Share

chapter 51

Author: gaojianxiong
last update publish date: 2023-12-02 03:49:16

Dumating ang lambanang nakausap ni Lady Elia.

"Lady Elia, may dala akong mensahe para sa inyo mula sa mahal na reyna ng Fairydot." Wika nito.

"Magpatuloy ka lambana."

"Nais ng reyna na magtungo kayo ngayon sa kaharian ng Fairydot."

"Sa Fairydot?" Pagtataka niya.

"Ganoon nga." Tugon nito.

"Kung gayon ay gagawin namin. Maraming salamat sa iyong tulong lambana." Dugtong pa niya.

Itinaas niya ang kaniyang baston at nagliwanag ito. Bumukas ang lagusan patungo sa Fairydot at pumasok sila dito.

"Kung pupwede naman pala natin itong gawin,bakit hindi natin ito agad ginawa noon pa upang makarating tayo agad sa palasyo?" Tanong ni Jordan.

"Sapagkat walang lagusan patungo sa kagubatan ng Makabani. Katulad ng sinabi ko sa inyo noon pa ay ginamitan ni Mondevita ng kaniyang itim na salamangka ang buong kagubatan. Kaya kahit subukan pa nating magtungo doon gamit ang aking kapangyarihan ay wala ding mangyayari. Patuloy lamang tayong magbabalik sa ating pinagmulan. Ang tanging paraan lamang ay ang makarating tayo doon ng hindi gumagamit ng anumang kapangyarihan." Paliwanag niya.

Lumingon si Joyous sa paligid.

"Sandali lamang narito na ba tayo? Ngunit wala namang kakaiba dito. Nasaan ang kaharian ng Fairydot?"

"Pagmasdan mong mabuti Joyous." Wika ni Lady Elia.

Lumitaw ang isang berdeng daanan sa kanilang harapan. At ang dulo nito ay ang napakalaking kaharian na nakalutang sa hangin. Gawa ito sa mga kristal. Namangha silang lahat sa nakita.

"Nakalutang ito, paano tayo makararating doon gayong hindi naman tayo nakalilipad?" Tanong ni Linah.

"Tayo marahil ay hindi ngunit si Luminous ay oo." Wika ni Lady Elia at iwinasiwas ang kaniyang baston dito. Lumaki si Luminous at sumakay sila dito papasok ng Fairydot.

Nang makapasok na sila sa loob ng kaharian ay nagbalik si Lady Elia sa dati niyang kasuotan at muling lumugay ang kaniyang buhok. Gayundin si Luminous.

"Maligayang pagbabalik Lady Elia!" Isang pagbati mula sa isang tinig.

"Mahal na reyna." Wika niya at yumukod.

Ang reyna ay tunay na may kabigha-bighaning kasuotan. Mayroon siyang pakpak sa likod na nabubukod tangi lamang sa kaniya.

"Nagagalak akong muli kang makita, sa pakiwari ko ay mayroon kang dalang katagumpayan mula sa misyong inatang ko sa iyo." Nakangiting wika nito.

"Hindi ko po maaangkin ang ganap na katagumpayan hangga't hindi pa tuluyang napuputol ang sumpa sa palasyo ng Daffodil. Gayunpaman ay nagagalak akong ipakilala sa inyo si  prinsipe Paul Jay ang nawawalang prinsipe ng Daffodil at si binibining Marylane ang itinakda ng propesiya." Wika niya at hinawakan sa braso ang dalawa. Yumukod naman ang mga ito tanda ng paggalang.

"Ikinagagalak ko kayong makilala prinsipe Paul Jay at binibining Marylane. Nababatid kong naging napakalayo ang inyong naging paglalakbay kaya tanda ng aming kagalakan sa inyong pagdating ay  magdidiwang ang kaharian ng Fairydot." Wika ng reyna.

Ipinakilala ni Lady Elia ang iba pa nilang naging kasama sa kanilang paglalakbay.

Matapos ito ay nagkaroon ng malaking piging sa Fairydot tanda ng kanilang pagbubunyi.

Nagsasayaw ang lahat samantalang nawawala si Linah. Hinanap ito ni Marylane at Lady Elia. 

