共有

chapter 66

作者: gaojianxiong
last update 公開日: 2023-12-02 07:59:51

Hating-gabi naman sa Kaharian ng Zaparya ay tahimik nang nagpapahinga si Prinsesa Nevira sa kaniyang silid nang makarinig siya ng sigaw mula naman sa kwarto ng kaniyang bunsong kapatid na si Prinsesa Sanaya kaya kaagad niya itong pinuntahan.

“Hindi ba at sinabi ko naman na huwag niyong papakialaman ang aking mga alaga!” umaalingawngaw ang galit na sigaw ni Prinsesa Sanaya na rinig hanggang sa labas ng kaniyang silid..

“Patawad po prinsesa. Naisip lang po naming ilipat ng pwesto ang inyong mga alaga.” takot na usal ng isang babaeng tagapagsilbi.

“Totoo po iyon prinsesa, maniwala ka wala po kaming ibang ginawa sa mga alaga niyong ahas.” dugtong naman ng isang lalaking tagasilbi. Sa sobrang galit naman ay halos naging kulay itim na ang buong mga mata ni Prinsesa Sanaya.

“Sinungaling!”

Biglang dumating ang nakatatandang si Prinsesa Nevira.

“Anong nangyayari dito?”

“Bakit hindi mo kausapin ang mga palpak na tagapagsilbi! Pinakukulo nila ang aking dugo!” galit na usal ni Prinsesa Sanaya.

“Sige na lumabas na kayo.” utos naman ni Prinsesa Nevira sabay senyas sa dalawang tagapagsilbi.

“Walang lalabas!” pagtutol ni Prinsesa Sanaya nang biglang yumanig ang buong silid dahil sa tindi ng kaniyang kapangyarihan. Nilapitan naman siya ni Prinsesa Nevira upang pakalmahin.

“Tumigil ka na Sanaya, bago mo pa mawasak ang buong kaharian. Ang akala ko ba ay ayaw mo sa mga kaguluhan, kaya huminahon ka na. Ngayon lang kita nakitang magalit nang ganiyan katindi.”

“Alam mo namang ayaw ko nang may nakikialam sa akin.”

“Alam ko. Ako na ang bahalang magparusa sa dalawang tagasilbi kaya huminto ka na sa pagwawala bago pa si ama ang pumigil sayo.” kalmadong mungkahi ni Prinsesa Nevira.

“Kung iyon ang nais mo, kapatid.”

Nagulat naman si Prinsesa Nevira sa mabilis na pagbabago ng emosyon ng bunsong kapatid. Kani-kanina lang kasi ay galit na galit ito ngunit ngayon ay mahinahon na.

“Paumanhin kung natakot ko kayo mga tagasilbi, ang mabuti pa ay ibalik niyo na lang sa dating puwesto ang aking mga alaga.” nakangiting utos ni Prinsesa Sanaya na lalong nagpakaba sa mga tagasilbi.

“Ma-masusunod po.”

Si Prinsesa Nevira naman ay nasa may pintuan pa rin at pinagmamasdan ang kapatid.

“Sige na kapatid. Maaari mo na akong iwan.” mahinahong wika ni Prinsesa Sanaya.

“Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Sanaya.” nakangiting tugon naman ni Prinsesa Nevira.

Samantala magkatulong na binuhat ng 2 tagasilbi ang isang babasaging kulungan na punong-puno ng mga ahas. Maya-maya ay bigla na lamang nakawala ang mga ito sa kulungan at nilingkis ang dalawang tagasilbi tsaka nilulon ang mga ito na para bang ilang taon silang hindi nakakain. Makalipas ang isang minuto ay walang anumang parte ng katawan ng mga tagasilbi ang natira. Pinanood lamang ng magkapatid na prinsesa ang nangyari.

Kusa namang bumalik sa kulungan ang mga ahas na akala mo ay mga maaamo subalit mababangis.

“Hahaha! Wala ka talagang kasingsama Sanaya. Taliwas ng iyong maamong mukha ang iyong kahindik-hindik na kapangyarihan.”

“Para saan pa at ako ang pinakakinatatakutan ng lahat ng kaharian kung magpapahuli ako sa paggawa ng mga mararahas na bagay.” nakangiting sagot ni Prinsesa Sanaya.

“Kung ganon ay totoo ngang nakakausap at nauutusan mo ang mga alaga mong ahas.”

“Hahahahaha!”

“Hahahaha! May nakakatawa ba akong nasabi?”

“At sino naman ang nagpakalat ng balita na may kakayahan akong makipag-usap sa mga hayop? Isang malaking kalokohan hahahaha!” natatawang tanong ni Prinsesa Sanaya.

“Kung ganon ay paano mo pala sila nauutusan?” seryosong tanong ni Prinsesa Nevira.

“Kailan mo pa ako narinig na kumausap at nag-utos sa isang hayop?”

“Kung ganon ay paano nga? Paano mo sila napapasunod na para bang nakokontrol mo ang kanilang mga pag-iisip?”

“Hahaha! Sapagkat ‘yun na nga kapatid. Nasagot mo na ang tanong, dahil kaya ko talagang kontrolin ang kanilang pag-iisip.”

“Palakas ka nang palakas habang tumatagal. Siguradong matutuwa si amang malaman ang  bago mong kapangyarihan.” nakangiting wika ni Prinsesa Nevira.

