Compartir

chapter 20

Autor: gaojianxiong
last update Fecha de publicación: 2023-12-01 19:09:30

"KAIN muna tayo tapos nuod tayong movie," sabi niya ng makapasok na kami sa mall. Kahit may pasok ay marami pa ring tao.

"Ikaw bahala. Share tayo sa bayad ah."

"Kaya ko na, Wayde. Ako nagyaya." Nakangiti nitong sabi.

"Share na lang tayo, Aaron." Pilit ko pa pero umiling lang ito.

"Ako na. Tara na." At hinila niya na ako sa isang pizza house.

Um-order siya ng lasagna, pizza and drinks. Habang hinihintay ay nag-usap lang kami ng kung ano-ano.

"Kumusta ka pala, Wayde? Tagal nating hindi nagkita. Nang magkabungguan tayo no'ng nakaraan saka ko lang nalamang nasa isang university tayo." Masaya niyang sabi habang ang kamay niya ay nasa kanyang baba.

"Ayos naman. Ikaw ba? Kaya nga e. Ngayon ko lang din nalamang nasa iisa tayong university." Masaya ko ring sabi na iniikot naman ang mga mata sa paligid dahil nakatitig ito sa akin. At nakakaramdam ako ng pagkailang dahil doon.

"Ayos din. Magkasama pala kayo ni Jael no. Ngayon ko lang din siya napansin e."

"Oo, sinusundan yata ako no'n e." Natatawa ko pang sabi. "Nalaman ko nga palang sikat ka sa university. G'wapo puhunan e 'no?" Dagdag ko pa.

"Sikat? Hahaha. Hindi ko nga alam kung paano nangyari 'yon e. Dahil siguro sa mga kaklase ko. Pinagkakalat kag'wapuhan ko." Nakakaloko niyang sabi at nagpogi sign pa. Mas natawa naman ako sa kayabangan nito.

"Ang hangin ah," biro ko.

"Nagsasabi lang ng totoo Wayde." Mas lalo pa siyang ngumiti. Dahil singkit siya ay medyo nawala ang kanyang mata.

Dumating ang pagkain namin na puro tawa langs ang ginawa namin. Kung kanina ay medyo naiilang at kinakabahan ako sa kanya, biglang nawala 'yon at naging komportable na ako.

Nagsimula kaming kumain at puro kuwentuhan lang sa nakaraan ang pinag-uusapan namin. Habang inaalala ang nakaraan puro tawa lang ang ginagawa namin. Medyo pilyo kasi siya noon kaya 'yon ang sentro ng usapan namin ngayon.

"Naalala ko ngang lagi kang pinapagalitan ng teacher niyo kasi sobrang kulit mo no'n. Lagi pa kayong naghahabulan no'ng kaibigan mo... Sino nga 'yon?" Pagtatanong ko dahil nakalimutan ko na ang pangalan ng kaibigan niya na lagi niyang nakakasama sa kalokohan.

"Si Vin. Same university lang din natin, business course no'n kaya medyo malayo sa atin. Pero nagkakausap pa naman kami no'n. Sabi nga niya no'ng nakaraan nakita ka niya, e hindi naman ako naniwala kasi hindi naman kita nakikita sa university. Minsan lumalabas kami no'n, sama ka next time. Isama mo si Jael," sambit niya pa at sumubo ng pagkain.

Tumango-tango naman ako. Minsan ko na rin namang nakausap si Vin no'ng highschool kami kaya kilala niya ako. Ako lang talaga 'tong mabilis makalimot sa mga bagay-bagay.

"Sige, sabihin ko kay Jael. Alam ko magkakilala rin 'yung dalawang 'yon e."

"Magkakilala talaga sila. Sobrang close." Nagtaka naman akong napatingin dito.

"Sobrang close? Paano? E, hindi ko naman sila nakikitang nagkakausap yung dalawa." Kunot noo 'kong pagtatanong dito.

"Hindi mo ba alam?" Pagtatanong pa nito kaya umiling ako. "Crush kaya ni Jael si Vin dati."

"Weh? Hindi ako naniniwala," ani ko.

"Maniwala ka. Nagkakausap kaya 'yon sila lagi. Hindi mo lang napapansin, lagi ka kasing nakaharap sa mga drawings mo. Kaya nga medyo close rin kami ni Jael dahil kay Vin e."

"Seryoso talaga? Wala akong alam na crush ni Jael dati. Tapos si Vin pa. Sigurado ka talaga? Buti hindi nagalit si Vin, I mean lalaki si Jael tapos lalaki rin si Vin." Hindi naniniwalang sabi ko.

