LOGINRifle's Point of view
"Ahhh!" daing ko ng idiin ni Luke ang bulak sa sugat ko sa binti.
"Tiisin mo na lang, kesa makita ka pa nila President Snipe at Director Uzi na gan'yang ang itsura mo," paliwanag ni Luke.
Sumandal ako sa sofa ko. Nandito kami ngayon sa condominium ko para magpahinga.
"Nasaan ang katawan ni Lolo?" tanong ko kay Luke.
"Kinuha daw nila President Hernandez at sila na daw ang mag-aayos ng burol, pero ayaw pumayag ni President Snipe at Director Uzi noong umalis ako..."
Tinignan ko si Luke na ginagamot ang mga sugat na natamo.
"Ngayon hindi ko pa alam kung nakanino si Chairman," pagpapatuloy n'ya.
"Pinag-aagawan ang katawan ng lolo ko, dapat na sakin iyon," sabi ko.
"Young master..."
Tinignan ko si Luke nv tumayo sa harapan ko at nagbow doon. "Kailangan ko na pong umalis, wala pong mag-aasikaso sa katawan ni Kuya June," paalam n'ya.
"Sige," sagot ko sa kan'ya.
Naglakad na paalis si Luke sa harapan ko. Tinignan ko ang sugat ko na nakuha ko sa pagsabog kanina. Nilipat ko ang tingin ko sa family picture namin na naka-display sa sala ko.
Tumayo ako para lapitan iyon. Hinawakan ko ang frame, pinagmasdan ko ang huling family picture namin.
Pinunasan ko ang pisnge ko na mayroong tumulong luha. Baka akalain ni Papa at Lolo bakla ako. Binalik ko na iyon sa dating pwesto. Napatingin ako sa mini table dito sa living room dahil tumunog ang phone ko.
Agad akong naglakad palapit sa phone ko, umupo ako sa sofa bago ko tinignan kung sino iyon. Napangiti ako ng makita ang pangalan ni Xyra.
Inayos ko ang boses ko bago ko sagutin ang tawag. "Hell..."
"Nasaan ka?!"
Nailayo ko ang phone sa tenga ko dahil sa sigaw n'ya sa kabilang linya. Alam kong galit na ito dahil sa pagkawala ko kanina.
"Mayroon lang akong pinuntahan," paliwanag ko sa kan'ya.
"Nasaan ka nga?"
"Nasa puso mo," biro ko sa kan'ya. Mahina akong tumawa sa kan'ya. Ayoko naman na maramdaman n'ya na malungkot pa rin ako.
"Tsk, nasaan ka? pupuntahan kita," aniya ni Xyra sa kabilang linya.
"Pupuntahan na lang kita bukas sa Arme, gusto ko lang mapag-isa ngayon," mahinahon kong sabi sa kan'ya.
Biglang tumahimik si Xyra sa kabilang linya. Sumandal ako sa sofa at napahinga ng malalim. Bukas ok na ako.
"Ok ka lang ba?" nag-aalala n'yang tanong sa akin.
Isang pekeng tawa ang binigay ko. Hindi naman n'ya mahahalata dahil hindi naman n'ya ako nakikita. "Ok lang ako, gusto ko lang munang mag-isa," sagot ko sa kan'ya.
"Seryoso ka?" tanong n'ya pa ulit.
Kulit naman ng babaeng ito. "Sabihin mo na lang kung namimiss mo ako," biro ko sa kan'ya.
"I miss you..."
Napatigil ako sa narinig ko.
"Hindi man ngayon, pero sana bumalik na ang dati mong sigla," sabi sa akin ni Xyra.
"Susunduin na nga kita bukas," paliwanag ko sa kan'ya.
Ayoko ng madramang usapan, kaya ayokong sumagot ng tawag sa kanila.
"Hihintayin kita," sagot n'ya sa akin.
Tumango at ngumiti. Pinatay ko na ang phone call dahil baka maiyak na s'ya. Pagkalapag ko naman ng phone ay biglang tumunog ang doorbell ng pinto ko.
Napahilamos ako sa mukha ko. Gusto ko ngang mapag-isa tapos ang dami nilang istorbo.
Inis akong tumayo para puntahan iyon. Iika-ika kong maglakad dahil sa sugat ko. "Kung hindi lang ako gwapo lahat ng mang-iistobor sa akin papatayin ko," sabi ko habang naglalakad ako papuntang pinto.
