Share

chapter 39

Author: gaojianxiong
last update publish date: 2023-12-02 00:27:54

     Makalipas ng ilang oras nakarating din siya sa kanilang tahanan kasama ng ina at kapatid na si Maria—sinundo kasi siya ng mga ito sa dakong iyon.

     Bitbit ng ina ang mga natuyong damit na nakatupi sa loob ng palanggana habang dala naman ni Maria ang maliit na baldeng lalagyanan ng sabong panlaba.

     Samantala, hawak naman niya ang laylayan ng tuwalya na nakatakip sa kaniyang magkabilang balikat.

     Mabuti na lang at bago dumating ang mga ito tapos na siyang nakapaligo at nakapagpunas kaya hindi nahalata ang ginawa niya. Isabay pa ang malamig na simoy ng hangin na siyang nakapagpatuyo agad ng buhok.

     "Oh! Naririyan na pala kayo?" bungad ng ama pagkapasok na pagkapasok pa lang sa bakuran. "Oh, Sindy, Bakit ang tagal mo? Kung hindi ka pa sinundo mukhang wala ka pang balak umuwi, ah," iritableng wika ng ama nang mapalingon sa dako niya.

     "Mano po, Itay. Pasensya na po, hindi na po mauulit," nakayukong wika niya matapos makapag-mano.

     "Alam ko 'yon, Anak at alam din namin na gustong-gusto mo roon pero, nag-aalala lang kami sa 'yo lalo't may balitang kumakalat dito sa lugar natin," nagpipigil na sabi ng ama habang hawak pa rin ang itak.

     Mababakas ang pag-unawa nito kahit pa pilit nitong nilalabanan ang pagtaas ng boses.

     "Po! Ano naman po 'yon, Itay?" Nakakunot-noo niyang wika na siyang sabat naman ni Maria.

     Isinalaysay nito ang nakalap na impormasyon na siyang nakapagpatayo ng balahibo niya sa buong katawan.

    "Grabe naman, Sino naman na matinong tao ang gagawa noon?" nakakunot-noo niyang sabi matapos marinig ang salaysay ng kapatid.

    Napayakap tuloy siya sa magkabilang braso habang hinihimas ang mga ito, pakiramdam niya nanlamig ang buong katawan sa karumal-dumal na eksenang nai-imagin.

    "Ano na bang nangyayari sa lugar natin halos lahat ng balita tungkol sa karahasan. Kulang na lang magpatayan na'ng lahat tapos uso pa ang nakawan at kung ano-ano pa ni hindi man lang mapigil ng gobyerno," maktol niya habang hinihimas pa rin ang mga braso.

   "Anak, gumagawa naman sila ng paraan kung paano susupilin iyon. Pinag-aaralan na nila ang mga batas na maaring ipataw sa mga gumagawa ng kasalanan. Iyon nga lang sa lahat ng dako patuloy ang paglubo ng masasamang gawain, halos iyan na lagi ang balita sa Capital—Maynila," sagot naman ng ama na siyang nakaunawa sa ibig niyang ipahiwatig.

     "Pero Itay, dapat sana may batas ng gano'n 'di ba? . . . kasi nga may gobyerno na tayo, dapat alam na nila kung paano susupilin ang mga puwedeng masasamang gawain?" hindi papatalo na aniya.

    "Anak, iba ang panahon ni Eva at Adan wala na tayo sa makalumang henerasyon nasa makabagong sitwasyon na tayo, bagamat may gobyerno hindi naman lahat kaya nilang malaman sa isang iglap lang, halimbawa paano nila malalaman na may panggagahasang kaso kung wala naman naglalabasan na ganoong senaryo? Paano nila, malalamang may nakawan na nagaganap kong hindi maibabalita iyon? Syempre, kailangan muna nilang makita iyon bago sila makapagpatupad ng batas pati mas maraming mababait at karespe-respeto no'ng unang panahon kaysa ngayon na hindi ko alam kung paano at bakit nagsusulputan," makahulugang sagot ng ama na siyang ikinanguso na lang niya.

    "Kaya huwag ka na muna magpupu-punta sa ilog lalo't hindi natin alam kung anong puwedeng mangyari," singit naman ng ina sa pag-uusap nila ng ama.

