Share

chapter 60

Author: GN001
last update publish date: 2023-12-02 06:04:19

[ PAIZLEE'S POINT OF VIEW ]

"5578....5579....5580...and 5581"  Napangiti ako dahil sa perang naipon ko kahapon. Akalain mong nakaipon ako ng 5581 galing sa pagkanta ko kahapon. Mabuti nalang at maraming naghulog kaya nakaipon ako ng ganito kalaking pera. 

"Pwede na 'to, mababawasan kahit papaano ang kailangang pera para sa operasyon ni tatay,” Kahit bumalik ako dun ng isang beses ay hindi pa rin mababayaran ang kabuuan ng kakailanganing pera.

Habang naglalakad ako ay may nakita akong spray paint sa daan. Pinulot ko ito at ini-spray para masigurong may laman pa. Pinasok ko siya sa lumang bag pack na dala ko.

"Dalhin ko nalang ‘to, baka magamit ko o kaya mabenta,” Mahinang saad ko sa aking sarili.

Pupuntahan ko si tatay baka nagising na 'yon. Tsaka ireremeat ko muna itong pera na'to, paunang bayad.

Ang sarap ng hangin!

Kahit probinsya 'tong lugar namin ay maraming matatayog na building at no pollution. My dearest probinsya, Bohol!

Habang naglalakad ako ay may nakita akong pamilyar na babaeng nanghihingi ng limos. Teka sa'n ko ba 'to nakita?.....sa ....? Park! 

"Pssstt!!! Babaeng nanghihingi ng limos!" Tawag ko sa kanya. Hindi niya ko nilingon kaya lumapit ako sa pwesto niya. 

"Hi!" Masiglang bati 'ko sa kaniya. Medyo may hawig kaming dalawa pero mas matangkad siya at singkit ang mata. 

"Bakit?," Nakakunot noo niyang tanong. Pansin kong may mga pasa siya pero hindi mapagkakaila na maganda siya. 

Siyempre kamukha ko e!

"Manlilimos ka pa?" Tanong ko. Yumuko muna siya bago sumagot.

"Obvious ba?,” Sarkastikong sagot niya. Aba't pasalamat ka kamukha kita kung hindi, baka napatikim ko sa’yo kung paano ako umapir sa mukha.

"Hindi ka rin pilosopo ano?" Sarkastikong sagot ko. Hindi ako pinanganak para magpatalo lang sa sarkastikuhan ano!

"Hindi ka rin matanong ano?!" 

Gusto ko siyang asarin pa ngunit halatang iritadong-iritado na siya.

 Galit na galit, gustong manakit! 

"Psh! Pinaglihi ka yata sa sama ng loob ano? Manlilimos ka pa ba?" Pag-iiba ko ng usapan. Iwas sa pang-aasar baka ako ang masapak ng babaeng ‘to, mukha pa namang kamag-anak ni Jhonny Bravo.

"Bakit?" Tanong niya. 

"Sama ako! Pwede ba?" Untag ko. Hindi naman siguro siya magdadamot sa kamukha niya di'ba? Masipag naman ako ah! 

Masipag kumain!

"Manlilimos ka rin?" Hindi yata siya naniniwala sa sinasabi ko kaya ganiyan ang reaksyon niya, gulat na parang natutuwa.

"Oo! Basta hati tayo sa kikitain?" Untag ko. Ang hirap naman kung kaniya lang lahat ng maiipon di’ba. 

"Col!" ano daw? Col?

"Colangot?" Pagkatapos niyang marinig ang sinabi ko ay agad siyang napahalakhak. 

Ano bang Col ang ibig niyang sabihin? Cola? Cola-cola? Color? 

Hindi pa rin siya tumigil. Hindi pa yata nauubos ang tawa niya kaya-

"BWAHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHHAHHHAHHAHAHAHH" Tinulungan ko siyang tumawa. 

"Ba't ka tumawa?" Natigilan siya sa pagtawa dahil sa ginawa ko. Halatang nagtaka siya sa ginawa kong pagtawa.

"Ang tagal kaseng maubos ng tawa mo, kaya tinulungan na kita. See? Tumigil ka kase naubos na ang tawa mo, kaya effective di 'ba!" Kakatapos niya pa lang tumawa ay humalakhak na naman siya habang ang Isang kamay ay nasa tiyan niya. Kaya.....

