Mag-log in18
Tahimik akong nakaupo. Nakatingin sa kawalan. Tulala. Kanina lang ay apat kaming nandirito pero ngayon ay nag-iisa na lang ako. Ang ingay ng tubig sa likod ko na lang ang tanging naging karamay ko.
Pabalik balik sa isipan ko ang eksena kanina. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ngayon si Vayne sa tabi ko. Hindi man lang ako nagtagumpay sa pag-awat kay Rolan dahil hawak ako sa leeg ni Snow White.
Si Snow White, talagang nagbago na talaga siya. Dati ay pinoprotektahan niya ako kay Ciela pero ngayon ay hindi na siya nagdadalawang isip na saktan ako.
Pero wala akong karapatang husgahan siya sa ikinikilos niya ngayon. Wala akong karapatang magalit sa kanya dahil naiintindihan ko ang dahilan niya kung bakit nagawa niya ang mga bagay na iyon. Sangkot rito ang mga magulang namin at pareho lang din kami na gustong magbayad kung sino man ang dahilan kung bakit hindi na kami lumaking kasama ang mga magulang namin.
Gayunpaman, magkaiba pa rin ang ipinaglalaban naming dalawa. Naniniwala siyang si Vayne ang may pakana ng lahat samantalang ako naman ay hindi.
Dahan dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo atsaka ako nagpakawala ng isang mabigat na buntong hininga at pagkatapos ay inumpisahan ko nang maglakad paalis sa lugar na kinalalagyan ko.
Wala akong kakampi. Lahat ay kalaban ko ngayon maging ang kapatid ko.
Pero hindi pa sapat iyon para panghinaan ako ng loob ngayon. Ako lang ang nag-iisa ring naniniwala kay Vayne ngayon kaya hindi ko siya pwedeng basta basta sukuan.
At mukhang ngayon ay wala na rin akong magagawa kundi kailangan ko na ring kalabanin ang sarili kong kapatid.
Maya't maya ay nakarating na rin ako sa bayan na pinanggalingan namin kanina. Doon ko lang napagtanto na magdidilim na pala. Halos wala na ring tao sa labas dahil nasa kanya kanyang mga tahanan na sila.
Pinili ko pa ring ipagpatuloy ang paglalakad ko hanggang sa tuluyang makalabas na ako ng bayan. Unti unti ko nang nasilayan ang pagsilip ng buwan. Mas lalo namang nagliwanag ang Lux Forest na masisilayan sa kalayuan dahil sa mga alitaptap na pumapalibot rito.
Wala naman naging hadlang sa akin kaya maya't maya lang rin ay nakapasok na ako sa loob ng Lux Forest.
"Meira?" tawag ko sa tagapagbantay ng gubat na ito pero nag-echo lang ang boses ko. Sinubukan ko ulit tawagin ang pangalan niya pero sariling boses ko lang din ang sumasagot sa akin.
Pinagpatuloy ko ulit ang paglalakad. Pero sa pagkakataong ito, hindi na ako nag-abalang tawagin ang pangalan niya. Nakasisiguro ako na maya't maya ay magpapakita na lang siya ulit sa akin. Pero maya't maya ay nainip na ako sa tagal ng paglalakad ko kaya tinawag ko ulit si Meira.
Maya't maya ay nakaramdam na ako ng pagod sa paglalakad. Napagdesisyunan kong umupo at sumandal sa isang puno.
Bigla akong napatigil nang may masilayan akong mga paa ng kabayo kaya kaagad akong tumingala. Sa wakas! Nagpakita na rin sa akin si Meira.
"Bakit ka bumalik uli ngayon rito?" seryosong tanong nito sa akin.
"Bakit ngayon ka lang nagpakita?" balik-tanong ko sa kaniya.
Maya't maya ay bigla siyang napakunot noo na para bang may napagtanto siya, "Mag-isa ka lang? Hindi ba't may kasama ka? May nangyare bang masama sa kanya kaya puno ka ng pag-aalala ngayon?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin at maya't maya ay muli siyang napakunot noo at sumisinghot singhot siya na para bang may kakaiba siyang naamoy.
"Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"May nararamdaman akong matinding galit mula sayo," sabi niya sa akin. "Di ko tuloy maiwasang mapaisip kung ano kayang ginawa sa kaibigan mo?"
