Beranda / Semua / Gn 002 book:0078 / Kabanata 0009

Share

Kabanata 0009

Penulis: GN002
last update Tanggal publikasi: 2023-12-01 15:55:38

Mas naunang bumaba sa'kin 'yong mapang-asar na Khaile na 'yon. Pagkababa niya'y nginitian pa niya ako. Hindi niya ako madadaan sa pangingiti niya no?

Naalala ko na 'yong sinabi sa'kin ni Manong Edward na makikipagkita siya sa'kin sa Plaza this night. Tutuloy ba yata ako sa Audition? Pero bakit? Masyado lang makapal 'yong mukha ko upang sumali d'on at nakakasigurado akong pagtatawanan lang nila ako. Pero? Paano ba 'to? Baka maghintay si Manong sa wala.

Teka lang! Magpapaalam nalang ako kay Mama nito. Sana nga papayag siya.

Tinawagan ko si Mama. At salamat sa Diyos pumayag naman siya. Mukhang gagabihin naman siya sa pag-uwi kaya si Brett nalang muna at si Yaya ang nasa bahay.

*****

Nandito na ako sa Plaza ngayon, ang daming tao at parang mahihirapan akong hanapin si Manong Edward dito.

Out of place yata ako dito, ang daming mga magjo-jowa at ang tatamis pa. Chat! Ang sweet pa nila, parang gusto ko na yatang magkajowa. Charot!

*Blaire left the group.*

Sa dami ng babaeng single dito sa mundo, ako pa kaya ang mapiling magkajowa eh, sa panget na mukhang taglay ko. Parang mga hayop lang yata ang magagandahan sa'kin. Argh!

"Anak Blaire!" Sinong tumawag sa'kin. Lumingon ako at nakita ko si Manong na may dalang gitara. Nakaka-touch ng feeling na tinawag na niya ako ng Anak hehe.

Pero nakakabilib si Manong hah, nakatalikod pa nga lang ako pero alam na niyang si Blaire ako. Kung sa bagay, panget nga kaya madaling makita. Char! Baliktad na yata.

"Manong" niyakap ko siya at feeling ko close na kami. Hindi ko alam pero magaan 'yong pakiramdam ko kapag kaharap ko siya. Ang ganda kasi niyang makitungo at matagal ko naring pinangarap na may gustong kumausap sa'kin sa school. Nakakapagsalita lang kasi ako kapag nasa classroom, kapag may tinatanong sa'kin 'yong mga Professors at tuwing may reporting.

"Magsimula na tayo?" Ano raw? Magsimula? Tutuloy ba ako sa Audition? Akala ko mag-uusap lang kami. Pero ewan ko lang, hindi pa nila alam ni Mama at Yaya sa planong 'to.

Umupo kami sa may upuan at hinubaran niya ng jacket ang kaniyang gitara. Bakit nga pala may dala siyang gitara? Guitar Lesson ba 'to?

"Manong, bakit may dala kang" itinuro ko 'yong nguso ko papunta sa gitara.

"Marunong ka bang maggitara?" What? Hindi ako sanay sa ganyan. Si Brett lang marunong sa'min, sinubukan ko maggitara n'on pero ang sakit pala sa mga daliri sa bawat pag-ipit ng mga strings kaya hindi ko nalang pinapatuloy pa.

"Hindi Manong eh, mas gugustuhin kong pang kumanta kaysa mag-gitara." Tumawa siya sa'kin at nagsimulang mag-gitara.

Ang galing ni Manong, parang pang-professional na yata.

"Mayamaya, dadating na 'yong magtuturo sa'yo."

"Huh?" Bigla akong tumunganga kung anong pinagsasabi ni Manong sa'kin. May magtuturo sa'kin? Sino naman?

Ngumiti siya sa'kin at mayamaya may kinamay siya d'on sa malayo.

Nakajacket ng white at matangkad. Hindi ko nakita 'yong mukha dahil naka-face mask ito at may dalang gitara. Ang astig niyang tingnan.

"Siya yung maging tutor mo." What? Tutor? Seryoso si Manong? Ipipilit niya talaga akong sumali eh hindi pa nga siya nakarinig sa boses ko. Excited much lang? Kaya lang naman ako pumunta dito kasi baka aasa siya sa'kin na pumunta.

Mayamaya tinanggal ng lalaki 'yong Mask at hinubad ang kaniyang jacket at....

