Share

chapter 2

Author: BN001
last update publish date: 2023-12-01 14:02:07

A/N: sorry sa mga typo and grammatical error. Happy reading!

Click the English translation for those who prefer English. This chapter written in mixed Tagalog and English.

===========

April 10, 2019

Naiinggit ako sa mga kaibigan ko na pinag-uusapan kung saan sila mag-aaral ng kolehiyo. Narito kami sa park at nagtipontipon pagkatapos ng graduation namin noong nakaraang araw. 

Lahat sila ay nakapag-enrol na sa mga paaralan na pinapangarap nila at siyang pinapangarap ko rin. Bukod doon ay mag-aaral sila sa kursong gusto nila habang ako ay mananatili rito sa probinsiya. Hindi na nga ako makakapag-aral sa pangarap na paaralan, pati kurso hindi ko makuhakuha. 

Hindi naman sa nagiging mapili ako ng paaralan. Ayos lang naman sana sa akin na sa Agus State University ang kaso wala ang gusto kong kurso roon. I want to take up Accountancy or Business Management but my father wants me to take education while my mother wants me to take IT.

Gusto kong umayaw pero wala akong magawa dahil sila ang magpapa-aral sa akin. Hindi kami mayaman para makaya nila akong pag-aralin sa UM na pribadong paaralan. Malaki ang tuition fee roon at hindi nila iyon kaya lalo pa't dalawa kami ng kuya ko.

I already tried to apply any scholarships but I didn't passed any one of it. Kahit man lang sa mga entrance exam sa pampublikong paaralan dahil libre kaso hindi rin ako pinalad na makapasa. Hindi naman kasi ako matalino hindi tulad ng kuya ko na lahat ng entrance exams at scholarships exam ay napasa kaya marami itong pagpipiliang paaralan. Gayon pa man kailangan pa rin siyang padalhan nina mama at papa.

Kung totoosin hindi naman talaga problema ang pino-problema ko. Siguro dahil lang sa taas ng expectation ko at excitement ay naging big deal at problema na sa akin kung saan ako mag-aaral.

May 15, 2019

Days passed like a blink of an eye. Nagbibihis ako para sa entrance exam sa ASU.

"Dapat maipasa mo yan Clariz dahil kung hindi, naku! Hindi na namin alam kung saan ka mag-aaral." Sabi ni mama. Tumango lang ako at umalis na.

Tamad akong naglalakad papunta sa terminal. Para makarating sa ASU ay kailangan pang sumakay sa bus o motor. Kapag bus aabotin ng kalahating oras at kapag motor naman nasa fourty five minutes ang byahe pero nakaalis na ang bus at motor ay nanatili akong nakaupo sa terminal.

Ayaw ko’ng mag-aral sa ASU dahil wala naman roon ang kurso ko. Ayaw ko’ng mag IT lalo na ang Education. Ayaw ko’ng maging teacher. Kaya nga nag-aaral ako para kapag naka-graduate ay makakaalis na ako sa paaralan. Kapag nag teacher ako eh di pabalik balik na tuloy ako. Ayaw ko na!

Naisip ko na ring huminto muna ng isang taon at magtrabaho para pang tuition next year pero hindi ako pinayagan nina mama at papa dahil sayang raw ang panahon. Tama naman sila dahil pati ako ay nasasayangan din.

Alas dies ang exam ko at alas nuwebe y medya na. Hindi ako makapag desisyon. Kapag kumuha ako ng Isa sa mga gustong kurso ng magulang ko ay hindi ko alam kung magiging maganda ang kinalabasan ng pag-aaral ko dahil sigurado akong tatamarin ako dahil hindi ko gusto ang ginagawa ko. Ganon naman kasi ako. Kapag ayaw ko ang isang bagay ay nawawalan ako ng gana. Kapag naman gusto ko ay gagawin ko ang lahat para lang makuha ang gusto pero sa pagkakataong ito kahit anong gawin ko ay hindi ko makuha kuha ang gustong kurso.