"Galit?" ulit ko sa sinabi niya. "Kanino naman kaya ako magagalit?" kunot noong tanong ko.
Umiling iling naman si Meira, "Hindi ko alam syempre. Ikaw lang makakasagot n'yan." atsaka na niya naisipang ibaling sa iba ang usapan namin. "May kailangan ka na naman ba muli sa akin? Ako kaagad ang hinanap mo nang makatapak ka na kaagad rito."
"Malugod ko namang tatanggapin ang desisyon mo kung tatanggihan mo ako," sabi ko sa kanya atsaka ako tipid na ngumiti. "May hihilingin muli ako sa pangalawang pagkakataon. Ito na ang huling beses na hihingi ako ng tulong mula sa iyo."
~*~
Dire-diretso ang unicorn sa pagtakbo. Hindi ko na kailangan pang utusan ito sa pupuntahan nitong direksyon dahil mukhang alam na nito kung saan ito dapat pumunta.
Lumingon ako sa Lux Forest na kasalukuyang malayo na ngayon sa kinaroonan namin ng unicorn. Tipid na ngumiti ako bilang huling pasasalamat ko atsaka ko muling binalik sa harapan ang tingin.
Naglaho bigla na parang bula ang ngiti ko. Bumalik ang pag-aalalang nararamdaman ko. Umaga na ngayon at paniguradong may nangyayare na ngayon kay Vayne at wala man lang akong kaide-ideya kung ano nang nangyayare sa kanya.
Hindi ako pinayagan ni Meira na lumabas kaagad ng Lux Forest. Dahil mahihirapan ang unicorn maglakbay sa dilim. Hindi rin ligtas dahil maraming posibleng panganib ang makakasagupa namin sa daan. Hindi na ako nagpumilit pa dahil sino ba naman ako para ipilit ang gusto ko? Humihingi lang naman ako ng tulong sa kanya. Pasalamat nga ako at wala siyang hinihinging kapalit sa akin.
Pero nangako ako sa kanya na sisikapin kong magbigay sa kanya ng kahit na ano pagdating ng panahon bilang kapalit sa pagtulong niya sa akin.
Maya't maya ay muling bumalik ang pag-aalala ko kay Vayne. Maraming masasamang bagay ang maaaring mangyareng masama sa kanya ngayon. Paano kung nakatikim rin siya ng galit mula sa kapatid ko? Pero nakasisiguro naman ako na maaabutan ko pa siyang buhay ngayon. Pero nakasisiguro ako na hindi ko siya maaabutan sa magandang kalagayan.
Tanghaling tapat nang makarating na rin ako sa sentrong bayan. Tuloy tuloy ang pagtakbo ng unicorn na para bang hindi ito nakakaramdam ng pagod kaya maikling oras lang din ang naging biyahe. Imbis na dapat ay hapon akong makakarating rito.
Nagulat ang mga taong nakakita sa akin. May iilan pa ngang napapasigaw dahil sa sobrang gulat. Pero kapansin pansin sa mga ekspresyon ng mga mata nila na napapamilyaran sila sa akin. Marahil nagdadalawang isip na sila ngayon kung magsusumbong na ba sila dahil natagpuan na nila ako. Nakadagdag rin siguro sa gulat nila ang sakay sakay kong unicorn dahil minsan lang magpakita sa tao ang mga katulad nito.
Dahan dahan akong bumaba mula sa unicorn atsaka ako humarap rito at yumuko bilang pasasalamat. Yumuko rin ito pabalik habang kumakawag ang buntot nito atsaka na ito tumalikod at tumakbo patungo sa pinanggagalingan nito.
Hindi pa rin ako nakawala sa tingin ng iilang mga tao. Hanggang sa napagtanto kong wala na pala ang telang tumatakip sa ulo ko para matakpan ang kulay ng buhok ko. Napabuntong hininga na lang ako at napairap sa hangin. Kaya naman pala mapanghusga ang tingin ng iilan sa akin. Tingin pa lang pero parang nabibingi na ako sa kung anong masasamang salitang sinasabi nila sa isip nila.
Nag-umpisa na akong maglakad patungo sa isang lugar na kailangan kong mapuntahan.
