Share

chapter 16

Penulis: gaojianxiong
last update Tanggal publikasi: 2023-12-01 18:02:46

Pagkakahawig

Kasalukuyan kong inaayos ang mga panibagong damit ni Aokio nang bigla kong maramdaman ang marahang paghawi ng aking buhok mula sa likuran.

"Ate, humahaba na yung buhok mo. Hindi na siya ganoon ka maalon kagaya ng dati." anito at sinumulang itirintas ang aking buhok.

Pansin ko ngang mas tumutuwid ito sa paglipas ng panahon. Kailan ko nga ba ito huling ginupitan?

"Gugulo lamang ang aking buhok kapag ipinagpatuloy mo iyan Kio," babala ko rito.

Naging gawain na ng aking kapatid ang pag tirintas ng aking buhok sa tuwing napapansin niyang ito'y tumutuwid.

Ngunit kakaiba nga lang sa mga panahong ito dahil mas tuwid ito kung ikukumpara sa mga nagdaang buwan.

Ang kulay ng aking buhok hindi purong pula. Nahahaluan ito ng kaunting kahel at madalas na kumikintab kapag tinatamaan ng liwanag.

Hindi pinansin ni Kio ang aking babala dahil patuloy lamang ito sa pagtirintas.

Nang matapos kong tupiin lahat ng damit ay tumayo na ako upang ilagay sa lalagyan. Kasabay non ay ang pagbitaw ni Kio sa aking buhok hudyat na natapos na niya ito.

"Maganda tignan Ate. Tiyak na mas mapapadalas ang pagtitig ni Prinsipe Deo sa iyo."

Nagulat ako sa kanyang litanya. Wala sa sarili akong lumunok at liningon ang aking kapatid.

"A-Ano?"

Dumapa ito sa kama at pinatong ang kanyang baba sa kanyang mga brasong ginawa niyang suporta upang matingala ako.

"Ano ulit ang sinabi mo?"

Kumunot ang kanyang noo. "Yun po bang 'madalas kang titigan ni Prinsipe Deo?' totoo po yun Ate. Minsan ko siyang nahuling nakatitig sa iyo sa tuwing titingin ka sa malayo o nasa ibang bagay ang iyong atensyon. Hindi ko siya masisi, ganyan rin naman ako saiyo palagi." inosente pa itong ngumiti.

Isang problema ko kay Aokio ay ang pagsasalita niya ng mga bagay na nakakagulat ngunit nagagawa niya itong sambitin sa pinaka marahan na paraan.

Tumikom ang aking bibig.

Kahit ako'y nahuhuli ko rin siyang tinititigan ako. Ngunit may mga bagay sa mundo na hindi na dapat binibigyan ng kahulugan. Maaring may dumi lamang ako sa mukha kaya niya ako tinititigan.

Isa pa'y hindi lamang siya ang gumagawa non. Ang mga ganito ay hindi na dapat ginagawang malaking bagay sapagkat ito'y normal lamang. Wala ng iba.

Tinalikuran ko na lamang si Aokio at muling itnuon ang pansin sa mga damit na kasulukuyan kong inaayos.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkukubli nang bigla akong makaramdam ng init sa aking dibdib. Nag alab ang aking mga mata at agad akong nakatanggap ng mensahe sa aking isipan.

"Akira? Can you come downstairs?" si Eleanor.

Hindi na niya ako inantay dahil agad niyang pinutol ang koneksyon sa isipan namin dalawa.

Liningon ko si Aokio. "Bababa ako. Sasama kaba?"

Umiling lamang ito.

"Pag balik mo magdala ka nalang ng prutas o kahit anong matatamis," sambit nito habang nakataob sa kama.

Napailing na lamang ako sa kanyang sagot.

Dumaan ako sa engrandeng hagdanan at nagtanong tanong sa mga tagapagsilbi kung nasaan si Eleanor.