"Clar?" Tawag ng kung sino sa akin kaya napabaling ako rito. "Ikaw nga." Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko siya matandaan. "Sa ASU ka?" Tanong nito at napatingin sa clear envelop na hawak ko na ang laman ay entrance exam permit. Hindi ako sumagot kahit tango dahil labag naman sa loob ko at medyo nahihiya.

"Exam ko rin ngayon. Sabay na tayo." Anito kasabay ang pagdating ng panibagong bus.

Hindi ako gumalaw dahil wala akong planong um-attend ng exam pero bigla nalang niya akong hinila sa pulsohan. Magrereklamo pa sana ako na bitawan niya ako dahil hindi ako a-attend pero hindi ko magawa dahil ang daming tao. Nakisiksik kasi kami sa dagat ng tao na pababa pa.

Nakatayo na ako sa kinauupoan para lumabas pero hindi naman ako makasingit dahil maraming tao ang umaakyat sa bus. Naupo ako ulit at hinintay na makaupo ang ilang pasahero pero kung minamalas ka nga naman. Standing ang sitwasyon ngayon sa loob ng bus kaya hindi ako makababa dahil nasa harap malapit sa pintoan nakatayo ang mga pasahero. At mas lalo akong nawalan ng pag-asang makababa nang maramdamang gumalaw na ang bus.

Bagsak ang balikat ko ng isinandal ang likod sa upoan. Nalingonan ko pa ang katabi kong humila sa akin papasok sa bus na may ngiti sa labi na parang excited pa sa exam. Sana nakakangiti rin ako ng gano'n pero hindi dahil hindi ko gusto ito!

Nang makababa sa bus ay walang gana kong tinignan ang paaralang nasa harap ko na ngayon. May nakikita pa akong magbabarkadang nagpi-picture sa nakasulat na buong pangalan ng paaralan, Agus State University. Hinila nanaman ako ng kasama -- na hindi ko alam anong pangalan basta pamilyar -- papasok sa loob ng campus. Nahagip ulit ng mga mata ko ang isa nanamang magbabarkadang napapalitrato sa 'I LOVE ASU'.

Para akong aso na hilahila ng amo niya kung saan papunta dahil dito sa kasama ko. Huminto kami bigla para ayusin ang sintas ng sapatos niya. 

Deritso ang tingin ko sa mataas na hangdan ng paaralan. Syempre hindi patag ang paaralan katulad ng nasa syudad dahil nasa probinsiya kami at ang ASU lang ang nag-iisang college school na pampubliko dito sa Agus.

Mula sa kinatatayuan ay kita ko ang mga mukha ng mga studyanteng may mga ngiti sa labi, nagtatawanan at halatang excited sa exam na nagdadasal na sana ay makapasa sila. Ako lang yata ang kabaliktaran ang nararamdaman at iniisip. Pati yata ang idinadasal ko ay kabaliktaran dahil kung ang iba ay ipinagdarasal na makapasa sila ako naman ay sana bumagsak.

Pagpasok namin sa exam room ay marami ng tao. Malapit ng magsimula ang exam. Magkatabi kami ng humila sa akin kanina na hanggang ngayon ay hindi yata nahalata na hindi ko siya kilala. Hindi rin ito nagpakilala kaya nananatili itong estranghero sa akin.

"Put all your things here infront and kindly turn off all your phones. Only the pencil prepared on your desk and your exam permit were on your table. Nothing else or I'll ask you to go out and won't take the exam, understood?" Istriktang bilin ng proctor.

"Yes ma'am!" Sabay sabay na sagot ng mga kasama ko sa loob ng exam room. Ako lang siguro ang tanging hindi sumagot.

Nag simula ang exam eksaktong alas diyes kensi at matatapos ng alas onse kwarentay singko. Pero alas onse pa lang ay tapos ko na ang exam.

Sinadya kong hindi pagbutihin dahil nakapagdesisyon na ako na ayos lang huminto ng isang taon kesa naman mag-aral at gumastos pero babagsak rin lang naman.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napalingon ang estrangherong kasama ko kanina. Nakakunot ang noo at pabalik balik ang tingin sa exam booklet na nasa lamesa niya at sa akin.