Sa lugar kung saan ako ikinulong at siguradong doon posibleng ikinulong rin si Vayne.
Pati rin sa ibang lugar ay may iilang mga taong napapatingin sa akin. Ang ilan sa kanila ay may halong pagdududa ang tingin. Ang ilan ay parang hinuhusgahan nila ako sa isip nila. Samantalang ang ilan naman ay parang kilala nila ako.
"Siya kaya ang babaeng hinahanap rin nila?"
Napatigil bigla ako sa paglalakad nang marinig ko ang mahinang sinambit ng isang babae.
"Yung kasabwat daw sa pagtakas ng kriminal?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kaagad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Nanlaki naman ang mata ng dalawang babae at kaagad nagsi-iwasan ng tingin.
Napabuntong hininga na lang ako atsaka ko iniwas ang tingin sa kanila at pinagpatuloy ang paglalakad.
Hindi lang isang beses akong nakatanggap ng ganung eksena. May isa naman akong nadaanan na hindi rin sigurado kung ako nga ba ang babaeng pinapahanap. Pero mayroon silang pagdududa sa akin.
Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung ano kayang magiging reaksyon nila kapag sinabi kong ako nga ang babaeng pinapahanap. Ang tumulong sa pagtakas ng sinasabi nilang 'kriminal'.
'Di ko na lang sila pinagtuunan ng pansin kahit interesado ako sa kung anong posibleng opinyon ng mga mamamayan rito base sa sariling perspektibo nila.
Ngunit isang may edad na lalaki ang naglakas loob na kumausap sa akin.
"Teka! Sandali! Babae!"
Walang kagatol gatol ko siyang binalingan ng tingin.
"Ikaw yung babaeng nagpatakas sa kriminal, tama?" nakangising tanong nito sa akin. Napataas naman ang kilay ko pero kalaunan rin ay umangat rin ang sulok ng labi ko.
"Mali ka, Ginoo," kalmadong sagot ko sa kaniya. "Ako mismo ang kriminal."
Napatigil naman siya. Napakunot ang noo at bahagyang napabuka ang bibig niya. Napailing na lang ako atsaka ko binalik ulit sa harapan ang tingin.
"Mga tao nga naman. Ang daming madaling mapaniwala," nasambit ko na lang atsaka ko na muling ipinagpatuloy ang paglalakad.
Maya't maya ay malapit na sana ako sa patutunguhan ko nang bigla na lang kaming may narinig na sigaw ng isang boses lalaki.
"LAHAT KAYO! MAGBIGAY DAAN KAYO NGAYON DIN!"
Napuno ng pagtataka ang mukha ko. Pamilyar rin sa akin ang boses na iyon.
Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakigaya na rin sa mga tao na tumabi sa daan.
Tuluyang nasagot ang katanungan sa isip ko nang masilayan ko ang lalaking nakasakay sa kabayo. Kay Godric pala ang boses na narinig ko. Pero bumalik ang pagtataka sa mukha ko nang biglang magkagulo ang mga tao at kanya kanyang nag-ingay ang mga taong nandirito.
Saka ko lamang napansin na may limang taong nakasunod kay Godric sa likod niya. Pero iilang tao pa lang ang naaaninag ng mukha ko.
Nagulat ako nang may iilang taong nagbato sa mga taong nakasunod kay Godric. Hanggang sa naging sunod sunod na ang ilang pagbabato at nakarinig na ako ng iilang pagsigaw ng mga tao.
"Halimaw!"
"Kriminal!"
"Mamatay ka na!"
Biglang naging masama ang kutob ko at ngayo'y napalitan ng pagkabahala ang pagtataka sa mukha ko.
Hanggang sa mistulang naging mabagal ang pagtakbo ng oras sa paligid ko nang masilayan ko ang mukha ni Vayne na nasa gitna ng apat na knights na hawak hawak ang kadenang nakakonekta sa leeg niya. Samantalang nakatali naman ang mga kamay nito kaya hindi niya nagawang sanggain ang mga pinagbabato sa kanya ng mga mamamayan.
