lagi kang may hinahanap. 

"Shhh...baby it's alright. Everything will be okay." Tuluyan na ngang tumulo ang luha ko.

Ipinunas niya sa gilid ng mga mata ko ang panyo kaya lalo akong napaiyak. Nagiging ma-emosyonal ako tuwing si Daddy ang kaharap ko. Hindi ako nahihiyang ipakita ang sugatang puso dahil alam kong iintindihin at po-protektahan niya ako sa lahat. 

Si Daddy na lang ang meron ako. I love him so much.  Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko kayang mawala siya sa 'kin. 

"'Diba may flight ka po mamaya?" tanong ko. Mag-lilibot siya sa Europe good for one month para aralin maigi ang new project na ilulungsad nila ni Sandro. 

"After nitong show ay didiretsyo na ako sa airport. Gusto ko lang makasama ang baby ko." 

Isang doorkeeper ang nag-eskort sa 'min papunta sa VIP seats. Naglakad na kami habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib ni Daddy. 

"Baby, susunod si Sandro next week sa Europe. Gusto mong sumama?"

Umiling ako. Kapag magkasama ka silang dalawa puro businesses lang naman ang topic. Hindi ako maka-relate. I don't like business. "Next time na lang, Daddy." 

Ito rin ang dahilan kaya hindi ko magawang makipag-hiwalay kay Sandro, dahil gusto siya ni Daddy para sa 'kin. Ma-dissapoint ko na lahat ng tao sa mundo...huwag lang ang pinaka-mamahal ko.

Nagulat si Tita ng makitang kasama ko pala si Daddy. Yung sungay niya kanina sa ulo ay napalitan ng bilog na parang sa anghel. Tumayo pa siya at nilahad ang kamay sa katabing upuan. "Seat here, Honey." Tinignan lang siya saglit ni Daddy. "Sabi mo hindi ka pupunta? Hindi ka tuloy namin naisabay sa sasakyan." 

"Mabilis nagbago ang desisyon ko no'ng umalis kayo."

"Ah, Honey...yung about pala sa lote na nahanap ko ay tumawag na sa 'kin," naputol ang pagku-kuwento ni Tita Susane dahil sa malamig na ekspression ni Dad. 

"Later, please." 

Umupo lamang si Dad sa kasunod na upuan na tinuro ni Tita Susane. At dahil bungal ang upuan namin, tumabi na ako sa gitna nila. Mukhang may alitan 'ata sila. Nase-sense ko lang. Well, I don't know why I'm happy. 

Nagsimula na ang show. Isang pulang kurtina ang nahati sa gitna. Bumungad ang mahigit sampung ka-tao. Pumosisyon silang lahat at naka-freeze na parang sa statue. Merong naka-sout ng gothic bride, gothic witch, gothic unicorn, gothic fairytale and gothic mummy. Horror ang kabuuan ng theme na 'to kahit malayo pa naman ang Holloween. 

Lumabas si Jonas Gwen gamit ang fierce niyang mukha. Sout niya ang isang black net t-shirt na transparent kaya obvious ang naghihimutok niyang katawan. Nakakapangilabot din ng balahibo dahil mahusay ang mga mata niya. Kaya niyang makapatay sa titig lamang. Yung tipong papatayin ka na nga pero gugustuhin mo pa rin dahil sa makalaglag panga. 

Sumunod na lumabas ang kakambal niya na si Allesandra Gwen. Napasimangot ako dahil parehas kami ng sout na may black feathers. Mas maganda lang 'yong version ko, at mas maganda mukha ko siyempre. Ang boring naman kasi ng face niya na walang appeal. Makinis at maputi lang siya dahil alaga ni Doctora Vicki Belo. Pero kung sa tutuusin ang laki ng pisngi niya, parang siopao. Eww! 

Natapos na ang show at talagang na-bored ako. Paulit-ulit lang naman kasi ang ginawa nila. Panay ikot lang naman ni Jonas at ni Alessandra sa stage. Ewan ko ba kung bakit sikat sa mga mayayaman ang ballet show.