Yumuko ito at bumulong. "Tapos ka na?" Tango lang ang tanging isinagot ko ng hindi lumilingon.

"Ang dali naman yata? Mag-review ka." Suhestiyon nito pero hindi na kailangan. Nilingon ko siya at sinagot. "No need. I'm done." Normal ang lakas ng boses ko ng sabihin iyon kaya narinig ng ibang malalapit sa amin. Pagtingin ko sa harap ay nakatingin narin ang proctor sa akin. Mukang narinig rin nito ang sinabi ko dahil matalim kung makatangin.

"Are you done miss?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa akin.

"Yes ma'am"

"You still have time. Review your answers."

"No need ma'am." alam ko’ng nagmumukha na akong mayabang sa sagot ko base narin sa mga naging reaksiyon ng mga kasama kong examinees pero wala akong pakialam.

"If you're that confident to your answers then pass your test booklet. Leave the pencil, get your bag and get out." May inis na sa tuno na sabi nito. Sinong hindi maiinis kung mayabang ang kausap mo?

I stood up and leaving the pencil on the desk and walked towards her table and hand over my test booklet.

"Thank you ma'am." I said and get my bag then leave.

Wala akog ganang naglalakad pababa ng hagdan. Pero takte! Anong klaseng paaralan 'to? Puro hagdan, sana dinamihan pa nila nahiya pa. Wala na nga akong gana pinagod pa ako ng walangyang hagdan.

Paglabas ng gate ay agad akong sumakay ng motor pauwi.

June 10, 2019

"Clariz gising na," panggigising sa akin ni mama. "Bumangon ka na diyan. Ngayon lalabas ang result ng exam diba? Kunin mo."

Kakamot kamot sa ulo akong bumangon. Sana pala pumasok nalang ako sa trabaho para hindi ko na kailangan kunin iyon. Bakit ba kasi nakalimotan ko na ngayong araw ang release ng results? Kainis!

Ang mga kaibigan ko ay papasok na ng school ngayon pero ako ay kukuha pa lang ng result nang exam kahit alam ko namang bagsak ako dahil hindi ko inayos. 

June ang simula ng klase sa syudad samantalang August naman sa ASU.

Naiingit ako sa mga kaibigan ko dahil panay ang post nila ng ID picture sa facebook na nagpapahiwatig na talagang college na sila habang ako nasa higaan at kakabangon pa lang.

Binilisan ko na ang kilos nang magsimulang magsermon si mama kaya kahit hindi pa nakakakain ng agahan ay umalis na ako.

Noong mga nakaraang araw ay maayos naman kami nila mama at papa. Talagang lumalabas ang pagiging rebelde ko kapag usapin ng pag-aaral dahil bumabalik sa akin na hindi ko makuhakuha ang kursong gusto ko.

Pinapagalitan nila ako dahil parang wala raw akong pangarap sa buhay pero paano ko maaabot ang pangarap ko kung ibang kurso ang gustong ipakuha nila sa akin?

Gusto ko’ng magtrabaho sa opisina kaya gusto kong mag business management or accountancy pero gusto nila mag teacher ako o di kaya naman IT. Eh ang layo sa gusto ko.

"Viado, Clariz Faye po ma'am." Sagot ko sa taong nasa likod ng mababasaging salamin upang makuha ang resulta dito sa OSA o Office of Student Affair.

"Permahan mo nalang ito at ito." Turo nito sa pipirmahan ko. Matapos mapirmahan ay agad naman nitong inabot sa akin ang papel na nakatupi at naka-staple pa.

Entrance Exam Result.

Basa ko sa paunang papel pero hindi ko tuloyang tinignan ang resulta dahil wala akong pakealam. Sumakay nalang ako ng motor pauwi.

Dumating ako kanina sa ASU ng lagpas alas otso. At sa taas ng pila kanina ay tanghali na ako nakaalis.

