"MALAPIT na second anniversary niyo ng bebe mo, 'te ha. Anong balak?" Biglang tanong ni Erika sa akin habang kumakain. Hindi kami kompleto ngayon, may kan'ya-kan'yang ginagawa kasi ang iba sa amin. Third year na kami at mas lalo pa kaming naging busy kaya minsan na lang kaming mabuo."Oo nga 'te. No'ng first niyo wala man surprise. Try mo kayang surprise. Tsaka first time mo 'to gagawin kaya magiging masaya 'yon." Sabat naman ni Jojoy."Ayun nga iniisip ko mga 'te. Wala akong maisip e. Kung isu-surprise ko siya, paano ko gagawin? Saan ko gagawin?" Sabi ko at umiling-iling pa."Ang rami kayang lugar, dear," ani April na kumakain."Yes! Natatandaan mo yung pinag-outing-an natin no'ng nakaraan? No'ng summer? Perfect place 'yon. Try mo. One night kayo ro'n," sabi ni Erika at parang inalala pa ang nakaraan."Kung gusto mo. Kung sino p'wede sa squad isama mo. Para may makatulong ka sa pag-aayos ng decorations. Syempre pipiliin mo yung mura. Magal
Última actualización : 2023-12-01 Leer más