เข้าสู่ระบบTaong 1621
"Hiraya! Halika rito ineng!"
"Sandali ho ina!"
Agad akong tumayo, at pinagpag ang basang kamay ko sa saya na suot ko. Nilagay ko pa sa likuran ng tainga ko ang ilan sa mga himbla ng buhok ko, na humaharang sa mukha ko habang naglalakad.
"Ano ho iyon ina?" Tanong ko at naupo sa kawayan na upuan dito sa maliit na kubo malapit sa batis.
Kasalukuyan kasi kaming nandito sa batis dahil araw ngayon ng Sabado. Inatasan ako ni ina na mag laba dito, dahil wala naman akong masyadong ginagawa sa bahay. Kasama naman namin sila ama at yung nakababatang kapatid ko para maligo dito sa batis.
Tinuro ni ina si ama habang kumakain ito ng pakwan. Ibinaling ko naman ang tingin ko kay ama, na ngayon ay nag papaypay gamit ang kanyang salakot. Tinignan ko ang kapatid ko sa kanan ko, at tinulungan ito sa pagkain niya ng pakwan, dahil dumudulas iyon sa maliliit niyang mga kamay.
"Narito sa Nueva Ecija ang iyong tiya Theresa, kasama ang kanyang asawa na si Francisco. Dadaan sila sa bahay natin, mamaya bago sila bumalik sa Maynila," seryosong sabi ni ama kaya tumingin ako sa kanya.
"Sumama ka sa iyong tiyo mamaya," biglang sabi ni ama kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko habang nakakunot ang noo, "pupunta kayo sa Maynila at doon ka mag aaral," dugtong pa ni ama pero agad akong umiling.
"H-ho?" tinignan ko sila ama at ina, "papayag ho kayo na mawalay ako pansalamantala sa inyo?"
Walang pag aalinlangan naman na tumango si ina, "Sumama ka na anak sa iyong tiyo, panigurado mag babago ng husto ang buhay mo sa Maynila," ngumiti si ina sa akin at bahagyang pinasadahan ng kamay ang buhok ko, "Malaki at malayo ang maaabot mo, anak, pagdating ng panahon, " nakangiting dugtong biga.
"Saka anak," singit ni ama kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko, "mas marami kang matututunan sa Maynila," nakangiting aniya.
Alanganin kong tinignan ang aking nakababatang kapatid na si Hulyo na tahimik lang na nakayuko at pinaglalaruan ang mga daliri, "Kung kasama ko ho si Hulyo, eh papayag po ako."
Agad naman na umiling si ama sa aking kondisyon, "Hindi maaari, Hiraya. Ikaw ang panganay sa magkakapatid, kaya ikaw muna ang dapat mag tapos," binalingan niya ng tingin si Hulyo na ngayon ay kinakagat na ang kanyang daliri, "hayaan mo, balang araw ang kapatid mo naman ang makakapag aral sa Maynila."
"Pero---" hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahip agad akong pinatigil ni ama sa pagsasalita.
"Hiraya," mariin na pagtawag niya sa pangalan ko kaya naitikom ko nalang ang bibig ko, "hindi ba at gusto mo maging isang ganap na abogado tulad ko?"
Agad akong tumango, "Opo, ama. Ngunit---"
"Paano mo makakamit ang pangarap mo, kung hindi ka magpupunta sa Maynila kung saan may mas malaking oportunidad na nag aantay sayo anak," putol ni ama sa sinasabi ko, "naiintindihan mo naman ang gusto namin ng iyong ina na iparating, hindi ba?"
Dahan dahan naman akong tumango, "Opo...naiintindihan ko po," mahinang sabi ko at nakayuko.
"Kung ganon ate, ay sasama ka na kanila tiya papuntang Maynila?" Nahihimigan na tanong ni Hulyo bigla, kaya napako sa kanya ang tingin ko.
Pinalobo ko ang pisngi ko at dahan dahan na tumango, "Oo," tinignan ko sila ama at ina, "para sa pangarap ko."
Nginitian ako ni ina ganon din si ama, at dinampian ni ina ng mababaw na halik ang noo ko.
"Mabuti iyan anak."
