"Oh! the rag is here!" Pahayag ng matandang anak na mala-feeling senyorita din ng masulyapan ako. Napairap lamang ang nakakabatang anak habang ang donya ay tumingin sa'kin.
"Ano pang ginagawa mo diyan?! Bagal-bagal," Sabi nito. Wala namang bago ngunit napansin ko ang mga bagaheng pinasan ng driver nila. Ang dami parang ayaw ng bumalik. "magbabakasyon muna kami at hindi ibig sabihin na wala kami ay wala ka ng gagawin," Napatango lamang ako sa pahayag niya ngunit kahit papaano ay okay rin itong wala sila rito. "Linisin mo ang bahay ko at ang bakuran ay ikaw narin ang magwalis, palitan mo na rin ang mga kurtina at labhan mo narin, Wag kang gumamit ng kahit na ano maliban sa maduming kamay mo. Maliwanag?"
"O-opo."
Napayuko ako ng magtaasan ang mga kilay nila. Mag-ina nga. How could I did ignore this humiliation all this time? Maybe.. I already immune of this kind of thing. Where did I imagine this kind of scene? Well I love reading such thing, All kind of books. I tried to literate my self so that someday I can be achieve to fly without burden my own But only to fight this misery and nothing all.
"Hindi pa ba tayo aalis?" Nababagot na tanong ng nakakatandang anak sa kaniyang ina. Bakas ang pagkabagot sa expression nito habang nakatingin sa akin. Napaiwas na lang ako. It was just a kiddy behaviour to a brat like them. So fighting with those kind of people will not give me any good and satisfaction.
"Sandali lang," inis na sagot nito sa anak at tumingin ulit sa akin."Ikaw naman Elji. Huwag na Huwag kang gagawa nang kalokohan Huh!" Pinanliitan niya Ako ng kaniyang mga mata. Nakakatawa 'yon akala nga lang niya nagpapasindak 'yon sa'kin. Maybe nagpapahirap? ang hirap magpigil ng tawa. Trust me.
"O-opo." Na-uutal ko pang sagot dahil sa pigil na paglabas ng totoong naramdaman.
"Hmm. Tayo na mga anak. Let's go!"
Her daughter curiously looks at me. Their eyebrow raise that entertain me a lot. Tumalikod na ang mga Ito matapos ang satisfaction sa mga expression nila.
Ilang minuto ang nakalipas ay tahimik na ang kabahayan. Napatingala ako, sadyang ang pag-iisa ay parte na ng aking buhay.
Nagsisimula na namang dumilim, Ngunit Napahinga na lamang ako. There's Something in the Dark that I still wanting to find. It feels longing and saddest feeling.
Kaya ang makita ang unti-unting paglubog ng araw at nagsimulang pagdilim ay magkahalong mga pakiramdam ang bumangon sa aking damdamin, pananabik sa dilim o sa bukas, o sa pinagmulan nito. But still I can't tell what it is.
Minsan na patanong na lamang ako. Mali ba ako ng piniling landas?
Talaga bang tadhana ito? Bakit ang lupit niya sa isang katulad ko? Bakit walang sagot sa mga katanungan ko?
G-gusto kong maging malaya... malayo sa mundong ito. Pero hindi ko alam kung paano.
Paano ba maglaho... ng walang nakakaalam; Kasabay ng mga pasakit at paghihirap. Mga maling hindi na maitama, mga paghihirap na walang pagbabago, at ang mga pasakit na walang hanggan.
Paano ba maglaho sa simula pa lang?
Ang mga kaba ko sa dibdib ay 'di na mawawaglit, sa buhay na ito, at sa bukas na meron ako. Kinakabahan parin ako. Ngunit... gusto kong maglaho.
Paano nga ba?
Hindi ko alam at wala akong planong alamin kung anong oras na pero inaantok na ako.
Ngunit ayaw ko pang matulog. Gusto ko pang tingalain ang mga ulap na puno ng mga bituin. Sadyang kay ganda at mukhang malaya silang nagliliwanag sa kadiliman ng gabi.
"Elji... Elji..."
Nanlaki ang mga mata ko ng may marinig na boses. Sigurado naman akong ako lang ang nagiisa rito diba? nilock ko pa yung pinto at tarangkahan.
"Elji... Elji..."
Tinakpan ko ang tainga ko. Palakas ng palakas ang tinig nito. Nanginig ako.
"S-sino yan?!" Sigaw kong tanong.
Ngunit bigla na lamang sumulpot sa aking harapan ang isang nilalang na may malawak na ngiti. "Hi."
"Woah!" Sigaw ko.
Agad niyang tinakpan ang aking bibig.
"Hmm..."
"Huwag kang maingay..." Sabi nito at tumingin sa paligid. Nawala ang pagtakip niya sa aking bibig at hinila niya ako sa aking silid. Malapit lang naman ang balkonahe sa maliit kong silid.
Sinamaan ko ito ng tingin ng bitawan niya ako. "Bakit ka ba nanggugulat?"
Umupo ako sa higaan ko. Napansin ko ang kaniyang kakaibang kasuotan at sadyang nakakaintimidate ang kaniyang tangkad. Nagkatinginan kami at napansin ko ang berde nitong mata na bumagay sa makatarungan niyang pisngi.