Compartilhar

chapter 51

Autor: gaojianxiong
last update Data de publicação: 2023-12-02 03:49:21

SA PANAGINIP NI MARYLANE.

Namimitas si Marylane ng iba't-ibang uri ng bulaklak sa isang napakalawak na hardin. Aliw na aliw siya habang inaamoy ang mga ito. Hindi nagtagal ay tinawag siya ng kaniyang nakababatang kapatid na si Lothe.

"Ate.ate Marylane." Wika nito habang kumakaway sa kaniya. Tinanaw niya ito.

"Ate,handa ang pagkain, halika na upang makakain."

"Oo, susunod na ako." Tugon niya habang iniipon niya ang kaniyang mga napitas na bulaklak. Nagsimula na siyang lumakad patungo sa kinaroroonan ng kaniyang mga kapatid at mga magulang. Ang kaniyang buong pamilya ay masayang nagkukuwentuhan sa ilalim ng isang malaking puno. 

"Oh, Marylane halika na dito at niluto ko ang iyong paboritong pagkain. Maupo ka na."

"Opo ina. Maraming salamat po." Tugon niya at pagkatapos ay umupo. Tinanggap niya ang iniabot na pagkain ng kaniyang ina.

Nakita ni Lothe ang mga pinitas na bulaklak ng kaniyang ate.

"Tunay na magaganda ang iyong mga napitas na bulaklak ate. Maaari ba akong makahingi ng ilang piraso?"

"Syempre naman kapatid ko. Narito ginawan kita ng koronang gawa sa mga rosas."

Namangha dito si Lothe.

"Napakaganda! Maraming salamat ate."

"Walang anuman. Naisipan ko nga din sanang gawan sila Gani,Pau,Lim at Jim ng mga kuwintas na gawa sa bulaklak ngunit maaaring hindi nila magustuhan sapagkat sila ay mga lalaki."

"Tama ka ate Marylane." Tugon nito at nagtawanan sila.

Lumapit ang apat niyang kapatid at nagsimula na silang kumain ng magkakasama.

Masayang-masaya na nagkukuwentuhan ang kaniyang buong pamilya. Nababakas sa mukha ng dalaga ang buong kasiyahan. 

"Nabusog ako ng husto,maraming salamat ina. Kay tagal kong nangulila sa iyong luto at sa pagkakataong ito na muli ko kayong makasama ng gaya nito." Wika niya habang niyayakap ang kaniyang ina.

Napahinto ang lahat.

Nagtaka ang kaniyang ina.

"Ah anak,ano ba ang iyong sinasabi? Kailanman ay hindi ka pa naman nawawalay sa amin ng iyong ama at mga kapatid. Paano ka mangungulila?"

"Ha?" Napahinto siya na nagugulumihanan ng lubusan.

Biniro siya ng kaniyang ama.

"Marylane,anak. Tila yata nananaginip ka pa. Nakatulog ka ba kanina habang namimitas ng bulaklak?" 

Nagtawanan ang lahat ngunit si Marylane ay nakalutang ang pag-iisip sapagkat naguguluhan siya sa mga nangyayari.

SA KASALUKUYAN.

Napaisip si Jordan habang nakatingin kay Marylane.

"Magtatagpo ang panaginip? Mabuti pa siya alam niya kung ano ang kaniyang mithiin. Nakakatawang isipin na ngayon ko pa lamang maitatanong sa aking sarili kung ano ba ang aking mithiin o ang ninanais ng aking puso?"

Nagsalita si Linah,"Masaya na si Marylane. Bakit hindi na lamang natin siya hayaang maging masaya at tayo na lamang ang magpatuloy ng misyon?"

Tumingin sa kaniya ang apat.

"Nahihibang ka na ba? Paano mo naiisip iyan?" Tanong ni Luminous.

"Sapagkat hindi natin maibibigay ang kaligayahang tinatamasa niya ngayon. Tingnan ninyo kung gaano siya kasaya." Paliwanag nito.

"Ngunit paano ang misyon?" Tanong ni Joyous.

"Si Marylane ang na sa propesiya,Linah." Paliwanag ni Lady Elia.

"Magagawa ko din naman kung anuman ang magagawa ni Marylane. Hayaan ninyong ako na lamang ang humalili sa kaniya. Magiging makasarili tayo kung puputulin natin ang kasiyahan niya upang masunod lamang ang ating nais."

Tumingin sa kaniya si Jordan.

"Hindi mo ba narinig si Mondevita kanina? maaaring hindi na makabalik dito sa atin si Marylane."

Hindi na nakasagot si Linah.

Muli silang tumingin sa tubig.

