Share

chapter 9

Author: gaojianxiong
last update publish date: 2023-12-01 16:04:49

              SUSUNDAN ko sana si Bliz ngunit hindi maaari sapagkat may napag-usapan kami ng mama niya at ni Zach at kailangan ko iyong tuparin.

              Nakarating na ako sa lugar na 'to at hinihintay ko na lang siya na dumating. Mayamaya pa'y may nakita akong isang kulay itim na kotse, pamilyar iyon at tama ang aking hula.

              Huminto sa harapan ko ang kotse na 'yon. Lumabas ang mama ni Zach at agad akong nagmano simbolo ng pagrespeto. 

              “Gumanda kang lalo,” bati niya sa akin. Napangiti naman ako at hindi ko maiwasan ang humanga sa kagandahang taglay niya. Nakasuot siya ng isang pulang mahabang bistida na bumagay sa maputi niyang kulay. Napakaganda niya at bata pa ako nang nakita ko siya. Malamang ay nasa pitong taong gulang pa lamang ako pero parang walang pinagbago ang itsura niya. 

              “Pasok ka sa kotse, Zayra. Punta tayo sa bahay.” Tatanggi sana ako pero binuksan niya na ang pintuhan ng kotse para sa akin. Hindi ako makatanggi dahil baka iba ang isipin niya kapag tinanggihan ko siya. 

              “Ano po bang pag-uusapan natin?” tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman ang pagngiti niya na nagpalabas ng dimple niya sa kaliwang pisngi niya. Pareho sila ni Zach na may hiwa ang kilay. Hindi ko alam kung pinalagay ba nila iyon o sadyang gano'n na talaga ang kilay nila dahil napakaangas tignan.

              “Sa bahay na,” sabi niya. Nanatili lang kaming tahimik sa biyahe at hindi ko rin magawang magsalita dahil para akong natameme at hindi makagalaw sa puwesto ko. 

              Nang makarating na kami sa bahay nila ay nabigla ako dahil ang akala kong bahay na itinutukoy niya ay 'yong bahay ni Zach pero nagkamali pala ako. 

              Huminto kami sa isang napakalaking mansyon, napakaganda ng mansyon na ito halatang milyon-milyon ang nagamit sa pagpapagawa nito. Ganito rin kalaki ang bahay namin ngunit mas pinili ko ang manatili sa bahay na tinutuluyan ko ngayon. Kaya rin walang tao sa bahay dahil nando'n sila sa totoo naming bahay, do'n sila namamalagi. 

              Sinundan ko siya papasok sa tahanan nila at nakita ko ang napakagandang chandelier at ang hagdanan na dalawa ang akyatan ngunit isa lang din naman ang kalalabasan. Nakakamangha ang laki ng bahay nila ngunit ramdam na ramdam ko ang pighati sa bahay na 'to. 

              Umakyat kami at dinala niya ako sa isang kuwarto na walang tao. Iniwan niya ako pansamantala at naghintay lang ako. Tinignan ko ang kuwarto na ito at panglalaki ang kuwarto na ito dahil kulay blue ang pintura at puro picture ng mga lalaking singer ang makikita. 

              May nakita akong isang frame na nakataob kaya kinuha ko 'yon at nang tignan ko ay nakita ko si Zach at Bliz na magkasama. Napakatatag ng pagkakaibigan nila.

              “Nagugutom ka ba? Oh heto.” Inilapag ng mama ni Zach ang dala-dala niyang pagkain at umupo siya sa tabi ko. 

              “Ang guguwapo ng mga anak ko 'no?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko. Magkapatid sila?

              “Magkapatid po sila? Kung hindi niyo po mamasamain ay gusto ko lang po malaman,” sambit ko sa kaniya. 

              “Magkapatid sila. Anak ko si Bliz sa ibang lalaki habang si Zach naman ay anak ko sa asawa ko ngayon. Malaki ang pagkukulang ko sa kanilang dalawa. Hindi rin matanggap ni Zach na kapatid niya si Bliz, nang una ay ayos lang sa kaniya ngunit habang lumalaki siya ay mas lalong tumitigas ang puso niya.” Bumuntong hininga siya at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. 