Habang naglalakad sa may hardin ay nag-uusap silang dalawa.

"Nasaan kaya si Linah bakit bigla na lamang siyang nawawala sa kalagitnaan ng kasiyahang. Hindi ko nais isiping na sa panganib siya." Pag-aalala ni Marylane.

"Huwag mong isipin iyan, Marylane. Maaaring nandiyan lamang siya sa paligid at masayang nakikisali sa kasiyahan. Bakit hindi na lamang tayo magbalik sa kasiyahan upang makipagsaya sa kanila kaysa sa nababahala ka dito." Alok ni Lady Elia.

"Marahil ay tama ka po Lady Elia. Bago sa paningin ni Linah ang lahat ng nakikita niya ngayon kaya marahil ay nakikisaya lamang siya kasama ang iba pang engkantada. Bumalik na lamang tayo sa kanila Jordan."

"Sandali lamang Marylane,may itatanong ako sa iyo."

Tumingin siya sa engkantada.

"Ano po iyon?"

Ngumiti si Lady Elia.

"Wala ka bang napapansin kay prinsipe Paul Jay? Ah ang ibig sabihin ko ay kay Jordan."

"Kay Jordan, katulad ng ano?"

"Kakaiba ang mga kinikilos niya."

Huminto sa paglalakad si Marylane at naupo sila.

"Ang ibig mo po bang sabihin ay may nagaganap na naman ditong konektado sa hipnotismo o ano pa man?"

"Hahaha. Kung ganoon ay manhid ka nga."

Nagkunot-noo siya.

"Po? Manhid?"

"Iniibig ka ni Jordan."

Hindi siya nakasagot.

"Namumula ka. Nakatutuwa kayong dalawa. Ang isa ay nagtatago ng nararamdaman habang ang isa naman ay nagmamaang-maangan."

"Huwag po kayong magsalita ng ganiyan Lady Elia. Ayaw ko pong magka-ilangan kami sa isa't-isa ni Jordan habang kami ay magkasama. At isa pa ay isa siyang prinsipe samantalang ako ay isa lamang simpleng dalaga."

"Hindi ka isang simpleng dalaga, Marylane. Ikaw ang na sa propesiya."

"Subalit ang prinsipe ay nararapat lamang sa isa ding prinsesa."

"Kilala mo si Jordan at alam mong hindi siya ganiyan mag-isip, Marylane."

Nagpatuloy sila sa paglalakad pabalik sa loob.

Samantalang mula naman sa bulwagan ay lumabas si Jordan. Nakasunod sa kaniya ang dalawang sila Luminous at Joyous. Nakakita siya ng isang bintana at mula dito ay tumanglaw siya sa kadiliman ng gabi.

"Hattcchoo!"

"Ayos ka lang ba, Jordan?" Tanong ni Luminous.

"Muntik na akong lumipad papalayo ng dahil lamang sa bahing mo." Wika ni Joyous.

"Tila sisipunin ako ng dahil sa kakaibang klima dito." Paliwanag ni Jordan.

"Alam mo bang wala ditong makukuhang halamang-gamot na katulad ng ipinainom namin sa inyo ni Marylane noong nilagnat ka? kaya kailangan mong ingatan ang iyong sarili. Lalo na at patutungo na tayo sa kagubatan ng Makabani." Wika ni Luminous.

Tumingin sa kaniya ang binata.

"Nilagnat?"

"Nakalimutan mo na ba? Noong nasugatan ka sa pakikipaglaban kay Jigz at sa kaniyang grupo ay nilagnat ka kinagabihan. Inalagaan ka ni Marylane buong magdamag." Paliwanag ni Joyous.

Naalala ni Jordan na pagkagising niya ay sinalubong siya ni Linah at sinabi nitong ito ang nag-alaga sa kaniya.

"Kung ganoon ay nagsisinungaling siya." Bulong niya sa sarili.

Lingid sa kanilang kaalaman na na sa labas si Linah at nag-iisip. Nakatanaw siya sa kabuuan na wangis ng Fairydot. 

