LOGINTime
For the past years, I am always certain about myself and my plans. My end goal is to be a soldier. If troubles may come my way, I'll get out and I'll become a soldier. Para sa akin, walang mahirap o madaling daan. There is only one way if you want something. Nasa iyo na lang kung nais mong ipagpatuloy ang hangarin mo kahit sabihin ng iba na hindi mo kaya. It's your body, it's your mind. It is your heart. They are the ones who control you and not the voices around you.
Kasalukuyan akong nasa labas ng bahay. Sa maliit na putol na kahoy, sa ilalim ng nagniningning na kalangitan, nilalanghap ko ang malamig na hangin. Napangiti ako ng maalala ang mga nangyari kanina. Hindi ko alam pero naluluha ako nang makita kung gaano kasaya si tatay nang nalaman niyang may trabaho na ako. Gano'n na gano'n ang ngiti niya nang ipanganak si bunsoy at nang nagkatrabaho rin si kuya. Sa tingin ko, fulfillment sa sarili at kapayapaan ang nararamdaman niya.
Our parents are our greatest treasures. Na-witness ko noon kung gaano nawasak ang puso ni tatay nang mawala si nanay. He was so alone. Parang nawalan siya ng gana sa buhay. But like what he said, we gave him hope. Hope to continue living. At sa tingin ko, responsibilidad ng anak na pasayahin ang mga magulang niya. Not only that it is the right thing to do, but it was God's teaching.
Napatingin ako sa malawak na kalangitan. I suddenly felt nervous about my plans. The night sky suddenly turned into a vast battlefield, where I am standing with my weapon, fighting and walking amidst the bullets raining down on me.
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong wala akong takot sa hinaharap. Naisulat ko na ang lahat ng aking plano sa utak. Ngunit hindi maiwasan ng aking puso na kabahan. Una ay dahil napakadelikado ng larangang ito. At pangalawa, sa tingin ko'y magkakaroon kami ng masinsinang pag-uusap ni tatay. Alam kong hindi siya papayag. Pinoprotektahan niya ang nag-iisa niyang anak na babae dahil siya mismo ang nakaranas kung gaano kahirap maging isang sundalo.
I was playing with my thoughts when I felt someone beside me. He did what I was doing. Nakalagay ang mga kamay nito sa likod at maagap na tiningnan ang mga bituin sa langit.
"Hindi ka makatulog?" tanong niya.
"May iniisip lang."
"'Yong manliligaw mo?"
Sinamaan ko tuloy siya ng tingin. Those things are in the least of my priorities. Tinotoo nga ni Eron ang sinabi kong pumunta sa bahay. Kung kailan pa kami nagse-celebrate ay tsaka siya dumating. Kinausap siya ni tatay at ayun nga, nasa waiting list yata siya at wala sa blacklist. Ewan ko kay tatay. Marahil sa sobrang saya niya ay hindi na niya masyadong napag-isipan.
Gaya rin ng pangako ko kay Klio ay tinanggap ko ang tsokolate at bulaklak niya. Nagulat nga ako nang naging iba ang kulay nito sa kanina. Siguro bumili siya ng bago.
Nevertheless, I did not missed the chance to tell him about what I feel once again. He said he'd wait. I don't even know what's motivating him to wait for me. My heart speaks of something else. Of someone... But still, pamilya ko muna bago ang sarili ko. I'd enjoy what I have and what I feel for now. Isa pa, someone has already set the standards for me.
Tiningnan kong muli ang mga bituin. Hindi tulad sa lungsod ay kitang-kita kung gaano kaliwanag ang buwan at kung paano kumikislap ang mga tala. Ang sarap nilang pagmasdan. Kung ang iba'y nare-relax sa dagat, ako'y sa karagatan ng mga bituin.
"Ang saya ni tatay kanina," Kalmado ngunit bakas ang saya sa tono niya.
"Kaya nga."
"Kailan mo sasabihin sa kanya?"
"Ewan ko. Saka na. Uunti-untiin ko lang kuya. Mag-iipon, tapos papasok sa PMA. 'Yong naipon ko, iiwan ko dito sa inyo. 'Yong natitira itatabi ko kung kailanganin bigla doon."
"Planado ka na talaga 'no?"
