Share

chapter 30

Author: Gn003
last update publish date: 2023-12-01 21:49:50

Hindi makapaniwala si Edgar sa sinabi ni Dok Ian, nanatili lang siyang nakatingin sa doktor at pagkalipas ng ilang minuto ay mayroon nang katanungan ang namuo sa kanyang bibig. "What? I died in, what?"

"Acute stress reaction or simply mental shock," sagot ni Dok Ian. "Haven't you heard mental shock sa mga therapy mo noon?"

"N-no," tugon niyang umiling-iling pa. "I'd been diagnosed of paranoid personality disorder hanggang sa naging paranoid schizophrenia pero hindi sa sinasabi mo."

"Geez!" Nahampas ni Dok Ian ang sariling noo. "Sabihin mo sa akin ang pangalan ng doktor mo noon para mahampas ko sa utak niya ang mental shock."

"Pwede bang i-explain mo sa akin iyon?"

Ngumiti si Dok Ian. "Acute stress reaction, nakukuha ito kapag nakatanggap ng bad news like death or accident of family members; or naaksidente ka or naging witness sa death or accident ng mahal mo sa buhay. Nagkakaroon ng ganito dahil hindi matanggap ng isang tao ang nangyari. Katulad mo noon, hindi mo matanggap kaya patuloy mong naaalala kahit na may gawin ka na hindi related sa nangyari at sa tingin ko ay pati sa panaginip ay hindi ka tinantanan. Kapag hindi ito nagamot, or isang buwan na ang nakalipas hindi pa rin nawawala. Nagiging PTSD or posttraumatic stress disorder na ito. Have you undergone trauma treatment?"

Umiling-iling si Edgar bilang kasagutan pero ang totoo ay ginamot siya sa sakit na ito. Hindi niya iyon makalimutan dahil sa pagkamuhi na mayroon siya sa babae at kung sinuman na nagtraydor sa kanyang pamilya, dahil na rin doon ay nagkaroon siya ng paranoia.

"Hay, hindi marunong ang doktor mo noon. Tch, tch, tch," sabi ni Dok Ian saka bumuntong-hininga. "Sinantabi niya ang mental shock mo kaya nagkaroon ka ng PTSD, dahil doon nagkaroon ka ng paranoid personality disorder hanggang sa naging paranoid schizophrenia. Mabuti gumaling ka pa sa pagiging schizoid?"

Nagkaroon man siya ng paranoia at panandaliang naging baliw sa mata ng marami, laking pasasalamat niya sa sakit na 'yon dahil naging mapagmasid siya sa paligid at naging matalas ang kanyang limang pandama. Kaunting pagbabago lang ay nilalagay na niya sa isipan na delikado iyon. Ngayong nakaligtas siya sa kamatayan, sigurado si Edgar na babalikan siya ng babae.

Walang kaalam-alam si Dok Ian, kanina pa naglalaro ang isip ni Edgar sa mga dapat niyang gawin para madali siyang mapatay kung sakaling may gawin siyang masama sa kanya. Psychologist man ang lalaki, alam rin ng binata kung nagsisinungaling ang isang tao o hindi batay sa mga kilos ng katawan, mannerism at pananalita; at nakita niyang nagpakita ng katiting na kasinungalingan ang doktor.

"Matanong kita, anong naramdaman mo nang makita mo siya ulit?"

"Fear and hatred." Bahagyang nagtagis ang bagang ni Edgar nang maalala niya ang babae lalo na ang ngiti na iyon.

"How about, what happened when you saw her again?"

"I don't know exactly, bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. I can't breathe normally, hindi rin ako makapagsalita at makagalaw."

"That's mental shock!" Napapitik ni Dok Ian ang daliri. "Dahil sa biglaan ang naramdaman mo, nag-release ng hormone ang utak mo na nagpabilis ng heart rate mo at nagpabilis ng paghinga mo. Nagkaroon ka ng emotional overload nang makita mo ang nangyari sa kapatid mo, kaya 'yung katawan mo nag-release ng abnormal amount of stress hormone, kabilang na rito ang adrenaline, na nagpasikip sa main arteries na nag-su-supply ng dugo sa puso. Alam mo na kapag walang dugong dumadaloy sa baga hindi ka nakahinga. Alam mo rin na kapag biglang bilis ng heart rate then biglang baba, nakamamatay."

Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanila. Pinag-isipan ni Edgar mabuti ang mga sinabi ni Dok Ian at muling inalala ang nangyari nang magkita ulit silang dalawa. Pumikit siya at humugot nang malalim na hininga. May kutob na siya sa sasabihin nito pero gusto niya lang sabihin sa doktor ang nangyari sa kanya at makita ang nais niyang makita sa mukha nito. Dumilat siya at mataman na tinignan ang kaharap.

"By the way, itatama lang kita. Hindi agad nag-stop ang puso ko at alam ko pa ang nangyayari sa paligid ko," mahinahon niyang sabi. "Naramdaman ko pang sinaksak niya ako. Namanhid pa ang dibdib ko, nahawakan ko pa ang kamay niya, tapos inalis pa niya ang kamay niya at bumagsak pa ako."

"Doon na papasok ang paranoid schizophrenia na naging sakit mo noon." Nakangiti si Dok Ian ngunit halata na may pait iyon. Ilang beses na 'yung nakikita ni Edgar kapag nagpapatingin siya noon. "Nagkaroon ka ng delusion. Akala mo sinaksak ka niya pero hindi. I think namatay ka na right after mong masaksihan ang nangyari sa kapatid mo."

"Pero nagbuga pa ako ng dugo!" depensa niya.

"Edgar, 'yung nangyari sa 'yo noong bata ka pa. Nagkaroon ka ng mental shock, hindi ito nagamot kaya naging PTSD resulting to paranoia. You created your own killer. I don't believe na kayang pumatay ng isang batang babae sa ganun karaming tao." Saglit na nagsalubong ang kilay ni Edgar dahil sa nakita niya habang sinasabi ito. Bingo. "Ngayon, posibleng ibang babae ang nakita mo pero umatake agad 'yung paranoia kaya naisip mo na siya 'yun," muling ngumiti si Dok Ian pero ngayon pinapalakas nito ang kanyang loob, "It's all in your head, Edgar."

Hindi na lang umimik SI Edgar, paulit-ulit na lang niyang naririnig 'yun simula noong magpakonsulta siya. Nasa isip lang niya ang lahat, sa madaling salita, nababaliw siya. Sino ba naman kasing maniniwala na may batang papatay?

But, Jared believed me, buong pagmamalaki niyang sabi sa isipan.

Oo, si Jared ang tanging naniwala sa kanya noong ikwento niya ang nangyari sa kanyang pamilya. Sa katunayan nga'y ang kanilang huling pag-uusap ay umamin ang kapatid na ang pumatay sa kanyang pamilya ay mga bata rin. Wala siyang pinagsabihan n'on maliban sa kanya dahil wala ngang maniniwala sa isa ring bata.

Isa pa, mayroong alam itong mokong na ito. Nililigaw lang niya ako. Lalong lumakas ang kutob ni Edgar na mayroong nangyari sa kanya at kailangan niya iyong alamin. Ngayon, ang naisipang gawin ng binata ay kailangan niyang sumang-ayon sa doktor dahil kung pipilitin niya ang kanyang gusto, baka kung anu-ano pang gamot ang ipainom sa kanya.

"Paano ako na-revive?" pag-iiba niya ng usapan. "'Yung lalaking kasama namin kumusta siya? Don't tell me ilusyon ko rin 'yon?"

Napatawa nang malakas si Dok Ian dahil sa kanyang sinabi, "Of course not! Hindi siya illusion and unfortunately, he's dead. And, good news, buhay pa ang kapatid mo."

Nanlaki ang kanyang mga mata, hindi siya makapaniwala na kahit na ganoon ang tinamo nitong sugat ay nabuhay pa rin ang kapatid. Hindi man siya makapaniwala, masaya pa rin si Edgar sa binalita nito, nawala 'yung isa sa nagpapabigat ng kanyang pakiramdam.

"Where is he?"

"Nasa ICU and five days ng nasa state of coma."

"Five days na kaming nandito?" Lalong hindi makapaniwala si Edgar. Pakiramdam niya kasi kaninang madaling-araw lang ang nangyari.

"Yup," sagot nito, "at sa tanong mo kanina, ewan ko kung may lahi kang imortal o talagang nakasambot ka ng malaking swerte dahil nagkaroon ka pulse rate habang papunta rito. It is just a faint," tinignan nito ang chart," five to ten counts per minute, but enough na 'yun para ma-revive ka ng tuluyan."

May lahi akong imortal? Kalokohan! May ginawa sa akin 'yung babaeng 'yun sa una pa lang! "Gusto ko sanang maghilamos," sabi niya kay Dok Ian. Umiling-iling ako dahil mayroon siyang naiisip gawin.

"Ah, teka tatawag ako ng nurse para ikuha ka ng face towel," anito saka sinarado ang chart at tumayo.