Kinagabihan ay inayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko sa Maynila. Pinatulog ko na si Hulyo, dahil ayoko na makita niya akong aalis ngayong gabi. Hindi bale na, na magising siya kinabukasan na wala na ako sa tabi niya. Sa ngayon, gusto ko lang na hindi siya makita habang ako ay aalis.
"Hiraya! Nandito na ang iyong tiyo at tiya!"
Sinilid ko na sa ilalim ng unan ni Hulyo ang sulat na ginawa ko para sa kanya, saka ako tumayo para salubungin sila tiya. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa mga bagahe ko, habang binabagtaas ang daan papunta sa may labasan. Nang matanaw ko ang mga ulo nila tiya, ay matunog akong bumuntong hininga bago nag lakad ulit.
"Buenas noches tia," mahinang bati ko saka binaling ko ang tingin sa kanyang asawa, "tio," nakangiti kong aniya.
Nakangiting sinuklay ni tiya ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri, "Como estas, mi querida?" (how are you, my dear?)
Nakangiwi at alanganin kong tinignan si ina, nag babakasakaling naiintindihan niya nag lengwahe na binibigkas ni tiya. Wala kasi si ama na siyang nakakaintindi ng wikang kastila, dahil siya ay isang Kastila.
"Ay! Pasensya na," nakangiwing sabi ni tiya, "hindi nga pala kayo nakaiintindk ng wikang kastila," sabi ni tiya na para bang nabasa niya ang nasa isip ko.
"Kumusta ka na?" Tanong sa akin ni tiyo.
"Mabuti naman po," nakangiti, magalang kong sagot.
"Ang mabuti pa ay umalis na kayo, malayo pa ang byahe niyo pabalik ng Maynila," rinig kong sabi ni ama kaya napatingin ako sa kanilang dalawa ni ina.
Agad naman na tumango si ina at binalingan kami nila tiya. Nakangiti niyang inayos ang hibla ng buhok ko, at hinagod ng bahagya ang pisngi ko gamit ang likuran ng palad niya.
"Mabuti nga iyon," sang ayon naman ni tita at hinawakan ang magkabilang balikat ko, "mag paalam ka na, Hiraya sa iyong mga magulang. Tayo ay aalis na."
Hinalikan ko sa pisngi sila ina at ama bago ako nakangiting tumalikod sa kanya, para sundan sila tiya.
"Mag sulat ka anak ah!" Bilin ni ina bago tuluyan nawala sa aking paningin ang bahay namin.
Hindi ko namalayan ang oras, pagkagising ko ay papaangat na ang araw. Maraming mga kalesa ang nakikita ko kaliwa at kanan. Magaganda at matatayog na imprastraktura, na hula ko ay para sa mga kastila lamang. Mga babaeng mestiza na nakikipag usap sa wikang banyaga. Wikang hindi ko kinagisnan. Wikang ginagamit ng mga insulares at peninsulares.
Ako ay nasa Maynila na
Tumigil ang sinasakyan naming kalesa sa harapan ng isang malaking bahay. Sa labas palang ay makikita mo na ang karangyaan na tinataglay ng pamilyang naninirahan dito.
"Maaari ka ng bumaba, binibini."
Naibaba ko ang tingin ko sa kamay na nakalahad sa harapan ko. Sinundan ko ng tingin ang kamay na iyon papunta sa kanyang mukha. Hindi katulad ko na may kulay puting balat, siya ay may kayumangging kulay. May suot siyang puting pantaas, at kulay tsokolate na pambaba.
"Binibini?"
Nabalik ako sa realidad at alanganin kong tinanggap ang kamay niya na nakalahad, para ako ay alalayan. Pagkababa ko ay doon ko nakita ng buo ang bahay na nasa harapan ko.
May mga manok at mga makukulay na bulaklak, at maraming tao ang nag aalaga nito. Yung iba ay pinapakain ang mga manok, at iyong iba naman ay nag didilig ng mga bulaklak.
Iginaya ako ni tiya na pumasok sa loob ng kanilang bahay. Nauna kami ni tiya sa paglalakad, habang si tiyo ay nakasunod lang. Agad naman kaming binati ng mga tagapagsilbi nang makita nila kamibg tatlo na pumasok.
"Maligayang pag dating sa Maynila, Hiraya Flores," bati ng mayor doma sa akin, pagpasok ko sa kanilang silid.