Tumango ako at napangiti. I feel so proud at the same time. Ngunit nang marinig ko ang buntong-hininga ni kuya ay bigla akong nakaramdam ng lungkot at pagkadismaya.
"Sorry kuya."
Tipid itong ngumiti at ginulo ang aking buhok.
"Minsan naiinggit talaga ako sa'yo Gabo. Parehas tayo. Gustong-gusto ko ring magsundalo. Naalala mo na tinuturuan na ako ni tatay ng mga basic commands sa likod ng bahay? Excited siya noon. Naramdaman ko na tuwang-tuwa siya kasi mayroong magpapatuloy sa nasimulan niya."
Taimtim lang akong nakinig. Nalulungkot ako at kinakabahan rin. Alam ko na ang nangyari noon. Pero ang pag-usapan namin ito ay medyo nakakatakot. Ayokong saktan ang damdamin ng kapatid ko. Kaagapay niya si tatay sa pagpapalaki sa amin.
"Pero ayun nga, kung umihip ang tadhana ay ibang klase. Nalaman kong may sakit ako sa puso kung kailan kolehiyo na ako at nagpa-practice kami ng ROTC."
Naalala ko iyon. Isinugod sa ospital si kuya dahil nahimatay ito sa gitna ng kanilang ensayo. Doon din namin nalaman ang kondisyon niya. Malungkot ang mga magulang ko noon. Ngunit alam kong mas malungkot si kuya.
"Galit na galit ako noon sa sarili ko. Frustrated ba. Imagine mo na lang na ipinangako na sa iyo ng nanay mo na bibilhan ka ng cellphone pero naudlot. Ganun pero mas mabigat ang sakit," pagbibiro niya.
Pasimple nitong pinunasan ang kanyang luha. Kung ako man ang nasa posisyon ni kuya, ganoon din ang mararamdaman ko. Masakit isipin na hindi mo makuha ang gusto mo, lalo pa kung matagal mo na itong pinangarap.
"Pulis sana pero, ayaw pa rin ni tatay. Kaya nagsekyu ako. Para kahit papaano, malapit 'di ba? Iba man ang natapos kong kurso, 'yon pa rin ang pinili kong trabaho."
"Kuya..."
Mas lalo akong nalungkot sa kanyang sinabi. Sometimes, when we are out of choices, we tend to be impulsive. We decide based on what we feel. And when we got our result, we have no choice but to accept it. Whether it is good, or bad. That is what I am avoiding. That's why I am carefully planning for everything. I am afraid to fail. I don't want fate to decide for me. I decide for myself.
"Kaya ikaw Gabo, susuportahan kita. Ang suporta na binigay ko noon sa sarili ko, ibibigay ko sa 'yo. Alam kong magkakaroon ng problema kay tatay. Pero tandaan mo na naniniwala ako sa 'yo. Suportado ka ng kuya... Tuparin mo ang pangarap namin ni tatay. Alam kong mali na parang ipinapasa ko sa'yo ang responsibilidad. Pero wala naman akong magagawa."
I smiled. Masarap sa pakiramdam na may taong naniniwala sa 'yo. It gives you more courage and determination. Kumbaga, kapag nahihirapan ka, titingin ka lang sa likod mo at makikita ang suporta nila ay mabibigyan ka ng panibagong lakas para magpatuloy.
"Gagalingan ko kuya. Para sa 'yo, kay tatay, at kay Emil."
"Dapat lang. Nako ako mismo ang tutulak sa 'yo sa PMA kapag nagbago isip mo."
"Para namang may makakapagbago pa ng isip ko."
Nang-aakusa ang mga mata nito. "Wala nga ba?"
He's trying to reach for that spot. Akala niya ay hindi ko nararamdaman. Minsan namang nasagi na iyon sa aking isip. Ewan ko, hindi ko pa ma-pinpoint kung ano nga ba pero mas nangingibabaw pa rin ang pamilya ko. 'Yon naman talaga dapat.
"Ewan ko sa 'yo Christopher."
Nagulat ang mga mata nito at sumilay ang ngiti sa labi. Ako nama'y napangiti na rin.
"Ikaw ah, ginaganyan mo na ang pogi mong kuya. Por que ikaw ang paborito ni tatay."