"Sino siya?" Tanong ni Jordan.

"Siya si Ryoma ang kaibigan ni Marylane sa Jemeika." Paliwanag ni Joyous.

SA PANAGINIP NI MARYLANE.

"Ryoma,mabuti naman at nakabisita ka. Kamusta ka na? Kaytagal nating hindi nagkita. 

Nagkunot-noo ito.

"Kay tagal? Hindi ba't noong nakaraang araw lamang ay namasyal pa tayo? Kung ganoon ay nangangahulugan ba itong kaydali mong mangungulila sa akin." Biro nito sa kaniya.

"Hindi ko maunawaan sapagkat pakiramdam ko ay kay tagal ko kayong hindi nakita at nakasama."

Nagtaka ito sa sinabi niya.

"Marahil ay marami ka lamang masyadong iniisip. Nais mo bang mamasyal sa kapatagan upang maaliw ka naman paminsan-minsan?

Napaisip siya.

"Marahil nga ay tama ka masyado lamang akong maraming iniisip." Pag-iisipan ko ang iyong alok."

Ngumiti si Ryoma.

"Siya nga pala may isang bagay akong sadya kung bakit ako naparito."

"Ha? Ano iyon?"

Iniabot nito sa kaniya ang isang kuwintas. Buo ito at hindi nakahati.

"Kuwintas? Para sa akin ba ito?"

Tumango ito.

"Oo."

Tinanggap niya ito at tinitigan. Pumasok sa kaniyang alaala ang kuwintas na iniabot sa kaniya ni haring Zuris.

"Bakit may naaalala akong ganoong pangyayari?"

"Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong ni Ryoma sa kaniya.

"Ah hindi sa ganoon. Maraming salamat. Sa hindi ko malamang kadahilanan ay pakiramdam ko ay napakahalaga sa akin ng kuwintas na ito at matagal ko na  itong pag-aari." Hinigpitan niya ang pagkakahawak dito.

Natawa si Ryoma.

"Hahaha ganoon ba? Masaya ako sapagkat nagustuhan mo ito. Ibigay mo sa akin upang maisuot ko sa iyo."

Iniabot naman niya ito sa binata at isinuot ito ni Ryoma sa kaniyang leeg. Hinaplos niya ang nakasabit na puso dito.

SA KASALUKUYAN.

Nakatitig lamang si Jordan sa tubig.

"Lagot! Nakakaamoy ako ng selos." Wika ni Joyous.

"Tila nag-aapoy ang mga mata ni Jordan sa pagkakatitig kay Ryoma." Wika naman ni Luminous.

Lumapit si Jordan sa dalaga at hinawakan ito sa kamay.

"Nangako kang hindi ka aalis sa aking tabi hangga't hindi tayo nagtatagumpay sa ating misyon. Kaya gagawin ko ang lahat upang gumising ka. Hintayin mo lamang ako."

Nakatingin sa kaniya ang apat.

Nagsimula ng mahulog sa lupa ang isang talulot ng rosas. Tinawag ni Lady Elia si Jordan.

"Mahal na prinsipe kinakailangan na nating kumilos,nagsisismula ng mahulog ang mga talulot ng rosas sa lupa."

Tumayo siya.

"Hindi na tayo dapat pang mag-aksaya pa ng panahon." 

"Mag-iingat ka mahal na prinsipe." Wika ni Lady Elia.

"Pakiusap Jordan ibalik mo ng ligtas si Marylane." Wika ni Luminous.

"Mag-iingat ka." Wika ni Joyous.

Lumapit sa kaniya si Linah.

"Jordan, ingatan mo ang iyong sarili."

Tumango siya at lumapit sa bukal upang sumalok ng tubig. Matapos makainom ay nakaramdaman na din siya ng lubos na pagkaantok. Lumapit sa kaniya si Linah at hinawakan siya. Unti-unti siyang nawalan ng malay habang nakasandal siya dito.

Naglaho ang imahe ni Marylane sa tubig.  Ni si Jordan man ay hindi na ipinakita ng tubig kung ano na ang nagaganap dito.

Napuno silang lahat ng takot. Muling nahulog ang isa sa mga talulot ng rosas.

SA PANAGINIP NI MARYLANE.

Nang makaalis na si Ryoma ay naisipan ni Marylane magtungo sa kaniyang  munting hardin. Isa-isa niyang hinaplos ang kaniyang mga tanim na bulaklak. 

"Bakit ganito ang aking nararamdaman? tila mayroong nawawala sa aking alaala. Hindi ko malaman kung bakit ako nakakaramdam ng pangungulila. Ngunit kanino?" Napabuntong-hininga siya. 