Nanatiling nakayuko lang si Vayne at tinatanggap lang ang kahit na anong maliliit na bagay na pinagbabato sa kanya. Pero kahit pa ay nakayuko siya ay kapansin pansin pa rin ang mga samu't saring sugat na tinamo niya.
Wala 'man lang ginawa ang apat na knights na may hawak sa kanya. At kahit si Godric ay hindi man lang nagsalita para pagsabihan ang mga tao. Para bang sinasadya nilang mapadaan sa mataong lugar para matikman ni Vayne ang galit ng mga tao sa bayang ito.
At ang mga taong ito ay basta basta lang lang kumikilos nang hindi nila pinag-iisipan. Sinasabihan nilang 'halimaw' ang isang tao dahil sa lahing pinagmulan nito pero ang hindi nila alam ay wala na rin silang pinagkaiba sa isang salitang binibitawan nila.
Ang pagiging shapeshifter ni Vayne ang dahilan kung bakit nakakagawa siya ng kahanga hangang bagay pero ngayon ang kakayahan at katangian niyang iyon ang nagpahamak na sa kanya.
Hindi ko namalayan na nakayukom na pala ang dalawang kamao ko. Tumulo ang luha ko at naging mabigat ang bawat paghinga ko dahil sa matinding galit na nararamdaman ko.
Pero kaagad rin akong napatigil nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko na para bang naramdaman niya ang presensya ko habang patuloy pa rin siyang pinagbabato ng mga tao.
Rumehistro ang gulat sa mga mata niya nang magtama ang tingin naming dalawa. Ang matinding galit na nararamdaman ko ay kaagad napalitan ng matinding pagkaawa.
Pero hindi ko inaasahan ang bahagyang pagkurba ng labi nito at ang pagkurap ng mga mata niya na para bang ito ang tahimik niyang paraan para sabihing tigilan ko na ang pag-iyak.
Bakit?
Bakit nagagawa mo pang ngumiti sa kabila ng sitwasyon mo ngayon?
Natigil ang pagtitinginan namin nang bigla siyang madapa sa lupa dahil sa pagkaladkad sa kanya ng nasa unahan niya.
Malakas naman siyang sinipa sa likod ng knight na nasa likuran niya, "Hoy! Bilis-bilisan mo ang pagkilos!" saway nito sa kanya. Dahan dahang bumangon naman kaagad si Vayne at pinagpatuloy ang paglalakad at tuluyang nakalagpas na sila mula sa pwesto ko.
Kaagad akong kumilos atsaka ko na inumpisahang makipagsapalaran sa mga nagsisiksikang mga tao upang masundan sina Vayne kung saan sila patutungo.
~*~
Samantalang nasa unahan naman ang mahal na hari na kasalukuyang nakaupo ngayon sa trono nito. Sa katabing trono naman nito ay nakaupo naman ang mahal na reyna.
Naaninag ko rin ang mukha ni Snow White at pati rin si Damien sa isang tabi. Samantalang si Rolan naman ay nakaantabay sa likod ni Snow White.
Si Vayne naman ay kasalukuyang nakaluhod sa sahig habang nakaharap sa trono ng hari at reyna. Nasa tabi pa rin niya ang mga knights na may hawak hawak sa kadenang nakakonekta sa leeg niya. Nahihirapan akong pagmasdan siya ngayon dahil bukod sa samu't saring sugat na natamo niya at ang pagdudugo pa ng noo niya ay dagdag mo pa na kung itrato siya ngayon ay parang hayop.
May lumapit naman na isang lalaki kay Vayne at base sa kasuotan nito ay isa ito sa mga tagapag-siyasat. Tumingin muna ito sa hari at tanging pagtango lang ang tinugon sa kanya ng hari hudyat na simulan na niya ang pagtatanong sa nasasakdal.
"Anong pangalan mo, Ginoo? At saan ka nagmula?" pormal na tanong sa kanya ng nagsisiyasat.
Ilang segundong katahimikan pa ang lumipas bago sumagot si Vayne.
"Vayne," tipid na sagot nito.
"Saan ka nagmula?" ulit na tanong ng nagsisiyasat.
"Nagmula ako sa tribu ng mga Figtus," muling sagot ni Vayne.