July 22, 2019

Hindi ko alam kung bakit. Bakit nagkaganon ang resulta? Hindi ko na nga binabasa ang questions no'n dahil sagot lang ako ng sagot. Kung alam ko lang na papasa ako sa ginawa ko sana binasa ko nalang at isinagot ang maling sagot. 

Putek lang!

At ngayon ito kasama ko ang pinsan kong si Raquel dahil gustong makasigurado nina mama at papa na makakapag-enrol ako. 

"Ano bang kursong gusto mo?" Tanong sa’kin ni Raquel.

"Bakit may accountancy ba dito? Or business management?" Sarkastiko kong tanong. "Malamang wala akong pagpipilian kundi ang choice ni mama o ni papa. Either education or IT!" Inis kong sabi.

"Wala ngang Accountancy, wala ring Business Management pero meron namang Entrepreneurship. Business din 'yon." Tila naging angel na hinulog sa langit ang tingin ko kay Raquel ng marinig ang sinabi nito. 

"Ba't di mo sinabi agad?!" Sigaw sa kaniya. "I'll take that course."

Hindi na ako nagdalawang isip na kunin ang kursong iyon kahit ayaw ni papa at mama. Di bale na kung magkasagutan kami. Sino bang mag-aaral? Ako naman, kaya nararapat lang na ang gustong kurso ko ang kunin ko.

At hindi nga ako nagkamali. Pagdating sa bahay ay nagkasagutan nga kami nina papa. Halos lahat kasi ng kamag-anak namin ay teacher kaya gusto rin nitong mag-teacher ako. Isa pang rason ay hindi na raw ako mahihirapang maghanap ng trabaho dahil maraming tutulong sa akin at malaki pa raw ang sweldo.

Maraming tutulong at malaki ang sweldo pero may tutulong ba sa akin kapang tinamad at nawalan ako ng ganang mag-aral sa kalagitnaan kapag sinunod ko sila?

August 12, 2019

Pangalawang linggo nang klase at aaminin kong kahit hindi ito ang kursong gusto ko ay nagustohan ko na rin kalaunan dahil maayos naman at natutuwa ako sa klase. Usapang negosyo kasi.

Pero kahit nag isang linggo na ay hindi parin tanggap ni papa ang napiling kong kurso. Hindi naman kasi ako katalinuhan at alam iyon ng mga magulang ko dahil never pa akong napasali sa mga honor hindi katulad ng kuya at kapatid ko pero hindi naman iyon basehan para maging succesfull sa future. Its still depends on how you will use your knowledge upon reaching your dreams and goals in life.

May bagsak pa akong mga grades noong junior high kaya nag-aalanganin pero kahit ganon hindi naman ako bobo. College na ako kaya alam ko na hindi na ito pwedeng daanin sa biro 'di tulad sa high school. Pati nga noong Senior high ay hindi ko sineryoso at lagi pa akong late.

Pero ngayon papatunayan ko sa mga magulang ko na maganda rin ang kursong kinuha ko. Nagmumukha lang hindi maganda dahil hindi naman nila iyon gusto tulad ko. Hindi maganda para sa akin ang kursong Education dahil hindi ko naman iyon gusto. Every person has different taste, likes and opinion at wala akong magagawa para bagohin iyon kay Papa maliban sa ipakita ko rito na maganda ang magiging resulta ng pag-aaral ko. Na seseryosohin ko na ito.

"Ma! Pa!" Masayang tawag ko kina mama at papa.

"Bakit? Anong nangyari?" Natawa ako sa dahil sa reaksiyon ni mama. "Akala ko kung ano na. Ikaw na bata ka!"

"Perfect ako." Pagmamayabang ko. 

Naperfect ko kasi ang hanggang sixty items na quiz kanina. Sa totoo lang naging madali sa akin ang kurso dahil may background na ako. Ang mga tinatalakay namin ngayon ay naitalakay na namin noong senior pa kaya sa hindi pagmamayabang ay nagmumukha akong top sa klase.

September 09, 2019

Nasa green field kami sa gilid ng hagdan sa ilalim ng puno ng Narra. Kasama ko ang mga babe ko o mga kaibigan ko. Babe ang tawagan namin sa isa't isa.