"Ikaw na naman?" Nakangiti siya sa'kin at kinindatan. Naaasar na ako tuloy sa kaniya.

"Hi Miss Panget." What the H. is going on to you Mr. Teddy Bear Lover.

Tinarayan ko lang siya. Gusto ko man umalis ngunit hindi nakaya ng konsensya ko na iwan d'on si Manong.

Tumabi siya sa'kin ngunit umalis ako at pinag-gitnaan namin si Manong. Tumabi siya ulit tapos tumayo nalang ako.

"Manong? Ba't mo siya kilala? Magka-ano ano ba kayo nitong Teddy Lover na 'to."

"Subukan mong banggitin 'yan ulit, ihampas ko 'tong gitarang dala ko sa panget mong mukha." Galit siya sa'kin tila ba'y nagchange mood siya agad. From nang-aasar to naaasar. Ang cute niyang tingnan kapag galit parang isang naasar na baby bunny. Ay putek! Di kaya, si Keifer lang 'yong Cute.

"Nakakatawa kayong tingnan para kayong aso't pusa." Saad ni Manong habang nakaniti sa'min. Pati siya mapang-asar narin?

"Ba't mo siya kilala Manong?"

"Nakilala ko yang si Khaile sa USL. Palagi siyakasing nag-gigitarang mag-isa d'on sa stock room. Palagi ko siyang nakikitang mag-isa d'on. Kaya dumating 'yong araw na nilapitan ko siya at d'on nagsimula lahat. At kanina nakita ko kayong nag-uusap d'on, kaya n'ong pag-alis ni Khaile tinanong ko siya tungkol sa'yo. Kaya inalok ko siyang pumunta dito ngayon. At ito..."

Hay nako! Wala na bang masyadong espasyo itong mundong 'to? Parang sa'kin lang umiikot lahat ng bagay at pangyayari eh, pati mga tao. Argh! Tumingin ako kay Khaile ang taas pala ng ilong niya. Uy! Blaire, wag mo nga akong tuksuhin. Bad boy 'yang si Khaile. Bawal 'yang iniisip mo tungkol sa kaniya. Remember the old days, palagi ka nalang binibiktima sa pambubully niya.

"Matutunaw na 'yang si Khaile sa kakatingin mo Blaire!" Ang sakit ng pagsampal ko sa mukha. Pansin pala ni Manong 'yon? Ayon tuloy, nang-aasar na naman ng tingin sa'kin 'yong Khaile na 'yon.

"Gwapo ba ako?" Yuck! Nandidiri ako sa'yo kagaya ng pandidiri mo sa mukha ko.

"Mas gwapo pa 'yang anino mo kaysa sayo. Asa ka pa!" Pero gwapo naman siya ayaw ko lang ipamukha sa kaniya baka sabihin niyang type ko siya tapos aasarin na niya ako, tapos magugulo na naman 'yong tahimik kong buhay. No way!

"So ano? Start na tayo?" Tanong ni Manong habang nakatitig sa'kin 'yong lalaking 'yon. Nakakinis.

"Nawalan ako ng gana Manong, parang gusto ko nang umuwi. Next time nalang tayo magpractice for Audition." Totoo ngang nawalan ako ng dugo dahil hindi ako komportable kapag nakaharap ko 'yong lalaking mahilig mang-asar at mangbully sa'kin noon

"Dito ka nalang sa tabi ko, para kiligin ka naman kahit minsan." Putek ka lalaking ka!

"Ang feeling mo rin no? Masyado!" Argh! Sarap mangagat ng buhay na tao. Argh! Argh!

"Ano ba kayo, wala talagang practice ang mangyayari ngayon." Naiirita na yata si Manong, kitang-kita ko na sa kaniyang aura.

Umupo nalang ako, napilitan akong na tumabi sa mokong na 'yon. Iniabot niya 'yong gitara sa'kin habang nakangiti.

"Yuck!"

"Maka-yuck ka dyan akala mo hindi rin ako nandidiri sa'yo. A big YUCK to you!" Ouch! Nahuli ako sa sarili kong lambat.

Tinarayan ko siya.

Bigla niya lang hinawakan 'yong kamay ko. Yung nakikita ko sa mga movies, yon talaga. Itinuro niya sa'kin 'yong mga basic chords. Ang lambot pala ng kamay niya at ang sarap pisil-pisilin. Ano ba 'to hindi ako makapigil sa iniisip ko sa kaniya.