"Dinig hanggang dito ang kasayahan sa loob ng Fairydot. Magarbo ang piging na inilaan para kay Jordan at Marylane. Mabuti pa sila at nakita na nila ang kanilang lugar sa mundong ito. Si Jordan..." Wika niya at nagbuntong-hininga.

"Nais mong mapasaiyo ang pag-ibig ng binatang iyon,hindi ba?"

Tumingin siya sa paligid.

"Sino ka?"

Lumitaw si Mondevita.

"Ikaw? Hindi ba't ang mangkukulam na kalaban nila Marylane at Jordan. Huwag mo akong sasaktan, pakiusap." Umatras siya.

"Hindi kita sasaktan binibini. Sapagkat alam ko ang iyong nararamdaman. Umibig din ako noon at nabigo kaya batid ko ang pakiramdam ng umibig sa isang taong iba ang iniibig. Narito ako upang makipagkasundo sa iyo."

"Anong iyong ibig sabihin?"

Inilabas ni Mondevita ang isang bote. "Buksan mo ang boteng ito at ipalanghap mo kay Marylane ang nilalaman nito. Mawawala ang kaniyang hininga at mamamtay siya. Pagkatapos noon ay mapapasaiyo na ang prinsipe ng Daffodil. Kaya kitang bigyan ng isang gayuma upang mapaibig mo siya sa isang iglap lamang."

"Hindi ko maaaring gawin iyan kay Marylane. Mabuti siya sa akin."

"Ngunit siya ang iniibig ng prinsipe hindi ba? Kaya hangga't nabubuhay siya ay hindi mapapasaiyo si Jordan. Pag-isipan mo ang sinabi ko Linah." Wika nito at iniabot sa kaniya ang bote.

Hindi nagtagal ay dumating na sila Marylane at Lady Elia sa kinaroroonan nila Jordan.

"Nakita niyo ba si Linah?" Tanong ni Luminous.

"Hindi Luminous. Ngunit marahil ay na sa paligid lamang siya upang magsaya. lalo na at na sa gitna naman tayo ng kasiyahan." Paliwanag ni Marylane.

"Ang mabuti pa ay kami na lamang nila Luminous at Joyous ang maghahanap sa kaniya." Alok ni Lady Elia sa dalawa.

Nagulat si Marylane sa sinabi nito.

"Iiwan nila kaming dalawa ni Jordan dito?" Isip-isip niya.

"Ahm.. huwag na lamang kayong umalis. Dito na lamang kayo. Marahil ay nariyan lamang si Linah sa paligid." Pagpilgil ni Marylane sa tatlo.

"Nais din naming mamasyal sa paligid." Paliwanag ni Luminous."

"Ngunit-"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya sapagkat humakbang na papalayo ang mga ito.

"Hay,hindi bale na nga lang. Kakalimutan ko na lamang ang mga sinabi kanina ni Lady Elia."

"Bakit,ano ba ang sinabi kanina ni Lady Elia?"

"Ah wala naman hehehe." Natatawang tugon niya sa binata habang ikinukumpas ang kaniyang mga kamay.

Dumungaw ang dalaga sa bintana.

"Tunay na napakaganda dito." Nalanghap niya ang malamig na simoy ng hangin.

Nakatingin lamang sa kaniya si Jordan.

"Ano ba ito, bakit ba ako kinakabahan?"

Isip-isip niya at pagkatapos ay pinukpok nito ang kaniyang dibdib.

"Masakit ba ang iyong dibdib, Jordan? Bakit mo ito pinupokpok?"

"Ah,wala naman. Medyo malamig lamang dito. Ahmm.. siya nga pala Marylane, salamat sa iyong pag-aalaga sa akin noong gabing nilagnat ako."

Nakatingin lamang sa kaniya si Marylane at naghihintay ng sunod niyang sasabihin.

"Pwede ba,huwag mo nga akong tingnan ng ganiyan." Wika niya at nagsimula na siyang mamula.

Nagtaka ito sa reaksyon niya.

"Walang anuman, Jordan. Hindi maikukumpara ang aking nagawa sa ginawa mong pagliligtas sa akin." Wika nito.