Imposible kasi talaga 'yon mangyari. Parang normal lang naman kasi si Jael dati kapag nakikita namin sila Vin. Kaya mahirap paniwalaan.

"Seryoso nga. Tanungin mo pa si Jael. Gusto mo pa pustahan e..." Ngiti niyang hamon sa akin kaya kinunutan ko siya ng noo. "Kapag tama ako labas ulit tayo." At tumaas baba pa ang kilay nito.

"Lalabas lang pala e. Sige ba." Matapang kong sabi sa kanya.

"At..."

"What meron pa?"

"Syempre, kung lalabas lang tayo. Sobrang bilis lang no'n. Kaya meron pa," sambit niya at ininom ang drink niya.

Sa rami na naming napag-usapan. Hindi na namin namalayang patapos na kaming kumain.

"Okay, okay. Ano pa yung isa?" Sabi ko rin at uminom na rin ng inumin.

"Liligawan kita."

Muntik ko namang mabuga ang ininom ko. Dali-dali niya naman akong inabutan ng tissue.

"Hey, ayos ka lang?" Nag-aalala nitong sagot.

"B-baliw ka b-ba?! Alam mong umiinom yung tao tapos magjo-joke ka ng ganyan." Mataray kong sabi at tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Mukha ba akong nagjo-joke? Seryoso 'yon, Wayde. Liligawan kita." Seryoso niyang sabi kaya naman napaayos ako ng upo.

"Bakit mo naman ako liligawan? Dahil do'n sa pustahan? Hindi naman kailangan e." Mabilis kong sabi. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nag-iinit din ang pisngi ko at hindi ko alam kung namumula ba ako.

"No. Hindi dahil sa pustahan. Kahit naman talo ako ro'n, balak pa rin kitang ligawan..." Sabi niya pa at may binulong pa siya sa huli pero hindi ko na narinig 'yon.

"Gagi. Lalaki ka, lalaki ako. Bakit mo ako liligawan?" Kahit kinakahaban ay nagawa ko pa rin 'yon itanong.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Halo-halo na at kulang na lang himatayin ako. Seryoso ba talaga? Si Aaron na crush ko, liligawan ako. Sigaw ng aking isipan.

"I'm bisexual..."

Hindi ako makakibo. Sobra akong nagulat sa sinabi niya. Hindi sa kan'ya na bisexual siya. Sobrang lalaking-lalaki siya kumilos. Marami pang nagkakagusto sa kanya dahil sobrang mabait at g'wapo tapos ngayon sasabihin niyang bisexual siya.

Tama nga 'yung ibang tao. H'wag manghusga base sa panglabas na anyo. Kailangan talaga ay kilalanin mo siya para malaman mo kung sino talaga siya.

"Hey, nakatulala ka na riyan. Tara na nga, nuod na tayong movie." Yaya niya at tumayo na.

Bumalik ang kanina kong nararamdaman na hindi komportable. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi niya.

Nang makapili na siya ng palabas ay siya rin ang nagbayad. Hinayaan ko na lang din dahil ayoko muna siyang kausapin. Pinili niya ay isang love story pero hindi ko 'yon mapagtuunan ng atensyon dahil iniisip ko yung kanina. Pati siya na nasa tabi ko lang ngayon.

"H'wag ka munang mag-isip ng kung ano-ano, Wayde. Mamaya na tayo mag-usap. Enjoy-in mo muna ang palabas." Bigla naman ako napatingin kay Aaron ba nasa kanan ko dahil sa biglang pagbulong nito. Sobrang lapit ng mga mukha naming dalawa na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Kita ko ang pagtitig ng kanyang mga mata sa aking mata. Hindi siya gumalaw, ni lumayo ay hindi niya ginawa. Nakatitig lang siya sa akin. Kung kanina ay puso lang ang apektado ngayon buong sistema ko na ang nagrarambulan sa loob ko.

Uminit ang pisngi ko, ramdam ko ang pagpula no'n pero wala ro'n ang atensyon ko kundi ang taong nasa harap ko ngayon. Hindi pa rin 'to lumayo hanggang sa unti-unti siyang gumalaw palapit sa akin.

Ramdam ko ang paghinga niya na tumatama sa aking mukha. Ang mata niyang kanina'y nasa mata ko ngayon ay nasa labi ko na. Unting lapit niya pa ang naramdaman ko na ang mga labi niya na nakalapat sa akin. Ilang segundong gano'n hanggang sa matauhan ako at tinulak ko siya. Kita ko namang natauhan din siya sa ginawa niya.