Nag-ingay ang iilang mga taong saksi nang marinig ang salitang 'Figtus'. Samu't saring masasamang salita kaagad ang lumabas sa bibig ng mga iilan na pamilyar sa salitang iyon. Katulad nang sinabi ni Vayne sa amin nina Damien kung gaano inilarawan nang nakaaway niya noon ay ganoon rin ang sinasabi ng mga tao ngayon rito.
Mga salot, mga isinumpa at mga taong halimaw.
Dahil sa pag-iingay ng iilang mga tao ay hindi kaagad nakapagsalita ang nagsisiyasat. Inangat naman ni Vayne ang ulo niya atsaka ko muli siyang narinig na nagsalita.
"Naiintindihan ko kung bakit masasama ang tingin nila sa amin," rinig kong sabi niya. "Mahirap naman talaga pagkatiwalaan ang mga katulad namin. Dahil nakakatakot nga naman talaga ang abilidad na meron kami." pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang iyon ay saka siya mahinang tumawa dahilan para sikmuraan siya ng isa sa mga taong nagbabantay sa kaniya.
Napadaing naman si Vayne at pagkatapos ay balewalang dumura lang siya ng dugo sa harap ng nagsisiyasat.
"Lugar ang tinutukoy ko," ani ng nagsisiyasat. "Saang lugar ka nagmula?"
Umiling iling lang si Vayne, "Sa malayong lugar."
Akmang sasaktan siya uli ng mga nagbabantay sa kanila pero kaagad rin itong napatigil nang biglang sumenyas ang mahal na reyna.
"Enoch, mabuti pang huwag mo na siyang tanungin tungkol sa kanya," kalmadong sabi ng reyna sa nagsisiyasat. Kaagad namang yumuko sa kanya si Enoch bago muling hinarap si Vayne para bigyan muli ito ng tanong.
"Ikaw ba talaga ang pumatay sa mga taong nawawala rito? Anong motibo mo?"
Matagal na hindi umimik si Vayne. Dahilan para manahimik rin ang buong koliseo para hintayin ang sagot ni Vayne. Hanggang sa lumipas ang ilang segundo ay saka na niya naisipang magsalita.
"Wala akong kinalaman sa mga taong iyon."
"Sinungaling!" napunta naman ang atensyon lahat kay Snow White nang bigla itong magsalita. "Inamin mo iyon mismo sa harapan ko. Inamin mo sa akin na ikaw ang maysala. Ano itong pinagsasabi mo ngayon?" sunod sunod na tanong nito kay Vayne.
"Sinabi ko lang iyon dahil iyon ang gusto niyong marinig mula sa akin," tugon ni Vayne pero ang tingin nito ay nasa nagsisiyasat.
"Sige," ani Enoch. "May isa pa akong tanong muli sayo. Totoo bang muntikan ka nang makapanakit ng madaming tao sa palaruan ng ahedres?"
Namilog naman ang mata ko dahil sa naging tanong niya.
Biglang nag-ingay ang mga iilang mga tao. Imbis na si Vayne ang sumagot ay ang mga taong ito ang sumagot sa tanong ni Enoch. Paniguradong mga tao ito na nakasaksi sa eksenang naging Longma si Vayne nang hindi niya sinasadya.
"Hindi ko sinasadya iyon!" pagdedepensa ni Vayne sa sarili niya. "Ni hindi ko nga masyadong maalala ang kaganapan 'nun!"
"Pero bago mangyare ang insidente na iyon ay may nakaalitan ka pa nung araw na iyon hindi 'ba?" sabi ni Enoch. "Kung wala kang intensyong masama, hindi mo magagawa ang bagay na iyon. Ibig sabihin lang 'nun ay hindi ka na karapat dapat na manatili pa sa lugar na ito."
Muling nagsalita pa muli ang nagsisiyasat at mas naging seryoso ang ekspresyon ang mukha nito ngayon.
"Nga pala, pag-usapan natin ngayon ang tungkol sa sikreto niyong mga shapeshifter," nakangising sabi nito kay Vayne. "Totoo bang may kakayahan kayong magpalit anyo bilang ibang tao? Pero ang kondisyon naman ay kailangan niyo munang mapatay ang taong iyon?"
Nanahimik si Vayne at sa tingin ko ay hindi nito alam ang isasagot nito kay Enoch. Isa lang naman ang posibleng dahilan kung bakit nakarating ito sa kanya.
