Day 6
MAG IISANG BUONG ARAW NA siyang tulog. Hindi ko talaga alam ang nangyari kahapon. Basta bigla na lang kaming nakarinig ng malakas na kalabog mula sa kwarto nitong babaeng 'to. Akala ko kung ano lang kaso kasunod noon ay malakas naman na pagkabasag ng kung ano ang narinig namin.
Hindi naman ako manhid para hindi makaramdam ng pag aalala para dun sa tao.. kaya naman mabilis ang naging pagkilos namin ni Ayes. Hindi naman naka lock ang pinto ng kwarto niya kaya nakapasok kami agad. At doon nga namin siya naabutang namimilipit sa sakit.
Wala naman siyang sugat.
Isusugod na nga sana namin sa hospital kaso pinigilan kami ni Tita Irah. Hindi raw namin pwedeng ilabas ng compound ang babae sa hindi ko malamang dahilan. Kinabitan lang siya ni tita ng oxygen at sandaling hinilot ang dibdib nito. Matapos noon ay hinayaan na kami ni tita na bumalik sa mga kwarto namin.
Hindi na ako nakaangal noon kasi sabi naman ni tita na siya na ang magbabantay sa babae.
Oo na! Hindi ko naman itatanggi na nag aalala ako sa kaniya kahit na ilang beses niya akong pinahiya. May puso pa rin naman ako kahit papaano.
Kahapon kasi nung lapitan ko siya.. sobrang higpit ng kapit niya sa akin at paulit ulit na umuusal ng masakit. Halos mapunit na nga niya yung damit niya sa sobrang paglamukos doon eh. Kaya nataranta rin ako noon. Ang putla putla pa niya at umiiyak pa siya. At mukhang hirap na hirap huminga.
"Haist.. sana ayos na siya." Mahinang bulong ko at saka sumulyap sa pinto ng kwarto ng kapit bahay ko.
Kasalukuyan akong nagsasampay ngayon ng mga nilabhan kong damit. Malawak naman ang hallway ng building na at mas trip kong mag sampay dito kesa sa veranda sa likod ng kwarto ko. Study room ko kasi 'yon eh. At saka t shirts at pants lang naman ang sinasampay ko rito. Sa cr na 'yung underwears ko at iba pang maliliit na gamit na tela.
Maglalakad na sana ako pabalik ng kwarto ko ng bumukas ang pinto ng kwarto nung babae at tumambad ang medyo maayos na nitong mukha. Hindi na namumutla ang labi nito at hindi na rin mugto ang mga mata niya.
Nagulat pa ako ng ngitian niya ako. "Hi," halos bulong na para sa akin ang sinabi niyang 'yon. Sobrang hina ng boses niya.
Malayong malayo sa boses na narinig ko noong unang beses kaming mag usap.
"G-gising ka na."
MATAMIS AKONG NGUMITI NGAYON sa kapit bahay kong nakatulala lang sa akin.
Kanina pa talaga ako gising. Mag iisang oras na. Naabutan ko pa si Tita Irah na kumakain sa mesa sa maliit kong salas at nagkakwentuhan pa muna kami bago ako nakalabas.
Yung Akie raw ang nakakita sa akin sa sahig na namimilipit sa sakit. Siya rin daw ang tumulong sa akin na madala sa kama ko at makabitan ng oxygen pero si tita naman ang nag masahe ng dibdib ko.
Gusto kong magpasalamat sa taong 'yon kaya narito ako ngayon. Naglalakas loob na lumabas ng kwarto at harapin ang lalaking mortal enemy na yata ang turing sa akin.
"Uhhmm.. kani kanina lang," para akong bumubuga lang ng hangin sa sobrang hina ng boses ko.
Hindi ko alam kung narinig niya ang sagot ko na 'yon dahil kahit ako ay nalito sa mga salitang binitawan ko.
"Kamusta na ang pakiramdam mo? Okay ka na ba? Ano bang nangyari sayo at ganon ang itsura mo kahapon?" Sunod sunod na tanong nito.