"Nasa tanggapan po siya ngayon at nagmimiryenda kasama si Harloise. Nais niyo po bang ipatawag ko siya?"

Umiling ako.

"'Wag na, maraming salamat."

Hindi na ako nahirapan pang hanapin kung nasaan ang tanggapan dahil minsan na akong dinala ni Rhiel dito.

Pagdating ko sa tanggapan ay naabutan ko ang Prinsesang nakikipag kwentuhan kasama ang isang batang babae. Kapwa sila nakaupo at may tasa ng tsaa at mga matatamis na pagkain sa mesang nakapwesto sa gitna nilang dalawa.

Nang magtama ng paningin namin ni Eleanor ay napatayo ito at lumapit sa akin.

"Akira!"

Nagulat ako nang hilahin niya ako upang mahigpit na yakapin, animo'y ilang taon kaming hindi nagkita sa higpit ng kanyang yakap.

"Paumanhin dahil naiwan kita kanina mag-isa sa aking silid. Bigla akong pinatawag ni Kiellion sa Phalmine dahil sa isang aberya." ngumuso pa ito.

Tipid akong ngumiti. "Ayos lang. Naiintindihan ko."

Hinila niya ako sa kalapit na upuan. Ngayon ay isang upuan na lamang ang hindi pa okupado.

Ang pag-upo ko ay ang naging dahilan upang tuluyan kong masilayan ang itsura ng batang babaeng kausap ni Eleanor.

Nakasuot ito ng kulay dilaw na damit na may puting disenyo.

Tila tanso ang kanyang buhok, ganoon din ang kulay ng kanyang kilay at pilik mata. Bata lamang siya ngunit litaw na ang kanyang kagandahan.

Suminghap si Eleanor. "By the way! Akira, this is Harloise. Harloise, this is Akira."

Nginitian ko ang bata.

"Ikinagagalak kong makilala ka Harloise,"

Ngumiti lamang ito sa akin sabay tango bago sumimsim sa kanyang tsaa.

Pansin ang pagkapino at pagka-elegante ng kanyang mga galaw. Halatang siya'y sinanay na kumilos na parang maharlika.

Tumikhim si Eleanor. "Si Harloise ay ipinanganak sa bahay ampunan ng Phalmine. Nadiskubre ko siya nang minsan akong dumalaw doon at nalaman kong siya'y anak ng isa sa mga matalik na kaibigan ni Ama. I took her and now she's living at our castle. Nang sa ganoon ay hindi ako ang nag-iisa'ng babae roon."

Rinihistro ko sa aking utak ang kanyang litanya.

Doon nasagot ang aking katanungan kung bakit pino at elegante ito kumilos. Siya pala'y lumaki kasama ng mga maharlika.

"Nasaan ang kanyang mga magulang?" hindi ko maiwasang magtanong.

Nangamba ako nang umiling si Eleanor.

"Wala kaming ideya kung nasaan na ang kanyang ama dahil matagal na kaming walang komunikasyon at hindi pa muling nagtatagpo ang aming landas. Gayunpaman ay nasisiguro kong kapwa sila buhay ng kaniyang asawa. Harloise's mother left the orphanage without traces a night after she gave birth. This left us hanging. Ni isa sa mga tagapangalaga ng bahay ampunan ay walang ideya kung bakit nangyari iyon at kung saan siya nagpunta..."

Kamuntikan akong maging yelo dahil sa sobrang panlalamig.

Pansin ang pagkakahawig ng pinagdaanan at kwento namin ni Harloise.

Hindi kaya'y...

Isang taong gulang si Aokio habang ako'y sampung taong gulang nang bumisita kami ni Ina sa bahay ampunan. Iyon din ang araw na siya'y biglaang naglaho.

Sa kaso ni Harloise, siya'y ipinanganak sa bahay ampunan at matapos ang isang gabi ay naglaho rin na parang bula ang kanyang Ina.