"May susuotin na kayo sa acquaintance party?" Tanong ni Althea.

Oo nga pala. Malapit na aang acquaintance party namin. Sa September 27 na at lahat ng nasa department namin ay iyon ang pinag-uusapan.

"Wala pa." Sagot ni Rhealyn na sinegundahan naman ni Decilyn.

"Ako rin. Wala pa." Sagot ko matapos makunan ng litrato si Jamaica. 

Nagiging photographer nanaman ako. Kahit sa nauna kong barkada ay ako ang photographer ng grupo. 

"Sabay nalang tayong bumili." Aya ko.

"Sige!" Sabay na sagot nina Althea at Decilyn.

"Kailan naman?" Tanong naman ni Rhea.

"Next Wednesday sa hapon. Isang subject lang naman sa umaga meron tayo." Sagot ko sabay click sa cellphone para makunan ng litrato ang dalawa pang kaibigan na sina Jamaica at Jercel na magpinsan. "Sama kayo?" tanong ko sa kanila.

"Meron na kaming susuotin eh." Ani Jercel.

"Okay."

September 11-12, 2019

"Una na kami. Bye!" Paalam ni Rhealyn kina Jercel at Jamaica na uuwi na. Kaniya kaniya naman kaming sabi ng 'bye' nina Althea at Decilyn.

Sumakay kaming apat bus at bumaba sa may park ng Poblacion dahil tawid lang naman nito ang semi mall dito sa Agus kung saan ang Poblacion ang sentro o parang bayan ng probinsiya ng Agus. Hindi mo masyadong mararamdamang nasa probinsiya ka dahil marami rami narin ang estabelishmento na naitayo rito.

Ang RC shopping center o supermart ang pinakamalaking establishment dito. Hanggang dalawang palapag nga lang iyon. Grocery at kainan ang nasa ibaba at dry goods naman ang nasa itaas.

Pero dahil September 11 na ay marami naring mga trapal na tindahan ng mga damit, ukay ukay, sapatos, laruan, at iba pa na nasa tabi ng highway at mga tindahan ng pagkain katulad ng BBQ at shake na nasa labas lang mismo ng park. Ganito talaga kapag September na dahil malapit na ang fiesta.

"Kailan nga fiesta dito, Clar?" Tanong ni Althea sa akin.

"October 4." sagot ko.

Ako lang ang taga Poblacion sa amin. Si Althea ay taga Kapatungan, si Rhealyn naman ay taga Rosario: kapit bahay niya sina Jamaica at Jercel pati narin si Decilyn kung saan naninirahan siya sa ate niya.

"Invite mo naman kami." Ani Decilyn.

"Bakit hindi! Pumunta kayo. Siguradong mag-e-enjoy kayo." Pananabik ko sa kanila.

"Tapos libre mo kami ng rides," sabi pa ni Althea na siyang nakatingin pala sa mga rides. 

Wala pa masyadong gumagala dahil maaga pa at may mga klase. Pero kapag gabi masaya dahil may mga event sa Gym at sa stage ng park. Marami rin ang mga gagala dahil sa mga rides at perya.

"Gala tayo sa 29, libre lahat ng rides." Sabi ko na siyang mas nagpa-excite sa kanila.

"Tara na nga! Bohemian pinunta natin dito." Nagsusungit sungitang sabi ni Rhealyn. Ang alam ko ay naiinggit lang ito dahil medyo malayo ang Rosario na aabotin ng isang oras o higit na byahe at istrikto pa ang magulang nito. Tiyak rin na hindi siya papayagan ng boyfriend niya.

"Ako, doon nalang ako matutulog sa inyo." Saad naman ni Decilyn sabay angkla sa braso ko.

"No problem." Gusto kong ayain si Rhea na sa amin na rin matulog dahil bakante naman ang kwarto ni kuya kung saan ako na ang gumagamit pero alam kong hindi pa rin ito papayagan.

Kaniya kaniyang pili na sina Althea, Rhealyn at Decilyn habang nakangiwi naman akong nakatingin sa mga nakikita sa harap na bohemian.

