Share

chapter 15

Auteur: gaojianxiong
last update Date de publication: 2023-12-01 17:45:10

Point of view

- Emma Blair -

"What are you doing here" malakas niyang sigaw tsaka siya tumakbo pabalik sa loob ng shower room, hindi ko alam kung bakit pati ako ay napatalikod dahil sa kaniyang ginawa, ramdam ko ang pamumula ng aking mukha at ang mabilis na tibok ng aking puso.

"Wa..wala akong nakita promise, aalis na ko" saad ko at nang akmang tatakbo na ako palayo, narinig ko ang muling pag bukas ng pintuan sa shower room.

Napalingon akong muli sa kaniya at nakita ko ang naka maskara niyang mukha.

"Nakita mo ba?" saad niya sa akin na tila nais akong tumugon agad.

"Wala talaga kong nakita promise, ba.. Bakat lang nang konti"

naiwas ko ang aking tingin dahil sa aking nasabi, ramdam ko ang pulang-pula kong mukha at gustong-gusto kong sampalin ang aking bibig dahil sa sobrang diretso nito mag salita.

"Hindi iyon ang tinutukoy ko"

"Huh? Ah eh ano?" muli akong napatingin sa kaniya at nakita ko ang pilyo niyang ngiti.

Habang nakatitig ang aking mata sa kaniyang mata. Dahan-dahan siyang nag lakad papalapit sa aking kinatatayuan at habang siya ay papalapit ng papalapit, ang aking mga binti naman ay humahakbang patalikod hanggang sa aking maramdaman ang pader sa aking likuran at tuluyang masandal dito.

Nakita nang aking mata ang pag taas ng kaniyang braso at isinandal niya ito sa pader sa aking likuran dahilan upang ma corner niya ako sa aking kinatatayuan.

"Hindi ba matagal mo nang nakita ang bagay na ito?"

Mariin akong napalunok nang siya ay nag salita at dahan-dahang inilapit ang kaniyang mukha sa aking mukha dahilan kung bakit mas bumilis ang tibok nang aking puso.

"Oh baka naman gusto mo ulit itong makita"

"Wah bastos" mabilis ko siyang tinulak dahilan upang mapalayo siya sa akin.

"Haha sorry nag bibiro lang ako" saad niya habang siya ay malakas na tumatawa.

"Ibig kong sabihin nakita mo ba ang aking mukha?"

"Iyong mukha?" napaisip ako sa kaniyang sinabi at naalala ko yung nang-yare kanina, oo nga pala wala siyang maskara kanina.

"Oo nakita ko pero bakit kailangan mo pang mag maskara gwapo ka naman"

Tila may isang bagay ang gumulat sa kaniyang mukha dahil napansin ko ang biglang pag laki ng kaniyang mata, ngunit maya maya lamang ay nawala rin ito.

"Kung ganon, kahit pala wala ang maskarang ito hindi mo parin ako makikilala"

"Ano bang sinasabi mo Joseph?"

Nakita ko ang marahan niyang pag yuko at dahan-dahang pag tanggal ng kaniyang maskara, tsaka bumungad sa akin ang kabuuhan ng kaniyang mukha.

"Sabihin mo. Ang mukhang ito. Wala ka ba talagang naaalala?" saad niya na nakapag bigay sa akin ng maraming katanungan.

Anong ala-ala? Bakit? Bakit niya ako tinatanong nang mga ganitong bagay. Umiling ako bago muling tumugon sa kaniyang katanungan.

"Sorry wala talaga akong naaalala"

Tila nawala ang ngiti sa kaniyang mukha at nabalutan ng dilim ang kaniyang mata, nakaramdam ako ng siryosong presensya sa pagitan naming dalawa. Ang komportableng presensya kanina ay bigla na lamang nawala.

Nakita ko ang pag tapon niya sa kaniyang maskara sa ibabaw ng kaniyang higaan tsaka ito pumasok sa kaniyang walk in closet nang hindi manlang nag sasalita.