Wala ni isa sa mga taong naroon sa panahong iyon ang may ideya kung saan sila nagpunta. Kapwa wala ang kanilang mga asawa nang bigla silang naglaho. Kapwa rin nila iniwan ang kanilang mga anak...

At kapwa bahay ampunan ang naging saksi ng mga pangyayaring ito.

Isang tanong ang pumutok sa aking isipan: maari kayang maging konektado ang dalawang bahay ampunan?

"They even said that they forgot how my mom smell, how my mom sounds and how my mom looks. Tila inalis rin ni Ina ang kanyang mga bakas sa isipan ng bawat nilalang na kanyang nakasagupa." sumbat ni Harloise.

Nasa gitna man kami ng seryosong usapan ngunit hindi ko parin maiwasang purihin ang kanyang tinig sa aking isipan. Napagkutuban ko kaagad na magaling kumanta ang batang ito.

Kumunot ang noo ni Eleanor. "That's also a very big question. Maybe your mother is some sort of enchantress? A priestess? Sorceress or a... witch?"

Lihim akong nagulat nang tumaas ang isang kilay ni Harloise. Hindi ko inaasahan mula sa kanya ang galaw na iyon.

Ngumisi si Eleanor. "No offense,"

Nagsalin si Harloise ng panibagong tsaa. "Masyado ng sensitibo para sa akin ang usapang ito. Maari bang tungkol naman sa ibang bagay ang pag-usapan natin?"

Pinigilan ko ang pag-awang ng aking bibig. Pati ang kanyang ang paraan ng kanyang pagsasalita ay tila pangmatanda!

Bakit hindi naging ganito si Aokio?

Lumingon ito sa akin. "Can I ask about you Akira? I want to know you more..."

"A-Ayos lang,"

"Paano ka nga pala nakakaintindi ng Ingles gayong nasabi ni Eleanor na kahit kailan ay hindi ka niya narinig na magsalita ng ganito?"

Ito'y isang katanungan ko rin sa aking sarili.

Napailing na lamang ako habang bahagyang natatawa. "Tinuruan ako ng aming Tiya noong ako'y bata pa lamang. Kahit ako'y katanungan rin sa aking sarili kung bakit hindi ko hinahaluan ng Ingles ang aking mga salita. Siguro'y nasanay na ako sa ganito dahil ito'y kinalakihan ko na."

Napatango tango naman si Harloise.

"How about Aokio?" singit ni Eleanor.

Umiling lamang ako. "Masyado pa siyang bata upang turuan noong mga panahong iyon kaya ako lamang ang siyang natuto'ng magsalita ng ibang lenggwahe."

"Who's Aokio?" takang tanong ni Harliose.

"Her brother," tipid na sagot ni Eleanor.

"Pitong taong gulang na siya Harloise. Sa tingin ko'y magka-edad lang kayo,"

Kasulukuyan ko ng sinisimsim ang aking tsaa at lihim kong pinuri ang gumawa nito dahil sa lasa nitong kakaiba at panibago sa aking bibig.

"Im actually six." kaswal nitong sagot.

Halos maibuga ko ang tsaa.

Nanlaki ang aking mga mata. Hindi ako makapaniwala! Anim na taong gulang lamang siya ngunit kung kumilos at magsalita ay tila mas matanda pa ng ilang taon!

Mahinang napatawa si Eleanor. "Why didn't you taught him anyways? Marunong ka naman at mas maganda kung marunong din si Aokio upang gawing patas."

"Yeah," dagdag ni Harloise.

"Hindi kasi ako ganoon ka bihasa at hindi rin ganoon kalalim ang aking nalalaman patungkol sa ibang lenggwahe. Natatakot akong baka maling impormasyon ang maibigay ko sa kanya." sagot ko.

Tiyak na huhusgahan lamang si Aokio ng ibang nilalang kung ito'y magkamali sa pag gamit ng eksaktong salita. Marahil ito rin ang isa sa aking mga dahilan kung bakit madalang ko lamang haluan ng Ingles ang aking mga salita.

