Home / All / Bn 001 book-00117 / Capítulo 0010

Share

Capítulo 0010

Author: BN001
last update publish date: 2023-12-01 16:15:40

"Let's get out of my room before we wake my baby," I said as I walked towards the guy. Hanggang ngayon ay nakatitig siya sa akin, bakas pa rin ang gulat sa kaniyang mukha. Masyado yatang nagulantang sa nalaman. "Mr. Pesquisa."

It took nearly five minutes before he actually moved. His adam's apple went up and down. Tumango siya at lumabas 'tsaka ako hinintay sa harap ng pinto.

Just as I was about to close the door shut, he stopped me, by holding my wrist.

"You're really not Idianale?" he asked.

"Positive," I shot his hand a look, hoping he'll let go, but he didn't. Instead, his grip tightened. "Let go of my hand."

"Before that," he said in a baritone voice, enough for me to feel shivers down my spine. "Let me remind you something," he leaned down close until his face loomed before mine. "That baby, asleep in the crib in there—"

I held my breath.

"—is my baby."

With that, he walked past me — leaving me speechless — staring nowhere as I carry a fear of losing my one and only happiness.

Gusto kong mag-alab sa galit. Parang may kung anong asido ang kumalat sa katawan ko at gusto ko na lang umiyak sa sakit. He was too fierce and he made me feel like I was fighting for something that was never mine.

But Soul... Soul was mine.

I walked out of my reveries and decided to follow him downstairs.

Ganun na nga ang nangyari, kababa ko ay wala na si Tessa at naabutan ko si Mr. Pesquisa na nakadungaw sa bintana habang nakakrus ang kamay sa kaniyang dibdib.

Seemed like his mind was taking him to the depths of the unkown.

And so, to catch his attention, I cleared my throat. He was startled that he looked over his shoulder with horror written in his eyes. Bumaba ang tingin niya sa brown envelope na nasa kamay ko.

"Hindi na ako mag-aalok ng maiinom dahil hindi ka na magtatagal dito," I gestured my hand to the kitchen. "This way please."

I walked before him. Nang marating ang lamesa ay pinatong ko na ang envelope. Hinintay ko siyang makalapit at umupo.

Medyo nagulat pa ako nang makita ang madilim niyang ekspresyon. He suddenly looked sullen. Medyo nabawasan lang iyon nang tumaas ang gilid ng labi niya sa isang ngisi.

"Black coffee."

I stilled. "Excuse me?" Kumurap ako nang paulit-ulit at saka nagtanong. "What do you mean?"

I knew what he was trying to say but I still asked anyway. I needed to prove myself right, that this man, sitting in front of me, has the fucking guts to tell me to make him a cup of coffee.

"With sugar," makapal na mukhang dagdag niya pa.

I laughed in disbelief. "Seryoso ka ba diyan?"

Gusto kong itanong sa kaniya kung may mas ikakapal pa ba ang mukha niya nang siya'y tumango ngunit tinikom ko na lang ang bibig ko. "What else?"

"What else do you have?" he smirked.

Putang ina. May lumabas na atang usok sa siyam na butas ng katawan ko sa galit. Ang kapal ng pagmumukha?! Anong klaseng libro kaya ang pinaglihian ng nanay nito?

Encyclopedia who?

I took a deep breath to calm my nerves. Pilit kong sinasabi sa isip ko na tatay 'to ng anak ko at dapat humarap kami sa isa't isa bilang ganap na matatanda.

I thought I would be having a nice and mature conversation with this piece of shit. But boy, was I wrong.

Pinilit kong maging kalmado kahit malapit nang maubos ang pisi ng pasensya ko. Then, I forced a smile as I pointed a finger to the small wooden shelf in the corner of the marbled counter.

"See that?" I asked. Kunot-noo namang niyang nilingon ang tinuturo ko. "Everything you need is right in there. Insant coffee, sugar, and creamer. Hot water? Hmm, ayan sa harap mo ang thermos. Baka tuklawin ka."

Mas lalong nalukot ang mukha niya dahil sa mga sinabi ko. Nainsulto yata. Kuwento niya sa pagong.

"Excuse me?"

"I'm sorry, Mr. Pesquisa, but I'm off duty. So, it's not my job to serve you," paliwanag ko 'tsaka umupo sa harap niya. "So?"