"Anong nang-yare dun?" saad ko.

*******

Makalipas iyon nawala na sa isip ko ang pag lalakad sa hardin at dumiretso nalang sa hapag kainan, narinig ko pa ang bulong-bulongan ng mga kasambahay sa mansion.

"Nakita mo ba si Sir, wala siyang suot na maskara?"

"Oo nga ang gwapo niya pala kapag wala iyon"

"Bakit ba kase lagi siyang naka maskara"

"Hindi ko din alam eh"

Ilan lang ang mga iyon sa aking naririnig sa loob ng mansion. Oo nga bakit nga ba niya kailangang mag maskara.

Bigla nalamang sumagi sa aking isip ang kaniyang sinabi kanina,

"Wala ka ba talagang naaalala?" ang mga salita niyang iyon ay paulit-ulit sa aking isipan.

Ano ba kase ang kaniyang tinutukoy.

Kinagabihan, lubos akong nagtaka dahil halos buong araw ay wala siya sa loob ng mansion ngunit naiintindihan ko naman na kailangan niyang mag trabaho, ngunit tila hindi na ako sanay na hindi siya nakikita, dahil simula nang ako ay ma ospital halos araw-araw siyang nasa mansion at ako ay kaniyang inaalagaan.

Baka nasanay lamang ako na inaasikaso niya. Masyado na ba akong naging panatag na kasama siya?

Habang ako ay nakaupo sa aking kama, hinaplos ko ang pink na kobre kama na aking inuupuan at marahan kong hinimas ang malambot nitong tela.

Pag lipas ng siyam na buwan ang lahat ng mayroon ako ngayon ay mawawala, kaya sa tingin ko hindi ako dapat masanay sa mga bagay na mayroon ako ngayon at hindi ako dapat madala sa kabaitan na kaniyang pinapakita ngayon.

Nakatitig lamang ako sa aking kamay at sa sing-sing nang pangako na sinumpaan naming dalawa ni Lance.

Tsaka ko itinaas ang aking kamay at hinawakan ang aking sing-sing.

Kamusta na kaya ang aking asawa. Ni minsan kaya ay sumagi ako sa kaniyang isipan?

Sa gitna nang aking mga agam-agam bigla nalamang akong nakarinig nang malakas na dabog sa pintuan. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Joseph na nakatayo sa pintuan.

Mabilis akong napatayo dahil sa kaniyang pag dating.

"Ba..bakit anong problema?" saad ko, ngunit tila wala siyang naririnig sa aking mga sinasabi.

Dali-dali siyang nag lakad patungo sa aking kinatatayuan tsaka niya inilapit ang kaniyang mukha sa aking mukha dahilan upang ako ay mapaupong muli sa aking kama.

Inilapit pa niya nang mas malapit ang kaniyang mukha sa akin at dahan-dahan akong lumayo sa kaniya hangang sa makaakyat ako sa gitna nang aking kama.

Naaamoy ko ang kaniyang hininga at ang amoy nito ay may bahid nang alcohol. Nakainom siya?

Hindi ko namalayan na dahan-dahan na pala akong napapahiga sa aking kama habang siya naman ay dahan-dahan din ang pag higa sa aking katawan.

Habang siya ay palapit nang palapit hindi mapigilan ng aking puso ang sunod-sunod na tibok nito na hinihiling ko na sana ay hindi niya marinig.

Nakaramdam ako nang matinding kaba nang ilapit niya ang kaniyang labi sa aking labi at hindi ko alam kung bakit ang aking katawan ay walang pag tanggi.

"Emma..." mahinang bulong niya hanggang sa.

Namalayan ko nalang na siya ay nakatulog na at nakabagsak ang kaniyang ulo sa aking dib-dib. Tila naka hinga ako nang maluwag nang siya ay makatulog, tsaka ko siya dahan-dahang tinulak upang siya ay mapunta sa aking kalapit at matanggal ang kaniyang pag-kakapatong sa akin.