"No, gusto ko ng running water."

"Sa tingin ko hindi pa pwedeng tanggalin 'yang machines sa tabi mo, pero tatanungin ko pa rin."

"Okay," matipid na sagot ni Edgar, pero kanina pa nangangati ang kanyang kamay na gawin ang gusto.

"You feel a lot better now?"

"Yes."

"You sure? Kailangan mo ba ng depressant para makatulog ulit?" Sinipat nito ang relos sa bisig. "Quarter to nine pa lang ng gabi."

"No, I don't think I need it. Thank you." Nginitian ni Edgar ang lalaki para hindi na magtanong pa.

"Mag-re-request ako na palitan ang doctor-in-charge sa 'yo. Para siguradong hindi na aatake ang paranoia mo." Sinubukan kong huwag irolyo ang mga mata ko, pati ako naiinip na katulad ni Edgar. "Bukas babalik ako rito, okay?" Kahit 'wag ka na bumalik. "Para mapag-usapan nating mabuti 'yung sa mental shock mo. You better rest."

"Okay." Umalis ka na!

Nasa harap na ng pinto si Dok Ian nang muling lumingon ang lalaki kay Edgar. "By the way, your Dad insisted na ilagay 'to sa chart, 'capable of doing something stupid while inside the hospital premises'. I'm a psychologist and I know you're up to something." Ngumiti ng nakakaloko ang doktor at nginitian lang din siya ng binata nang mas nakakaloko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Gn 003 book-00103   chapter 68

    a sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d

  • Gn 003 book-00103   chapter 67

  • Gn 003 book-00103   chapter 66

    Daisy found nobody in the room and the door was also closed. She was feeling dizzy and weak but still while staggering she managed to stand up from the bed. Taking slow careful steps, she started walking towards the door, supporting the bed. She was feeling that suddenly her body started feeling heavy. Even walking was difficult for her. The gown, she was wearing was not of her size. It was a little loose but she felt comfortable in it.S

  • Gn 003 book-00103   chapter 65

    On the the third floor, one of those lace barriers twitched. A shadow moved past, just a flicker of darkness, so fast it almost escaped Crook's enhanced scrutiny. The signet ring on his right finger hummed against his skin, hot and urgent.He glanced down at the ring.A hot, solid wave of energy slammed against his expanded thoughts. His head snapped back from the rush of power. His mind folded in on itself and his perceptions screeched down to normal speed so abruptly he almost stumbled. His ears rang. His jaw ached from clenching his teeth-and from- from what.A mental slap?Had somebody really slapped him? He rubbed the space between his right eye and his chin. Damned if it didn't burn.What the hell? Some kind of barrier. Some kind of elemental protections? The beast inside him wanted to snarl and retreat, but he couldn't let that happen. He was here in New York city, with his partner Andy, poking around on the ritualistic murder of a senator'

  • Gn 003 book-00103   chapter 64

    Taddeo, se encontraba en su casa, estaba triste por el castigo que le había impuesto su padre, aunque también estaba enojado, le parecía injusto que lo hubiese castigado sin oírlo, cuando no era culpable, no comprendía como se podía ser tan ligero a la hora de tomar decisiones sobre una persona sin escucharlo previamente, eso era inaceptable y todo por esa estúpida niña.Pero de nada valía lamentarse, no había nada que hacer, su padre se había ido con su hermano para La Toscana y no se lo había llevado, habían transcurrido diez días, en los cuales ellos estaban disfrutando y divirtiéndose mientras él se encontraba encerrado y aburrido, bueno realmente había estado entretenido con sus libros, pero lo que más le afectó fue

  • Gn 003 book-00103   chapter 63

    "I'm sorry, Tayla. If only I can make you stay in our house, I would. But you know our house is not that big and my Mom is a human Armalite, right?" Ella scratched her head and hold the edge of the map, glancing at me before she continued mopping the floor.We are again, in Talk and Chill. Tomorrow I wouldn't be here for the class will start and I need a place where I can stay. Unluckily, Ella, my best friend just told me that she's wasn't able to offer me a hand.I sighed. "I understand, Ella. Thanks for telling me early." I turned around and went towards the sink to wash the dishes, my lips twisting a bit as I thought...why are we getting paid under minimum wage when we do almost all kinds of things in this chill bar? We should at least have an increase."Tayla, I don't understand you. When your parents died, your Aunt Tanya stood as your guardian, but why are you planning to leave your own house?" She stood up and glanced at me with her bewildered, round eyes

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status