Bohemian ang theme ng acquaintance party namin. Nakangiwi ako dahil hindi naman ako sanay magsuot ng mga dress o mga pangpa-sexy na damit. Lagi kasi akong naka loose shirts at pants. May nga off shoulder ako pero himala nalang kong susuotin ko iyon. 

I can appreciate sexy outfit dahil babae parin naman ako kahit karamihan sa damit ko ay panlalaki pero ibang usapan na kung ako ang mag-susuot. Pilit nga lang akong pinasuot ng gown noong kasal ni kuya Toto eh.

"Ito sayo babe, bagay to sayo promise!" Si Althea sabay pakita ng ternong short at crop top off shoulder na kulay beige sa akin.

Lumuwa naman ang mata ko ng makita ang damit. "Yan?!" Turo ko sa hawak ni Althea. 

"Yup!" She said popping the 'p'.

Nakangiwi lang akong umiling iling sa kaniya. "Huwag yan. Jusko Althea!"

Kita na halos kaluluwa sa damit na pinili nila para sa akin. Nakakahiyang magsuot ng ganon. Kapag nagkataon iyon ang unang beses na magsusuot akong kita legs at pusod. Nagsusuot ako ng off shoulder pero natatakpan naman ang pusod at nakapantalon. Nag susuot rin naman ako ng crop top pero naka high waist pants naman ako kaya hindi rin kita ang pusod pero ito? Jusko! Hindi ko yata kaya!

"Huwag 'yan. Iba nalang Althea." Pagmamakaawa ko pero humakbang lang silang tatlo palapit sa akin. Mukang alam ko na ang gagawin ng tatlo kaya tatakbo na sana ako ng mahawakan ni Rhealyn ang laylayan ng damit ko kaya nahuli pa rin nila ako.

Pinagtulongan nila akong tatlong itulak sa fitting room at inabot ang damit na napili. Ayaw kong suotin pero kapag hindi ko naman iyon sinuot hindi ako makakalabas sa fitting room dahil nakabantay naman silang tatlo mismo sa harap ng pintoan kaya hindi rin ako makakatakas.

Wala akong nagawa kundi ang suotin iyon. Tinignan ko ang repleksiyon ko sa salamin na nasa loob ng fitting room.

"Sh*t!" Mura ko sa sarili bago lumabas. Hinarang ko pa ang mahabang buhok ko sa mukha dahil sa hiya.

"Wow!"

"Bagay sayo!"

"Ang sexy mo babe!"

Hindi ko na alam kung sino sino ang nagsabi non. Nagulat pa ako dahil may nag-ayos ng buhok ko. Si Althea pala.

"Ayosin mo buhok mo." Anito.

"Nahihiya ako. Ang panget sakin." Hindi ako sanay! Hindi ako komportable! Sobrang balat na ang ipinapakita ko!

"Gaga! Ang ganda kaya." Puri ni Decilyn.

"Clar, ang sexy mo." Pataas taas pa ng kilay si Rhealyn. "Baka i-crushback ka na ni Ace niyan!" Tudyo nito sa akin na siyang ikinakilig ko at tuwa nilang tatlo. 

Dahil sa sinabi nito ay nawala yata bigla ang hiya ko at napalitan ng malanding idea sa utak.

Kailan pa ako natotoong lumandi?

"Bilhin mo na 'yan!" Sabay na sabi ni Althea at Decilyn.

Nagkatinginan naman silang tatlo at ilang sandali pa ay bigla nalang natawa na walang sali-salita.

Pag-uwi sa bahay ay sinukat kong muli ang binili na napili mismo ni Althea para ipakita kay mama.

"Maganda. Bagay sayo." puri ni mama sa akin habang ang kapatid kong si Grace...

"Yuck! Ano ka? GRO? Ampanget!" Sarap talaga suntokin nito. Kung 'di ko lang to kapatid nalintikan na 'to sa 'kin.

GRO agad? 'Di porket kita ng kunti ang clevage ko GRO na? 