Nakangiti akong tumango, "Maraming salamat po."
"Hiraya!"
Nilingon ko ang aking gilid, at nakita ko ang babae kong pinsan na nakarayo hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Kulay puti ang kanyang saya ganon din ang kanyang baro, nakapusod ang kanyang kulay tsokolateng buhok, at may pamaypay pa siya na hawak.
Naglakad siya papunta da akin, at sa bawat tapak niya ay maririnig mo ang tunog ng bakyang kanyang sinusuot. Tumigil siya sa harapan ko, at doon ko mas nakita kung gaano kaganda at kakutis ang kanyang balat.
Dahil malapit siya sa akin, kitang kita ko kung gaano kaganda ang kanyang kulay asul na mga mata, mahahabang pilikmata at ang kanyang matangos na ilong. Ang kanyang labi naman ay parang igunit, dahil sa sobrang perpekto nitong itsura.
Bigla naman akong nakaramdam ng hiya, gayong hindi naman nagkakalayo ang kutis at itsura namin pareha. Mas nakalalamang nga lang siya, kumpara sa isang tulad kong nalahian na ng lahing Pilipino
Sinunggaban niya ako ng yakap, "Maligayang pagdating sa Maynila, prima," kumalas siya sa yakap para tignan ako, "hindi ako makapag hintay para ikaw ay pumasok din sa parehang eskwelahan kung saan din ako nag aaral," nakangiting dagdag niya.
"Crisielda," tawag ni tiya sa kanyang anak, "ipakita mo sa iyong prima ang kanyang magiging kwarto," utos ni tiya sa kanyang anak.
Tumango naman agad si Crisielda, "Masusunod po, ina."
"Ang kwarto na ito ay malapit lamang sa kwarto ko, kaya maaari mo naman akong katukin kung may kailangan ka," sabi ni Crisielda habang pinapalibot niya ang tingin sa kwartong tutuluyan ko.
Naupo ako sa malmbot na kama at pinatitigan ang sarili sa salamin, "Gracias, prima," nakangiting sabi ko at tinignan ang aking pinsan.
Naupo sa tabi ko si Crisielda at hinawakan ang aking kamay, "Wala iyon. Itinuturi na kitang kapatid, gayong hindi naman talaga," tumawa siya ng bahagya kaya maski ako at nagaya.
Kinahapunan non ay sinama ako ni tiya, kasama si Crisielda, sa eskwelahan kung saan ako mag aaral. Nag palit ako ng damit dahil iyon ang sabi ni tiya sa akin. Mabuti nalang at tinulungan ako ni Crisielda sa pagpili ng baro't saya na isusuot ko, gayong hindi naman ako sanay na pang mayaman ang suot ko. Nasanay kasi ako na simpleng baro't saya lang, ay maayos na.
Ngunit pagdating sa eskwelahan, hindi kami pinayagan dalawa na makapasok sa loob mismo ng opisina ng eskwelahan, kaya naiwan kaming dalawa ni Crisielda sa labas.
Habang nag iintay kaming dalawa na makalabas si tiya, ay inaya ako ni Crisielda para mag libot sa Intramuros. Maraming bumabati Kay Crisielda habang naglalakad kami, at tanging nagagawa ko nalang ay tumango ng nakangiti sa tuwing ipinapakilala niya ako.
"Nakikita mo iyang simbahan na iyan," turo ni Crisielda sa simbahan na hindi naman kalayuan sa kinatatayuan namin dalawa, "iyan ang Basílica Menor y Catedral Metropolitana de la Inmaculada Concepción," nakangiti niya akong binalingan ulit, "diyan ko pangarap ikasal."
Nakangiti akong tumango tango, "Hindi malayong mangyari iyang pangarap mo, dahil ang pamilya niyo naman ay isa sa pinakamayaman at makapangyarihan. Kaya nga kayo nakatira dito sa loob ng Intramuros," nakangiying sambit ko at nagulat naman ako ng ilingkis niya ang braso niya sa akin.
"Kayo rin naman ah," hagikhik niya pero agad din naman akong umiling.