"Sorry, hindi ko napigilan." Bulong niya lang na narinig ko namab dahil magkatabi lang kami. Nakita ko ang pag-ayos niya sa kanyang upuan kaya gano'n na rin ang ginawa ko.

Wala akong tugon sa paghingi niya ng pasensya at nanuod na lang sa movie. Kahit wala akong maintindihan ay pinilit ko ang sarili ko na sa harap lang tumingin at h'wag tumingin sa aking gilid.

Natapos ang palabas ng walang imikang naganap. Sobrang awkward nito. Lumabas kami ng sabay at hanggang sa maupo kami sa isang bench ay wala pa ring nagsasalita. Nakikiramdam naman ako sa gagawin nito pero tahimik lang talaga itong nakaupo sa tabi ko.

"A-Aaron..." Pagtawag ko rito at tumingin pa ako sa gawi niya. Napatingin din naman ito sa akin. "'Yung kanina..." Hindi ko alam kung paano magsisimula. Kinakabahan ako at hindi ako sanay sa ganito. Wala akong alam sa ganito.

"Sorry, Wayde. Hindi ko kasi napigilan sarili ko." Mahina niyang sabi na narinig ko naman.

"Hmm," tanging nasambit ko.

"Hayaan mo muna akong magsalita. Ang rami 'kong gustong sabihin." Tumango na lang ako rito at nagpatuloy naman na siyang magsalita. "Gusto talaga kitang ligawan, Wayde. Hindi lang dahil doon sa pustahan. Kahit naman matalo ako, liligawan pa rin kita. I'm bisexual and wala akong pake kung lalaki ka at lalaki ako. Wala rin akong pake sa sasabihin ng iba. Matagal na kitang gusto, Wayde. Kaya nga sinabi sa akin ni Vin na nakita ka niya kasi alam niyang gusto kita."

"A-ano?" Utal kong tanong. Hindi ko alam ang gagawin. Shit! Ani ng aking utak.

Nakatingin lang kami sa isa't-isa ngayon. Nakangiti siya at ako naman ay hindi ko alam ang itsura ko habang nakatingin sa kanya.

"Kahit straight ka pa, Wayde. Liligawan kita. Ang tagal ko ring naghintay kaya ngayon nandito ka na sa harap ko, liligawan na talaga kita sa ayaw at gusto mo," sabi niya at hinawakan niya pa ang kamay ko na nasa aking hita.

"G-gusto rin k-kita, Aaron." Kinakabahan kong sabi. Nakita ko ang pagliwanag ng kanyang mukha. Ramdam ko ang paghigpit ng kanyang hawak sa akin.

"Gusto mo rin ako? Totoo ba 'yan? Wala ng bawian, Wayde." Masaya niyang sambit at umurong pa papalapit sa akin.

"O-oo. Matagal na rin. Kaya kung manliligaw ka, ayos lang." Mahina kong sabi na sakto lang para marinig niya.

Sobrang kaba ang nararamdaman ko habang sinasambit 'yon. Gusto ko siya, gusto niya rin ako. Why not give it a chance? Wala namang mawawala kung bibigyan mo ng chance ang isang tao.

"Kaso hindi alam sa bahay na ganito ako, Aaron. Ayokong ma-disappoint parents ko, Aaron. Kaya ayoking malaman nila."

"Ayos lang sa akin, Wayde. Ayos lang na patago. Ayos lang basta ikaw ang kasama ko." Malambing nitong sabi na ikinataas ng balahibo ko.

"Hindi ako sabay sa ganito, Aaron. Hindi ako sanay na may clingy sa akin." Paliwanag ko rito. Naintindihan niya naman 'yon kaya binitawan niya ang kamay ko.

"Ayos lang, Wayde. Kahit saan na komportable ka."

"Thank you, Aaron. Masasanay rin ako." Nakangiti 'kong sabi sa kanya.

Pagkatapos ng aminan na 'yon ay naglakad-lakad pa kami sa loob ng mall. Pero hindi na rin 'yon nagtagal dahil nag-text na sa akin si Mama na umuwi na ako.

Ihahatid pa sana ako ni Aaron pero nasabi niyang sa condo niya siya uuwi ngayon dahil maaga ang klase niya bukas. Hindi rin kasi ito sanay sa paggising ng maaga kaya kailangan nasa malapit lang siya kapag maaga ang pasok niya. Kaya naman hinatid niya na lang ako sa terminal ng bus.

"Ingat ka. Sorry hindi kita mahahatid ngayon. Ayaw mo rin naman kasi e."

"Kaya kong umuwi mag-isa tsaka mapapagod ka lang kapag hinatid mo ako tapos babalik ka rito."