Kinabukasan kunot noo kong pinagmamasdan ang mga kaibigan kong nakakumpol sa isang gilid. Lumapit ako sa kaila at, "hoy! Ano yan?" Pero ni hindi man lang nila ako pinansin kaya kahit may bag pa akong dala ay nakisik sik na rin ako.

Cellphone pala na may litrato ni Althea suot ang binili nilang bohemian ng boyfriend nito sa Gmall sa Tagum. Kulay puti at pula ang bulaklak nito. Halos magkapareho kaming dalawa ng susuotin ang pinagkaiba lang ay ang kulay at ditali ang sa tiyan bago maging crop top.

"Babe!" Maligalig na sigaw ni Althea at sinalubong ako ng yakap. "Pareho tayo ng style!"

"Oo nga eh. Ang ganda at sexy mo do'n sa picture. Pano pa kaya kapag naayosan na? Eh di naglalaway na boyfriend mo," sinundot sundot ko pa ang tagiliran niya.

"Eh ikaw rin naman ah!" Sabat naman ni Rhealyn. "Ang ganda at sexy mo sa damit mo. Pareho kayo ni Althea na mas lalo pang gaganda kapag naayosan."

"Oy! Pakita ng picture mo Clar suot ang damit mo." Hinge naman ni Jamaica.

"Sorry walang picture eh." Sagot ko at ngumiti.

"Hoy Ace!" Biglang sigaw ni Decilyn na nagpaalerto sa akin. Napatingin naman si Ace rito. "Crushback mo na si Clariz. Sige ka, baka maunahan ka."

"Ayyiiee!" Tudyo naman ng mga kaibigan ko at nakisali narin ang iba pang kaklase ko. 

Alam na kasi ng buong section na crush ko si Ace dahil talagang walanghiya ko itong sinabi sa loob ng classroom habang nakatingin rito.

Speaking of nagkatinginan, sa gitna ng pangtutudyo sa amin ng mga kaklase ay tumingin ito sa akin at biglang ngumiti.

"Hoy Alas!" Sigaw ko rito na ikinatigil ng lahat. "Baka umasa ako diyan sa ngiti mo masusuntok kita." Tumuwa lang ito na sinabayan ng kaklase namin. Ang galing!

Close naman ako kay Ace kaya nga Alas ang tawag ko rito dahil ayaw kong may kapareho kaya tinagalog ko. I like making nicknames to those people who I treasure and cared. Sa mga kaibigan ko na sina Jamaica, Jercel, Althea, Rhealyn at Decilyn ay Babe ang tawag ko.

September 23, 2019

Tuesday ay agad akong umuwi pagkatapos ng pagkatapos ng klase kasabay si Althea dahil madadaanan lang ang daan pauwi sa bahay nila.

Kaming dalawa lang ni Althea ang laging nagsasabay pauwi dahil prehong sa kaliwa ang daan namin habang ang iba naman ay sa kanan. Sina Jercel at Jamaica nga lang ay parehong maglalakad lang dahil nagre-rent sila ng kwarto habang sabay naman sina Rhealyn at Decilyn dahil magkapitbahay sila sa Rosario kagaya nina Jercel at Jamaica pero mas pinili nilang uwian kesa mag-board.

Pagdating sa bahay ay agad akong nagbihis pero sa kalagitnaan ng pagbibihis ko ay ang pagtunog ng cellphone ko na halatang sa messenger. Hindi ko pala na-off ang data.

Tinignan ko ito at siyang literal na nagpalaki sa mga mata ko at paghinto ng mundo ko.