He was obviously pissed but opt not to talk about it. "Never mind. I didn't came here for coffee."

"Of course," I scoffed. By the look in his eyes, he was down to something else. But giving up was never my cup of tea. I will fight for my son no matter what it takes. I chuckled, "You came here to take my baby."

I sounded mad. Well, maybe because I was.

"I'll be straightforward," he started. He intertwined his hands before leaning himself against the table. He looked as if he was going to offer a deal. Mukha siyang drug lord. "I'm not going to sign those papers."

I clenched my jaw.

Biglang napasapo ako sa dibdib ko dahil sa narinig ko mula sa kaniya. He won't sign the papers.

The pain in my chest grew. Suddenly, I wish Diya didn't gave me this gift. Kung alam ko lang na sa ganito hahantong, hind ko na sana ito pinagdasal.

My vision started to blur as I suppressed the tears trying to escape my eyes. Buti na lang ay hindi sila lumabas. Looking vulnerable in front of his guy was the last thing in my list.

I pressed my lips together and hoped nothing but the best for me and my son.

"You know, Mr. Pesquisa—"

"Uno. It's Uno."

"I know, of course," I chuckled. Hindi lang tayo close para mag name to name basis. "Since the day he was born, I was the one who stood up as his mother and I know for a fact that me, being his mom will never change. You can't take him away from me even though you have the power to do so. I won't let that happen."

Binalot kami ng katahimikan pagkatapos kong magsalita.

I sighed.

Kinaya ko ang pag-abandona sa akin ng mga magulang ko dahil alam ko, sa kabila ng lahat, binuhay nila ako. Sapat na sa akin ang pagmamahal at atensyong natanggap ko sa loob ng labing-anim na taon.

Patas ang pagmamahal at pagtrato nina mom at dad sa aming tatlo nina Kuya Eros at Diya. Pero simula nung sabihin kong ayaw kong mag-aral ng law ay naging estranghero ako sa mga magulang ko. Biglang nawala ang atensyon nila sa akin dahil napunta na lahat sa dalawa kong kapatid.

Mom and dad were lawyers and they wanted us to follow their footsteps. Unfortunately, only Kuya Eros inherited their interests. Buong puso siyang nag-aral ng law habang si Diya naman ay napilitan lang noong panahong kailangan na niyang mamili ng kurso.

Diya was never certain of what she really wanted. Paiba-iba ang gusto niya. But one thing was sure for her, law wasn't her thing. Wala lang siyang lakas ng loob umamin dahil natatakot siyang hindi matanggap... kagaya ng nangyari sa akin.

I wanted to be a chef who owns restaurants all over the world. Hilig ko talaga ang magluto at maghurno kaya 'yun ang gusto ko.

But unlucky me, my bravery happened to be the cause of my agony.

"... Are you with me?"

I snapped out of my thoughts when I heard the guy's voice. I shook my head. "Pardon?"

He rolled his eyes before standing up. Napatayo rin tuloy ako. "Where are you going?"

"Upstairs."

"Wait, no!" I panicked. Nilapitan ko siya 'tsaka ako humarang sa daanan niya. I wanted a fair fight, hindi 'yung basta niya na lang itatakbo ang anak ko palayo! "Leave."

Matalim niya akong tinignan ngunit hindi ako nagpasindak. I glared back. "Leave, Mr. Pesquisa."

"I just wanna see my baby," he said casually. Though I was fuming mad inside, I could still see longing in his eyes. "Let me hold him for a minute, please."

At may gana pa talaga siyang magsabi ng 'please' kahit pareho naming alam na hindi siya makikinig sa akin?! No way I'm letting him see my child!

"I said leave."

"You can't push me away—"

"Well, yes I fucking can because this is my fucking house so fucking leave already!" I yelled, this time, I was crying. I couldn't hold it back anymore. The thought of losing my child was killing me. "Leave before I call the cops!"

He stood still for a moment before finally taking steps backwards. But before leaving, he left a message.

"I'll be back for my son."

Kinabukasan ay sinama ko si Soul sa kainan. Mahirap na, baka bumalik 'yung asungot nang wala ako at tangayin ang anak ko. Tinext ko na rin kaagad si Tessa na 'wag na munang pumasok ngayon dahil darating naman sina Saab at Tristan sa eatery.