"BWAHAHAHHAHAHHHAHHHAHAHAHAHAHHAAHAHAAHAHAHAHA" Tinulungan ko ulit siya. Alam kong matulungin ako pero parang inaabuso niya yata ang pagiging matulungin ko.

Nandito kami sa palengke at  nanghihingi ng limos. Kaunti lang ang mga nagbibigay kaya hindi pa gaanong marami ang perang naipon namin. Magkasama lang kami simula kanina. 

"Ang konti palang nito tapos paghahatian pa natin," Saad niya. Halata ng pagkalungkot sa kaniyang boses. 

"Ayos lang 'yan, sarili mo lang naman pinapakain mo e!" Masiglang sabi ko sa kaniya. Pero napansin kong nawalan ng emosyon ang kanyang matang nakatitig sa akin.

"Wala kang alam,” Malamig niyang sagot. Ang bipolar naman nito!

"Anong ibig mong sabihin?" Usisa ko. Hindi naman siguro siya magagalit kapag nagtanong ako. Bumuntong hininga muna siya bago humarap sa'kin.

"May kumupkop sa'kin na isang babae. Tinulungan niya 'ko at pinag-aral pero nang tumagal ay inalila niya ako at pinagbubuhatan ng kamay. Pinapabugbog niya ko sa mga trabahante niyang lalaki, kapag kaunti lang ang perang naidadala ko sa kaniya. Gusto kong lumaban pero mag-isa lang ako e! Tsaka wala na akong ibang matutuluyan," Pinangingiliran siya ng mga luha niya. Niyakap ko siya at pinatahan. Buti nalang hindi nananakit si tatay. 

"Minsan naiisip ko ng tumakas at pumunta ng Maynila pero matatalo't ako, na baka mas malala ang maranasan ko doon" Dugtong niya. Naisip ko na ring magtrabaho sa manila pero paano si tatay? Hindi ko siya pwedeng pabayaan na lang.

"Gusto mo bang dun ka nalang sa amin manirahan? Pero medyo hirap kami kase nagkasakit si tatay kaya naghahanap ako ng trabaho" Aya ko. Kawawa naman siya kung babalik pa siya dun.

"Baka mahanap nila ako, at madamay ka,” Nangangambang saad niya. Aba! Hindi naman ako papayag na bugbugin nila ako noh!

"Hindi yan,” Pangkukumbinsi ko sa kaniya. Naiintindihan ko naman siya, tsaka ang hirap kaya tumira sa bahay ng dragon. Bubugahan at bubugahan ka ng apoy!

"Sa susunod na lang ,” Sagot niya

"Paano ka?" Baka bugbugin ulit siya dun

"Ok lang ako noh! Mahahalata nilang naglayas ako kapag hindi ako umuwi ngayon," Aniya, 

Malamang!

"Pumunta ka nalang sa bahay namin kapag kailangan mo ng matutuluyan," Nakangiting sabi ko. Kitang-kita ko ang pagliwanag ng mukha niya at paglabas ng kaniyang ngiti. 

"Anong address?" Tanong niya. 

"Sitio makabugong, tapos itanong mo lang kung saan ang bahay nila ganda." Pabirong sabi ko. Biro lang yung sitio makabugbog pero totoong totoo yung ganda. 

"Sinong ganda?" Nalilitong tanong niya. Tangina naman! Siyempre ako! Hindi ba halata?! 

"Aba! Syempre ako!" Taas-noong sagot ko at tumayo para magposing na animo’y modelo. 

"Nakakain ka ba ng electric fan? Ang hangin mo e" Sarkastikong tanong niya. 

"Psh! Ilan na ba naipon natin?" Pag-iiba ko sa usapan. Sa halip na ipakita sa akin ang pera ay tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Natin? E nakaupo ka nga lang dyan!" 

"Hehe,patingin nga!" Ani ko. Habang tinitignan ang laman ng lata. Barya barya lang halos ang laman niyon. 

"Hindi tayo makakaipon ng marami kung maghihintay lang tayo na mahulugan." Dugtong ko. Hindi naman kase kami pinapansin ng iba e! Saglit siyang natigilan sa sinabi ko at agad na hinarap ako.

"Anong gusto mong gawin natin?" Napangisi nalang ako dahil sa naisipan kong gagawin namin.

Light bulb!

SOMEONE POV'S

*Bzzzttt...Bzzzttt...Bzzzttt...

G is calling.....

