“Maglalakad lang ba tayo?” Nagtataka kong katanongan.
Napansin ko kasing wala ni ano mang pwedeng sakyan katulad ng kabayo o malalaking ibon.
“Huwag kang mag-aalala malapit na rin naman tayo sa ilog na aking pinag lalagyan ng ating masasakyan.” Sabi nito.
“Isang bangka?” Tanong ko dahil ayon sa mga nababasa ko sa mga librong nasa aklatan ay mga bangka ang pangkaraniwang sasakyan sa ilog.
“May alam ka pala sa mga bangka?” Tanong niya, mababakas ang sigla sa kaniyang nalaman. “Well, bangka nga ang ating masasakyan bago tayo makarating sa kabilang bahagi.”
Ngunit ng marating namin ang lugar na sinasabi niya ay nagtaka akong napatingin sa kanya. Nandiyan ang bangka kayang lang...
“Akala ko ba ilog ang sinasabi mo?” Tanong ko ngunit natigil nang mapansin ang kaniyang ekspresyon.
“H-hindi... maaari...”
Dumaan ang mga pangamba at takot sa kaniyang mga mata. Bigla kong napagtanto ang nangyayari.
“K-kung ganun...“ Tumingin ako sa aming harapan. “Dati itong ilog...”
“Nang umalis ako, oo elji, ngunit ngayon, isa na naman itong banta ng kalikasan.”
Naawa akong napatingin sa kaniyang tinitingnan. Nararamdaman kong may mabigat pang dahilan ang kaniyang pangamba. Ang ilog ay wala na, anong ibig sabihin nito? Ang bangka ay wala ng pakinabang kung ganun?
“Eh ano na ang gagawin natin? maglalakad ba tayo diyan?”
Napalunok ako sa aking katanungan, sadyang hindi ko pa nasubok ang dumaan sa dating ilog, malay ko ba kung anong meron diyan? isa pa gustong- gusto ko talagang makakita ng ilog ngunit ito pa ang aking nasilayan.
“Kailangan na nating magmadali elji, delikado ang mananatili dito ngayong wala ang tubig ng ilog upang maprotektahan tayo.”
Nagtaka man sa pahayag niya ay sinangayunan ko na rin ito. Papalubog na rin ang liwanag na nasa kalangitan, kakaiba ito at sa wari'y ko'y hindi nagmumula sa araw na nasa pinanggalingan kung mundo.
“Alam kong pagod ka na kaya siguro kailangang gamitin ko na ang aking abilidad, may limitation ito kaya ito na ang huli ngayong araw.” Sabi niya.
“E-eh.. ano ba ang gagawin mo?”
“Manood at pakiramdaman mo elji.”
Nagtaka pa ako ngunit kalaunan ay naramdaman ko ang pwersa na nanggagaling sa magkahawak na naming kamay.
“Gamit ang elemento ng hangin na nagokonekta sa kagubatan ng aming kaharian, kami'y dalhin at ingatan, ang aming pusong nagkokonekta sa puso mong mapagmahal, dalhin kami gamit ang abilidad na nasa aking puso.”
Nakapikit siya habang sinasabi ang mga katagang iyon. Ngunit ang pakiramdam ko'y gumaan at kay bilis ng tibok ng puso ko sa pagkamangha at gulat sa mga nangyayaring ito.
Kung ang kalayaan ay ganito pala kasaya sa pakiramdam, bakit ipinagkait sa akin sa mahabang panahon? Kung ano man ang kasagotan doon ang mahalaga ay nakamtan at nadarama ko ito ngayon.
Salamat sa pagdating sa buhay ko estranghero.
At sa unti-unting pagpikit ng aking mata, ang pagkaantok ay sadyang naghari sa aking sistema at ang kadiliman ang tanging sumalubong sa akin.
Nagtaka ako. Nilibot ng aking paningin ang kabuuan ng lugar ngunit wala ang lalaki. Nasaan ako?
Tumakbo ako at hinanap ang daan ngunit natigil ako ng matanaw ang buong katubigan. Nagtataka akong nakatanaw rito. Ang tubig ay hindi pangkaraniwan.. paanong nagaapoy ito?
Ngunit napasigaw ako ng unti-unti itong lumalaki at papalapit sa akin... napatakbo ako ulit at pilit hinahapan ng kasagotan ang mga nangyayari ngunit hindi ko alam, walang kasagotan ang pumapasok sa aking kaisipan.
Napatigil ako ng wala ng ibang madaanan. Mukhang napaligiran ng tubig ang buong lugar at katulad ng nangyari sa kabilang dako ay ang unti-unti rin itong lumalaki at papunta sa akin. Nararamdaman ko na ang init na nagmumula sa nagaapoy na tubig.
Bumalik ang kaba sa aking dibdib at hindi makagalaw ng aking katawan dahil sa takot na nararamdaman. Nakakulong ako sa katubigan, wala na akong maatrasan o mapupuntahan. Nanginginig at ang luha ay naramdaman ko na. Nakakatakot.
Patuloy na kumakabog ang aking dibdib..
Ganito ba matatapos ang buhay ko?