Ganoon na nga ang nangyari. Inasikaso ni Tristan si Soul habang abala si Saab sa paghingi ng tawad sa'kin dahil sa mga sinabi niya kahapon. Lingid sa kaalaman nila na dumating ang ama ng bata kaya ako nagmamadaling umalis... Hindi naman dahil sa opinyon nila.

"Hindi naman kasi ako nagalit, parang baliw 'to," natatawang sabi ko kay Saab. "Gaga, doon ka na nga. Nahihirapan akong kumilos!"

"Bati na tayo ha! Walang bawian," malambing na sabi ni Saab habang naka-angkla pa rin sa braso ko.

Nangangatapon na 'yung sabaw sa tray, sige alog pa rin siya sa akin. Nang bawalan siya ni Chesca ay saka pa lang umalis.

Pagsapit ng ala-una ay kaunti na lang ang mga tao kaya nagsandok na ako ng makakain namin. Naging doble ang ingay dahil nagpaiwan si Art para kumain uli.

"Mas tabachoy ka pa kay Chim, bebe," pinanggigilan ni Tristan ang mukha ni Arthur 'tsaka siya nito hinarot.

Natatawa namang hinampas ni Art ang kamay ni Tristan at saka ako tinignan para kindatan. "Masarap kasi magluto si babe."

"Luh," sumimangot si Tristan at umirap. "Landi mo talaga. Nandito na nga ako, kung saan-saan ka pa tumitingin!"

"What?" Art chortled. "I'm just stating facts."

Nailing na lang ako saka dumiretso sa kusina para asikasuhin 'yung sopas. Nagcrave kasi si Saab.

Habang naghahalo ay bigla akong nakaramdam ng lungkot. Magagalit kaya sa akin ang mga kaibigan ko kung malaman nilang nagsinungaling ako sa kanila? Na hindi talaga ako ang tunay na ina ni Soul? Masisisi ba nila ako kung mas pinili kong 'wag na lang ipagtapat ang totoo?

Hanggang ngayon kasi ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila kahit alam kong deserve nilang malaman ang buong kuwento.

"Hoy, Mayi! Kumain ka na dito!" rinig kong sigaw ni Tristan mula sa dining area. "Mamaya na 'yan loka! Saab kasi pa-epal."

Matapos dahan-dahang haluin ang sopas ay pinagtimpla ko sila ng juice. Four seasons. Pagkatapos ay sinerve ko na sa kanila. Tig-isang pitsel bawat lamesa.

Sina Tristan, Chesca, Saab, at Art ay magkakasama sa iisang lamesa at sa kabila naman ay sina Jelly, Kuya Dan, at Beth — ang mga kasamahan ko sa kusina.

Si Kuya Dan ang kasama ko maghurno, si Jelly naman ang naghuhugas ng mga pinagkainan at pinag-inuman, at sina Beth at Chesca ang kasama ko sa pagluluto ng mga putahe.

"Umupo ka na dito," saad ni Kuya Dan.

Tumango ako at umupo. "Hinina ko na'yung apoy, malapit nang maluto 'yung sopas."

"Thank you, love love!" nakangiting sabi ni Saab na nasa kabilang lamesa. Inaway naman kaagad siya ni Tristan dahil spoiled brat kuno ito. "Paki ko sayo? Makikikain ka rin naman! Pustahan, five hundred!"

"Kumain na kayo," awat ni Chesca na nagpatigil agad sa dalawa. "Nasa harap ng pagkain ha."

Masaya kaming kumain habang nagkukuwentuhan. Maya-maya rin ay pinatay na ni Jelly ang kalan dahil luto na ang sopas.

"By the way," putol ni Tristan sa usapan namin tungkol sa budget. "Mayi, hindi na ba bumalik 'yung sugar daddy mo?"

"Sugar daddy?" Art asked. "Sugar baby ka, babe? Ba't hindi mo sinabi sa'kin e 'di ako na lang sana nag-apply—aray, Tristan!"

"Papampam ka, 'no? KSP!" irap ni Tristan.

Umiling na lang ako bilang sagot.

Wala akong sugar daddy, pero, may kung sinong nagpapadala sa akin noon ng pera buwan-buwan. Ang sabi ng lalaking nag-aabot ng sobre ay mahigpit siyang pinagbawalan ng kaniyang amo na 'wag ilabas ang kaniyang identity.