Nabigla ako sa kanyang sinabi. Paborito? Sa tingin ko'y hindi. Nag-iisa lang naman ako na anak na babae ni tatay kaya siguro ganoon na lamang kung makaprotekta siya sa akin. Kahit nga sila ni bunsoy gano'n ang ginagawa.
I never thought of any competition. Pantay-pantay ang pagmamahal ni tatay sa amin.
"Paborito ka diyan," I pouted.
"Oo kaya. Tingnan mo. Gabriella Marie Naval." Ikinumpas niya ang kamay sa hangin. Taka ko itong pinakinggan.
"Emilio Fileo Naval." Muli niyang ikinumpas ang kamay. Tumingin ito sa akin na parang 'di makapaniwala.
"Kayong dalawa ipinangalan sa mga bayani. Tapos ako... Hay. May favoritism talaga na nangyayari," pagdadrama nito.
Natawa ako sa kanyang inasal. Tumagilid ang aking ulo at itinukod ang kamay sa pisngi. Pinagmasdan ko ang nakasimangot na mukha nito.
"Christopher Elliot Naval. Maganda naman ang pangalan mo kuya," pangungumbinsi ko sa kanya.
Umasim ang mukha nito at parang nanghahamon. Tumawa ako sa kanyang inasal. Hindi kasi ito kumbinsido. Ang gusto talaga ay pangalan din ng bayani ang kanya.
"Cute nga. Unique naman ah. Lalo na 'yong Elliot." Pinigilan ko ang sarili na tumawa ng malakas. Ayaw na ayaw kasi nito ang tunog ng pangalawa niyang pangalan.
"Isa pa Gabo ah. Mas gusto ko pa ang Tupe."
"Maganda ngang pakinggan 'yong Elliot. Parang habulin ng babae," I teased.
Lalong umasim ang mukha nito at hindi ko na napigilang mapatawa. Minasahe nito ang kanyang sintindo at parang nanghihina. Wala itong kinakatakutan. Pero ang isang 'to ang kanyang kahinaan.
"'Di ba diyan mo rin nabihag ang syota mo?" pang-uusyoso ko.
Nanlaki ang mga mata nito at hindi na napigilan pa. Gamit lang ang isang kamay ay hinawakan niya ang aking mga pulsuhan at kiniliti ako gamit ang isang kamay.
"Kuya!" Hindi ko mapigilan ang pagtawa. Hindi ako makawala sa lakas ng pwersa nito.
"Ano? Mang-aasar ka pa ha?" hamon niya. Mas lalo niyang nilakasan ang pagkiliti sa akin at hinahabol ko na ang aking hininga.
"Hindi na nga!" Umalpas ang hangin sa aking baga. Hindi ko na mapigilan ang humalakhak. Bwisit na 'to!
Binitiwan niya ang aking kamay at akmang susuntukin ko ito ngunit agad rin niyang napigilan. Siya naman ang umamba ng suntok ngunit nasalag ko agad. Hanggang sa nag-practice kami ng self defense.
Pagod kaming napaupo. Nagkatinginan kami at nagtawanan. Napatingin siya sa langit at gano'n na rin ako.
"Nanonood siguro si nanay sa atin ngayon."
"Oo nga."
"Malay mo andyan lang din sa tabi mo."
"K-kuya naman. Miss ko si nanay pero walang ganyanan."
Napataas ang kilay nito at patakbong pumasok ng bahay. Nanlaki ang aking mga mata at tumakbo rin agad. Alam ko ang galawan nito. Ila-lock niya ang pinto mula sa loob at tatakutin ako.
"May matatakutin bang sundalo?" tanong niya nang makapasok kami. Mabuti na lang at natuto na talaga ako. Nakahabol agad ako sa kanya.
"Meron. Ako," I bragged. Tumawa ito at napasimangot naman ako.
Inirapan ko siya at diretso nang pumasok sa kwarto. Nagpalit ako ng mas kumportableng damit at payapang nahiga sa aking kama.
"Sigurado ka na ba dito hija?" tanong ni Tito Klein kinabukasan nang pumasok ako sa shop.
"Opo. Nasabi na rin po siguro sa inyo ni Klio."
Tiningnan niya ang papel na binigay ko sa kanya. Hindi man ito malaking kompanya ay ninais ko pa ring magbigay ng sulat upang pormal na makapagpaalam kay tito. Isa siya sa mga tumulong sa akin. Taos-puso akong nagpapasalamat sa kanya.