Bahagya akong umupo at sinulyapan ang kaniyang mukha. Habang siya ay mahimbing na natutulog. Napangiti ako dahil sa kaniyang itsura. Para siyang bata na nakasalampak sa kaniyang higaan.

Nakita ko ang maskara niya na kaunting napalihis at kahit walang paalam, hinawakan ko ang kaniyang maskara at marahang tinanggal sa kaniyang mukha.

"May dapat ba akong maalala sa mukhang ito? Mayroon ba akong nakalimutan?"

At sa buong gabing iyon nakatitig lamang ako sa kaniyang mukha at iniisip kung ano nga ba ang bagay na iyon.

********

Lumipas ang ilang buwan at hindi na rin maipag kakaila ang lumalaki kong tiyan.

Ito ay isang bagay na nakapag papasaya sa akin, noon ay sumuko na ako at iniisip na hindi na ako magkaka-anak, ngunit heto ako, halata na ang anim na buwan kong tiyan, at masaya ako dahil dito. Nakatingin lamang ako sa aking katawan sa harapan ng aking salamin dito sa loob ng aking silid habang ako ay nakangiti.

Narinig ko ang marahang pag-bukas ng pintuan at iniluwa nito ang lalaking ama ng dinadala ko.

Naka ngiti lamang siya sa akin habang nakatingin at tsaka siya marahang lumakad sa aking kinatatayuan.

Matapos ang araw na tila nag tatampo siya sa akin, nakuha din naming mag ayos para narin sa batang ito.

At ngayon heto siya nakatayo sa aking likuran. Naramdaman ko ang kaniyang kamay na dahan-dahan niyang iniikot sa aking bewang at ipinatong niya ang kaniyang baba sa aking balikat at tsaka ako niyakap mula sa aking likuran.

Ang bagay na ito ay nakapag bibigay ng init at pag-mamahal sa aking puso. Alam kong mali ngunit hindi ko maiwasan na humiling na sana ay hindi pa naka tali ang aking puso.

"Unti-unti nang lumalaki si Baby" saad niya

"Oo nga nakakatuwa dahil hindi ko inaasahan na ako ay magiging isang ina"

"Masaya ka ba?" mahinahong bulong niya sa aking tainga.

"Oo masayang masaya" saad ko tsaka ako ngumiti at hinimas ang aking tiyan.

Naramdaman ko ang kaniyang kamay at inilagay niya ito sa aking balikat at tsaka marahan akong ihinarap sa kaniyang kinatatayuan.

"Hinihiling ko sana na hindi na matapos ang siyam na buwan, ngunit alam kong matatapos din ito" tila may kung anong karayom ang tumusok sa aking puso nang banggitin niya ang bagay na iyon.

Tama siya, makalipas ang siyam na buwan, babalik na sa dati ang lahat at babalik na ako sa aking asawa.

Naputol ang aking iniisip nang makita ko ang kaniyang pag luhod sa aking harapan. Hanggang sa magpantay ang kaniyang ulo sa aking tiyan.

Inilapit niya ang kaniyang mukha dito at marahang hinalikan ang maliit kong tiyan.

"Baby, magkikita na tayo" saad niya.

Alam kong mali ang aking nararamdaman, alam kong mali na hilingin ko na sana siya nalang ang aking asawa. Dahil alam ko na ako ay hiniram niya lamang.

*********

Habang lumilipas ang mga araw nararamdaman ko ang pag galaw nang bata sa aking sinapupunan, nararamdaman ko na kami ay iisa, at habang lumilipas ang panahon lumalalim ang koneksyon na aking nararamdaman sa aking anak.

Ika siyam na buwan nang aking pananatili sa mansion. Pumunta ako sa silid ni Joseph upang iparating ang aking nais.