"Tito Christopher! Thank you po sa pagdalo," masiglang sabi ni Allesandra. Humalik siya sa pisngi ni Dad at si Jonas naman nakipag shake-hands. Gano'n din ginawa nila kay Tita Susane. Inabot naman ni Maximo ang regalo naming bulaklak. 

"Congratulations. Naalala ko pa kung paano ko kayo sinamahan mag-enroll sa ballet school. Pinagalitan pa ako ni Sibal," sabi ni Tita Susane. Nagtawanan lamang sila. Close talaga siya sa kambal. 

"Nabanggit po pala sa 'kin ni Papa na pinangarap mo raw maging ballerina before?" Allesandra asked. 

"Yes, until now," nahihiyang tugon ni Tita Susane. 

"May chance naman po. May kakilala akong kasing age mo rin na nag-aaral ng ballet lesson for health purposes. Try mo po, isama na rin si Maximo."

Pinag-ekis ni Max ang kamay niya at para siyang nasusuka sa topic. "Nah. I'm busy," sabay taas niya sa cell phone. Patago akong natawa. Parehas kami ni Max, we hate ballet. 

Nag-usap pa sila ng marami. About school stuff no'ng kambal at ni Maximo. 

At dahil nag home schooling lamang ako simula no'ng nag 2nd year college ako, ay 'di na ako maka-relate sa topic nila. 

Nag usap-usap sila about sa mga achievement sa school and mga sinalihan na club. 

And ako deadma...

para lamang nila akong anino. Aware naman silang nag-e-exist ako at nasa gilid lang. Sadyang hindi lang ako mahalaga sa kanila. I'm not their favorite subject bacause I'm their prettiest nightmare. 

Lumipas na ang labing limang minuto na pagkakatayo rito ng may dumating pang mga mahahalagang tao. May bodyguard silang lahat na kasama. Para silang nagta-trabaho sa government kung respetohin. 

Hindi ko naman maipagkakaila. Isa sila sa pinakama mayaman sa buong Pilipinas. 

Si Doc Danielo Gwen, ang panganay na anak ni Lolo Alfonso. Sa likuran naman niya ay si Mrs. Fresa. Kulay gray na ang buhok niya. Kaya naman niya mag pakulay ng buhok, pero siya yung tipong tao na ayaw mag-palagay ng kahit anong chemical sa katawan. Kahit make-up hindi siya gumagamit. Twelve years din ang agwat nilang mag-asawa. Nagma-may-ari sila ng isang malaking hospital dito sa NCR. Unfortunately, wala silang anak. 

Sumunod naman na lumakad ang bunsong anak ni Lolo Alfonso. Ang magulang nina Allesandra at Jonas. Si Tito Sibal ay thirty-nine years old. Kamukhang-kamukha niya si Lolo. Nakakatakot ang mga mata at halatang malalim ang iniisip, parang si Jonas lang. Marami siyang business, pero hindi 'to kasing unlad katulad ng kay Daddy. 

"Nagpaunlak ng dinner si Papa sa mansion, sabay-sabay na tayo?" tanong ni Tito Sibal matapos halikan ang dalawang anak. 

"Hindi kami pupunta," saad ni Daddy. 

Sumingit naman sa usapan si Mrs. Fresa. "Dahil ba hindi kasama si Onalisa?" taas kilay nito. 

"Never naman po siyang inimbita ni Lolo sa gatherings. Baka raw magdala ng farmer," halakhak ni Allesandra.  Napaka demonyita talaga niya, kaya pumapangit, e. 

Nakataas pa rin ang kilay ni Mrs. Fresa. "Last week lang ay nawalan kami ng tatlong foreigner investor dahil sa akusasyon na may illegal transaction na nagaganap sa pamilya natin dahil sa paggamit mo ng drugs!" 

Agad namang humarang si Doc at pinakalma ang asawa. 