Noong una ay inakala kong hindi 'yon para sa akin at baka nagkamali lang, ngunit hindi. Sa akin nakapangalan ang sobre at maski ang lalaking nakaitim na nag-aabot sa akin ng pera ay sinabing para sa akin raw talaga iyon.

Aaminin ko, malaki ang naging tulong sa'kin ng perang sustento buwan-buwan ngunit nitong nakaraang apat na buwan ay natigil bigla. Hindi ko na rin nakita ang lalaking nagpapadala.

I sighed. Tumayo at ako nagpaalam. "Magsasandok na ako ng sopas."

Naglakad ako patungong kusina at iniwan sila roon na nag-aaway tungkol sa sugar daddy ko kuno. Mga baliw. 'Yung anak ko naman, tuwang-tuwa na nanonood sa kanila. Sumasayaw pa nga.

Ginawa yatang background music ang boses ng mga nasa paligid. Napakabibo talaga.

Tumingkad ako para kumuha ng mga mangkok na nasa shelf sa itaas ngunit masyado palang napataas ang pinaglalagyan ng mga ito kaya muntikan na akong mahulog. Mabuti na lang ay may sumalo sa akin.

Natatawa ko siyang nilingon. "Salamat, Tris— Mr. Pesquisa?" Nawala ang ngiti sa aking labi 'tsaka ko siya tinulak palapit sa ref. "Anong ginagawa mo rito?"

Kinakabahan akong lumilingon-lingon sa pasukan ng kusina dahil baka may sumunod sa akin at makita ang lalaking ito.

"I wanna see my baby," malamig niyang saad. Then, he fixed his eyes on mine. "I didn't hide here for almost half an hour for nothing."

"Kalahating oras ka na dito?" Hindi makapaniwalang bulong ko at tumango lang siya. Napabuga ako ng hangin at saka siya hinila sa kaniyang damit ngunit masyado siyang malakas. Hindi man lang nahila. "You're trespassing."

"It wasn't my fault that your backdoor was open," malamig niya namang sagot. "Just let me spend a day with my child. We're not going anywhere."

"I don't trust you, Mr. Pesquisa—"

"You don't have to. I'll just prove you wrong," may pinalidad sa boses niya na nagpakalma sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Sinsero ba talaga 'to o nagpapadala lang ako? "Let me bring him back to your house, we'll stay there."

"Please..."

"Are you even aware that you're being selfish?" tanong niya na ikinatigil ko. "Seems like you're hiding something from your people. Natatakot ka bang makita nila ako?"

"I don't want them to see you because you're an ass," I hissed. "Leave."

"What did I ever do to you? Bakit galit na galit ka sa'kin? Dahil ba napagkamalan kitang si Idianale?" Sunod-sunod na tanong niya na ikinatahimik ko. "Let me have my son or I'll make a scene."

Bigla ay kinabahan ako. Hindi pa ako handang malaman ng mga kaibigan ko ang totoo. Masyado pang maaga at marami pa akong problema. Ayaw ko muna ng dagdag.

Tumikhim ako 'tsaka tumango sa sarili. Sumosobra na nga siguro ako?

"Babe?!" Arthur's voice echoed from the dining area. "Need help?!"

"N-No! I'm fine! I'm coming right up!" I lied. Binalik ko ang tingin ko kay Mr. Pesquisa saka ako humugot ng malalim na hininga. "Wait me."

Pinuntahan ko ang table nila Art 'tsaka kinuha ang anak kong buhat ni Tristan.

"Saglit lang," bumalik ako sa kusina at hindi na hinintay ang mga reaksyon ng mga kaibigan ko. Nag-iwan ako ng distansya sa amin ni Mr. Pesquisa. "Please, prove me wrong."

Tumango lang siya at dahan-dahang lumapit sa amin. Kitang-kita ko ang kasabikan sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung tama ako, pero, parang pinaghalong tuwa at lungkot ang nakita ko sa kaniyang ekspresyon.

Maingat niyang binuhat ang bata na para bang babasagin ito na ayaw niyang mabagsak. He was too gentle.