Nakita ko siya na nakaupo sa kaniyang study table habang nag babasa ng isang libro.

"Joseph pwede ba kitang makausap?" saad ko

"Sige ano yun?"

"P... Puwede bang, huwag mo nang kunin ang bata?"

Nakita ko ang pag kunot ng kaniyang noo sa aking sinabi tsaka siya tumingin sa aking kinatatayuan. nakaramdam ako nang takot sa gusto kong iparating dahil taliwas ito sa napag-kasunduan, ngunit nais kong malaman niya na ayoko nang ibigay ang bata. Ang batang ito ay sa akin ang batang ito ay parte nang aking dugo at ng aking laman.

"Bumalik ka na sa iyong silid Emma" saad niya tsaka siya bumalik sa kaniyang binabasa

"Pero Joseph"

"I said go back to your room!" sigaw niya sa akin na nakapag palundag ng aking balikat.

Ayoko mang gawin ngunit napilitan akong tumalikod at dahan-dahang mag lakad palayo.

Ngunit habang ako ay palayo ng palayo bigla nalamang akong nakaramdam nang paninigas ng aking tiyan,

At habang tumatagal pasakit ito nang pasakit hanggang sa hawakan ko ang aking tiyan at ang sakit ay hindi ko na mapigilan.

"Aahhhh!" napasigaw ako nang malakas dahil sa sakit na aking nararamdaman hanggang sa mapaluhod ako dahil dito.

Naramdaman ko ang mabilis na pag takbo ni Joseph patungo sa aking kinaroroonan.

"Emma! Emma!" sunod-sunod niyang sigaw na may bahid nang pag-aalala. Hanggang sa maramdaman ko ang kaniyang braso sa aking binti at sa aking balikat tsaka niya ako binuhat.

"Get my car now!" sigaw ni Joseph

******

Hindi ko na alam kung ano ang nangyayare sa aking kapaligiran, ang alam ko lang tila napaka bigat ng aking mata na ayaw nitong mamulat.

Nararamdaman ko ang nag kakagulong mga doctor sa aking paligid, hindi ko maramdaman ang buo kong katawan na tila may isang anesthesia na itinurok sa akin.

Hanggang sa marinig ko ang isang iyak ng munting anghel.

"Its a Baby boy" saad nang isang doctor na nakatayo sa aking paahan. Hindi ko makita ang kanilang mukha dahil sa nakatakip na kulang asul na labgown sa aking tiyan na nag sisilbing harang sa hiniwa nilang balat mula sa akin.

Matapos iyon ay paulit-ulit kong naririnig ang tanong nang nurse sa aking pangalan at paulit-ulit din naman ako sa pag sagot nito. Hanggang sa mawalan na ako nang malay.

Masarap sa pakiramdam ang may nag-aalaga sa iyo, masarap sa pakiramdam ang may nag-mamahal sa iyo, ngunit bago ka pumasok sa isang sumpaan sa harapan nang altar, pag-isipan mo muna ito nang isa. Dalawa o higit pa, dahil hindi natin alam na masaya nga tayo ngayon ngunit pag lipas nang panahon ang kasiyahang inakala nating pang habambuhay ay unti-unting matutuldukan.

Dahan-dahan ang pag mulat nang aking mga mata at ang una kong nasilayan ay ang puting kisame dito sa ospital.

Ibinaling ko ang aking ulo sa aking kaliwa at sa aking kanan hanggang sa matanaw ko ang isang nurse na nag aayos nang aking mga gamit.

Sinubukan kong ibukas ang aking bibig at mag salita.

"Nurse nasaan ang baby ko?" saad ko

Nakita ko ang pag lingon sa akin ng nurse at ang kaniyang mata ay nababalot nang kalungkutan.

Nanlaki ang aking mata dahil sa mga bagay na sumasagi sa aking isipan.

Pinilit kong itayo ang aking katawan kahit masakit pa ang mga ito.