Kinagabihan habang natutulog na siya ay nananaginip siya. Naririnig niyang may tumatawag sa kaniyang pangalan.

"Marylane." (Tinig ni Luminous)

"Marylane." (Tinig ni Joyous)

"Marylane." (Tinig ni Lady Elia)

Nakikita niya ang kaniyang sarili na na sa gitna ng kadiliman. Tumingin siya sa paligid.

"Sino kayo? Bakit ninyo ako nakikilala?" Tanong niya sa mga tinig ngunit walang sumagot sa kaniya.

Nakita niya ang isang binatang nakatalikod(si Jordan).

"Ikaw, sino ka? Humarap ka sa akin, pakiusap ipakita mo sa akin ang iyong wangis."

Nanatiling nakatalikod ang binata.

"Gumising ka na,

Marylane. Hinihintay ka namin.(tinig ni Jordan). At pagkatapos ay unti-unti itong naglaho.

"Sandali lamang..." Pinilit niya itong habulin ngunit naglaho na ng tuluyan ang nakatalikod na binata.

Nagising siya mula sa pagkakatulog at nang makabangon na siya ay hinawakan niya ang kaniyang suot na kuwintas.

"Sino ang mga iyon? Bakit ko sila napapanaginipan? Bakit pakiramdam ko ay nakikilala ko sila?"

Pagtataka niya at muling tiningnan ang kaniyang suot na kuwintas.

Dahil sa hindi siya mapalagay sa kaniyang panaginip ay napagpasyahan na lamang muna niyang lumabas upang magpahangin.

Habang na sa labas siya ay muli siyang nakarinig ng tinig.

"Marylane." (Tinig ni Jordan)

SA KASALUKUYAN.

Muling nahulog ang talulot.

"Nag-iisang talulot na lamang ang natitira! Ano nang gagawin natin ngayon?" Wika ni Luminous.

"Magtiwala lamang tayo na makakaya nila Marylane at Jordan na bumalik dito sa atin." Wika ni Lady Elia.

Lumipad si Joyous sa tiyan ni Marylane.

"Marylane, pakiusap gumising ka na!"

SA PANAGINIP NI MARYLANE.

"Ano ba itong nangyayari sa akin,bakit tila nananaginip pa ako? Kaninong tinig iyon?"

"Marylane, gumising ka." Wika ng tinig.

"Ngunit,gising na ako." Tugon niya dito.

"Ako si Jordan,pakiusap subukan mo akong maalala. Sila Lady Elia, Luminous, Joyous at Linah. Mga kaibigan mo kami at hinihintay ka namin." Wika ng tinig.

Gulong-gulo ang kaniyang isipan sa naririnig.

"Subalit wala akong maalala sa mga pangalang binabanggit ng tinig na iyon. Sino sila at bakit nila ako hinihintay?"

Biglang nagliwanag ang kaniyang kuwintas at naging kalahati.

"Nagliliwanag ang kuwintas ko,ano ang ibig sabihin nito?"

SA KASALUKUYAN.

Unti-unti nang nahuhulog ang pinakahuling talulot.

SA PANAGINIP NI MARYLANE.

Umangat ang kaniyang kuwintas at lumutang habang nagliliwanag.

Muling nagsalita ang tinig.

"Pakiusap Marylane gumising ka na."

"Ang tinig na iyon. Jordan,nakikilala na kita!"

Pagkawika niya nito ay naglaho ang kanilang tahanan at ang lahat ng na sa kaniyang paligid.

SA KASALUKUYAN.

Nagmulat ang mga mata ni Marylane at nakita niya si Joyous na na sa ibabaw ng  kaniyang tiyan. Samantalang dumapo naman sa kaniyang kamay si Luminous.

"Marylane!" Magkakasabay na sigaw ng mga ito.

"Masaya ako at nagising ka na Marylane." Nakangiting wika ni Lady Elia.

"Ano ang nangyari? Nasaan sila ama at ina?" Tanong niya habang tumitingin siya sa paligid.

"Marylane, panaginip lamang ang lahat ng nakita mo. Nakainom ka ng tubig dito sa bukal ng mithiin kaya nahulog ka sa malalim na pagkakatulog. At itong lahat ay gawa ni Mondevita." Paliwanag ni Lady Elia.

Sinubukan niyang unawain ang mga naririnig. Yumuko siya.

Muling niyang naalala ang tinig ni Jordan.

"Ang tinig ni Jordan ang gumising sa akin. "

"Marylane,bakit hindi pa gumigising si Jordan?" Pagtataka ni Linah habang isinasandal si Jordan sa isang puno.

Lumapit sila dito.