Mula noon ay iba't ibang lenggwahe na ang kumalat sa buong Gallia Liris. Ito ay noong Unang Pandaigdigang Digmaan.

Nang sinamantala ng mga normal na tao ang pagkakabukas ng lagusan papunta rito ay sumiklab ang gulo sa pagitan ng limang naglalakihang reyalmo laban sa mga ito. Nang humupa ang gulo ay isinara na ang lagusan at mahigpit na ipinagbabawal ang pagtawid sa kabilang mundo.

Ngunit may naiwan paring mga tao rito: sila ang mga sumanib sa amin at sila'y pinagbigyan na mabuhay dahil sa kanilang katapatan sa aming mga ninuno.

Umabot ang kanilang relasyon ng pagkakaibigan sa puntong ninais na ng aming mga ninuno na humiram ng ibang lenggwahe na kanilang nalalaman.

Simula non ay iba't ibang lenggwahe na ang nagsabog sa bawat emperyo at may piling lenggwahe na siyang itinuturo sa matataas na paaralan ng bawat reyalmo.

Ito ang naging dahilan kung bakit tanging maharlika at may kaya lamang sa buhay ang nakakapag aral ng iba't ibang klase ng lenggwahe.

Nag kwentuhan pa kaming tatlo hanggang sa sumapit ang dapit-hapon.

Kasulukuyan na kaming nakatayo ni Eleanor sa labas ng palasyo habang pinagmamasdan si Harloise na sumasampa sa kabayo ni Taniel - ang kanang kamay ni Haring Kiellion.

Hindi ito pinahintulutan ni Kiellion na manatili rito kaya magmula kahapon ay hatid sundo na ito ni Taniel. Ni hindi ko man lang agad nalaman na narito na pala siya kahapon.

"I had a great time today Akira. See you tomorrow?" anito habang nakangiti.

Nginitian ko rin siya pabalik. "Bukas ulit. Pipilitin kong lumabas sa aming silid si Kio upang magtagpo kayong dalawa."

"Drive safely Taniel. Goodbye Harloise!" ani Eleanor.

Kumaway lang ito at sumandal sa likuran ni Taniel.

"Mauna na kami Mahal na Prinsesa at Akira." ani Taniel at tumango bago sinimulang patakbuhin ang kabayo.

Nang mawala sila sa aming paningin ay nagsimula na kaming maglakad papasok sa palasyo.

"Hindi ba sila inaabot ng gabi?" takang tanong ko kay Eleanor.

Isang beses ko lamang naranasang maglakbay sa ibang reyalmo kaya wala akong ideya kung ilang oras ang aabutin kung magtutungo sa Phalmine.

Mahinang tumawa si Eleanor. "Yes. No need to worry. Isa pa, may sikreto kaming daan magkaibigan upang mabilis makatawid sa reyalmo ng isa't isa. Sa katunayan ay minuto lamang ang bibilangin saka ka makakatapak sa ibang reyalmo."

Napatango na lamang ako.

Hindi na nakakapagtaka dahil minsan ko ng nasaksihan na nagsi-uwian ang mga Prinsipe ng ibang reyalmo kahit malalim na ang gabi, sakay lamang ang kanilang mga kabayo.

Mayroon pala silang sikretong daan.

Naghiwalay lamang kami ni Eleanor nang umakyat ako sa ikalawang palapag habang siya'y didiretso muna sa pangunahing silid aklatan.

Tutulak na sana ako papunta sa silid namin ni Kio nang may biglang sumipol sa kabilang pasilyo.

Nang lingunin ko ito ay nakita ko si Deo na marahang naglalakad habang pinapaikot sa kanyang daliri ang isang susi, kapwa nakatuon ang kanyang mga mata sa akin.

Tumigil ito sa paglalakad nang isang metro nalang ang agwat namin sa isat isa.

"Bagay sa 'yo," anito at ngumisi habang pinapasadahan ng tingin ang aking katawan na suot ang damit na siyang binili niya para sa akin.