He sounds worried about me. What's going on?
Nginitian ko lang ito at saka inialok ang kamay ko. "Thank you. For helping me even though you're mad at me. I owe you my life. Thank you so much," puno na pagpapasalamat kong sabi dito na tinanguan niya lang.
Tinanggap naman niya ang pakikipagkamay ko. "I don't know why you owe your life to me but I don't care. Just live longer and stay positive. Your life will be easier through that." Sabi nito at saka ngumiti sa akin.
His first positive expression towards me.
"Uhhmm.. can I asked you out for dinner? Isama mo na rin si Ayes. I want to treat you both for helping me yesterday." Nakangiti kong paanyaya dito. "And I won't take NO for an answer." Dagdag ko pa na ikinatawa nito. Maging ako ay natawa sa sarili.
Tinanguan lang ako nito. "Sige.. katukin mo na lang ako mamaya kung aalis na tayo, okay? Sasabihan ko na rin si Ayes. Salamat sa invitation." Paalam nito at saka pumasok sa sarili n'yang kwarto.
6:45 PM
BIHIS NA AKO AT HANDA NG lumabas. Nandito na rin sa kwarto ko si Ayes na katulad ko ay handa na ring lumabas. Hinihintay na lang talaga namin ang pagkatok nung babae sa pinto ng kwarto ko.
Sa totoo lang, gusto kong tanggihan ang alok niya sa'kin kanina. Hindi ko pa rin naman kasi nakakalimutan 'yung atraso niya sa'kin.
Ang kaso lang kasi.. 'yung mga mata niya. May kakaiba sa mga mata niya. Para iyong nagsusumamo na ewan. Parang nangungumbisi at the same time nagmamakaawa. Kaya hindi ko nagawang tanggihan ang alok niya.
Kaya ito ako ngayon.. naghahanda kahit labag naman sa loob ko.. ng medyo medyo slight.
"Kuya.. saan po ba talaga tayo pupunta?" Pang sampu na yatang tanong ni Ayes.
Syempre hindi ko sinabi kung saan. Hindi ko naman kasi talaga alam kung saan eh.
"Somewhere down there. Hintayin na lang nating ang ate mo. Siya kasi ang nakakaalam kung saan tayo pupunta e--" naputol ang sasabihin ko ng may ilang beses na kumatok sa pinto ko. Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Ayes. "And speaking of the witch. Tara na." anyaya ko.
Sabay kaming naglakad palapit sa pinto. Ako na ang nagbukas niyon at plano ko na sana siyang bulyawan dahil napakatagal niya ngunit tila naiwan sa loob ang mga dapat na sasabihin ko.
Ang ganda.
Ay hindi! Walang maganda sa babaeng 'yan! Ano namang maganda diyan eh naka dress lang naman 'yan tapos naka heels pa ng hindi kataasan. May light make up din ang mukha na na bumagay sa aura niya. Itim na itim ang mahahaba niyang pilik mata. Maganda ang kurba ng kilay niya at mapula pula ang mga labi. Kumikinang sa liwanag ng buwan ang mga mata niya at maganda rin ang ngiti sa labi niya. At hindi na rin siya mukhang namumutla kaya anong maganda sa babaeng 'yan?!
Tsk. Wala.
"Done criticizing me? What's the current record?" Tatawa tawa nitong tanong na siyang naging dahilan upang umiwas ako ng tingin sa kaniya.
Muling nangunot ang noo ko. "I'm not criticizing you and there's no record for you. Sorry but you're not my type." Daretso at walang utal na sagot ko dito.
Nginitian lang niya ako at saka humarap kay Ayes na ngayon ay mangha ng nakangiti sa dalaga. "Ang ganda mo po pala talaga," mukhang wala sa sarili nitong sabi. Tinawanan lang siya nung babae at saka ginulo ang buhok nito.