"Oo. Kabado na nga ang batang 'yon sa pagpunta sa Maynila para sa interview. Salamat 'nak," aniya.
"Wala po 'yon tito. Para saan pa at kasangga ko 'yong si Klio," ngiti ko sa kanya.
Naalala ko pa nang madaling araw pa lamang ay nasa bahay na ito. Binulabog pa kami at pina-check sa amin ang suot niya. Napuyat tuloy si tatay. Binigyan ko naman ito ng advice at syempre binasbasan ng kaswertehan.
"Tuwang-tuwa nga nang ibalita sa amin ang sinabi mo kahapon. Salamat nga pala at nakapunta kayo sa birthday ni Carissa. Pasensya na rin at hindi na kami nakapunta sa inyo. Medyo pagod kasi ako at ang tita mo, sumasakit ang paa."
"Ayos lang po. Ando'n naman po si Klio."
"Ay anek 'yan?" biglang singit ni Angelo sa usapan. Tinanaw nito ang papel na hawak ni tito. Nanlaki ang kanyang mga mata at tumili.
"Omg! Gogora ka na? Like forever?"
"Hindi, ano ka ba. Bibisita pa rin ako dito syempre pero kailangan ko talaga ng trabahong 'to."
"Awww."
"'Wag ka na malung-"
"May bago na namang papa!" putol niya sa sinasabi ko.
Natawa naman si tito at napakamot ako sa aking ulo. Akala ko ba naman ay mami-miss niya ako. 'Yon pala ay nagagalak pa dahil alam niyang may papalit sa amin dito ni Klio.
"Sige po, tito. Balik na ako sa trabaho."
"Sige Gabo."
"Bye Gabo!"
Napairap naman ako kay Angelo. Kung makapagpaalam ay akala mo ay ngayon na ang alis ko. Sa susunod na linggo pa ako aalis. Gagampanan at susulitin ko muna ang trabaho ko dito. Mami-miss ko syempre ang pagtatrabaho dito sa Mekaniks.
Napakarami kong natutunan dito lalo na ang pakikisalamuha sa iba. Iba't iba ang aming mga customer. At ang pinakamahalaga kong natutunan dito ay pasensya at respeto. Hindi lang sa customer kundi pati sa mga katrabaho ko.
Masaya kong inasikaso ang mga customer namin. Paminsan-minsan ay pinupuntahan ko si Simon upang magbigay pa ng tips at turuan siya. Aalis na ako dito kaya dapat sana ay mas gamay ng mga tauhan ni tito ang pag-aayos dito.
"Oo, basta iwasan mong mabasa ang radiator. Lagot tayo kay tito niyan. Masisira 'yan," paalala ko kay Simon. Nasa carwash station kami.
Nag-vibrate naman bigla ang aking cellphone para sa isang mensahe. Lumayo ako ng bahagya dahil baka mabasa pa ito. Mahirap na. Luma na ito at iniingatan kong 'wag masira. Ang bagong cellphone ay wala sa listahan ko.
From: KlioPangit
'Tol parang hinahabol ako ng mga aso. Kinakabahan na ako. Malapit na ako sa pila eh. Yung mga natapos ma-interview hindi mabasa ang mga mukha.
Napangiti ako. Kahit kailan talaga 'to.
To: KlioPangit
'Tol isipin mo, hindi ka gwapo para habulin. Pero kung sabagay, aso nga pala iyon. Sige, I'll give it to them. Gusto yata nilang kumain ng buto-buto.
Naiisip ko na ang nakasimangot nitong mukha. Natawa ako. Sinabi ko lang naman iyon para maibsan kahit papaano ang kaba niya. Tiwala ako kay Klio. Sa totoo lang ay mas matalino pa ito sa akin. Mas makapal din ang mukha. Kaya't hindi talaga ako nag-aalala para sa kanya.
Nag-vibrate namang muli ang aking cellphone.
From: KlioPangit
Siraulo ka talaga. Seryoso, Gabo. Wala bang inspirational message diyan? O kahit good luck man lang huhuhu.
Ang pangit nito.
To: KlioPangit
'Wag kang sumimangot yun lang. Baka matakot yung mag i-interview sa 'yo.