Dahandahang sumilip ang tatlo sa kanila habang nag-uusap silang dalawa.

"Maaari ba akong magtanong?" Tanong ni Jordan.

"Ano iyon?"

"Sino ang binatang kasama mo sa iyong panaginip doon sa bukal ng mithiin?"

Nag-isip si Marylane.

"Ah si Ryoma. Isa siya sa mga mabuti kong kaibigan noong naroon pa ako sa Jemeika." Ngumiti si Marylane habang sinasambit ito.

"May gusto ka ba sa kaniya?" Tanong nito habang nakatitig sa kaniya at sabik na hinihintay ang kaniyang isasagot.

Nagulat siya sa tanong nito.

"Ha? Magkaibigan lamang kami. At wala akong gusto sa kaniya. Wala ng iba pang namamagitan sa aming dalawa." Bakit mo ba tinatanong sa akin iyan?"

"Kung ganoon ay bakit ganiyan ka makangiti habang pinag-uusapan natin siya?" Tanong nito sa malakas na tinig.

"Sa-pagkat natutuwa lamang ako pag-naaalala ko siya dahil siya ang nagpapa-alala sa akin sa lupain ng Jemeika. Ganoon lang iyon.Sandali nga lamang bakit ka ba nagagalit?" Pagtataka niya.

"Hindi ako nagagalit." Inis na tugon nito.

Muling sumilip sila Lady Elia,Luminous at Joyous sa dalawa.

"Nag-aaway na naman ba sila?" Tanong ni Luminous.

"Hay,bakit ba ang manhid mo Marylane?" Wika ni Lady Elia habang humahawak sa kaniyang noo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • GJX GN 21000000191   chapter 67

    a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a a

  • GJX GN 21000000191   chapter 66

    Mikhail stared at Xander's wide back as he felt a burning gaze directed in his direction. He turned towards it to find a hooded young man who looked about his height glaring at him. He couldn't see the man's face but could tell from the way his jaw was stiffened that he was hostile towards him.Mikhail shifted uncomfortably at the door as he tried to avert his gaze from the man. Suddenly, Xander called out to the man as he watched the man turn towards Xander, his demeanor shifting completely.William...? that name sounds a little familiar... but I'm not so sure... It is a pretty common name... But why is he wearing a hood in the evening? Also... his gaze was pretty intense... Mikhail thought as he watched Xander riding off into the distance, the young man following suit, not sparing another glance his way."Then, I'll be leaving as well. It seemed the Ki... erm... It seemed that My Lord had a pleasant evening, I'll be sure to send y

  • GJX GN 21000000191   chapter 65

    Pragati was an orphan who was adopted by an Army officer at the age of 7 years, but her father’s enemy abducted and sold her. She was forced into prostitution. After 4 years, Random night Vyom Grover, mobster boss pays a visit to a traitor who stole his money and flew away to the same whorehouse where that traitor was harassing Pragati sexually. He couldn’t help but get attracted to Pragati at the first sight and purchased her from there.

  • GJX GN 21000000191   chapter 64

    Chapter 13: Cupid’s Job“Atheos Oras na para uminom ng gamot” sabi ng isang boses na hind

  • GJX GN 21000000191   chapter 63

    "Maaf," panik Elsa, segera meraih tisu di atas meja dan secara naluriah tangan Elsa bergerak untuk mengelap celana Leon yang basah, tapi bukannya membantu, bekasnya malah semakin melebar. Elsa merutuk dirinya sendiri karena tidak bisa fokus dan tubuhnya terasa seperti tersengat listrik ketika merasakan tangan Leon di pahanya, atau itu cuma khayalan Elsa saja? Tapi yang pasti, air yang tumpah dari teko itu tidak sedikit, nyaris membasahi setengah celana bahan yang dikenakan Leon.Leon mengerang dalam di tenggorokannya. Merasakan tangan gadis itu membelai pahanya membuat Leon menutup mata merasakan denyut tidak tertahankan yang terasa di bagian dirinya yang tidak jauh dari jemari Elsa berada sekarang.

  • GJX GN 21000000191   chapter 62

    Chapter 4Astrella POV:

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status