Ang aking ama ay isang kastila. Ang aming angkan ay puro kastila, ngunit tinalikuran at kinalaban ni ama mismo ang kanyang sariling lahi para sa amin. Para kay ina. Mahigpit na ipinagbabawal sa pamilya nila ama ang magpakasal sa mga Pilipino, dahil sila ay mga indio, ngunit si ama, ang panganay sa kanilang magkakapatid, ang hindi sumunod sa kasunduan na iyon. Kaya hindi na nakapagtatakha kung bakit galit na galit ang si lolo sa kanya. Sa sobrang sobrang galit ay tinanggalan niya ito ng mana, kaya nabuhay kami ng simple at walang karangyaan na natatamasa. Maski pagdalo sa mga okasyon, ay hindi kami pinapapunta dahil isa lang naman kaming kahihiyan sa angkan ng mga Flores. Mistulang nawala sa mga buhay ang panganay na anak ng mga Flores, na si Aguinaldo Flores dahil lamang umibig siya sa isang indio na si Herminia Sebilyon. Kaya nga nakagugulat ngang isipin na kinuha ako ni tiya, para pag aralin dito sa Maynila.
Sa aming magpipinsan, ako at ang kapatid ko lamang ang may dugong Pilipino. Ang buong angkan namin ay mga Español at tinuturing sila na mga Peninsulares. Mag Español na pinanganak at lumaki sa Pilipinas.Tanging ang pamilya ko lamang ang may ibang lahi. Pinagmasdan ko ang itsura ng aking aking pinsan mula sa gilid. Talagang sa unnag tingin palang ay malalaman mo na galing siya sa isang mayaman, makapangyariahan at maimpluwensyang pamilya. Habang kapag ako ay tinitignan, para lamang akong simpleng binibini. Hindi mayaman, hindi rin mahirap.
"Hala!" Bulalas ni Crisielda, "bumagsak na ang ulan!"
Hinawakan namin pareha sa magkabilang gilid ang aming mga saya, saka tumakbo papunta sa pinakamalapit na panceteria, para makisilong ng panandalian. Agad naman kaming pinaupo ng mga tao doon, at dali-dali na nagsipagkuhanan ng pwedeng ipunas sa amin.
"Magandang hapon mga señora," bati sa amin ng may ari nutong panceteria na pinagsisilungan namin, "heto po ang pamunas," abot niya sa dalawang puting panyo.
Agad namin ni Crisielda tinanggap iyon at pinunasan ang sarili, "Maraming salanat po, at mgandang hapon din po," nakangiti sabi namin pabalik ni Crisielda.
Yumuko pa ang may ari ng panceteria sa amin para mag bigay galang, bago ito umalis. Hindi naman niya kailangan mag abala ng pamunas, gayong hindi naman kami ganon nabasa. Saka, ano nga ulit ang kanyang sinabi?
Señora
Tipid akong napangiti sa aking isipan. Ako lamang ay natatawag na señora dito sa Maynila dahil ang alam lang ng nakararami ay isa akong Flores. Napapabilang sa isa sa mga mayayaman, maimpluwensya at makapangyarihang pamilya. Iyon lang ang alam nila, ngunit sa Nueva Ecija, ako lamang ay isang binibini o tagapagsilbi. Naninilbihan para sa mga mayayaman na pamilya para makatulong sa pamilya.
Tinitigan ko ang panyo na hawak ko, at tinignan ang aking pinsan na todo punas sa kanyang leeg at buhok. Bumuntong hininga ako, at itatago na sana ang panyo, nang mahagip ng mga mata ko ang bagong pasok sa panceteria na lalaking basang basa ang damit.
"Umalis ka dito! Nakakahiya sa mga señora na nandito!" Rinig kong taboy ng may ari ng panceteria sa lalaking bagong dating lamang dito.
"Sandali, magpapalipas lang ako---"
"Alis na sabi!"
Agad naman akong tumayo ay naglakad patungo sa kanila, "S-sandali lang po," pigil ko kaya napunta sa akin ang tingin nilang dalawa, nilang lahat.
"Paumangin señora Hiraya, ngunit paaalisin--"
"Huwag niyo na po siyang paalisin," putol ko at agad kong nakita kung paano nagulat ang may ari nitong panceteria sa sinabi ko.