Isisilid ko na sana sa bulsa ang cellphone ngunit bigla naman akong nakaramdam ng sunod-sunod na pag-vibrate. Loko-loko talaga 'to. Eh bawal yata ang gumamit ng cellphone doon.
Mainit ang sikat ng araw kaya't pagkatapos kong sagutin ang tawag ay sumilong ako sa puno ng talisay.
"Alam mo, hindi mo kailangang kabahan kasi magaling ka. Naniniwala kami sa'yo dito. Ikaw pa! 'Wag ka nang kabahan. Basta 'yong sasabihin mo dapat galing sa puso," I said with conviction.
Alam ko namang makakapasa 'tong si Klio. Malakas ang paniniwala ko sa kakayahan niya.
Napakunot ang aking noo nang walang nagsasalita. Nahimatay na kaya ito sa sobrang kaba? Nag-alala agad ako.
"Hello? H-hello? Klio? Gago anong nangyari? Andyan ka pa?" Tiningnan ko ang cellphone at hindi pa naman napuputol ang linya. Tsaka ko naman tiningnan ang numero at napakunot ang noo nang makitang hindi ito naka-register. Mas lalong nagsalubong ang aking kilay sa pagtataka.
Nahigit ko naman ang aking hininga sa isang posibilidad na mangyari. Hindi naman siguro ano? Gaano ako kamahal ng tadhana at kung mangtrip sa akin ay wagas?
"Hello?" Ngayon ay mas mahinahon na ang aking tono. "S-sino po sila?"
"Are you done?" tanong ng pamilyar na boses. Napapikit ako ng mariin. Sumimoy ang hangin at pakiramdam ko'y kasabay nito ang pag-ihip ng kanyang boses.
"G-Gabriel..." pabulong kong sabi. "N-Napatawag ka?"
He scoffed. Kung kailan talaga ako hindi handa ay saka may nangyayaring ganito.
"I'm sorry I wasn't able to go to your house yesterday. I heard, you're hired."
Hindi ko alam kung uupo ako o ano. Hindi ko din alam kung kaswal o pormal ang tonong gagamitin ko. Hindi ko naman na-practice ang pangyayaring ito. Hindi ko napaghandaan. His voice is raspy. Parang medyo pagod. I suddenly felt the need to make my voice calmer.
"Ano ka ba, ayos lang." Hindi ka naman obligadong pumunta. Though I'd really like that. "Hmm kanino mo nabalitaan? Kay Nikkon ba?"
"Nikkon?"
"Oo. 'Yong CEO. Akala ko ba magkaibigan kayo."
Hindi kaagad ito nagsalita. "Yes, I thought so too."
"Huh?"
"I didn't know you're already acquainted with each other?"
"Medyo lang. Ang sabi lang niya, tropa na kami. Kapag walang trabaho ay Nikkon lang."
"Tropa..." he breathed.
Napakunot ang aking noo. "Oo. Tropa. Friends. Parang mas kaswal lang na tawag sa-"
"I know what it means," he hissed.
Napanguso ako. Ang sungit na naman nito. "Uhh, sabi nga niya may inaasikaso ka daw na importante kahapon. Uhm... Kamusta nga pala 'yon?"
Naramdaman kong parang umupo ito. Is he at work? Parang sobrang busy niya. "I wasn't able to take care of it. Nagkaro'n ng biglaang meeting."
Meeting? Hindi ba ay iyong business niya ang inaasikaso niya? May iba pa kaya siyang pinupuntahan? I sighed at the thought. Of course mayroon siyang personal na buhay. Malay ko ba kung mas may importante kaysa sa kanyang trabaho.
"Ahh." Namutawi ang katahimikan sa amin. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. I thought I was eager for this day? Iyong makausap man lang siya? I was suddenly taken back to my new job.
"Gabriel salamat nga pala ulit. Thank you dahil pinakilala mo si Nikkon. Malaking tulong talaga 'to sa akin," I sincerely said.
"Yeah, now I wish I didn't," pabulong niyang sabi.
Kukwestiyunin ko sana siya ngunit agad itong nagsalita.
"Kailan ka raw magsisimula?"
Binalewala ko na lang ang kanyang sinabi. "Uhh, sa February 02 daw pwede na akong pumasok. Hmm luluwas siguro ako ng mga Huwebes, next week. Para makapaghanda na rin."