"Hindi ko alam kung anong basehan mo upang masabi mong bagay sa akin ito." sinikap kong gawing payak ang aking boses.

Sa hindi malamang dahilan ay tila gusto kong takpan ang aking kaliwang pisngi dahil muli kong naramdaman ang kanyang mga labi roon.

Kamuntikan ko pang masampal ang aking noo dahil sa ideyang iyon.

Tumaas ang isa niyang kilay.

"May sarili akong pag-iisip Akira. Gugustuhin ko ang mga bagay na gusto ko at iiwasan ko ang mga bagay na ayaw ko. Ganoon lamang ka simple. Hindi ko na kaikangang ipaalam sa iyo ang aking mga iniisip oras-oras."

Nagsimula kaming maglakad patungo sa kung saan.

"Hindi iyon ang nais kong iparating Deo..."

Sarkastiko siyang tumawa. "Don't be too obvious Isidore. Alam kong interesado ka sa akin." ngumisi pa ito.

Bakit nakaramdam ako ng inis nang sambitin niya ang aking ikalawang pangalan?

Napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil rin siya.

Nakangisi siyang bumaling sa akin habang ako'y kunot noo siyang tinitigan.

"A-Ano bang pinagsasabi mo?" pinagkrus ko ang aking mga braso. "Hindi mo ako lubusang kilala Deo. 'Wag mo akong maliitin."

Naglaho ang kanyang ngisi at napalitan ito ng blangkong ekspresyon.

"Minsan ay sumusobra ka Deo. Masyado kang mapagmataas na umabot sa puntong pati pag-iisip ko'y pinapangunahan mo na rin. Hindi ibig sabihin na kahit hindi tayo magkasing-taas ng antas ay maari mo na akong maliitin at umasta na animo'y matagal mo na akong kilala. Marami akong mukha Deo. Iba ako sa tuwing narito sa iyong harapan at ganoon din sa tuwing ako'y nasa harap ng ibang tao."

Tila ibang tao ang kumakausap kay Deo ngayon.

Doon ko napagtantong napakalaki na ng aking pinagbago magmula noong umalis kami ni Kio sa puder ni Tiya Danet.

Ang dating Akira na tinatapakan ang sarili at palaging humihingi ng kapatawaran kahit walang kasalanan ay naglaho na. Ang dating Akira na may preno ang bibig ay naglaho na rin.

Unti unti na akong nahuhubog sa panibago kong kaanyuan.

Tumikhim si Deo at inilihis ang paningin sa akin.

"It was just a joke don't take things seriously." anito at nagalakad papalayo.

Sinundan ko lamang siya ng tingin.

Tila nakaramdam ako ng konsesya dahil doon. Wala sa sarili kong insip ang aking mga salita. Siguro nga't biro lamang iyon ngunit anong magagawa ko? Ang pagkatao kong ito'y parte ng aking sarili.

Ngunit tila isang punyal ang tumurak sa aking dibdib habang pinagmamasdan ang kanyang bulto na unti-unting lumiliit sa aking paningin.

Nahanap ko nalang ang aking sarili na dahan dahan siyang hinabol hanggang sa tinakbo ko nalang ang distansya sa pagitan namin.

"Teka sandali!"

Pinamulat sa akin ni Ina at Tiya Hagda na maging babae ng kanyang mga salita. Ngunit heto ako na unti-unting nilalamon ang aking sinabi.

At sa kauna unahang panahon ay ako ang kusang humawak kay Deo.

"Paumanhin..."

Hindi ko alam ngunit tila dumikit ang aking kamay sa kanyang braso na siyang hinila ko upang magtagpo ang aming paningin.

Kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin.

"Sa totoo lang ay b-biro lang din iyon..."

Sarkastiko siyang ngumisi. "Sa haba ng iyong sinabi ay biro lamang iyon? Nakakatuwa Isidore. Nakakatuwa ang iyong biro." anito habang ang kanyang ekspresyon ay blangko.