Nakangiti kong binaling ang tingin ang lalaking mistulang basang sisiw, na nakatingin lang sa akin ngayon. Dumukwang ako palapit sa kanya, para maibaot ang panyo na hawak ko.
"Punasan mo na po ang sarili niyo," nakangiti kong sabi at kinuha ang kamay niya para ilagay doon ang panyo.
"Maraming salamat, señora."
Nang bumalik ako sa kinauupuan ng pinsan ko, ay namamangha niya akong tinignan.
"Kahit kailan, ang bait mo talaga," puna niya at hindi ko maiwasan tumawa ng mahinhin.
"Hindi naman, Crisielda,"tinignan ko yung lalaki na nagpupunas na ngayon ng sarili, "naaawa lang ako sa kanya, kasi pinaaalis siya dito gayong ang lakas na nga ng ulan sa labas."
"Si ginoong Lucas narito!"
Kumunot naman ang noo ko ng marinig kong may sumigaw mula sa labas. Nakita ko rin kung paano naging aligaga ang mga tao dito sa loob ng panceteria, at kung gaano kabilis nawala yung lalaking nag pupunas ng kanyang sarili kanina lang.
Dahil sa pagtatakha, dumukwang palapit kay Crisielda, "Sino si ginoong Lucas?" Bulong ko.
Nagugulat naman niya akong nilingon, "Hindi mo kilala?" Gulat niyang sabi at umiling naman ako, "Siya lang naman ang nag iisang anak ng gobernador-heneral," mariin na bulong niya.
Itinuon ko ang pansin ko sa lalaking bagong dating dito sa panceteria. Nakatayo lamang siya, hindi kalayuan sa amin dalawa ng pinsan ko. May suot siyang kulay puti na pangitaas, at ang manggas nito ay umaabot hanggang pulso, at puting pantalon. Inaayos niya ng bahagya ang kwelyo niya, pati ang kanyang buhok ay sinusuklay niya pataas gamit ang kanyang daliri. May hawak siyang puti na sumbrero na mukhang katatanggal lamang pagpasok niya dito.
May dalawang lalaki siyang kasama na may suot na Amerilana at may hawak na itim na sumbrero. Nakita ko kung paano libutin ng lalaking may pangalan na 'Lucas' ang buong panceteria, at nang sandaling mag tama ang mata namin dalawa, ay parang bumagal ang takbo ng mga tao sa paligid, hanggang sa unti unti iyong tumigil. Maging ang pag ikot ng orasan ay tumigil rin. Tanging naririnig ko lamang ay ang tunog ng ulan na nanggagling sa labas. Nakita ko kung paano sumilay ang tipid na ngiti sa kanyang labi, at ang bahagya nitong pag yuko upang mag bigay galang.
Naitikom ko ang bibig ko, saka dahan dahan na yumuko rin upang mag bigay galang sa nagbiisang anak ng Gobernador-heneral ng bansa. Nang iangat ko ang tingin ko, ay nasalubong ko ang titig niya na para bang hinigop ako non pabalik sa............
"Light!"
Napabalikwas ako sa kama ko ng marinig ko ang boses ng kapatid ko. Tinignan ko ang paligid ko, at natanto ko na nasa loob pa rin ako ng aking kwarto.
Naningkit pa ang mga mata ko ng biglang hawiin ng kapatid ko ang kurtina, para pumasok ang liwanag na nag mula sa labas. Paniguradong hinawi ng kapatid ko ang kurtina para pumasok ang sinag ng araw sa silid ko. Inis kong ginulo ang buhok ko, saka padabog na nahiga ulit.
"Rise and shine ate! Tulog mantika ka na naman eh," tawang sabi ni Dim at nagtatatalon sa kama ko, kaya hinagisan ko siya ng unan.
"Alis!"
Narinig ko siyang tumawa, bago niya isara ang pintuan ng kwarto ko. Matunog akong bumuntong hininga at napakamot sa mata ko. Dapat matutylog pa ako, pero nawala ang antok ko.
Matagal kong tinititigan ang kisame, hanggang sa maisipan ko na bumango mula sa pagkakahiga ko sa kama, para pumasok sa banyo. Habang nag sisipilyo ako ay hindi ko maiwasan isipin ang panaginip ko.