"Okay, sige. Ingat ka, okay? Update mo ako kung nasaan ka na," sambit niya at um-okay naman ako. Umakyat na ako ng bus dahil magpupunuan na rin.

Magkausap lang kami ni Aaron sa chat hanggang sa makauwi ako. Nakita ko si Mama na nakaupo sa sofa at nanunuod ng tv. Lumapit naman ako ro'n at nagmano.

"Tapos na ba 'yong gagawin niyo sa school?" Pagtatanong nito, medyo kinabahan naman ako ro'n pero tumango na lang agad. "Mabuti naman. Magpahinga ka na muna niyan at tatawagin na lang kita kapag kakain na ng hapunan." Dagdag pa ni Mama kaya naman pumunta na ako sa kuwarto ko.

Alas-singko pa lang kaya namab medyo mahaba pa ang oras ko magpahinga. Nagbihis agad ako pagpasok sa kuwarto saka humiga sa kama. Kinuha ko naman ang phone ko na nilagay ko kanina sa kama habang nagbibihis ako. Pagbukas ko ay maraming message sa messenger. Ang iba ay galing sa group chat, ang iba ang private message galing sa mga kakilala, isa na ro'n kay Aaron at Erika.

Una 'kong binuksan ang kay Aaron, nagsabi lang ito na lalabas ng condo saglit at bibili ng pagkain para sa dinner niya nag-reply lang ako ng ingat siya at binuksan ko na ang kay Erika.

Erika Carido:

Nakauwi ka na? Kumusta ang date?

Ako:

Yes nakauwi na ako. Ayos naman. Bukas ko kuwento sa inyo ni April.

Erika Carido:

Bukas? Ngayon na hahahah. Baka malaman pa ng iba. Ikaw rin.

At dahil sa kakulitan nga ni Erika ay napakuwento ako. K'winento ka lahat puwera lang do'n sa halikang naganap sa sinehan. Kilig na kilig naman si Erika. Kahit chat lang ay makikita mong kinikilig ito.

Erika Carido:

Waaah! Ss na agad. So happy for u, Wayde. Pakisabi ingatan ka niya kung hindi ako mismo papatumba sa kanya hahahhajk.

Nag-reply lang ako sa mensahe niyang iyon at hindi na kami ulit nag-usap.

Nasabi ko rin kay Aaron na sila Erika at April lang ang nakakaalam sa nangyari ngayon at sana hindi siya madulas kay Jael. Sinabi niya namang hindi niya sasabigin kaya naging okay ang pakiramdam ko. Baka kasi kapag nalaman ni Jael ay malaman na rin ng buomg squad. Hindi sa ayaw 'kong sabihin sa kanila, sasabihin ko rin naman pero hindi ngayon. Hindi pa ako handa.

Natapos ang gabi ng magkausap lang kami ni Aaron. Napakasaya ngayong araw at hindi nawala ang ngiti ko hanggang sa makatulog ako.

"So, anong nangyari sa date niyo?" Pagtatanong ni April, kaming tatlo lang nila Erika ngayon sa corridor na pinagtatambayan namin madalas. Naghiwa-hiwalay kaming magkakaibigan dahil may iba't-iba kaming gagawin. Nasa harap ko ngayon si April at si Erika naman ay nasa kanan.

Ilang araw na ang nakalipas nang mangyari ang date namin ni Aaron at ngayon lang kami nagkaroon ng oras tatlo para makipagkuwentuhan. Nalaman kong hindi sinabi ni Erika kay April ang nangyari kaya ngayon ako ang magkukuwento.

"Ayos naman, Pril. Salamat pala do'n sa mga sinasbi mo..." Ngiti kong sabi. "Pero kahit minsan pala kahit alam mo na ang mangyayari sa isang date magugulat ka pa rin sa mga mangyayari."

"Bakit, ano bang nangyari? Niyaya ka ulit? Nag-confess na?" Atat nitong tanong na parang kinikilig pa.

Bigla namang uminit ang pisngi ko at tumango. "Actually... Nanliligaw siya ngayon."

"Wah! Sabi na e. Ayie. I'm so happy for you, Wayde." Kinikilig nitong sabi at humawak pa sa aking balikat at niyugyog 'yon.

"Grabe ka naman maka-react 'te." Natatawa 'kong sabi at natawa na rin siya. Binitiwan niya naman at umayos na ng upo sa harap ko.

"Ang cute niyo 'pag naging kayo. Shit, ini-imagine ko pa lang kinikilig na ako," sambit ng nakangiti na parang baliw.

"Sayang nga 'di ba. Matagal na raw siyang gusto ni Aaron at alam nating gusto niya na rin si Aaron matagal na. Kung naging kayo no'ng highschool pa lang mas sweet 'yon." Sabat naman ni Erika na kinikilig na rin.