    "Pasensya na po, Inay," nauutal niyang sagot bago tuluyang napayuko.

    Bumalik na naman kasi sa kaniya ang usapan kaya hindi na naman siya naging komportable pero, sa huli pinili na lang niyang huwag umapela upang hindi na humaba ang usapin.

     "Kahit ngayon lang, Anak, makinig ka naman sa 'min para maiwasan natin ang karahasan," segunda naman ng ama na siyang mas ikinayuko niya lalo.

    "Makinig kasi!" Pagsusungit na naman ng ina habang papasok sa loob ng kubo—dala pa rin ang hawak na palanggana.

    "Pasensya na po talaga, aakyat lang po muna ako," aniya bago tuluyang naglakad papasok sa kubo.

    "Bilisan mo na at kakain na tayo," sang-ayon naman ng ama bago isinandal ang itak sa kahoy na nakasalansang na hindi nakaligtas sa paningin niya.

    Sa halip sumagot pinili na lang niyang tumahimik, alam kasi niyang mali rin siya bilang anak pero, minsan hindi niya maiwasang magkamali dahil sa kagustuhan niyang mag-explore ng mga bagay-bagay. 

    PAGKARATING sa silid tuluyan niyang tinanggal ang pagkakatali ng nakapa-ikot na makakapal at makintab na buhok—kung saan tuluyan itong bumuhaghag.

    "Ano ba 'yon, nawala lang ako saglit may kababalaghan ng naganap? Palibhasa, wala akong kagana-ganang makinig sa usap-usapan na ganyan. Minsan kasi nakakai-stress ang mga balita though may magandang kalalabasan sa pakikinig pero, kung palagi mong naririnig ang mga karahasan sa kasalukuyan nagiging epekto rin ito ng pagkabahala. May iba kasing nadadala ng sitwasyon hanggang sa pati sila ay mabaliw na rin gaya ng kapitbahay namin noon pero, sa kasalukuyan hindi na raw masyadong nanonood ang ginang para makaiwas sa stress," hanaing niya sa isipan.

     "Ate Sindy, kakain na raw," malakas na sigaw ni Maria na siyang nagpagitla sa kaniya sa mga iniisip.

     "Anak ng tokwang batang 'yon. Hindi man lang umakyat bigla na lang nagsisisigaw," naibulalas niya sa hangin.

     Nang ibalik ang tingin sa buong silid saka pa lang napagtanto na talagang magulo pala talaga ang kuwarto niya.

     Hindi pa natupi ang kulay dumihing kumot na naka-itsa at nakasayad sa lapag. Nagkalat din ang mga papel at panulat sa study table niya na nasa kaliwang bahagi—kasunod nito ang aparador na kulay barnes na may dalawang bukasan—isang malaki sa itaas kung saan naroon ang mga damit na naka-hanger at isang pa-kuwadrado sa ibaba kung saan naroon ang mga bimbo, panyo, at malilit na panloob.

    "Ang babaeng masinop sa lahat." Napapailing niyang ngiti.

    "Ate," sigaw muli ng nakababatang kapatid.

    Bagamat gusto niyang sagutin, hinayaan na lang niya upang hindi na lumala ang sitwasyon, minadali na lang niya ang pagtatanggal ng damit at panloob bago nagtungo sa aparador na siyang pansin sa bintanang nasa itaas na bahagi—katapat ng pinto. 

    "Bakit kaya bukas 'to? Ang alam ko isinara ko 'to kanina, ah? . . . ah, baka binuksan ni Inay."   

    Nakatulala siyang nakatingin sa bintana kung saan natatanaw ang maagap na pagpagaspas ng sanga ng mga puno sa bakanteng lote sa likod ng kubo nila ngunit lingid sa kaniyang kaalaman may isang nilalang ang nakaupo sa itaas ng puno kung saan makikita ang ngisi nito habang nakatunghay sa kaniya.

     "Ate, Ano ba?" sigaw muli ng kapatid na halos mapatid ang boses sa sobrang inis na siyang dahilan upang isara na lang niya ang bintana.

    "Grabe naman, mababasag pa ata ang eardrum ko sa batang iyon. Makapagsalita akala mo siya ang panganay," inis niyang kausap sa sarili. "Sandali na lang!" sagot niya sa nagpipigil na inis bago kumuha ng panloob, maging ng kulay puting hapit na damit at kulay itim na tukong pang-ibaba.