“Hindi na kailangan dahil alam na nila. Alam na ng buong kaharian ng Zaparya at matagal na ring alam ng iba pang mga kalabang kaharian. Hahaha! Kaya nga labis na lamang ang kanilang takot sa akin.”

“Ah talaga ba? At paanong ako na lang ang hindi pa pala nakakaalam na ang aking bunsong kapatid ay may kakayahan pa lang kumontrol ng isipan ng iba!”

“Hindi ko alam sayo. Marahil siguro ikaw lang ang naniniwala na sa tuwing naiinip ako ay kinakausap ko ang mga hayop. Hindi ba at iyon ang palagi mong ipinang-aasar sa akin?” seryosong usal ni Prinsesa Sanaya.

“Hahaha! Ngayong alam ko na ang katotohanan ay hindi na kita aasarin pa. Kahanga-hangang kapangyarihan, mukhang namana mo ang kapangyarihan ni ina na kayang kumontrol ng isipan ng iba. Bakit hindi mo subukang lumabas dito sa ating kaharian at simulang ipangalandakan sa mga kalaban ang iyong natatanging kapangyarihan.”

“May tamang panahon diyan. Magpapakita akong muli sa kanila sa takdang oras.”

“Hahaha! Tama iyan at tiyak na lalo ka nilang katatakutan dahil ang batang Sanaya na dati nilang nakilala ay ibang-iba na ngayon.” masayang bulalas ni Prinsesa Nevira.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • GJX GN 21000000180   chapter 67

    Por mais simples que possa parecer, ainda é muito difícil para os cientistas definir vidacomclareza. Muitos filósofos tentam defini-la como um "fenômeno que anima amatéria".[4]Deum modo geral, considera-se tradicionalmente que uma entidade é um ser vivo se, exibe todos os seguintes fenômenos pelo menos uma vez durante a suaexistência[5]:

  • GJX GN 21000000180   chapter 66

    Hating-gabi naman sa Kaharian ng Zaparya ay tahimik nang nagpapahinga si Prinsesa Nevira sa kaniyang silid nang makarinig siya ng sigaw mula naman sa kwarto ng kaniyang bunsong kapatid na si Prinsesa Sanaya kaya kaagad niya itong pinuntahan.“Hindi ba at sinabi ko naman na huwag niyong papakialaman ang aking mga alaga!” umaalingawngaw ang galit na sigaw ni Prinsesa Sanaya na rinig hanggang sa labas ng kaniyang silid..

  • GJX GN 21000000180   chapter 65

    Mila POV...I woke up quite early as the excitement did not allow me to sleep a wink, today was my first day at Harris construction and I was beyond excitedI quickly had my shower and got ready wearing an all black dressI hurriedly ran down the stairs as I went to kitchen to make myself something to eatSo engrossed in my meal I soon heard my phone ding as I looked at it I saw a text from Maya wishing me luck on my first day as every word she wrote brought a smile to my faceI felt so positive that my day was going to be great and nothing could stop me nowStepping out of the house, I took a bus to the other side of town where the company wasso as i Inched closer to the company I suddenly became consumed with feeling doubt and uncertainty as so many unanswered questions hovered endlessly in my headTaking in a deep breath I mentally prepared myself as I walked i

  • GJX GN 21000000180   chapter 64

    "We'll be staying here until the engagement is over." He said as they got down from the car, and her bags were taken inside."Oh my God, is that the Prince?" A passerby screamed pointing in their direction, cameras were already up as more people gathered,"Oh my goodness, she's the one," they said whispering, Janine was already feeling uncomfortable as she tried to hide away, Ethan pulled her to his side, grabbing her shoulders tight making her wince at the pain,"Yes, she's the one. My future bride, our future queen, " he said smiling, and looking at her, she forced a smile avoiding eye contacts with the crowd that now stood in front of them,"Wow, how lucky!!! I'd trade anything to be in her shoes," one said. Janine felt the tears swell up in her eyes, batting her eyelashes immediately to stop them, her throat felt dry, her stomach felt sick, the fear which drowned her, the reality that she was s

  • GJX GN 21000000180   chapter 63

    *Juliet*Though it had come early with the whiteout squall Sam and I’d had on the Isle Royale, the winter started out like any other. Children and adults alike brought their snow gear out of the cedar chests and armoirs and prepared to salt the streets and sidewalks.Driving was a bit more treacherous, but we’re used to this inconvenience, and with Julia still at home another year before kindergarten, Sam and I had only rare occasion to leave home anyway, weekly for mass and once a month for groceries and pantry staples. And it wouldn’t be the winter season without a few cold-weather aggravations as far as we were concerned.True to his word, with nothing else to do on the farm, Sam tore our bathroom apart and built a fine vanity with double sinks and a GE Textolite countertop. He made a special trip to the city and brought home and installed shining

  • GJX GN 21000000180   chapter 62

    They were all bedrooms richly decorated with huge four poster beds, but each one decorated differently, making each room have its own individual personality. When I came across the seventh door. I could feel energy radiating on the other side of the door, someone was inside. I could see the soft green glow of their Aura, which meant one of two things, they were either an earth witch or human. I just hope it's Becca and not a Coven Elder.Luck must be on my side, upon opening the door. I discover Becca sitting on a metal chair in the centre of the room, her head slumped to the side, she glanced up when I stepped in closing the door behind me. Her hands and feet duct taped to the legs and arms of the chair. Her blonde hair matted with blood and sweat, she was bleeding from her forehead, a large gash that went from her eyebrow and into her hairline.When I first walked in, I froze at the sight of her. She lost we

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status