"Miss Blair dahan-dahan lang po bago palang ang tahi sa iyong tiyan" saad ng nurse habang ako ay kaniyang inaalalayan.

"Nurse nasan siya? Nasan ang baby ko?" nag simulang mamuo ang luha sa aking mga mata at nag simulang bumigat ang aking balikat dahil sa kalungkutang aking nararamdaman.

"Miss Blair, huminahon po muna kayo"

"Paano ako hihinahon kung hindi mo sinasagot ang aking mga katanungan! Aarghh!" naramdaman ko ang sakit nang aking tiyan nang mag simula akong sumigaw hanggang sa mamilipit ako sa sakit na aking nararamdaman.

"Doc! Doc!" tanging sigaw lamang ng nurse ang aking naririnig hanggang sa dumating ang mga doctor sa aking silid.

Pilit kong inilalaban ang aking katawan sa kanilang mahihigpit na hawak at pilit akong pumipiglas ngunit masyado silang marami.

Hanggang sa maramdaman ko ang isang karayom na itinusok sa aking balikat. Ang likido na galing sa loob ng karayom ay nag simulang magpa kalma sa aking kalooban. At wala na akong nagawa kung hindi makinig sa kanilang paliwanag.

"Miss Blair, I'm sorry pero ang anak mo ay wala na po dito"

Gustuhin ko mang tumakbo at habulin si Joseph ngunit anong magagawa nang mahina kong katawan.

"Saan niya dinala ang aking anak?" tanong ko sa doctor habang ang aking luha ay nag simula nang dumaloy.

"Hindi ko po alam Miss Blair, ngunit nang ikaw ay manganak, umalis sila kasama ang bata at nag iwan lamang si Sir Lee ng isang cheque sa inyo"

Iniabot niya ang isang pirasong papel at ipinatong sa kalapit kong table.

"I'm sorry Miss Blair, excuse us"

Tsaka sila umalis ng aking silid. Natanaw ng aking mata ang piraso ng papel na nakapatong sa lamesa.

At ang luha sa aking mata ay tila isang ilog na tuloy-tuloy ang agos. Hindi ko kailangan ang pera mo Joseph, ang kailangan ko ay ang anak ko.

Tinakpan ko ang aking mata upang huwag tumakas ang mga luha, ngunit kahit anong aking gawin tumatakas parin ang mga butil nito.

Simula nang araw na iyon, dalawang bagay ang aking pinag sisisihan. Ang hinayaan kong kunin niya ang aking anak. At kung bakit hinayaan kong mahulog ang loob ko sa kaniya. 

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • GJX GN 21000000185   chapter 67

    аешь, как я переживала??— Мне просто понравился шарик одного мальчика, вон он, — она указала на маленького мальчика, похоже, её возраста. Я прищурилась.— Шарик со СпанчБобом? Серьёзно?! Я бы его купила тебе!— У этого мальчика такой красивый брат, — она засмущалась, и щеки окрасились в какой-то лиловый оттенок. Я даже вздёрнула брови.— Какой ещё брат? — я снова посмотрела в ту сторону. Я не сразу заметила, что с тем мальчиком кто-то стоит. Это был какой-то высокий блондин в модных черных очках. Что-то мне казалось в нём знакомым, но я не придала волю подобным мыслям и каким-то размышлениям. Переживания за жизнь родной сестры растворили и хорошее настроение, и желание дальше гулять в воздухе. Внезапно она только и рванула к ним, сверкая пятками. Кто-то уже нарушил своё обещание, сказанное пару минут назад. — Лили, куда побежала? — я пошла за ней, не желая сжечь ещё миллион нервных клеток.— Подари