[Boss confirm, buhay si Naldo pero naka-confine sa Santos Hospital]

Ilang taon naming hinanap si Naldo, pero hindi namin siya nakita. Kaya nag-assign ako ng mga iba't-ibang tauhan kada kalapit na lugar.

"Kasama niya ba ang dalawang bata?" 

[Ayon sa kalapit-bahay nila ay isa lang ang kasama niya sa bahay. Pero iba ang pangalang hinahanap mo sa pangalan ng batang kasama niya ngayon]

"Pakantahin niyo si Naldo at patayin niyo kapag ayaw kumanta.” Mahinahon ngunit maawtoridad kong utos. 

[Sige boss, isesend ko ang video bukas ng Gabi]

Pinatay ko agad ang tawag. Sigurado naman akong mamamatay na ang Naldong iyon e. Kung hindi ba naman siya nakialam, edi sana hindi siya nadamay. Poor Naldo!

"I will find the two of you and I will rip your neck with the video recorder. Magtago muna kayo pero kapag nahanap ko kayo ay siguradong magdudusa kayo at magmamakaawang patayin nalang"

Kinuha ko ang litrato nilang dalawa na na magkasama

"Tsk...Tsk...Tsk... Neerah Lendraeh and Neeyah Landrah Yun"

"Baka po pwedeng maghulog muna kayo bago kami nagsimula" Panimulang sabi ko sa mga nanonood. May mga naghihintuang mga tao at nanonood samin, ang iba naman ay naglalabas ng kani-kanilang cellphone.

"Pssstt!!! Ready ka na?" Bulong ko sa kanya. 

"Sigurado ka bang gagawin natin to?" Halatang kinakabahan siya ta hindi sanay sa mga ganitong gawain kaya pinalakas ko ang loob niya. 

"Oo nga! Para makaipon tayo ng marami,” Pangungumbinsi ko. Nag-aalinlangan siyang tumango at hinarap ang mga nanonood. 

"1!...2!...3!...GO!..."

.

.

.

.

.

.

"Sit down! Sit down your rocking the boat~"

"Sit down! Sit down your rocking the boat~"

"Sit down! Sit down! Your rocking the boat~!"

HAHHAHA ANG PANGET NG KANTANG PINILI NIYA! PFFFTTTT....

Alternate kami ni busangot girl kaya pagkatapos niya ay agad akong kumanta ng.....

"May tatlong bebe akong nakita~!

Maputi~!

Maitim~!

At Maputi ulit~!

Ngunit ang may pakpak~!

Sa gilid ay dalawa~!

Ang Isa naman nagsabi ng~!

Kwakkk kwakkk!! 

Kwakkk kwakkk kwakkk!!!

Kwakkk kwakkk kwakkk!!

Siya ang Isang nagsabi ng~!

Kwakkk kwakkk!!!

Kwakkk kwakkk kwakkk!!!

Maraming nagtawanan at ang iba ay nagpalakpakan. Alam kong mali-mali ang lyrics ng kinanta ko. Hindi ko naman kase kabisado Yun kaya iniba ko nalang. 

"Ang ganda ng pagkakakanta ng sayo. Tamang-tama ang lyrics." Pabirong sabi niya kaya inaambaan ko siya ng Batok.

"HAHAHAHHAHA pano kase! Mali Mali yung lyrics mo!” Natatawang sabi niya. Napabusangot nalang ako dahil sa pang-aasar niya.

"Ibang version yata ang napakinggan ko," Pagpapalusot ko. Biglaan naman kase ang ginawa namin kaya hindi ako nakapaghanda. Mabuti nga nakakanta pa ako eh! Pakiramdam ko tuloy sikat na sikat na ako. 

Pakiramdam nga lang!

Unti-unting nagsialisan ang mga tao kaya kinuha na namin ang pera hinulog ng iba. Maraming tao ang tumawa sa ginawa namin at may iba pang kinukuhanan kami ng video.

Binilang na namin ang naipong pera nang nagsalita siya ....

"Hoy! Ano nga ulit ang pangalan mo?" Tawag niya sa'kin habang patuloy sa paghati ng pera.

"Paizlee. Paizlee Mongosiera," Nakangitingn pagpapakilala ko sa kanya. 

"Ah. Ako si Diara. Diara Berino," Aniya.

"Salamat pala sa pagsama sa'kin. O tig- 732 tayo.” Abot niya sa'kin ng perang naipon namin kanina.