I looked at Soul, expecting him to cry but he didn't. Usually kasi, kapag bagong mukha ang nag-approach sa kaniya ay iiyak siya. Pero ngayon? Nanlalaki ang kaniyang mga mata habang hinahawakan kung saan-saan ang mukha ng kaniyang ama.

Lukso ng dugo? Ganito ba 'yon? My son looked amaze as he examined his father's face. At ngayong magkatabi sila ay mas nakita ko ang kanilang pagkakahawig.

Hindi nga maipagkakailang mag-ama sila.

I let out a sigh. "I don't—"

"I won't take your child away from you," he cut me off. Bakas naman ngayon ang galit sa kaniyang mga mata. "But don't take him away from me either."

Your child.

Nagkaroon ng munting selebrasyon ang puso ko nang banggitin iyon ni Mr. Pesquisa. Ang sarap pala sa pakiramdam na sa kaniya mismo manggaling.

Ngunit nawala ang tuwa ko dahil sa taranta nang makarinig ng mga yapak papalapit sa kusina kaya pinagtulakan ko ang mag-ama palabas sa backdoor.

"Mr. Pesquisa—"

"Uno."

"Uno," I swallowed a lump in my throat. "I'm his mother... don't run away from me."

Isasara ko pa lang ng pinto ay hinarang niya na ang kamay niya. He licked his lips with the tip of his tongue and asked. "W-what's his name?"

"Soul," sagot ko. Napaiwas na lang ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Masyado akong naging unfair sa ama ng anak ko. "Y-you can call him Chim."

Pabagsak kong sinara ang pintuan nang makarating na sa loob ang taong papalapit kanina. Si Arthur.

Pasimple akong naghahanap kunwari ng kung ano. "Ano ba 'yan, saan ko ba nilagay 'yun?"

"Ang alin?" he asked. "Si Chim nasaan?"

"Ah," hindi ko siya pinansin at nagsimula na akong magsandok ng sopas.

Nilipat ko ang mga ito sa tray saka sinerve. Kunot-noo naman ang lahat kagaya ni Art na nakasunod sa likod ko. Tinanong kaagad nila kung nasaan ang bata.

Ang sabi ko ay kinuha ni Tessa dahil nahihiya siya at ayaw niyang hindi siya magtrabaho. Tristan was skeptical about what I said but opt not to mind.

Pagkatapos kumain ay nagpahatid na ako kay Tristan papuntang Dolores, doon sa estudyante ko. At matapos ang isa't kalahating oras ng madugong pagtuturo ay nagbiyahe na ako pauwi.

Bawat hakbang ko ay pabigat nang pabigat. Hinihiling ko sa Diyos na sana, hindi ko pagsisihan na hinayaan kong makasama ng lalaking 'yon ang bata. Hindi ko alam kung bakit mabigat ang dugo ko sa kaniya, ngunit, heto ako ngayon, nag-aalala kung tumupad ba siya sa usapan o hindi.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay wala akong nadatnan sa salas. Binagsak ko ang bag ko 'tsaka nagsimulang humarurot paakyat ngunit napahinto ako nang makarinig ng tawanan sa kusina.

Dahan-dahan akong naglakad sa pasilyo patungong kusina at hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko.

Si Mr. Pesquisa, may brown paperbag na nakasuot sa ulo na animo'y chef's hat, at sinusubuan si Chim ng baby food.

Unti-unti ay kumalma ang nag-aalburoto kong puso habang tahimik na nanonood sa dalawa na masaya sa presensya ng bawat isa. Iniikot ni Mr. Pesquisa ang kutsara sa ere bago isubo kay Soul, gaya ng ginagawa ko.

But then, my son saw me.

Tinuro niya ako at tuloy-tuloy nagsalita gamit ang kaniyang baby talk. "Ma! Um-ma!"

Gulat na napatingin sa akin ang kaniyang ama at dali-daling inalis ang paperbag sa ulo. Umayos siya ng tayo. "Kanina ka pa ba diyan?"

Umiling ako. "Kadarating ko lang."

"My young man placed this paperbag on my head, not me," depensa niya sa sarili na para bang inakusahan ko siya. Tumingin pa siya sa bata at pinapaamin ito. "It was you, right?"

"I'll take a shower," I poured myself a glass of water and finished it in seconds. "Feed him fast. Kailangan niya nang magpahinga."

