Ngayon lang ako nakakita ng isang tunay na lalaki sa malapitan. Nagulat ako sa mabilis na tibok ng aking puso. Ano itong nararamdaman ko?
"Mukhang kalma ka na naman," Puna nito at lumapit sa aking harapan. Hindi maalis-alis ang titig ko sa kaniya. "Pasensiya ka na at nagulat kita kanina hinihintay ko talaga ang pagkakataong ito, Elji."
"Kilala mo ako?" Nagtataka kong tanong. Ngunit mas lalo ko siyang tinitigan. Napakasaya ko dahil kahit papaano may nakakakilala sa akin at wala akong kabang nadarama, parang nawala lahat ng aking alalahanin at mga pangamba.
"Matagal na kitang kilala." Sabi nito.
"Paano mo ako nakilala?"
"Hindi na mahalaga 'yun sa ngayon. Kailangan kita Elji at kaya kong tuparin ang mga hiling mo. Tulungan mo lamang ako."
Bakas sa kaniyang ekspresyon ang katapatan sa kaniyang pahayag.
"P-paano mo naman gagawin 'yun?"
Tumalikod siya sa akin at tumingin sa kalangitan. Mababakas ang iba't-ibang emosyon ngunit nangingibabaw ang pag-aalala.
"Narinig ko ang mga hiling mo Elji, palagi kitang napapanaginipan gabi-gabi at ang kalungkotan at ramdam ko ito. Ngayon hindi ko pa alam kung bakit ikaw ang laman ng aking panaginip ngunit ramdam kong hindi lamang simpleng panaginip 'yun kaya magtiwala ka sa akin."
"P-paano ba kita matutulongan?"
Nagliwanag ang kaniyang ekspresyon ng marinig ang aking katanungan.
"Sumama ka sa akin. Gusto mong makalaya at gusto ko rin. Sabay nating wawakasan ang ating paghihirap, Elji."
--
“So nasaan na tayo?” Tanong ko, habang sinusuri ang buong paligid, paligid na napapaligiran ng mga naglalakihang mga puno.
Ngunit napansin ko ang nasa aming harapan, isang malaking arko. Arko sa ganitong uri ng kapaligiran. Hindi ko nga lang alam kung nasaan na kami. Matapos kasi niyang hawakan ang aking mga kamay ay may liwanag agad na nagdala sa amin sa lugar na ito.
“Ito ang daan papunta sa mundo ko,” Sabi niya. Pansin ko ang kaniyang mga pangamba. Ano kayang nangyayari sa mundo niya? bakit kailangan niyang maglakbay upang ako'y sunduin? ngunit, kung ano man 'yun, nagpapasalamat ako na dumating siya. “handa ka na?”
“W-wait...” Pagpigil ko sa kaniya.
Tumingin siya sa akin at wala akong pagpipilian kundi ang tanungin ang kanina pa gumabagabag sa aking isipan.
“Ano 'yun Elji?”
“P-paano pala ang ginawa mo para matulungan ako?”
Ngumiti siya at hinawakan niya muli ang aking kamay.
“I erased your existence from their memories.”
Nanlaki ang aking mata. “I-ibig mong sabihin... tuluyan ko nang nakamtan ang aking kalayaan?” Paninigurado ko. Tumango siya kaya mas lalong Lumawak ang aking ngiti. “T-talagang naglaho ako sa kanilang alaala. Ang galing!”
“Oo Elji pero, talaga bang yun lang ang hiling mo?”
Umiwas ako sa kaniyang mga titig
Tumango ako. “O-oo naman wala na akong mahihiling pa.”
“Kung gayon. Let's go?”
Nilahad niya ang kaniyang palad sa akin na mabilis ko namang tinanggap. Kay init ng kaniyang palad at ramdam kong guminhawa ang aking pakiramdam.
Ngayong malaya na ako, magiging masaya kaya ako? Ang mga alaala ng takot at pasakit ko ay nandiyan, ang tangi lamang nawala ay ang aking existence sa mga nakakilala sa akin.
Dumaan kami sa arkong gawa lamang sa dalawang nakahilig na malalaking puno ngunit kapansin-pansin ang iba-ibang mga paruparong umiikot sa arko ay naramdaman ko ang pwersang humahatak sa akin ngunit natuon ang aking atensiyon sa magkahawak naming kamay ng lalaking hanggang ngayon ay ko pa natanong ang pangalan. Ngayon lamang nangyaring may makilala ako kaya 'di ko alam ang dapat gawing pagpapakilala ngunit kahit ganun ay magaan ang aking pakiramdam at wala na ang mga kabang nadarama.
“Elji?”
Nagtaka pa ako sa pagtawag niya sa akin. “Huh?”
“Nandito na tayo.”sabi niya.
Natauhan ako at nilibot ang paningin sa paligid. Hindi katulad ng aking pinagmulang lugar na madilim pa, dito ay kapansin pansin ang liwanag na nagmula sa kalangitan. Ang una kong nasilayan ay ang mga bulaklak at sa kabilang dako ay mga matayog na puno habang may lagaspas ng tubig ang nagmumula sa itaas. At may unti-unting pumormang bahaghari ngunit nagtaka ako sa dami ng kulay nito. Marahil iba ang klima ng lugar na'to lalo na at wala kami sa ordinaryong mundong pinanggalingan ko.
“I-ito na ba ang mundong pinagmulan mo?” Tanong ko, habang hindi maalis ang atensiyon sa paligid na binabalotan ng kakaibang ganda.
Mga tanawing sa panaginip ko lang nakikita.
“Nasa ibang bahagi pa tayo, ang hilagang bahagi ng mundo ng edejo, ang mundong pinagmulan ko Elji,” Sabi nito. Humahanga ako sa ganda, makulay at katahimikan na hatid ng lugar. “Sa silangan ang ating tungo at mahaba-habang paglalakbay ang ating gagawin.”