"Salamat. Kailangan ko ng umalis, pupuntahan ko pa si tatay sa hospital. Tsaka kailangan kong ibigay ang perang naipon ko, para sa down payment" Pagpapaalam ko sa kanya at tinalikuran para makaalis na.

"Ingat ka, P!" Pahabol niyang tawag sa'kin. Kaya nilingon ko siya at tinulungan.

"Ingat ka rin, D!" Nginitian niya 'ko bago ako pumara ng tricycle. Madagdagan kahit papaano ang perang Ibabayad ko sa operasyon ni tatay.

'Salamat. Salamat Kay Diara'

•••

RAINEE_NEE

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Gn 001 book-0001-O   chapter 68

    Closed:We are looking for books with good pace, exciting plottwists, fascinating cliffhangers, interesting characters,meaningful core struggle;Please be aware that we have zero tolerance for storiesinvolving extreme violence, child abuse, pedophilia orthose that may raise copyright concerns. Keep up thework and look forward to seeing better works of yours inthe future!Closed:We are looking for books with good pace, exciting plottwists, fascinating cliffhangers, interesting characters,meaningful core struggle;Please be aware that we have zero tolerance for storiesinvolving extreme violence, child abuse, pedophilia orthose that may raise copyright concerns. Keep up thework and look forward to seeing better works of yours inthe future!Closed:We are looking for books with good pace, exciting plottwists, fascinating cliffhangers, interesting characters,meaningful core struggl

  • Gn 001 book-0001-O   chapter 67

    Marcus came to visit us a few times, sometimes he would bring his wife Emily, but this time he was alone.I was in the kitchen preparing lunch, Eloim was on the floor and we had put on his ears a pair of wireless headphones connected to my phone, where I’d but on some music.It had been our best technique to allow us to have conversation with each other without him listening in, while still k

  • Gn 001 book-0001-O   chapter 66

    "Dan sekarang ... aku akan membunuhmu, Sweetheart," bisik Freeze tepat di telingaku, yang entah sejak kapan ia sudah berdiri di belakangku. Sementara sebelah tangannya memeluk pinggangku, tangan yang lain sudah menodongkan sebuah pisau tepat di belakang punggungku.---------------------------------

  • Gn 001 book-0001-O   chapter 65

    "We efface an hour by passionatelove, without twists, without aftertaste. When it is finished, it is not finished, we lie still in each other's arms lulled by our love, by tenderness -- sensuality in which the whole being can participate.Anais NinAfter Zander left six years ago, I tried to keep my head up even if that was a hard thing to do for a girl my age, skin and rebelliousness. I was 18 years old, and I just had the one person I could trust leave for school with his girlfriend and I was all alone, but I tried my best to say out of trouble, I really did.I found a job at a restaurant where the manager kept making unwanted passes at me and I ended up getting fired after I punched him in the face twice. Six months later, I was evicted from my house and I had to live on the streets.I was left

  • Gn 001 book-0001-O   chapter 64

    (Lily's POV)I was awakened by my thought that Icy might hurt by me. I am a type of chopper woman when sleeping. So, I get up to return in my own room. Is Jay not yet here? I stretched my arms. Yawn. All the lights were turned off. I am about to leave the room, when I stare at the corner of the room. There Seven, was still playing. Very wrong my baby boy. It is bad to your health."Seven, do you want me to confiscate your phone?” I am also mean sometimes. I approached him but he just turned his back at me. So, I can't think of other ways but to get his phone forcefully. But he is about to make a scream when I ha

  • Gn 001 book-0001-O   chapter 63

    Mum: time for school do you want me to drop you off to school or is Randy going to drop you off at schoolJacinta: well I want you drop me off to schoolMum: sorry honey but I have to go to work plus Randy's father is taking me to work since we both have the same job, how are you and randyJacinta: yeah we are fineMum: so you can get randy to pick you upJacinta: yeah sureScene randy was waiting outsideRandy: hello babeJacinta: hello randyScene: they were driving to schoolRandy: how is your mumJacinta: she is goodRandy: you better not tell her what happened or you will regret itJacinta: dont worry I didn't so cool downRandy: ok then I am going out with the boys tonightJacinta: but we were going to spend the night togetherRandy: that can waitJacinta: fine see you laterRandy: come back hereJacinta: no, enjoy your night with boys RandyScene

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status