"I see. Pupunta ako diyan ng Huwebes. I'll accompany you."
I bit my lip. "O-Okay lang ba? Alam kong busy ka rin. Uhm... Ako na lang bahala kay tatay. Hindi mo naman siya kailangang sundin."
Alam kong masama ang pangungumbinsi na sumuway pero syempre kung may iba naman pala siyang pagkakaabalahan, ay hindi naman niya kailangang ipilit na isingit ako sa schedule niya. Isa pa, hindi naman talaga niya kailagang gawin 'yon.
"I already promised tito. Isa pa, I want to do it. Ako ang maghahatid sa'yo," he said with finality.
"O-Okay." May choice pa ba ako?
"Alright. Save my number. Text me whenever you need something. I'll respond immediately."
Tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. Parang lumamig ang paligid at tinatangay ako ng hangin.
"Okay, salamat."
"Okay."
Saglit na namutawi ang katahimikan. Chineck ko pa kung namatay na ba ang tawag ngunit hindi pa naman. All I can hear is his breathing.
"Gabriel?"
"Hmm?"
"Uhh may sasabihin ka pa ba?"
Tumikhim ito. "Wala na. Sige, I'll call you soon."
"Okay, bye."
"Bye, Gabriella."
Pagkatapos ng tawag ay tiningnan ko agad kung putol na ang linya. Nang wala na ay impit akong tumili. Lalagnatin yata ako.
Agad kong niregister ang kanyang numero at kagat-labing nagtipa ng pangalan. I typed in 'Gabriel :)' at masayang bumalik sa pagtatrabaho.
Naalala ko bigla si Klio kung kaya't tinawagan ko agad ito. Kaya lang ay wala na pala akong load para makatawag. Tinext ko na lang ito para sumuporta.
"Hindi pa rin ako makapaniwala, Gabo. Masaya akong may trabaho ka na sa Maynila. Kaya lang ay iba ang Mekaniks kapag wala ka," makatotohanang ani ni Mang Dante.
"Eh ganun naman po ata talaga ang buhay. May aalis, may dadating. May magsasarang pinto, may magbubukas. Hindi naman po ako mawawala talaga. Kaya sana alagaan niyo po itong shop at mga kasama natin dito." Ngumiti ako sa kanya.
"Oo naman Gabo. Para pagbalik mo ay matuwa ka naman," tawa niya sa akin.
Saglit akong napatigil at pinagmasdan ang kabuuan ng buong shop. Medyo asensado na ito. Kung dati'y nagrerenta pa kami ng mga tools, ngayon ay kahit paunti-unti nakakapag-ipon na kami ng sarili naming mga gamit.
Mami-miss ko ang shop kapag nasa Maynila na ako. Ang dedikasyon ng mga worker dito, ang matinis na boses ni Angelo, si tito, pati na rin ang iba't ibang klase ng mga customer. Pero babaunin ko ang lahat ng experience ko dito. Isa pa, alam kong maganda ang paghubog sa akin ng shop.
Dumating ang hapon at sa wakas natapos na din kami. Napatingin ako sa oras at nagtaka nang hindi pa rin dumadating si Klio. Kanina pa kasi ang interview nito. Dapat kahit mga alas tres ay nakauwi na siya.
Klio is a very special to me. Iba man ang paraan ng pagpapakita namin ng pagpapahalaga sa isa't-isa, alam na namin ang ibig sabihin no'n.
Medyo malapit na ako sa bahay nang biglang may marinig akong tumawag sa akin. I slowed down and stopped at the side of the road. Paglingon ko ay ang bumababang Klio ang nakita ko.
"Salamat po kuya!" sigaw niya sa konduktor ng jeep.
Patakbo itong lumapit sa akin at nagmadali akong bumaba. Hindi ko na tinanggal pa ang helmet ko. Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin.
"Gabo!" hingal na hingal niyang sabi.
"Klio! Ano ka ba naman. Hindi ka man lang nag-text. Alalang-alala na kami sa 'yo. Kamusta? Anong nangyari?" sunod-sunod kong tanong.
Humiwalay ito sa yakap at ang maliwanag niyang mukha ang sumalubong sa akin. Tumataas-baba ang kilay nito. May namumuo na sa aking isip pero gusto ko pa ring kumpirmahin ito.