Pagbukas ko ay napabuntong hininga ako ng makita si Uzi. Masama ang tingin n'ya sa akin, pero hindi na ako magtataka pa.
Sinilip ko ang likuran n'ya kung may-isa pang nakasunod.
"Busy kay Younis," seryosong sabi sa akin ni Uzi.
Lumipat ang tingin nito sa paa ko. "Gusto mo bang mamatay talaga ng maaga?" tanong n'ya sa akin.
Tumalikod ako sa kan'ya at tinaas lang ang kamay ko. "Last na ito," seryoso kong sabi sa kan'ya.
Kumuha ako ng alak sa ref, tig-isang bote kami ni Uzi. Bumalik ako sa sala na nakita kong nakaupo na doon si Uzi.
"Nasa mga Hernandez na si Lolo Ramond," sabi sa akin ni Uzi. "Balak kuhanin ni Snipe."
Tinignan ko si Uzi. Umupo ako sa tabi n'ya, nilagay ko sa table ang isang bote ng alak at hinawakan ko naman ang isa.
"Ako na kukuha," sabi ko sa kan'ya.
"Ok ka lang ba?" tanong sa akin ni Uzi.
Natawa ako sa tanong n'ya sa akin. Tinignan ko s'ya at gusto kong ihampas sa pangit n'yang mukha itong hawak kong bote, pero wag na sayang naman ang pinagsamahan namin ng boteng ito, ilang linggo rin s'ya sa ref ko.
"Patayin kaya kita tapos tanungin kita kung ok ka lang?" sarcastic kong tanong sa kan'ya.
Nakita kong ngumisi s'ya sa akin kaya lalo itong pumangit sa paningin ko. Kinuha ko ang phone ko at mayroon akong pinakita sa kan'ya.
"Boom!" nakangiti kong sabi ng ipakita ko ang balita kanina.
"Akalain mo gan'yang kalakas ang damage ng isang Rifle," sabi ko kay Uzi.
Tinungga ko ang alak na hawak ko. Tinignan n'ya na para bang hindi makapaniwala.
"Wag mong sabihin na ikaw ang may gawa sa YnX... the fuck Rifle!"
"Cheers," sabi ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kan'ya.
"Ang uzi at sniper ay kalpot lang iyan sa rifle," pagyayabang ko.
"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sayo o ano," sambit ni Uzi.
"Wag kang mag-alala tapos na ang lahat," sabi ko sa kan'ya. Magiging tahimik na ang mundo dahil sa akin.
"Wag kang masyadong pakampante, dahil sa ginawa mo na iyan ay baka mayroong nakatakas," seryosong sabi ni Uzi. "Puntahan mo si Snipe sa Arme bukas, mayroon s'yang sasabihin sayo."
Tinignan ko si Uzi. Kinuha nito ang bote ng alak saka ininom iyon.
"Ano naman ang sasabihin n'ya?" tanong ko kay Uzi.
Tumaas ang dalawa n'yang balikat. Bobo naman n'ya naman at hindi n'ya alam.
"Sa Winchester company yata," sagot n'ya.
"Wala pa akong panahon doon," sabi ko.
Uminom ulit ako ng alak. Magpapalipas muna ako ng ilang linggo bago ko asikasuhin ang Winchester company. Gaya ng naipangako ko kay Lolo Ramond pag napatay ko na ang dapat mamatay ay babalik na ako sa Winchester company para asikasuhin iyon.
"Dadating ang araw na from part-time Team leader to President Rifle," nakangiting sabi ni Uzi sa akin. "Pere paano si President Hernandez?"
Tinignan ko si Uzi. Pag ako na ang pumalit sa Winchester company mawawala na si President Hernandez at Jacob sa company.
"Mag-stay sila kung gusto nila," sagot ko kay Uzi.
"Sanay ka na bang mag-manage?" tanong sa akin. Dami naman ng tanong ng isang ito.
"Ayoko munang pag-usapan iyan," sabi ko kay Uzi.
Binaba ko ang hawak kong bote, tumayo ako mula sa pagkakaupo. Tinignan ko si Uzi.
"Pupuntahan ko muna si Lolo baka multuhin ako noon," sabi ko sa kan'ya.
Naglakad na ako palabas ng condo ko. Malaki naman na si Uzi kaya na n'ya ang sarili n'ya. Kung mayroon mang mawala sa gamit ko doon, nanakawin ko laman na pera n'ya sa bangko.