"Nakakahiya, ano bang ginagawa mo rito?" dagdag pa ni Allesandra. Magka-vibe sila ni Tita Fresa kaya pinagtutulungan ako. 

Sinampal naman ni Tito Sibal ang bibig ng anak. "Manahimik ka kung ayaw mong tahiin ko 'yan. Pumasok kana sa sasakyan." 

Natulala si Allesandra at namula ang mukha dahil sa kahihiyaan. "Pero, dad?" 

"Hindi mo dapat ginawa 'yon sa anak mo Sibal," naiiling na sinabi ni Doc. "Its Onalisa fault. Kung alam ko lang na nandito siya hindi na dapat kami pumunta. Grounded siya 'di ba? Anong nangyari Christopher? Bakit pa siya nakakalabas?" 

"Kuya, wala kang karapatan magdesisyon sa buhay ng anak ko." Kalmado lamang ang boses ni Daddy, pero mararamdaman mo ang pagka-poot sa mga mata. 

"May karapatan kami dahil nadadamay kami rito!" dagdag pa ni Doc.  

I raised my one hand to stop them. Bahala na, basta sasabihin ko lang ang matagal ko nang tinatago. "Hindi ko naman po kasalanan na maging sikat no'ng pinanganak ako. Nasa sinapupunan pa lang ako ni Mommy ay interesado na sa 'kin ang media. Isang pamilya lang po tayo. Magtulungan na lang tayo, huwag maghilahan pababa." 

Ako kasi ang first born ni Daddy and first granddaughter ni Lolo Alfonso. Inaakala kasi ng media na makukuha ko ang dalawang naglalakihang kompanya kaya naman todo silang kung manghimasok sa buhay ko. Pero kahit ano sa dalawang 'yon ay wala akong makukuha. Asa naman, duh! Ikakasal nga raw ako sa isang farmer, kaya saan pa ba ang bagsak ko, edi sa isang farm land. 

"Oo wala kang kasalanan no'ng pinanganak ka. Pero 'tong pagpapasikat na ginawa mo ngayon? 'yong pakikipag-date mo sa iba't ibang sikat na artista? 'Yong OOTD mo sa araw-araw na lumalabas ka?" taas kilay ni Mrs. Fresa. "You always want to be the star. Kahit yung kambal ay inagawan mo ng spotlight dito!" 

Kumunot ang noo ko. Kailan pa ako ng agaw? 

"Trending ngayon ang ballet show na 'to, dahil sa ostrich gown mo." Umiyak na si Allesandra at yumakap kay Mrs. Fresa. 

Tinignan nila nang matagal ang damit ko, at sakto naman na may reporter na gustong magpa-interview sa 'kin. Damn! Wrong timing!

Kaysa lumala pa ang away ay nag walk-out na lang ako. It's hard for me to breathe right now. Ayokong masira ang pamilya namin. Kung puwede ko lang alisin lahat ng dugo ko para masabing hindi ko sila pamilya ay mas pipiliin ko pa 'yon.

Sorry Daddy, dahil sa 'kin nasisira ang relasyon mo sa 'yong mga kapatid at pinsan. 

At lang naman ang problema...bakit kailangan lahat mag suffer sa kamalasan ko. 

                                                                          ***

ALAS kwatro nang madaling araw ng magising ako dahil sa masamang panaginip. Nalipat ang atensyon ko sa malaking picture frame na nakadikit sa tapat ng kama ko.

Isang babae na may misteryosong mukha at may ngiting nagbabago. Kapag masaya ka, masaya ang ngiti niya. Kapag malungkot ka, malungkot pala talaga siya. Nag-iiba ang ngiti depende kung paano mo siya gustong matignan. She is just like my mirror.

Mona Lisa is one of the famous paintings in the world. At sa painting na ito nakuha ni Daddy ang pangalan kong Onalisa. 