"Oo nga, sabi nga nila maraming nagkakatuluyan kapag highschool nagsimula love story niyo."

Nagsimula ng mag-usap ang dalawa pero saglit lang nilang naging topic ang tungkol sa akin at nalipat na sa iba ang pinag-uusapan nila. Buti na lang din 'yon dahil medyo nahihiya na rin ako, pinagtitinginan kasi kami kanina ng mga dumadaan dahil nga sa kinikilig ang dalawang kasama ko.

"Hala, si Aaron oh." Napatingin naman ako sa itinuro ni Erika at do'n nakita ko si Aaron ng nakangiti habang papalapit sa amin.

"Wayde," sambit nito at narinig kong impit na tili ng mga kasama ko.

"Oh, bakit?" Tanong ko rito.

"Dinalhan kita food." Pinakita niya nga ang pagkain na dala niya at inabot sa akin. At nagpakawala na nga ng tili ang dalawa.

"Hindi ka na dapat nag-abala." Nahihiya 'kong sabi at tinignan sila Erika. "Nakakahiya mga 'te," bulong ko pero ngumiti lang silang dalawa.

"Gusto ko, Wayde. Kainin mo 'yan ah. Sabay tayong umuwi mamaya, pinapauwi ako sa bahay. Una na ako, may pasok pa ako." Huli niyang sabi sa akin at nagpaalam na rin siya sa dalawa.

Pagkaalis ni Aaron ay isang tambak na asar na naman ang natanggap ko sa dalawa pero hindi ko 'yon pinansin at tinext na lang si Aaron.

To: Aaron <3

Thank you, Aaron!

Sabi ko sa message at binulsa ko na agad ang phone ko. Tinignan ko naman ang plastic na naglalaman ng pagkain na dala niya. Nang silipin ko ito ay may sticky note pang nakalagay ro'n. At nang mabasa ko ito ay pinamulahan ako ng pisngi.

Wayde,

Kainin mo 'to ha? Eat well. See you later. Mwuah.

-Aaron


Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • GJX GN 21000000191   chapter 67

    a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a

  • GJX GN 21000000191   chapter 66

    Mikhail stared at Xander's wide back as he felt a burning gaze directed in his direction. He turned towards it to find a hooded young man who looked about his height glaring at him. He couldn't see the man's face but could tell from the way his jaw was stiffened that he was hostile towards him.Mikhail shifted uncomfortably at the door as he tried to avert his gaze from the man. Suddenly, Xander called out to the man as he watched the man turn towards Xander, his demeanor shifting completely.William...? that name sounds a little familiar... but I'm not so sure... It is a pretty common name... But why is he wearing a hood in the evening? Also... his gaze was pretty intense... Mikhail thought as he watched Xander riding off into the distance, the young man following suit, not sparing another glance his way."Then, I'll be leaving as well. It seemed the Ki... erm... It seemed that My Lord had a pleasant evening, I'll be sure to send y

  • GJX GN 21000000191   chapter 65

    Pragati was an orphan who was adopted by an Army officer at the age of 7 years, but her father’s enemy abducted and sold her. She was forced into prostitution. After 4 years, Random night Vyom Grover, mobster boss pays a visit to a traitor who stole his money and flew away to the same whorehouse where that traitor was harassing Pragati sexually. He couldn’t help but get attracted to Pragati at the first sight and purchased her from there.

  • GJX GN 21000000191   chapter 64

    Chapter 13: Cupid’s Job“Atheos Oras na para uminom ng gamot” sabi ng isang boses na hind

  • GJX GN 21000000191   chapter 63

    "Maaf," panik Elsa, segera meraih tisu di atas meja dan secara naluriah tangan Elsa bergerak untuk mengelap celana Leon yang basah, tapi bukannya membantu, bekasnya malah semakin melebar. Elsa merutuk dirinya sendiri karena tidak bisa fokus dan tubuhnya terasa seperti tersengat listrik ketika merasakan tangan Leon di pahanya, atau itu cuma khayalan Elsa saja? Tapi yang pasti, air yang tumpah dari teko itu tidak sedikit, nyaris membasahi setengah celana bahan yang dikenakan Leon.Leon mengerang dalam di tenggorokannya. Merasakan tangan gadis itu membelai pahanya membuat Leon menutup mata merasakan denyut tidak tertahankan yang terasa di bagian dirinya yang tidak jauh dari jemari Elsa berada sekarang.

  • GJX GN 21000000191   chapter 62

    Chapter 4Astrella POV:

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status