Hawak ko ang susi ng kotse habang pababa ako sa building ng condominium na tinitiran ko. Paglabas ko ay masyado ng tahimik ang paligid dahil gabi na.
Sumakay ako sa kotse ko at pinaharurot iyon ng mabilis para pumunta ng hospital. Ayokong may burol na magaganap dahil wala naman na rin kaming pamilya na aasahan pang pumunta.
Malapit lang sa Winchester company ang hospital na pinagdalan kay Lolo para iayos ang labi nito. Pagka-park ko sa kotse ay pumasok agad ako sa loob ng hospital.
"Excuse me, may I know where's my grandfather body? Chairman Ramond Winchester," tanong ko sa nurse.
"Rifle Winchester?" tanong ng nurse sa akin.
Taka ko s'yang tinignan. Hindi ko alam kung bakit n'ya ako kilala. Tumango na lang ako dahil ayoko magtagal pa dito at gusto ko ng makita si Lolo.
"Kumanan lang po kayo, makikita n'yo po si President Hernandez," sabi n'ya sa akin at tinuro ang daan.
Umalis naman na agad ako. Masyado namang ma-effort si President Hernandez para bantayan n'ya pa ang katawan ng lolo ko.
Pinuntahan ko ang tinuro na daan ng nurse at tama nga sila. Nakatayo si President Hernandez sa tapat ng morgue, kasama n'ya ang anak nitong si Jacob na may benda pa ang binti dahil sa ginawa ko sa kan'ya.
Malas s'ya kaya lahat ng nalalapitan n'ya pumapangit at iyon ang ayaw kong mangyari kay Xyra. Pangit na nga ang bebe ko papapangitin n'ya pa lalo.
Nagbow ako sa harapan ni President Hernandez.
"Rifle!" bati nito sa akin.
Tinignan ko si Jacob na mayroong kakaibang tingin sa akin. Nabakla siguro sa kagwapuhan ko. Binalik ko ang tingin kay President Hernandez.
"Gusto kong makita ang lolo ko," sabi ko kay President Hernandez.
"Hindi pa pwede sa ngayon, ine-examine pa ang katawan ni Chairman," sagot ni President Hernandez sa akin.
Napahinga ako ng malalim at tinignan ko ang pinto ng morgue. Masmaganda pang ako na lang ang mag-isa dito, masnakakatakot pa pag kasama ko si Jacob sa iisang lugar.
"Anong nangyari sa binti mo?"
Napatingin ako kay President Hernandez na nakatingin sa binti ko. "Wala lang iyan," walang gana kong sagot.
"Ngayon na wala na si Chairman, nangako ako sa magulang mo pati kay Chairman na hindi kita pababayaan kasama na ang company," paliwanag ni President.
Tumango ako kay President Hernandez. Nabaling ang tingin ko kay Jacob na tahimik na nakaupo.
"Pagkalibing ni Lolo, ako na ang magma-manage ng company," sabi ko kay President.
Nagulat ang mukha nito sa sinabi ko, pero seryoso lang ang itsura ko.
"Pero hindi pa sapat ang kaalaman mo para magpatakbo ng isang malaking company," paliwanag ni President.
"Tama," pagsang-ayon ko at may patango-tango pa ako. Tumingin ako kay Jacob. "Pero hindi ko hahayaan na i-manage ng isang kunsintidor ang kumpanya ng pamilya ko."
Kumunot ang noo ni Jacob sa akin. Binaling ko ang tingin kay President Hernandez na parang naguguluhan s'ya sa sinasabi ko.
"Alam ko lahat ng galaw n'yo... lalo ka na," tukoy ko kay Jacob.
"Anong sabi mo?!" Tumayo ito palapit sa akin, pero pinigilan s'ya ng papa n'ya ng lumapit sa akin.
Ngumisi lang ako sa kan'ya para lalo pa itong mainis.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong sa akin ni President.
"Itanong mo na lang sa anak mo, kung ano ang ibig kong sabihin," sagot ko sa kan'ya.
Nabaling ang tingin n'ya kay Jacob saglit at binalik din sa akin. Tinignan ko si Jacob na gusto ng sumabog sa akin. Nag half-bow si President Hernandez sa akin, pero hindi ko inaalis ang tingin kay Jacob.
"Kakausapin ko ang anak ko," sabi ni President Hernandez sa akin. "Sumunod ka sa akin Jacob."