  • GJX GN 21000000185   chapter 66

    KEDATANGAN Vino pagi ini cuma numpang cuci muka dan makan pisang goreng yang disuguhi Umi. Kemudian pamit berangkat. Dan disinilah Khika sekarang, disebelah Vino di dalam mobilnya yang Vino kemudikan menuju Sekolah. Suasana hening. Kata candaan 'aku juga suka kamu' yang sempat Vino lontarkan tadi tak ada tapaknya sama sekali. Vino nyatanya tetap cuek dan ketus seolah nggak pernah terjadi apa-apa. Khika seperti buang-buang tenaganya saja tadi, karena sempet deg-degan tak karuan mendengarnya.Sesampainya di sekolah. Dimulai dari keluar

  • GJX GN 21000000185   chapter 65

    Rhea’s POV“I have the exact coordinates of the demon lair. When shall we attack them?” Artemis asked. She looked ready for the hunt. She was the Goddess of the hunt, after all.“We should wait and plan properly. I think we should ask Mercy to join us. She is extremely powerful, and having her on our side will help us win against the demons. If she is okay with it, we shall plan the attack at twilight because after that time they would get out of their lairs and lurk in the streets. We have to catch them before they go out,” I said.I frowned when I saw Adrian and Artemis both looking at me with identical expressions of disbelief. Were these two long-lost siblings or something? And why were they looking at me like that? Did I say something stupid again? I thought over what I had spoken and didn’t feel anything wrong with it.“What?” I asked in exasperation.

  • GJX GN 21000000185   chapter 64

    The annual Gala of Alpha's and Luna's took place every year at the end of the semester, that was the first week of July. Which was in a few days.Faith's brusies were non existent by this time and Dea had not hit her or given her any more injuries either. Alpha Rigie took a lot of interest in faith's personal life. Faith was not very happy with that but the pressure on her was high.Her sisters resented her even more. Dea avoided her mostly and on occasions yelled at her to the point where she did not have to beat her to bring tears to her eyes.In short, it was one hell of a one week that Faith endured.She was not that excited to leave for the Gala at first but after suffering the unnecessary amount of humiliation and badmouthing, Faith was happy to leave for a few days.Alpha Rigie picked Faith up in his car along with a few warriors. An Alpha neve

  • GJX GN 21000000185   chapter 63

    "A-aku... pulang dulu," kata Elsa. Arya menganggukkan kepala, tersenyum, lalu tangannya refleks terangkat dan mengacak rambut Elsa. Dan setiap pergerakannya itu tidak luput dari pengamatan Leon di balik kaca hitam mobil.Elsa tampak memaksa seyum walaupun dia merasa sangat gugup sekarang, lalu dengan tergesa dia masuk ke dalam mobil. Elsa langsung merasa kecil, kecil sekali sampai dia tidak berani mendongakkan kepalanya. Beberapa saat dalam keheningan dan Leon tidak juga menyalakan mesin mobil."Sore, kak Leon." Elsa menyapa canggung, melirik Leon hati-hati, namun Leon tidak menyahut. "Kenapa?" tanya Elsa heran.Leon pun menyalakan mesin mobil dan menggerakkan rodanya menjauh dari tempat itu. setelah memasuki jalan raya yang rama

  • GJX GN 21000000185   chapter 62

     DG?Me chamo Diego ta ligado ,conhecido como DG .Sofri muito pode pá,para me chegar onde eu tô hoje ,sou o gerente dos vapor ,o patrão confiar em mim.Nem tenho palavras para descrever o tanto que o RR vulgo Patrão me ajudou,ele me deu a mão é confio em mim quando ninguém estendeu a mão pra mim ,papo reto.Considera ele para caraí .Ele sabe da minha história é nunca explanou pra ninguém,sigilo total.Sou uns dos principais que fica na casa dele de vigiar.Tenho um mulher que eu chamei de mãe um dia ,já não vejo ela a uns 10 anos e espero que nunca mais vejo essa mulher.Pai ? Agora tu me fude ,ele fui embora quando descobriu que a mulher lá traia ele na própria cama.

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status