     Pagkatapos kaniya na itong isinuot at tuluyang bumaba dahil baka magsisisigaw na naman ang makulit na kapatid.

     Palampas na siya sa silid ni Cora nang mapansing nakabukas na naman ang silid nito na siyang ikinakunot-noo niya—lagi kasi niyang napapansin ito.

     Kaya nang sumilip siya rito saka niya natagpuan na mahimbing pa rin itong natutulog, sa huli hinatak na lang niya ang seradura at tuluyang bumaba ng hagdanan.

     Nang marating ang hapag-kainan nagsisimula ng kumain ang kaniyang mga magulang at kapatid. Nasa gitnang bahagi ng lamesa ang ama habang nasa kanan naman nito ang ina na katabi ni Maria. Kaya naman, umupo na lang siya sa kaliwang bahagi katabi ng ama bago nagsimulang hawakan ang pinggan at sumandok ng pagkain. Mabuti na lang at hinandaan na rin siya ng plato at kutsara.

    "Wow! Sinigang na baboy na may petchay, mukhang mapaparami ako ng kain, ah," pukaw niya sa katahimikang bumabalot sa hapag-kainan.

    Pero, sa kasawiang-palad nananatili pa rin sa pagkain ang pamilya na walang nagsasalita kaya sa huli, kumain na lang din siya. Hindi niya alam ang nangyayari pero, pakiramdam niya may nangyari ngang hindi maganda.

    "Sindy, aalis kami mamaya. Alagaan mo ang mga kapatid mo, kailangan ng maibenta ang mga gulay at prutas sa bayan," biglang wika ng ama na siyang dahilan ng pagkabilaukan niya.

   Agad niyang kinuha ang basong babasagin na nakatuob sa lalagyanan ng baso bago nilagyan ng tubig mula sa pitchel na naroon.

   "Pasensiya po, nasamid po ako," nai-satinig niya matapos malagok ang malinis na tubig.

   Hindi naman umimik ang ama at tumayong nagtungo sa lababo upang maghugas ng kamay.

   "Itay, huwag na po kayo umalis," angal ni Maria na siyang ikinalingon niya rito.

   "So, ito pala ang dahilan ng katahimikan kanina," naisa-isip niya nang mapagtanto ang nangyari.

"Ano'ng oras na po, e?" pinipigilang mautal niyang wika sabay baling sa orasan na nasa taas ng hagdan—hindi alintana ang sinabi ng kapatid. "Alas dose na po, Pang," nangangambang patuloy pa niya. 

   "Kaya nga nagpapaalam na kami, baka kung gabihin kami makituloy muna kami sa Tiya Isabel ninyo," sagot ng ama na nasa mesa na habang naglalagay ng tubig sa baso.

    Palibhasa, liblib na lugar ang Minanga kaya napakatagal ng biyahe. Kung sumapit naman ang dapit-hapon wala nang nangangahas pang magtungo rito dahil natatakot silang masiraan sa daan lalo pa't malalayo ang kabahayan.

    "Inay, ayaw ko pong wala kayo rito, natatakot po ako na kami-kami lang ni Ate Sindy ang nandito," buwelta naman ni Maria sa kanilang ina na nagbabaka sakaling papakinggan siya nito.

    Sa pagtaliwas ni Maria hindi niya maiwasang matuwa nang bahagya dahil ito na mismo ang nagsabi ng agam-agam sa isip niya. Bilang nakatatandang kapatid dapat siya ang nagpapakita ng katapangan bagamat nanunuot ang takot sa kaniya pero, wala siyang pagpipilian.

    "Nandiyan naman ang Ate Sindy mo, siya na'ng bahala sa inyo. Masisira na'ng gulay at prutas kung hindi pa maibebenta," mautoridad na sigaw ng kanilang ama na siyang ikinayuko niya nang bahagya.

    Mababakas na pinipilit lang nitong maging matapang sa harapan ni Maria upang hindi na ito makapag-react at walang magawa kundi sumang-ayon.

    "Pero, Inay?" hindi sumusukong baling pa rin nito sa kanilang ina matapos ang panandaliang katahimikang namayani.

