Date"Mamaya ka na makipag-date, magsisimba muna tayo!" sigaw sa akin ni ate. Nandito kase ako ngayon sa kwarto ko, naga-ayos. Sumagot ako pabalik, siyempre uunahin ko itong simba. Nakagawian na kase ng family namin ang ganito, every Sunday kami nagsisimba. Tapos after no'n, bonding ng family namin. Alam nila na may date ako ngayon kaya napagkasunduan namin na mamayang alas tres ng hapon ako sumipot, alam naman ni Pearce 'yon at wala siyang magagawa doon.Bumaba na agad ako para hindi masigawan ni ate, sasabihin na naman niya na ang bagal ko gumayak ta's siyempre hindi niya palalagpasin 'yon. Sesermunan niya muna ako bago kami umalis, late na kami sa misa pero pinapagalitan niya pa rin ako. Dumukot ako ng pandesal bago kami umalis. Kasabay nila Papa si Ate ta's ako naman, kay Kuya sasabay. Habang nasa biyahe kami, napagusapan namin 'yung nangyari sa amin nila Pearce. Tinanong ko siya kung saan niya nalam
Last Updated : 2023-12-02 Read more