I startled and started to amazed, the beauty of sorrounding give me hope, again.
Isang malawak na lugar na puno ng iba't-ibang uri ng bulaklak. Makukulay na wari'y walang hanggan. May mga kulay na ngayon ko lang nakita. Parang bahaghari ng mga bulaklak. Kay sarap sa pakiramdam.
Ang ngiti ko'y lumawak ng matanaw ang mga paruparo na nagbibigay lalo ng ganda at saya.
Purples, greens, silver and almost every color I know seen everywhere; from the flowers, to trees, from insects to animals, and water from lake.
Pakiramdam ko wala ng kulang. Napuno ng kulay ang masalimuot kong buhay.
I.. I don't want to leave this place.
But...
Unti-unting naglaho ang lahat, bigla akong napadilat, isa na namang panaginip.
Napahinga ako dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Panibagong umaga; kailan ka ba matatapos?
"Elji!"
Binalot ako ng kaba. Narinig ko na naman ang boses ni Ti-- Ma'am Sonja. Dali dali akong bumangon, inayos ang higaan at dali-daling lumabas.
Ilang ulit ko pang narinig ang pangalan ko, bakas ang galit at inis doon, walang pagbabago. Ngunit... Bakit ba ako natatakot?
"T-ti-- Ma'am!" Bati ko.
Nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Nanginig ang aking buong sistema. Nakatayo ito sa hamba ng pinto ng kusina. Mukhang kakatapos niya lang mag-agahan.
"Alam mo ba kung anong oras na?!" Nanlilisik ang mga matang sigaw nito sa akin.
Napatango ako sa kaba. "O-opo." Sambit ko, habang patuloy na nag-uunahan ang kabog ng dibdib. Kagabi ay hindi kaagad ako naidlip dahil sa mga iniisip at mga takot.
"Ano pang hinihintay mo?!" Sigaw nitong muli. Napatingin ako sa kaniya dahil sa takot at hindi ako makapagisip ng tama. "Umalis ka sa harapan ko at maglinis ka ng buong bahay! P***!"
Napaatras ako agad tumakbo palayo sa kaniya. Kailan ba ako masasanay?
Tumigil ako ng nakalayo. Sa tabi ng bintana. Ang totoo ay hindi ko alam kung anong oras na at wala akong pakialam, nagsasawa na ako sa kahihintay ng oras na maging masaya at malaya. Ngunit, walang pakialam sa akin ang oras. Kaya bakit kailangan ko pa ang oras? bakit naghahangad parin ako ng bukas kahit pa sabihin kong hindi ko na kailangan ang panibagong umaga, umaasam parin ako, naghahangad.
Ngunit palagi ko na lamang bulong sa hangin..
Ang maglaho na lang, kung pwede 'di na magising ngunit, sadyang patuloy na tumatakbo ang oras. Ang oras na pinagkait sa akin ang kaligayahan, ang oras na hinahadlangan ang aking hinahangad na kapalaran, kapalarang maging malaya.
Napatitig ako sa bintana, ang tanawin sa labas nito, ang mga nilalang na may ngiti at iba't-ibang emosyon aking nakikita.
Napansin ko ang mga kabataan at ibang mamamayan, malayang naglalakad at makikita ang kasiyahan.
Sa buong buhay ko ay wala akong ibang lugar na napuntahan, para akong nakakulong sa ginawang mundo ni Ma'am sa'kin. Siguro nga hindi ko talaga siya kaanu-ano. Sabi niya ay iniwan ako ng magulang ko sa tapat ng bahay niya. Ibinandona nga ako ng sarili kong magulang kaya hindi na nakakapagtaka na ganun din ang ibang tao. Ang turing sa'kin ay isang hamak lamang na tagapagsilbi.
Walang nagmamahal sa akin.
Pinunasan ko ang luha na pumapatak at sinarado ang bintana. Napailing ako at malungkot na napangiti.
Dahil sa liwanag na hatid ng umaga ay nagpapabangon sa akin upang magpatuloy. Hindi ko alam kung bakit kahit papaano umaasa ako. Umaasa na may katapusan lahat ng naumpisahan. Kailan ba nagsimula lahat? Ang aking mga alaala ay sadyang nilimut na nang aking isipan.
Kinuha ko na ang walis at pamunas upang masimulan ang gagawin. Siguro nga ito talaga ang kapalaran ko, ang maging alipin sa bahay na ito. Hindi na ako nasanay. Ito ang una kung iisipin, ang unang kapalaran na alam kong may kataposan.
Napahinga ako sa paulit-ulit na gawain. Kung titingnan ang buong palapag. Hindi naman magulo at walang masyadong dumi ang makikita ngunit sadyang kakaiba lang Talaga ang ugali ng feeling donya sa bahay na'to araw-araw.
Paupo pa lamang ako ngunit narinig ko na ang boses ng donya. Napangiwi ako sa napakalakas na sigaw nito sa pangalan ko dahil sa matagal-tagal din bago ko sinagot. Ano siya-hello! Huminga ako ng malalim at agad bumaba mula sa itaas. Sa Pagod narin na naramdaman ay slow akong bumaba.
Napansin ko ang buong pamilya na bihis na bihis at talagang may lakad ang mga ito.