              “Magulo na ang pamilya namin at ngayon ay hindi ko alam kung tapat ba sa akin ang asawa ko. Hindi ko alam pero piling ko may iba na, may iba na siyang gusto. Nasasaktan ako bilang ina at asawa, hindi ko na alam ang gagawin ko.” Lumandas ang mga luha sa pisngi niya kaya niyakap ko siya nang mahigpit. Kaya rin siguro ganito si Zach ay dahil na rin sa pamilya niya. 

              Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanila pero naaawa ako para sa kanilang lahat. Nasasaktan ako sa mga nalalaman ko. 

              “Salamat, Zayra. Balita ko, nakikipagdate raw sa 'yo ang anak kong si Zach? Totoo ba?” Umayos siya ng upo at pilit siyang ngumiti sa akin. 

              “Opo pero hindi naman po seryosohan ang nangyari sa aming dalawa,” sabi ko sa kaniya. 

              “Mukhang ang babae pa rin na 'yon ang nasa puso niya. Nga pala, bakit niya ba hiniwalayan ang anak ko?” Lumaki ang mga mata ko dahil sa itinanong niya sa akin. Wala akong maisagot sapagkat hindi ko puwedeng sabihin na nabuntis si Mageline kaya siya nakipaghiwalay kay Zach. Hindi nila puwedeng malaman ang tungkol do'n. 

              “May nasabi ba akong mali? Mukhang nagulat ka. 'Di bale, huwag mo nang sagutin ang itinanong ko sa 'yo. Mas mabuti na rin na nakipaghiwalay siya para naman hindi na masaktan pa ang anak ko dahil sa mga kagagawan niya. Alam kong kaibigan mo siya pero sobra-sobra ang ginawa niya sa anak ko. Pinagmukha niyang tanga si Zach.” Napayuko na lang ako dahil hindi ko alam kung sino ang kakampihan ko. May mali si Mageline ngunit mas may mali si Zach dahil ipinilit niya pa ang kaniyang sarili sa taong hindi naman siya kayang mahalin o kahit man lang gustuhin. 

              “Sorry po. Ako na po ang humihingi ng tawad sa nagawa ng kaibigan ko,” nakayuko kong sabi. Hindi ako makatitig sa kaniya dahil nahihiya ako. 

              “Okay lang, wala kang kasalanan. Kaya gusto kita makita, gusto kong huwag mong sukuan si Zach. Gusto niya lang ng taong magpapakita at magpapamulat sa kaniya na napakahalaga niya at importante siya kaya pakiusap lang, wala ako sa posisyon para hilingin ito sa'yo. Sana huwag mong sukuan ang anak ko.” Itinaas ko ang ulo ko at ngumiti ako sa kaniya. Nginitian ko siya nang malapad. 

              Nakapagdesisyon na ako na kahit anong mangyari ay hindi ko susukuan si Zach. Mahal ko siya, sapat na 'yon na rason para hindi sukuan ang isang tao. 

              Sapat na 'yon, kahit hindi niya ako mahalin ay ayos lang. Makita ko lang siyang maging okay at masaya, kuntento na ako. 

              Mahal ko siya at sapat na 'yon, sapat na 'yon para maging dahilan ng pananatili ko sa tabi niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • GJX GN 21000000188   chapter 67

    — Глупышка, — я захватила рукой одну из её косичек. — Как ты могла так по-дурацки поступить, родная?! Знаешь, как я переживала??— Мне просто понравился шарик одного мальчика, вон он, — она указала на маленького мальчика, похоже, её возраста. Я прищурилась.— Шарик со СпанчБобом? Серьёзно?! Я бы его купила тебе!— У этого мальчика такой красивый брат, — она засмущалась, и щеки окрасились в какой-то лиловый оттенок. Я даже вздёрнула брови.— Какой ещё брат? — я снова посмотрела в ту сторону. Я не сразу заметила, что с тем мальчиком кто-то стоит. Это был какой-то высокий блондин в модных черных очках. Что-то мне казалось в нём знакомым, но я не придала волю подобным мыслям и каким-то размышлениям. Переживания за жизнь родной сестры растворили и хорошее настроение, и желание дальше гулять в воздухе. Внезапно она только и рванула к ним, сверкая пятками. Кто-то уже нарушил своё обещание, сказанное пару минут