Sino ba iyon? Saka, bakit nasa panahon ako ng mga Kastila?
Umiling iling ako. Mukhang napasobra na ako sa pagbabasa ng mga historical books, at sumasama na ang imahinasyon ko hanggang sa panaginip ko.
Nang mapadaan ako sa malaking salamin dito sa kwarto ko, ay naglakad ako patungo doon para tignan ang sarili ko. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang brush, habang pinapasadahan ng tingin ang mukha ko.
Ako yung nakita ko sa panaginip ko eh, hindi ako nagkakamali.
"Light Madrigal! Bumaba ka na nga dyan!"
Tumango ako at binaba ang brush, "Nandyan na po! Sandali lang po!"
Naglakad na ako papunta sa pintuan, pero bago ako tuluyan makalabas, ay may napansin ako na papel na nakalagay sa likuran ng pintuan ko.
Nanginginig ang kamay kong kinuha ang post-it na iyon, saka sumandal sa pinto habang binabasa ang nakasulat doon. Wala akong masyadong maintindihan, dahil nakasulat iyon sa wikang kastila, pero iyong tibok ng puso ko ay sobrang lakas kaya nasisigurado ko na ang panaginip na iyon, ay hindi lang basta isang simpleng panaginip na nangyayari sa nakararami.
Isa siyang pangitain.
Isa siyang alaala na nabaon sa nakaraan
Nagpapakita na nabuhay na ako noon
Bago naging Light Madrigal, may Hiraya Flores na nabuhay
Ngunit, bakit ako bumabalik?
May kailangan ba akong malaman?
volvamos a encontrarnos en tus sueños mi amor
(lets meet each other again in your dreams, my love)
After binge-watching beauty videos online, a shy comic book fan masters the art of makeup and sees her social standing skyrocket as she becomes her school’s prettiest pretty girl overnight. But will her elite status be short-lived? How long can she keep her real self a secret? And what about that cute boy who knows her secret?After binge-watching beauty videos online, a shy comic book fan masters the art of makeup and sees her social standing skyrocket as she becomes her school’s prettiest pretty girl overnight. But will her elite status be short-lived? How long can she keep her real self a secret? And what about that cute boy who knows her secret?After binge-watching beauty videos online, a shy comic book fan masters the art of makeup and sees her social standing skyrocket as she becomes her school’s prettiest pretty girl overnight. But will her elite status be short-lived? How long can she keep her r
“Wait, stop,” I told Xander.“Why?” he looked up at me confused.“I think I heard something.”“I think you’re getting paranoid.”
I have always been referred to as the " school's smartest kid" ,shy girl or most recently, the tomboy, only my best friend Rachel and the rest of my family call me Tori . I used to be so much more than just a nerd but since dad died I just sort of morphed into someone else.My mom constantly complains of how boyish I have become but I really can't help it, I just want to be myself. My sisters don't really make things easy at all, they're just every bit as annoying and womanly as my mom.Tiana the eldest is a total hottie, she's had a string of boyfriends all her life and was the one who broke up with them first. This year, her most recent boyfriend, Matt broke up with her and she went crazy. I don't even know how she's gonna survive school without a boyfriend, I just know that I love that she doesn't have one - this is the perfect thing to use in tormenting her!Toni, my younger sister is just the most annoyi
Chapter 13: Cupid’s Job“Atheos Oras na para uminom ng gamot” sabi ng isang boses na hind
"Maaf," panik Elsa, segera meraih tisu di atas meja dan secara naluriah tangan Elsa bergerak untuk mengelap celana Leon yang basah, tapi bukannya membantu, bekasnya malah semakin melebar. Elsa merutuk dirinya sendiri karena tidak bisa fokus dan tubuhnya terasa seperti tersengat listrik ketika merasakan tangan Leon di pahanya, atau itu cuma khayalan Elsa saja? Tapi yang pasti, air yang tumpah dari teko itu tidak sedikit, nyaris membasahi setengah celana bahan yang dikenakan Leon.Leon mengerang dalam di tenggorokannya. Merasakan tangan gadis itu membelai pahanya membuat Leon menutup mata merasakan denyut tidak tertahankan yang terasa di bagian dirinya yang tidak jauh dari jemari Elsa berada sekarang.
Chapter 4Astrella POV: