"HOY 'te! Ano tulaley ka na naman diyan." Biglang sabi ng katabi ko at sinundot pa ang tagiliran ko, buti na lang ay wala akong kiliti ro'n. "Ano ba 'yan, April. Shh ka lang diyan at nakikinig ako kay Sir." Kunwaring sabi ko at tumingin sa harapan. "Utot mo blue, nakikinig titig na titig ka nga kay Sir diyan. Kung 'di ko lang alam na crush mo si Aaron baka isipin 'kong may gusto ka kay Sir Geronimo." Bulong pa nito sa 'kin. "Gaga ka! 'Wag ka nga," sambit ko na lang at pinilit ang sarili 'kong makinig kay Sir pero hindi talaga mawala sa isip ko ang huling chat sa 'kin ni Aaron kagabi. Gusto niya raw kasi na sabay kaming mag-lunch para raw magkumustahan. "Shh, 'wag kayong maingay, marinig kayo ni Sir." Saway naman ni Erika na nasa harapan namin ngayon. Hindi na naman kami umimik ni April. Tumingin kami sa harapan at nakinig na kay Sir. "May thirty minutes pa si Sir, ang aga talaga niya lagi magpalabas," sambit ni Garien na ina
Last Updated : 2023-12-01 Read more