Mark Teddy send you a message

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bn 001 book-00124   chapter 68

    ”What do you mean? Do you want to eat my flesh, or do you want to have sex with me?” I asked the man.After all, I had read my fair share of trashy romance novels and the term ‘I want to eat you’ was definitely open for interpretation. Perhaps my question was funny, but the man’s hand holding onto the tangerine dropped, and he excitedly asked me, “Why aren’t you scared of me? You’re not even crying!”Of course I was scared! I was so scared I wanted to immediately run down the mountain. Who would want to be with this supernatural thing? If he really wanted to kill me, it would be as easy as killing an ant. However, I could not show him fear since I still needed to trick him into eating the pill later, thus I told him, “You’re so good-looking. Who would be afraid of a good-looking person?”The man smiled and handed the tangerine in his hand to me. He looked to be in a good mood and sat down on a chair next to me. He asked, “Interesting. Why don’t you tell me what looks good about me

  • Bn 001 book-00124   chapter 67

    "You need to call your mother!" Ostana pushed past me as I opened the front door of the following afternoon, the sky painted orange and shades of deep blue as the November sun began to set, casting its rays through my new neighbourhood like puzzle pieces, and Laker smiled at me as he walked up to the door. A twinge of cigarette drifted off of him.

  • Bn 001 book-00124   chapter 66

    ALEXANDRA'S POINT OF VIEW"Baby, let's go." Biglang lumaylay ang mga balikat ko nang tawagin ako ni Mommy."Time is running. Halika na, bilisan mo."Nang salubungin ako ng tingin ni Mommy ay agad akong napayuko. Gusto ko pang kumain. Tumingin naman ako kay Daddy at nagbabasakaling matutulungan niya ako. Pero ganon nalang ang panlulumo ko nang makita ko siyang tumango at sinabing sumunod nalang kay Mommy.Bata palang ako, lahat na ng mga bagay na gugustuhin ko ay agad kong nakukuha. Isang turo ko lang sa bagay na gusto ko ay agad nila itong binibigay ng walang pag-aalinlangan. At kahit na masyado akong spoil, hindi parin nila ako pinapapabayaan. I mean, they're always there when I need them hindi kagaya ng iba na puro negosyo lang ang inaatupag. That is why I am so blessed and lucky to have

  • Bn 001 book-00124   chapter 65

    Didepannya kini terdapat tiang penyangga berwarna putih yang artinya ia bisa saja menabrak mukanya kalau saja Livian tidak menahannya tadi. Tapi yang menjadi pertanyaan, mengapa pria berumur jauh lebih tua darinya itu harus menutup matanya dan terlebih melingkarkan tangan di perutnya.Saat melihat itu Darla segera menggeser posisinya dan sedikit menjauh dari Livian."Perhatikan jalanmu, gadis muda. Hidungmu bisa saja menjadi korban, kau tidak mau hidungmu mancung kedalam bukan?"Livian pergi begitu saja dan meninggalkan Darla yang masih kaku karena kejadian tadi. Sumpah jantungnya seperti ingin keluar dari tubuhnya, mungkin dia ini kurang kasih sayang seorang pria jadi secara refleks dia merasakan seperti itu.Pada akhirnya Darla berjalan masuk kedalam rumah yang megah dan mewah itu. Tapi tiba-tiba gadis itu melihat kesana-kemari untuk mencari keberadaan Livian.Tempat yang lebih luas dari pada ruma

  • Bn 001 book-00124   chapter 64

    ----Confusion----The next morning came and my body felt like someone had tied a ton of rocks to it. My movements were sluggish and had no life or spunk to them. I forced myself to get up and get my day started even though I just wanted to hide in my room all day.

  • Bn 001 book-00124   chapter 63

    Part 2Third persons povHaya's friends were applying Mehendi while Haya was sipping orange juice with the help of her brother because she had applied Mehendi, after she was done she looked at her brother with puppy dog eyes."What" he literally barked because Haya was annoying him."I am hungry” she pouted."Haya like seriously, you want me to feed you” he answered controlling his anger."Fine I'll starve, but don't worry about me after I leave this house” Haya smartly used her words to which Ayaan walked into the kitchen silently."Eat” Ayaan stated."Don't need I think you have something important to do than wasting your time with me" Haya played along."Sorry baby sissy didn't mean to be rude” Ayaan pleaded."Then shut your mouth and feed me you asshole.” Haya answered in response Ayaan raised his eyebrows but kept quietAfter feeding her Ayaan cleaned her mouth and in the meanti

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status