Mukhang hindi ako makakapagsinungaling.

"P-Paumanhin Deo, nadala lamang ako ng aking emosyon. Ako'y nagbago na at mabilis na maapektuhan sa mga simpleng salita. Hindi ko rin agad napagtanto na iyon ay biro lamang. Mabigat sa aking loob ang ideyang ikaw ay nagtatampo sa akin..." halos mamura ko pa ang aking sarili dahil sa huli kong sinabi.

Naiyuko ko kaagad ang aking ulo. Sana pala'y hindi ko iyon dinagdag.

Tinanggal ni Deo ang aking kamay na nakawahak sa kanyang braso at diretsong tumingin sa akin.

Nagulat ako nang ngumuso ito sa aking harapan, kasabay non ay ang pagbagsak ng kanyang balikat.

"Wag mo akong kausapin sa ganyang paraan Akira. Magpasalamat ka at kasulukuyan akong nagtatampo sa iyo, kung hindi ay baka nahagkan na kita. Nagtatampo ako Akira, nagtatampo si Deo."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • GJX GN 21000000195   chapter 67

    a a a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a

  • GJX GN 21000000195   chapter 66

    I heard the small wail of the kitten coming from Eloim’s room. I moved up the creaking stairs.“What happened?” I asked. “You have to be careful with pets, they don’t like it when you play rough,” I told Eloim as I walked in.He had a couple of small scratches on his hands, so I took him downstairs and cleaned them properly. I found it odd that he didn’t cr

  • GJX GN 21000000195   chapter 65

    After two weeks Ani's uncle, Yangmi decided to have a talk with her about her future plans. He went to her room and saw Ani was holding his dad's portrait staring at that. He sat beside her and caressed her head."Ani, do you want to go back to Seoul or do you want to be here?," asked Yangmi.

  • GJX GN 21000000195   chapter 64

    Imose woke up to the crow of the Cock. The room was dimly lit. The oil lamp glowed lazily. Getting up she picked the broom made from Palm fronds laying beside the mud bed and walked out of her hut to sweep her father's compound.Imose was an only child. Her mother had died at her birth, and her father, Chief Idemudia, had refused to marry another wife for he loved his wife dearly. He raised Imose with the help of his sister who later died of a strange ailment. People called Imose cursed but to Chief Idemudia, she was his priceless jewel. The symbol of the love between him and his late wife.The night had given way for the day by the time Imose was through with sweeping the large compound. She went into her father's hut to greet him. She saw him seated on his rafter chair inhaling snuff. She went on her knees and greeted "Lamogun baba". Chief Idemudia smiled and signaled for her to get up and asked about her night. She returned the smile, telling him she slept like

  • GJX GN 21000000195   chapter 63

    I feel someone pick me up and instantly open my eyes. I see that I'm in Damien's arms. "Good to see that you're awake." I can tell that he is teasing me from the tone of his voice. I start to squirm for him to put me down.Once he puts me down I stretch and look around the room. I see that Xavier is still at his desk doing work. I groan at the thought of being in this

  • GJX GN 21000000195   chapter 62

    Jenna's POVI rushed upstairs as the anger was stronger and more powerful than my judgement, not thinking about the repercussions that would follow. Who the fuck he thinks he is asking me to wear that slutty dress like I was a scarlet paid by the hour to satisfy his dirty needs? I wasn't going to stick with that no matter what he would say. I allowed him too much already and that was the last drop. I found him outside, measuring the garden with his eyes, probably thinking about the setup for the party tomorrow.“Hey, asshole!” I shouted throwing the dress in his face.” What the fuck should I do with that?” I asked ferociously, pointing to the clothe that was now in his hands. ” You can take it and shove it up your ass. I’m not wearing that.” I stated feeling my face burning from the blood rushing through me. He looked like he got struck by the lighting for a moment but that was only temporary as he quickly closed

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status