"I like you, kiddo. By the way, let's go? It's already 7 pm. I think we should go now. Baka mas gabihin tayo kung hindi pa tayo aalis ngayon." Nakangiting suhestyon ng babae na tinanguan naman ni Ayes. Bumaling pa ito ng tingin sa akin at mukhang hinihingi rin ang opinyon ko.
Dahan dahan akong tumango rito na mas lalo naman nitong ikinangiti. "Great! Let's go na!" Tuwang tuwa nitong yaya.
Hinawakan nito ang braso ni Ayes at saka hinila pababa ng building. Nasa likod naman nila at nakamasid lang sa kanila habang naglalakad.
Kakaiba talaga ang babaeng 'to.
Umarkela pa muna kami ng tricycle na siyang magdadala sa amin sa restaurant na gusto ng babae.
Sandali lang ang naging byahe namin dahil malapit lang din naman ang restaurant na pupuntahan namin. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pa naming nag tricyle kung pwede naman palang lakarin. Sayang sa pera.
Hindi naman ganoong kadami ang tao sa restaurant na ito. Hindi rin ito kalakihan at mukhang mga teenagers lang ang nagsisipasok dito. Maganda ang ambiance at ang tahimik ng paligid. Bagay na bagay para sa mga taong katahimikan ang gusto kapag kakain sila.
Naunang pumasok ang dalawa kasunod ako. Naupo kami sa mesa sa gilid at doon um-order ng makakain namin. Pagkatapos umalis ng waiter ay naging tahimik ang pagitan namin. Hindi ako bumabaling ng tingin sa kaniya dahil ayokong makita.. 'yung ngiti sa mga labi niya.
"By the way.. I forgot to introduce myself. My name is Zetia Alexia. 25 years old from San Pablo, Laguna." Pagpapakilala nito. Nangunot naman ang noo ko ng ibaling nito ang tingin niya sa akin.
"What?" Kunot noo kong tanong sa kaniya.
Magsasalita na sana ito ng biglang sumingit sa usapan si Ayes. " Ako nga po pala si Amhir Yeshua. Ayes for short. 15 na po ako at ako ang soon to be boyfriend mo, ate ganda." Ngiting ngiti nitong sabi sabay kindat sa babae.
Agad na umangat ang kamay ko at saka siya mahinang binatukan. Kakamot kamot siyang nakasimangot na tumingin sa akin. "'Yang bunganga mo. Rendahan mo nga 'yan. Kung ano ano ng salita lumalabas diyan eh." Pabulong kong saway dito ngunit parang narinig din iyon ng babae dahil narinig ko ang mahina nitong pagtawa.
"Eh kasi naman kuya.. gusto ko talagang ligawan si ate ganda. Ang ganda ganda niya oh! Tapos ang bait pa! 'Yung mga tulad niya ang hanap kong babae." Proud na proud pa nitong salaysay at saka nakangiting humarap sa babae.
Hindi mo maiwasang mapangiwi ng marinig iyon. Ang corny tsk. Masyado ng cliche ang line na 'yon. Hindi na ako nagsalita pa.
At hindi na sana sila papansin ng sabay silang humarap sa akin. "Ano?" Inis na tanong ko sa mga ito ngunit sinenyasan lang nila ako. Hindi ko iyon naintindihan kaya mas lalong nangunot ang noo ko. "Ano bang sinesenyas ninyo diyan, ha?" Mas inis kong tanong habang kumakamot sa ulo.
Dumukwang palapit sa akin si Ayes at saka bumulong. "Magpakilala ka, kuya." Bulong nito at saka muling lumayo sa akin.
Napapabuntong hininga akong umayos ng upo. "Azariah Keaton Nevazquez," tanging sabi ko. Ayokong magsalita masyado dahil wala rin namang patutunguhan ang pakilanlanang ito.
Nagtaka pa ako ng bigla nitong ilahad sa harapan ko ang kamay niya. "Nice meeting you, Zariah." Nakangiti nitong sabi sa akin.
Zariah?! What the heck?!