Napatingin ako kay Damien na tahimik lang na nanonood sa palitan ng salita nina Vayne at ni Enoch. Hindi ko mawari kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon. Mahirap siyang basahin ngayon dahil wala akong nakikitang gaanong reaksyon sa mukha niya.
Dahil hindi sumagot si Vayne ay muli na namang nagsalita si Enoch.
"At kapag may sariling mahika ang taong iyon. Maaari niyo din makuha ang klase ng mahikang tinataglay ng taong pinaslang mo. Tama ba ako?"
"Paano mo nalaman ang tungkol sa bagay na iyan?" nagtatakang tanong ni Vayne dahilan para magulat ang nakararami dahil sa sinabi niya.
Napabuntong hininga ako. Hindi maganda ang susunod na mangyayare dahil sa naging tanong niya.
Pero maski ako rin ay nagtataka kung paano nalaman rin ng nagsisiyasat ang tungkol rin sa bagay na iyon.
Rumehistro ang tuwa sa mukha ni Enoch, "Ibig sabihin ba ay totoo ang mga isinambit ko?" tanong nito kay Vayne. "Kung ganun ay naiintindihan ko na ang motibo mo. Pinatay mo ang mga taong iyon para makuha mo ang mga mahika nila!"
Pagkatapos nang matinding pag-uusap nina Vayne at Enoch ay saka lamang tumayo ang hari mula sa kanyang trono at seryosong inobserbahan ang lahat ng mga taong nakasaksi ng kaganapan ngayon.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi maganda ang kutob ko rito.
"Dahil sa pagpatay ng maraming mamamayan rito ay napagdesisyonan kong si Vayne na isang shapeshifter na nagmula sa tribu ng mga figtus......"
Tumigil siya saglit atsaka niya binaling kay Vayne ang tingin niya.
"'.......ay pinapatawan ko ng parusang kamatayan sa pamamagitan nang pagpugot sa kanyang ulo."
Nagdiwang ang mga tao dahil sa kanilang narinig.
Samantalang ako ay unti unti ko namang naramdaman ang unti unting pag-guho ng mundo ko.
~*~
Mabilis pero mabibigat ang bawat hakbang ko habang binabaktas ko ang daan palapit sa gate ng Seradia Castle.
Nang marating ko na ang gate ay naging alerto ang mga kawal na nagbabantay 'roon. Tinapunan ko lang sila ng seryosong tingin.
"Ano ang pakay mo?" seryosong tanong sa akin ng isa sa kanila.
"Gusto kong makausap ang mahal na hari," kaagad na sagot ko.
"Walang inaasahang bisita ang kamahalan kaya hindi ka pa rin namin papayagan na makapasok rito," sabi naman nito sa akin.
"Alam ko, hindi naman ako kilala ng hari kaya kailanman ay hindi niya ako aasahang bibisita sa kanya," sagot ko naman rito. "Nandito ako dahil may pakay ako sa kanya. Pero ayos lang kung ayaw niyo akong papasukin. Magagawan ko naman ng paraan."
Pagkaangat ng dalawang kamay ko ay bigla naman silang pinalibutan ng mga halaman. Kanya kanyang putol naman kaagad sila ng halaman para makawala sila kaya pinagsamantalahan ko na ang pagkakataon na ito atsaka ako umakyat sa gate. Narinig ko pa ang samu't saring saway nila sa akin pero di ko na lang sila pinagtuunan ng pansin.
Pagkalapag ko sa lupa ay kaagad naman akong sinalubong ng iilan pang mga knights. Inangat ko lang ulit ang dalawang kamay ko at pare-pareho na silang nagpupumiglas sa mga halamang nakapulupot sa kanila. Kaagad akong tumakbo palayo dahil maya't maya ay makakawala rin sila dahil sa mga espadang hawak nila.
Nang marating ko ang pinto ay gulat ring napatingin sa akin ang dalawang knights.
"Anong---Sino ka--!" naputol rin sila sa pagsasalita nang bigla na lang silang parehong napasandal sa pader habang may mga halamang nakapulupot sa buong katawan nila.