"Dito mo ipo-point 'yong finger mo." Balewala lang sa'kin 'yong mga turo niya dahil nakatingin lang ako sa kaniya kahit masakit na 'yong leeg ko pero ewan ko parang ginaya ko na yata 'yong napapanood ko sa mga teleserye.

"Sa C chord na naman tayo." Pero ewan ko parang hindi niya yata pansin na nakatingin ako sa kaniya. Ang kapal ng kaniyang kilay kasing kapal ng mukha sa crush mong paasa. Ang taas ng pilik mata kagaya ng crush mong hindi mo na kayang ma-reach out pa. Tapos ang bango ng hininga niya mukhang user 'to ng close-up. Ang cute ng mga mata niya.

"Hoy Blaire!"

"Uy Paniki!" Nagulat nalang ako habang matagal na palang nakatawa si Manong sa'kin.

"Parang matutunaw na si Khaile dyan sa titig mo ah." Yuck! Nangingi-alam rin 'tong si Manong oh! Nang-aasar narin, parang nagmumukhang guilty na yata ako.

Tumawa ng malakas sa'kin Khaile.

"Hahahahahaha, mahirap maging gwapo Manong." Ang OA makatawa nito, may nalalaman pang pahawak-hawak ng tiyan. Isang malaking KEBER!

"Share mo lang?" Tinaasan ko siya ng Kilay.

"Sus! Aminin mo na, gwapo ba ako?" Ang sarap din pala hampasin ng gitara nitong lalaking 'to. Ang super high ng confidence, mula Atmosphere hanggang Exosphere. Argh!

"Humarap ka sa salamin, tapos tanungin mo 'yong unggoy na kaharap mo." Argh! Nakakainis ng sobra 'tong attutude na mayr'on siya. Gwapo ngunit feelingero!

Lumipas ang ilang mga oras at dinalaw ng kami pareho ng antok. Nakapagdesisyon na kaming umuwi na dahil malalim narin 'yong gabi.

"Paano 'yan, bukas nalang sa school after lunch?" Ewan ko ngunit nagdadalawang isip ulit ako kung gusto ko nga bang mag-audition. Parang binisita na ulit ako ng kaba.

"Manong eh, parang gusto kong umatras. Natatakot ako."

"Ba't ka naman aatras? Magtatampo ako." Ay...may nalalaman pa pala siya gan'on?

"Basta see you tomorrow nalang." Hindi na ako masyadong nagtagal pa at naunang umalis sa kanila.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Gn 002 book:0078   Kabanata 0111

    k o hfgh i j l j h lk h l aj {{ $t("add.createChapter") }}

  • Gn 002 book:0078   Kabanata 0110

    asd;lasd asd An ordinary human girl who has a broken family and tragic childhoodAn ordinary human girl who has a broken family and tragic childhoodAn ordinary human girl who has a broken family and tragic childhoodAn ordinary human girl who has a broken family and tragic childhoodasd;lasd asd An ord

  • Gn 002 book:0078   Kabanata 0109

    “I was trying to be human and resist my thirst but it got so bad I had to feed from Jordan. Jordan’s body was weak because of Hope needed him so he rushed to get any human even though he knew it was wrong and that’s how he met Ignatius. Hope was too young, four years old at that time; Argent mistook

  • Gn 002 book:0078   Kabanata 0108

    Elijah and I sat at the top of a mountain as we waited for the full moon to rise. Elijah couldn’t be with his pack because he chose today to watch it rise with me.I opened a packet of chips and handed him one before I opened another as we sat and watched.“How do you know Klaus?” I asked as Elijah

  • Gn 002 book:0078   Kabanata 0107

    “This is a first in thousands of years I guess. It’s almost like I’m human and I feel awfully hungry.” I said as my hand went to my stomach.“No human food?” Elijah asked.“Just you.” I replied with a smile and he smirked.I pulled out a thermo flask that contained blood before I poured some for mys

  • Gn 002 book:0078   Kabanata 0106

    “Sorry I’m late.” I apologized as I kissed Elijah’s cheek before he held my hands.“It’s alright. Lea doesn’t seem to like me very much that was why she held you prisoner.” Elijah said as I heaved.“You have no idea but that’s why I love her. She’s the only person who has never left my side even up

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status