At kung tatanungin kung anong ngiti ang nakikita ko sa kanya? Naka fake smile siya. Malungkot ang mga mata niya, na tila ba ay hindi na 'to mababago dahil naka permanente na buhay niya ang isang bangungot. 

And this is my story...

hindi ko alam kung magagawa ko pang maging masaya. I only loved my present life because of my Daddy. Pero kada ini-imagine ko 'yong future ko, unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. 

Ngayon pa nga lang minamaliit na ako ng maraming tao, paano na kaya kapag nakatuluyan ko 'yong farmer? 

"Ma'am Onalisa!"

Agad akong napabalikwas sa 'king pagkakahiga dahil sa isang sigaw ng aking katulong.  Umiiyak siya habang nakahawak banda sa puso dahil sa paghahabol ng hininga. Mukhang tumakbo pa siya. 

"Si CEO---" hindi niya matuloy-tuloy ang sasabihin dahil sa pag-iyak. 

Para bang may umuudyok sa 'kin na huwag makinig at maging bingi muna.

"Bumagsak yung eroplanong sinakyan niya," bigla 'tong napaluhod sa 'king kama at humagulhol na. "Sorry, Ma'am. Wala na po ang Daddy mo!" 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Gn 003 IN 00095   Chapter 0117

    Chapter t**t, please forgive me A a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a B b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b C c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c D d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d

  • Gn 003 IN 00095   Chapter 0116

    第二战 马陵之战:战略方向错误导致的魏盛转衰 壹:魏国手中曾经抓了一把多么好的牌 贰:兵家必争之地 舍不得看完的中国史 舍不得看完的中国史 舍不得看完的中国史 叁:一步错,步步错 舍不得看完的中国史 舍不得看完的中国史 舍不得看完的中国史 肆:魏盛转衰的关键性之战 舍不得看完的中国史 舍不得看完的中国史 舍不得看完的中国史 第二战 马陵之战:战略方向错误导致的魏盛转衰 壹:魏国手中曾经抓了一把多么好的牌 贰:兵家必争之地 舍不得看完的中国史 舍不得看完的中国史 舍不得看完的中国史 叁:一步错,步步错 舍不得看完的中国史 舍不得看完的中国史 舍不得看完的中国史 肆:魏盛转衰的关键性

  • Gn 003 IN 00095   Chapter 0115

    第二战 马陵之战:战略方向错误导致的魏盛转衰 壹:魏国手中曾经抓了一把多么好的牌 贰:兵家必争之地 舍不得看完的中国史 舍不得看完的中国史 舍不得看完的中国史 叁:一步错,步步错 舍不得看完的中国史 舍不得看完的中国史 舍不得看完的中国史 肆:魏盛转衰的关键性之战 舍不得看完的中国史 舍不得看完的中国史 舍不得看完的中国史 第二战 马陵之战:战略方向错误导致的魏盛转衰 壹:魏国手中曾经抓了一把多么好的牌 贰:兵家必争之地 舍不得看完的中国史 舍不得看完的中国史 舍不得看完的中国史 叁:一步错,步步错 舍不得看完的中国史 舍不得看完的中国史 舍不得看完的中国史 肆:魏盛转衰的关键性

  • Gn 003 IN 00095   Chapter 0114

    m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m m N n n n n n n n n n n n n n n n n n n n n n n n n n n n n n n n n n n n n O o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o o P p p p p p p p p p p p p p p p p p p p p p p p p p p p p p p p p p p p p Q q q q q q q q q q q q q q

  • Gn 003 IN 00095   Chapter 0113

    u u u u u u u u u u u u u u u u u u u u u u u u u u u u u u u V v v v v v v v v v v v v v v v v v v v v v v v v v v v v v v v v v v v v W w w w w w w w w w w w w w w w w w w w w w w w w w w w w w w w w w w w w X x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x x Y y y y y y y y

  • Gn 003 IN 00095   Chapter 0112

    Chapter t**t, please forgive me A a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a B b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b C c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c D d d d d d d d d d d d d d d d d d d d dd d d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status