  • GJX GN 21000000188   chapter 66

    "Help! Please!" Screams continue to fill in the air as everything was down in flames and there I was in the corner. Terrified and shivering as I see wolves ripping apart everyone they could see."Sarah! Run! Get out of here before it's too late!" My mother shouted as I see my father getting mauled in the distance. Sending shivers and terror into my soul. The blood spilling everywhere as I see my mother desperately trying to distract the wolves so that I could escape.I stood there shocked at first but I knew that standing around wouldn't do much. With a heavy heart, I took a deep breath, and as I was instructed. I ran away from the area. Not turning back to see what happened to my parents.I was just a frail little girl. Scared and alone as I saw right before my eyes how my village burned to the ground and my parents killed in front of me.I.. "HELP ME PLEASE!" I shouted into the night sky as trees surround me but neither hide nor hair is there to listen

  • GJX GN 21000000188   chapter 65

    "This is your baby's heartbeat."From the monitor screen connected to the transducer on my stomach, I could see that my baby was still tiny. Maybe I can say it looks like a lump of meat. Over there is the source of my baby's heartbeat. This miracle had not happened in last month's examination."Your baby's heart rate is normal." Doctor Luke said."Really? How do you know?"In a reclining position, I glanced at Sean. At first, he refused to take me to the hospital, but he suddenly agreed, and now asked questions as if he cared. Sean folded his arms, and his expression looked worried too. Why is Sean worried?"The frequency is stable, 145. You can listen carefully too." Doctor Luke loo

  • GJX GN 21000000188   chapter 64

    The annual Gala of Alpha's and Luna's took place every year at the end of the semester, that was the first week of July. Which was in a few days.Faith's brusies were non existent by this time and Dea had not hit her or given her any more injuries either. Alpha Rigie took a lot of interest in faith's personal life. Faith was not very happy with that but the pressure on her was high.Her sisters resented her even more. Dea avoided her mostly and on occasions yelled at her to the point where she did not have to beat her to bring tears to her eyes.In short, it was one hell of a one week that Faith endured.She was not that excited to leave for the Gala at first but after suffering the unnecessary amount of humiliation and badmouthing, Faith was happy to leave for a few days.Alpha Rigie picked Faith up in his car along with a few warriors. An Alpha never left his pack wit

  • GJX GN 21000000188   chapter 63

    Elsa tidak mengerti kenapa dia begitu gugup dan tegang, perasaan seperti ini tidak pernah disukainya. Namun ketika knop pintu diputar dan Leon muncul, jantung Elsa berdebar, berdebar dengan sangat menyenangkan, penuh antisipasi, gugup, dan ketegangan yang tinggi. Elsa berharap dia bisa bersikap dengan tenang, merespon dengan normal, setiap kali berhadapan dengan Leon. Akan tetapi, sepertinya itu sangat mustahil dilakukan. Terlebih dengan cara lelaki itu menatapnya saat ini.Elsa merunduk. Apa Leon akan benar-benar memarahinya? Dia sudah menunggu setidaknya selama lima belas menit yang terasa berjam-jam sampai Leon dan teman wanitanya selesai dengan acara makan malam mereka, padahal Elsa sendiri juga belum memakan apapun semenjak siang tadi. Dia lapar, namun tidak mungkin memiliki keberanian untuk menyuarakannya di hadapan lelaki itu.

  • GJX GN 21000000188   chapter 62

    Power surged her anger rising. Trying to catch my breath that was knocked out me, I shakily get to my hands and knees in time for her to flick her wrist again. This time feeling something grip my arms slamming me into the wall, my feet barely touching the ground as, I'm pinned to the wall by an invisible force. Agatha cocks her head to the side a mischievous smile, taking up her face. My air supply is suddenly cut off. I could feel the blood pulsing in my face, my throat felt like it was being crushed at the pressure on my windpipe from the invisible hands that gripped my throat. I could feel as my face change colour, my lungs screaming at me for air. I was choking.... dying....Turning her palm upright, I watched as a sphere started to form. Balancing on her open hand, growing in size and burning brightly. It looked like a smoke cloud with lightening trapped inside. This was it.... This is how I die.... I watch in horror as she throws the

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status