Walang pagdadalawang isip kong kaagad binuksan ang malaking pintuan gamit ang dalawang kamay ko. Pagkapasok ko sa loob ay madaming patalim kaagad ang tumutok sa leeg ko.
Kumurba naman ang labi ko nang makita ko ang hari na kasalukuyang nakaupo mag-isa sa trono niya. Kunot noong napatingin naman ito sa akin.
"Wala akong intensyong masama," seryosong sabi ko. "Nais ko lang makausap ang mahal na hari."
"Ilayo niyo ang mga sandata niyo sa kanya."
Kaagad namang sinunod ng mga knights ang utos ng hari. Pagkatapos ay mabilis akong naglakad malapit sa kinaroroonan ng hari.
Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya ay walang pagdadalawang isip kong nilapag sa sahig ang dalawang tuhod ko. Sunod kong nilapag sa sahig ang dalawang kamay ko atsaka ko iniyuko ang ulo ko dahilan para sumayad sa sahig ang mahabang pulang buhok ko.
"Kamahalan," sambit ko. "Nakikiusap ako sayo ngayon. Bigyan niyo lang ako ng sapat na oras at panahon. Patutunayan kong inosente ang kaibigan ko."
Alam kong hindi sapat ang talas ng isipan na meron ako.
Kulang rin ako sa kaalaman para sa mga ganitong bagay.
Pero ito lang ang tanging naiisip ko para mailigtas si Vayne.
Dahil nandito na ako.
Nasa desperadong sitwasyon na ako.
a sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d
Daisy found nobody in the room and the door was also closed. She was feeling dizzy and weak but still while staggering she managed to stand up from the bed. Taking slow careful steps, she started walking towards the door, supporting the bed. She was feeling that suddenly her body started feeling heavy. Even walking was difficult for her. The gown, she was wearing was not of her size. It was a little loose but she felt comfortable in it.S
On the the third floor, one of those lace barriers twitched. A shadow moved past, just a flicker of darkness, so fast it almost escaped Crook's enhanced scrutiny. The signet ring on his right finger hummed against his skin, hot and urgent.He glanced down at the ring.A hot, solid wave of energy slammed against his expanded thoughts. His head snapped back from the rush of power. His mind folded in on itself and his perceptions screeched down to normal speed so abruptly he almost stumbled. His ears rang. His jaw ached from clenching his teeth-and from- from what.A mental slap?Had somebody really slapped him? He rubbed the space between his right eye and his chin. Damned if it didn't burn.What the hell? Some kind of barrier. Some kind of elemental protections? The beast inside him wanted to snarl and retreat, but he couldn't let that happen. He was here in New York city, with his partner Andy, poking around on the ritualistic murder of a senator'
Taddeo, se encontraba en su casa, estaba triste por el castigo que le había impuesto su padre, aunque también estaba enojado, le parecía injusto que lo hubiese castigado sin oírlo, cuando no era culpable, no comprendía como se podía ser tan ligero a la hora de tomar decisiones sobre una persona sin escucharlo previamente, eso era inaceptable y todo por esa estúpida niña.Pero de nada valía lamentarse, no había nada que hacer, su padre se había ido con su hermano para La Toscana y no se lo había llevado, habían transcurrido diez días, en los cuales ellos estaban disfrutando y divirtiéndose mientras él se encontraba encerrado y aburrido, bueno realmente había estado entretenido con sus libros, pero lo que más le afectó fue
"I'm sorry, Tayla. If only I can make you stay in our house, I would. But you know our house is not that big and my Mom is a human Armalite, right?" Ella scratched her head and hold the edge of the map, glancing at me before she continued mopping the floor.We are again, in Talk and Chill. Tomorrow I wouldn't be here for the class will start and I need a place where I can stay. Unluckily, Ella, my best friend just told me that she's wasn't able to offer me a hand.I sighed. "I understand, Ella. Thanks for telling me early." I turned around and went towards the sink to wash the dishes, my lips twisting a bit as I thought...why are we getting paid under minimum wage when we do almost all kinds of things in this chill bar? We should at least have an increase."Tayla, I don't understand you. When your parents died, your Aunt Tanya stood as your guardian, but why are you planning to leave your own house?" She stood up and glanced at me with her bewildered, round eyes