Mabilis akong naligo. Nagsuot na lang ako ng isang maluwang na t-shirt at dolphin shorts naman sa pang-ibaba. Pagkatapos ay kinuha ko na ng onesie ni Soul at hinanda ang kaniyang diaper at iba pang kakailanganin.

Kapagkuwan ay bumaba na ako. Naabutan ko si Uno na karga ang natutulog na anak sa kaliwang kamay habang naghuhugas naman ng mangkok ang kanan.

"Uno," tawag ko. Lumingon siya sa akin saka ako nginitian.

I stilled. It was the first time he genuinely smiled at me... and his smile... was a familiar smile.

"Kailangan pa ba talaga 'to?" naiinis na tanong ni Clara sa akin habang inaayusan ko siya ng buhok. "Wala namang saysay ito, e."

"Anong wala?! Aba, Clara, minsan na nga lang tayo magpakuha ng litrato!" natatawang saad ko. "Ngiti ka nang maayos, ha?"

Inirapan niya ako saka tumango. "Ganito ba?" tanong niya saka ngumiti nang pilit. "O ganito," ngayon naman ay ngumiti siya nang malaki habang nakalaki ang mga mata at mga butas ng ilong. "Ayos ba, mahal?"

"Clara naman!" pabiro ko siyang hinampas ngunit sa kaloob-looban ko ay naiinis na ako. "Kapag hindi ka talaga umayos, hindi na kita papansinin."

"Uy mahal, biro lang, e," sabi niya saka tumawa nang malakas. Napatingin ako sa pila, malayo-layo pa bago kami. "Sige, pa'no ba kasi 'yung ngiting gusto mo?"

Napaisip ako kung paano siya pangingitiin. "Ah! Close your eyes and think of something you love!"

Ganoon na nga ginawa niya. Pumikit siya at unti-unting ngumiti nang napakaganda. Ako naman ay napako sa kinatatayuan ko dahil doon.

Unti-unti niyang minulat ang kaniyang mga mata at nanatili ang kaniyang ngiting kayang magnakaw ng mga puso.

"Ayos na ba, mahal?" tanong niya. "Stella?"

Napakurap ako at saka tumango na lang dahil biglaan ko yatang nalunok ang dila ko. Nang makabawi ay nagsalita na ako.

"Ano 'yung inisip mo?" tanong ko.

"Baka sino?" Ginulo niya ang buhok ko na ikinasama ng mukha ko. Matapos ko siyang ayusan! Pilya talaga ito. "Lakad na mahal, gumagalaw na ang pila."
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bn 001 book-00117   Capítulo 0114

  • Bn 001 book-00117   Capítulo 0113

    "Tell me why I have to get a tattoo?"离开了看见哦i基金哦i解耦"Um, because both of our parents don't want us to have one, duh,"Chuckling, I buttoned my dark fitting jeans and threw on a black t-shirt before adding some chapstick to my lips. Ostana has been talking about tattoos ever since she turned sixteen

  • Bn 001 book-00117   Capítulo 0112

    ALEXANDRA'S POINT OF VIEW"Baby, let's go." Biglang lumaylay ang mga balikat ko nang tawagin ako ni Mommy."Time is running. Halika na, bilisan mo."Nang salubungin ako ng tingin ni Mommy ay agad akong napayuko. Gusto ko pang kumain. Tumingin naman ako kay Daddy at nagbabasakaling matutulungan niya

  • Bn 001 book-00117   Capítulo 0111

    "Oh, hey Drew." I muttered."Hey. Can i come in?" "Sure." I opened the door wide and closed it after him."Spill." He said."There's nothing to spill Andrew.""There's something fishy going on between you and Philip that i can't seem to point out. What exactly is going on? Do both of you even love

  • Bn 001 book-00117   Capítulo 0110

    I nodded with a sigh."You were heading home right?""Yeah. Thank you so much Mikey.""Don't mention. You know you're like a sister to me so..." He trailed off.I laughed and nodded.On getting home, I packed some of my things into a duffle bag and headed to Ella's house.I rang the doorbell and wai

  • Bn 001 book-00117   Capítulo 0109

    "Do not forget you signed a contract." He retorted."How could I forget? But now both of us are on the same page; we don't like each other. I mean you feel I'm a terrible person and I feel the same. There, let's agree and end it. We can make the contract null and void if we do.""You're nuts you Kno

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status