"Ano?!" Maging ako'y hindi na napigilang mapangiti.
"Tanggap ako! Hired na raw ako!" Tumalon ito sa tuwa. Kahit naka formal attire ito ay hindi niya alintana. Masayang-masaya ako para sa kanya.
"Congrats, 'tol. Sabi ko naman sa'yo kayang-kaya mo 'yan eh."
"Salamat 'tol. Excited na akong sabihin 'to kina papa." Nanguna itong sumakay sa motor ko.
"Luh natanggap lang sa trabaho?"
"Baliw. Ililibre kita."
Agad na nagliwanag ang aking mukha at tinanggal ang aking helmet. Ako na mismo ang nagsuot sa kanya ng helmet at agad na sumakay. Dumiretso kami kina Manang Alice.
Pagdating doon ay nag-order agad siya ng special goto.
"Sana araw-araw kang natatanggap sa trabaho 'no," pang-aasar ko sa kanya.
"Ha-ha." Niluwagan nito ang necktie at itinupi hanggang siko ang damit.
"Kamusta naman kanina 'tol? Magkwento ka nga."
Nilunok muna niya ang kinakain bago nagsalita. "Grabe sobrang daming aplikante kanina. Parang last day of hiring na nga 'yung nangyari eh. Syempre kinakabahan ako. Halos lahat sila doon galing sa malalaking unibersidad sa Maynila."
Hindi na ako nagulat. Ang kompanya ni Nikkon ay bigtime. Syempre 'di 'yon palalampasin ng mga graduate mula sa mga universities. Pero hindi naman nakakatakot 'yon. Isa ang aming kolehiyo sa top performing schools.
"Eh syempre papatalo ba ako? Ginalingan ko talaga. Lahat ng achievements at experiences ko, sinabi ko," pagmamalaki niya. "Nang sabihin ni Sir Guillermo na hired na ako, sobrang saya ko."
Ginulo ko ang buhok nito at nagpatuloy kami sa pagkain.
"Hay. Ikaw na naman makakasama ko," kunwaring pagkadismaya ko.
"'Wag kang mag-alala. Hindi mo naman yata ako masyadong makikita," aniya.
"Bakit naman?"
"Sa ibang branch ako maitatalaga eh. Hindi sa main. Binigyan kasi nila ako ng choice kung gusto ko bang sa main o hindi. Naisip ko, parang this time, kanya-kanya muna tayo."
Nagulat ako sa kanyang sinabi. "Ano? M-May sama ka ba ng loob sa akin?"
"Engot, wala. Kasi naisip ko lang, lagi tayong magkasama. Siguro maganda na ring experience kung magkahiwalay tayo. Para sa atin din naman 'yon."
Napasimangot ako sa kanyang sinabi pero naiintindihan ko naman. Hindi nga naman sa lahat ng pagkakataon ay si Klio ang makakasama ko. Kailangan kong matutong tumayo ng ako lang.
"Edi mag-isa na ako niyan."
"Tatawag ako sa'yo at kakamustahin ka. Isa pa, minsan rin naman ay kailangang mag-report sa main office. Kaya 'wag kang mag-alala, makikita mo pa rin ang gwapo kong mukha."
Napasinghal ako. Parang mas lalong tumaas ang kumpiyansa nito sa sarili.
"Ahh ge." Tumawa ito at kumain na.
Hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Medyo malungkot ako pero siguro kailangan ko rin ng experience na 'to. I've been surrounded by the same people ever since. Maybe it's time to really go out. Lalaban na nga ako, 'yong todo na.
Matapos naming kumain ay inihatid ko na si Klio sa kanila. Inanyayahan pa ako nina tito ngunit time nila iyon para mag-celebrate. Umuwi ako ng may ngiti sa labi at sinalubong ang malamig na simoy ng hangin pauwi.
This is it, huh?