"Mahal na prinsipe,gumising ka na pakiusap." Tawag ni Lady Elia.

Humawak si Linah sa braso ni Jordan at paulit-ulit na inalog ito.

"Jordan, gumising ka."

Natakot si Marylane.

"Lady Elia,ano ang ating dapat gawin upang gisingin si Jordan? Bakit

hindi pa siya gumigising?"

"Maging ako ay nagtataka din Marylane." Tugon nito.

"Jordan,hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung may mangyayari sa iyong masama ng dahil sa akin." Wika niya at hinawakan niya ito sa kamay.

Nagmulat ang mga mata nito at tumingin sa kaniya.

"Mary-lane,gising ka na." Ngumiti ito.

"Oo at dahil iyon sa iyo. Narinig ko ang iyong tinig kaya ikaw ang gumising sa akin. Maraming salamat."

Bigla siyang niyakap nito.

"Natutuwa ako at nagbalik ka na. Tinupad mo ang iyong pangako."

Nagulat siya sa ginawa nito.

"Sa higpit ng kaniyang yakap ay hindi ako makagalaw.Nararamdaman ko ang napakalakas na tibok ng kaniyang puso." Isip-isip niya.

Nabigla si Linah sa nakita.

"Iniibig nga ni Jordan si Marylane." Bulong niya sa sarili at yumuko siya.

Tinapik ni Marylane ang balikat ng binata.

"Patawad,dahil sa aking palasyo ay kinakailangan mong magsakripisyo."

"Sa akin ang pasyang ito at ito ang aking pinili kaya huwag mo iyong alalahanin." Tugon ni Marylane.

Sumabat si Joyous.

"Ah.. may paruparo sa harapan ninyo. Hehehe."

Binitiwan siya ng binata.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • GJX GN 21000000192   chapter 67

    After binge-watching beauty videos online, a shy comic book fan masters the art of makeup and sees her social standing skyrocket as she becomes her school’s prettiest pretty girl overnight. But will her elite status be short-lived? How long can she keep her real self a secret? And what about that cute boy who knows her secret?After binge-watching beauty videos online, a shy comic book fan masters the art of makeup and sees her social standing skyrocket as she becomes her school’s prettiest pretty girl overnight. But will her elite status be short-lived? How long can she keep her real self a secret? And what about that cute boy who knows her secret?After binge-watching beauty videos online, a shy comic book fan masters the art of makeup and sees her social standing skyrocket as she becomes her school’s prettiest pretty girl overnight. But will her elite status be short-lived? How long can she keep her r

  • GJX GN 21000000192   chapter 66

    “Wait, stop,” I told Xander.“Why?” he looked up at me confused.“I think I heard something.”“I think you’re getting paranoid.”

  • GJX GN 21000000192   chapter 65

    I have always been referred to as the " school's smartest kid" ,shy girl or most recently, the tomboy, only my best friend Rachel and the rest of my family call me Tori . I used to be so much more than just a nerd but since dad died I just sort of morphed into someone else.My mom constantly complains of how boyish I have become but I really can't help it, I just want to be myself. My sisters don't really make things easy at all, they're just every bit as annoying and womanly as my mom.Tiana the eldest is a total hottie, she's had a string of boyfriends all her life and was the one who broke up with them first. This year, her most recent boyfriend, Matt broke up with her and she went crazy. I don't even know how she's gonna survive school without a boyfriend, I just know that I love that she doesn't have one - this is the perfect thing to use in tormenting her!Toni, my younger sister is just the most annoyi

  • GJX GN 21000000192   chapter 64

    Chapter 13: Cupid’s Job“Atheos Oras na para uminom ng gamot” sabi ng isang boses na hind

  • GJX GN 21000000192   chapter 63

    "Maaf," panik Elsa, segera meraih tisu di atas meja dan secara naluriah tangan Elsa bergerak untuk mengelap celana Leon yang basah, tapi bukannya membantu, bekasnya malah semakin melebar. Elsa merutuk dirinya sendiri karena tidak bisa fokus dan tubuhnya terasa seperti tersengat listrik ketika merasakan tangan Leon di pahanya, atau itu cuma khayalan Elsa saja? Tapi yang pasti, air yang tumpah dari teko itu tidak sedikit, nyaris membasahi setengah celana bahan yang dikenakan Leon.Leon mengerang dalam di tenggorokannya. Merasakan tangan gadis itu membelai pahanya membuat Leon menutup mata merasakan denyut tidak tertahankan yang terasa di bagian dirinya yang tidak jauh dari jemari Elsa berada sekarang.

  • GJX GN 21000000192   chapter 62

    Chapter 4Astrella POV:

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status