Nagsimula ng maglakad si President, pero si Jacob ay matalim pa rin na tingin sa akin.
"Hindi pa tayo tapos," mariin na banta sa akin ni Jacob.
Lumapit ako sa kan'ya at hinawakan ko ang kwelyo n'ya. Tinignan ko s'ya ng diretso sa mata n'ya. "Hindi pa talaga dahil magsisimula na akong maningil ng katangahan na ginawa mo sa kumpanya namin," seryoso kong sabi sa kan'ya.
"Jacob!" tawag ni President Hernandez.
Binitawan ko si Jacob at nag-smirk ako sa kan'ya. Isang matalim na tingin ang binigay n'ya sa akin bago ito maglakad palayo sa akin.
Sinundan ko s'ya ng tingin hanggang sa maglaho na ito sa paningin ko. Ang pagmumukha ni Jacob ay hindi dapat pinagkakatiwalaan dahil sa pangit n'yang itsura.
Umupo ako sa waiting area sa labas ng morgue para hintayin na matapos ang ginagawa kay Lolo.
Tama si President Hernandez na wala pa akong alam sa pagmanage ng malaking kyumpanya. Si Lolo kasi bakit umalis agad ng maaga.
S'ya lang ang inaasahan ko na magtuturo sa akin paano makipaglokohan sa business world, pero wag kang mag-alala lolo.
Hawak ko si Snipe Swaggerty at Uzi Montelle na nakikipaggera na sa business world. Saka nasaakin naman ang pinakamahalagang asset. Ang nag-iisang natitirang asset ko.
Sumandal naman sa pader at pinikit ko ang mata ko.
a sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d dd d d da sd d f d d d d d d
Daisy found nobody in the room and the door was also closed. She was feeling dizzy and weak but still while staggering she managed to stand up from the bed. Taking slow careful steps, she started walking towards the door, supporting the bed. She was feeling that suddenly her body started feeling heavy. Even walking was difficult for her. The gown, she was wearing was not of her size. It was a little loose but she felt comfortable in it.S
On the the third floor, one of those lace barriers twitched. A shadow moved past, just a flicker of darkness, so fast it almost escaped Crook's enhanced scrutiny. The signet ring on his right finger hummed against his skin, hot and urgent.He glanced down at the ring.A hot, solid wave of energy slammed against his expanded thoughts. His head snapped back from the rush of power. His mind folded in on itself and his perceptions screeched down to normal speed so abruptly he almost stumbled. His ears rang. His jaw ached from clenching his teeth-and from- from what.A mental slap?Had somebody really slapped him? He rubbed the space between his right eye and his chin. Damned if it didn't burn.What the hell? Some kind of barrier. Some kind of elemental protections? The beast inside him wanted to snarl and retreat, but he couldn't let that happen. He was here in New York city, with his partner Andy, poking around on the ritualistic murder of a senator'
Taddeo, se encontraba en su casa, estaba triste por el castigo que le había impuesto su padre, aunque también estaba enojado, le parecía injusto que lo hubiese castigado sin oírlo, cuando no era culpable, no comprendía como se podía ser tan ligero a la hora de tomar decisiones sobre una persona sin escucharlo previamente, eso era inaceptable y todo por esa estúpida niña.Pero de nada valía lamentarse, no había nada que hacer, su padre se había ido con su hermano para La Toscana y no se lo había llevado, habían transcurrido diez días, en los cuales ellos estaban disfrutando y divirtiéndose mientras él se encontraba encerrado y aburrido, bueno realmente había estado entretenido con sus libros, pero lo que más le afectó fue
"I'm sorry, Tayla. If only I can make you stay in our house, I would. But you know our house is not that big and my Mom is a human Armalite, right?" Ella scratched her head and hold the edge of the map, glancing at me before she continued mopping the floor.We are again, in Talk and Chill. Tomorrow I wouldn't be here for the class will start and I need a place where I can stay. Unluckily, Ella, my best friend just told me that she's wasn't able to offer me a hand.I sighed. "I understand, Ella. Thanks for telling me early." I turned around and went towards the sink to wash the dishes, my lips twisting a bit as I thought...why are we getting paid under minimum wage when we do almost all kinds of things in this chill bar? We should at least have an increase."Tayla, I don't understand you. When your parents died, your Aunt Tanya stood as your guardian, but why are you planning to leave your own house?" She stood up and glanced at me with her bewildered, round eyes