When Sheldon saw Helen leaving so determinedly without even looking back, Sheldon felt that his heart was hurting so much to the point that he was already suffocating.He had already known for a long time that Helen did not love him at all.He also knew that the person that Helen had always loved deeply in her heart was none other than Curtis.However, sometimes, Helen seriously underestimated Sheldon’s skills.Although it seemed as though he had never interfered with Helen’s privacy on the surface, in truth, he knew everything about Helen’s behavior in secret.Many years ago, after the WiFi networking function became available on cell phones, Sheldon had hired some top internet hackers to closely monitor the WiFi network in his house.Sheldon could use the tools provided by the hackers to carry out comprehensive monitoring on the times when Helen’s cell phone was connected to the WiFi, the software applications that she used, and also the websites that she had visited after conn
- Por favor, me solta... Por favor - implorava enquanto estava sendo arrastado pelo chão de uma casa que eu desconhecia, um pano cobria meus olhos me impedindo de ver quem me arrastava, mas pela força deduzi ser um homem.Ainda estava me debatendo e tentando me soltar de suas mãos grandes quando ele por fim me levantou e me colocou em uma cadeira.- Me solta! - Gritei jogando a força do meu corpo pro chão na esperança de me livrar de sua pegada, uma tentativa falha.- Cala a boca - Sua voz entrou em meus ouvidos causando uma série de arrepios duradouros e de grande intensidade, a voz era masculina como eu suspeitava a pouco. Por essa razão tentei me libertar mais ainda, o que resultou em um tapa certeiro no rosto, desequilibrando a venda, me permitindo enxergar de uma maneira limitada.- Se não ficar quieto vou arrancar a sua língua! - Gritei mais desesperadamente do que antes e desta vez derrubando tudo ao me
“What?” Mr. and Mrs. Frey were shocked that they couldn’t react for a little while.Henry leaned forward slightly and stared at them from above like a king. “Do you know why I brought both of you here?”Mr. and Mrs. Frey shook their heads in horror.Henry folded his arms. “Because I want to know whose daughter Yvonne is?”He asked this on purpose just to test the couple’s ambiguity.“Whose daughter…” Mr. and Mrs. Frey looked at each other. Then, Mrs. Frey said nervously, “Son-in-law…”"Shut up. I'm not your son-in-law!" Henry scolded with a darkened face.Before this, he didn’t want to admit that he was their son-in-law. And from now on, he would never do so.Mrs. Frey trembled after Henry yelled at them. Her face turned pale and she immediately closed her mouth.Henry didn’t bother to look at her. Instead, he looked at Mr. Frey. “Tell me. Whose daughter is Yvonne?”Mr. Frey looked into his cold eyes and he couldn’t help but shiver. However, he was calmer than Mrs. Frey. At l
Arjuna menatap langit-langit kamar. Matanya memang terpejam, tapi pikirannya melayang entah kemana. Jiwanya masih sepenuhnya terjaga. Kembali teringat empat hari yang lalu di mana Julia mengusirnya dengan tatapan jijik campur benci.Pria itu mengusap wajahnya gusar. Matanya kembali menatap nyalang. Ia bangun dan duduk bersimpuh diatas kasur, merenungi kesalahannya. Dengan keadaan gelisah ia menatap tanggalan di atas meja yang berada tepat disebelah kasur.Tanggal tiga belas, tercoret dengan lingkaran merah. Arjuna menandai pada tanggalannya. Hari saat dia menodainya. Hari dimana kehormatan adiknya sendiri ia renggut.Ditengah “Kan udah Kakak bilang jangan bawa masuk orang asing.”“Tapi dia bukan orang asing.”“Namanya siapa?”“Hehe... Vino nggak tahu, Kak. Tapi katanya dia pacarnya Kak Julia.”Merasa semakin tidak enak, Arjuna memilih melangkah keluar untuk menghormati privasi pertengkara
Daniel did not stop smiling all this while remembering the funny incident he had a few minutes ago.Future lover?Daniel laughed again. This is the first time finding a strange girl like Anjani. The girl that Daniel thought strange but unfortunately made him curious.How weird is Anjani?Daniel pulled his car to the side of the road, he grabbed the cellphone. Looking for a contact named Jane Rubby and then pressing the sophisticated object to the earlobe.Daniel bit his lip as he waited for his phone line. But to no avail, Jane ignores calls from Daniel.Jane: what's wrong? It's noisy in here, just type.Daniel hurriedly typed a message reply for Jane.Daniel: Send me Anjani's numberJane: for what?Daniel: want to approach* * *Sean watched the movements of his wife who had just come out of the room. His body spo
Lucy stood by the window waiting for Nick's car to pull up, the excitement was too much to contend with. “can't wait to see the look on her face when she comes apologising,” she said to herself.