/ 모두 / Gn 003 RU 00094 / Chapter 0010

공유

Chapter 0010

작가: Gn003
last update 게시일: 2023-12-01 16:13:45

CZAKIYA JORAINNE BELMONTE'S POV

Ito ang pinakaunang beses na magkakaroon ng pagdiriwang sa eskwelahan ngayong dis-oras ng gabi. Ang lahat ng nag-aaral sa Baguio City National High School ay imbitado.

Hindi naman sa ayaw ko. Pero kasi gabi e. Natatakot ako pag dis oras ng gabi tapos ganito.

Baka may makita akong hindi ko dapat makita.

Habang naglalakad ako sa corridor ng building namin ay di ko maiwasang matakot.

Napakatahimik...

Walang gaanong tao..

Tanging ang huni lamang ng mga ibon at ang aking malalim na paghinga ang maririnig.

"Czak--"

"S-SINO YAN?!" Nagtindigan ang mga balahibo ko dahil sa takot at kaba! Narinig ko ang kaniyang pagbungisngis na lalong nagpakaba sa akin. "MAGPAKILALA KA!"

"Calm down, Czakiya." Malakas itong tumawa. "Ako lang 'to si Archie," pambibitin niya. "Your poging crush."

Tangina. Pano niya alam?

Dahan-dahan ko siyang nilingon.

Tuluyan akong napapikit at naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi dahil sa kilig at hiya.

"S-Sorry," nauutal kong sabi at naikuyom ang aking mga palad. 

Naramdaman ko ang kaniyang paglapit at niyakap ako.

"Wag kang matakot okay?" aniya at hinaplos ang buhok ko. 

Hinayaan ko lang na ganun ang posisyon namin hanggang sa may marinig kaming malakas na ungol at sigaw ng isang lalaki.

Naikalas ko ang pagkakayakap ni Archie sa akin dahil sa boses ng sumisigaw.

"Archie," kinakabhan kong usal. "Puntahan natin yon!"

"Pero takot ka---"

"Wala akong pakialam," kabado kong tugon. "Sundan natin yung tunog. Bilis na!"

Pinagsalikop niya ang pareho naming kamay at sabay na tumakbo. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko para masalo niya ako kung sakaling mawalan ako ng balanse.

Kinikilig ako ngayon pero WAG MUNA NGAYON!

MAS PINANGUNGUNAHAN AKO NG TAKOT AT KABA KO!

Nang masundan na namin ang tunog ay tumigil kami sa Balay Ti Alumni. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Archie at nararamdaman kong nanginginig ang buong sistema ko.

Napakadilim at tanging ang buwan lamang ang nagbibigay ng liwanag dito sa amin

"Calm down, Czakiya." Hinarap niya ako at hinawakan sa pisngi.

"A-Alis na tayo dito," gusto kong maiyak. Ayokong may makitang hindi dapat na makita.

"Kasama mo ako. Wala kang dapat na ikatakot."

Nakagat ko ang aking labi. Ramdam kong napakalakas at napakabilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang kaba.

Nang mga sandaling iyon ay sinubukan kong ihakbang ang mga paa ko at dahan-dahang sumilip sa likod ng Alumni. 

Tumambad sa aking paningin ang isang lalaking duguan ang uniporme at nawawala ang ulo at isang hita.

Nanlaki ang aking mga mata at wala sa sariling napabitaw kay Archie. Dali-dali kong sinugod ang duguang katawan na iyon.

"Czak--"

"D-Diyan ka lang, Archie," pagpigil ko sa kaniya at tuluyang naglakad papalapit sa bangkay.

Hindi ako makapaniwalang ganito ang nangyayari sa eskwelahang ito.

Ang I.D nito ang nakaagaw ng aking atensyon. Puno iyon ng dugo kaya pinunasan ko iyon gamit ng kaniyang duguang damit.

Alangan naman damit ko pampunas. Kadiri!

Nang mapunasan ko na ang I.D ay mabilis akong tumakbo kay Archie.

"What's that?" takang tanong niya.

"I.D." Tugon ko. "Flashlight-tan mo nga. Titignan ko pangalan."

Sinunod naman niya ang sinabi ko. Tinitigan ko nang mabuti ang I.D. at nanlaki ang aking mga mata dahil sa nakita kong pangalan.

Fernandez, Lynjon Christopher M.

"Estudyante 'to ni ma'am Viel noon, Archie," saad ko.

"Pano mo kilala?"

"Siya yung nanira kay ma'am Viel dati," paliwanag ko. "Pinagkalat niyang maki-kick out si ma'am sa school pero hindi naman totoo."

"Well," tumikhim siya, "He deserved his brutal death then."

Malakas ko siyang tinampal sa braso. "Gago. Sama mo."

"Karma niya yan for spreading fake news."

"Kahit na!" Sigaw ko. Natigilan naman siya. "Kailangan 'tong malaman ng principal--"

Agad akong natigilan nang biglang may kutsilyong nahulog sa aking harapan. Nagtayuan ang mga balahibo dahil tayong-tayo ito at kaunti na lang ay tatamaan na talaga ako.

Hindi ako makaalis sa aking kinatatayuan. Ramdam ko kung paanong manginig ang buong katawan ko. Hindi ko magawang maihakbang ang paa ko.

Nabitawan ni Archie ang kaniyang flashlight at awtomatikong namatay ang ilaw nun. Kaya masyadong madilim ang paligid para makita ko siya.

Maya maya ay naramdaman kong may pumulot ng kutsilyo. Ang buong akala ko'y si Archie ang pumulot nun ay nagkamali ako.

Masyadong madilim ang kaniyang mukha at pananamit kaya hindi ko ito makilala.

Nagtindigan ang aking mga balahibo nang makatayo ito bumulong ito sa aking tenga.

"Huwag mong tatangkaing magsumbong kung ayaw mong ikaw ang susunod."

-----------------------------------------------------------------------------------------------

©All Rights Reserved.

Quijano, A.G. (2020). "High School Nights". Soon to be published on Wattpad.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Gn 003 RU 00094   Bab 0128

    Chapter t**t, please forgive me A a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a B b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b b C c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c c D d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d d

  • Gn 003 RU 00094   Chapter 0127

    sadsadasasada a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a

  • Gn 003 RU 00094   Chapter 0126

    When Aota heard this sound, he was overwhelmed with terror.This confirmed the scariest assumption that he had in his heart!安康就是单卡双卡的吉萨The Oskian man had indeed been here all along. He had never left before!Furthermore, he had not heard the sound of this person’s breathing or heartbeat, from the

  • Gn 003 RU 00094   Chapter 0125

    Terminaron de cargar el auto, y al terminar pidieron una pizza para comer mientras ambos conversaban animadamente, como a las nueve de la noche, Dara se acostó a dormir, a las cuatro y media de la mañana se levantó, se bañó y vistió, se preparó unos sándwiches en la diminuta cocina. Cuando iba a sal

  • Gn 003 RU 00094   Chapter 0124

    Bajó del tercer piso donde estaba la habitación y la pequeña cocina que compartía con un chico español llamado Augusto Leonel, un chaval bastante encantador y su mejor amigo, protector en gran medida, era la persona en quien descargaba su tristeza, frustraciones, alegrías, conocía sus estados de áni

  • Gn 003 RU 00094   Chapter 0123

    Martín se encontraba pescando en un pequeño riachuelo cercano a la cabaña, había cortado leña como todos los días, sus perros esperaban a su lado que terminara su tarea.Habían transcurrido tres meses desde que había decidido enclaustrase en ese cabaña, solo había salido a comprar comida dos veces,

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status