    "Sindy, ikaw ng bahala sa mga kapatid mo. Magluto ka na lang diyan ng hapunan at huwag mong kakalimutang isara ang mga bintana, maging itong tarangkahan," anang sabi pa ng ama habang palabas ng pinto na siyang ikinalingon niya rito—hindi alintana ang pagtutol ng kapatid.

    "Inay," ulit muli ni Maria pero, nananatili tahimik ang kanilang ina—pa-kahulugang pinal na'ng desisyon ng ama.

    Kaya sa huli tumahimik na lang siya at hindi na umapela pa. Kinimkim na lang niya ang takot at pangambang nararamdaman.

    "Sindy, nakikinig ka ba?" napataas na tinig ng ina na siyang ikinalingon naman niya rito.

    Hindi niya napansin na sobrang lalim na pala ng mga iniisip niya.

    "Ho! Opo," utal niyang sabi, inililigpit na kasi niya ang mga pinagkainan. 

    "Inay," pagtawag muli ni Maria sa kanilang inang papalabas na ng pintuan.

    "Sindy," tawag na naman ng ama sa pangalan niya kaya naman napatigil siya sa ginagawa at lumabas ng kubo.

    Pagkalabas niya, tumambad sa kaniya ang katamtamang laki ng track na puno ng mga gulay at prutas na nakalagay sa mga tiklis.

    "Ikaw na'ng bahala sa mga kapatid mo," paalalang sabi muli ng ama sa kaniya.

    "Sindy, pupunta mamaya si Maring dito, ikaw na'ng bahal—"

    "Cita, halika ka na," nagmamadaling sabi ng ama na kakasakay sa loob ng trak.

    "Oh siya, paparoon na kami at nang makaabot pa kami," nagmamadaling sabi rin ng ina habang inaayos ang pagkakalagay ng katamtamang laki ng kulay kayumangging bag habang nasa kanang braso ang dalawang polo na kulay malamlam na berde at asul.

    "Sindy, ang mga kapatid mo," pahabol pang silip muli ng ama sa loob ng trak na siyang ikinatulala niya lang habang nakatingin dito.

    Nang tuluyang makasakay ang ina na siyang inalalayan ng ama tuluyan ng umaarangkada ang sasakyan habang malamya naman na isinasara ni Maria ang tarangkahan bago muling tumingin sa papalayong trak.

    Nang mawala na ito sa paningin nila saka na sila pumasok ng kubo upang tuluyang gawin ang nakatakdang gawain. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • GJX GN 21000000189   chapter 67

    eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu

  • GJX GN 21000000189   chapter 66

    Sejak kejadian di perpustakaan rasa kesal Mika menguap hilang entah kemana. Tetapi ucapan manis Daffa itu hanyalah ucapan manis belaka. Mungkin hanya untuk membuatnya senang. Buktinya sampai sekarang Daffa sama sekali tidak pernah memberitahukan keinginannya. Terhitung sudah beberapa hari semenjak Daffa mengatakan bahwa dirinya akan bilang ke Mika kalau ingin makan masakannya. Kenyataannya Mika-lah yang selalu mengirim pesan duluan untuk menanyakan apakah Daffa ingin dibawakan bekal atau tidak.Dan tidak.Sampai hari ini Mika tidak pernah membawakan Daffa bekal lagi.Mika memandang ke arah lapangan basket yang tidak jauh darinya. Sekarang dia, Siska, dan Michelle sedang duduk di bangku bawah pohon beringin samping kelasnya sambil melihat Daffa dan Rendy yang sedang melatih junior-junio

  • GJX GN 21000000189   chapter 65

    "This is your baby's heartbeat."From the monitor screen connected to the transducer on my stomach, I could see that my baby was still tiny. Maybe I can say it looks like a lump of meat. Over there is the source of my baby's heartbeat. This miracle had not happened in last month's examination."Your baby's heart rate is normal." Doctor Luke said."Really? How do you know?"In a reclining position, I glanced at Sean. At first, he refused to take me to the hospital, but he suddenly agreed, and now asked questions as if he cared. Sean folded his arms, and his expression looked worried too. Why is Sean worried?"The frequency is stable, 145. You can listen carefully too." Doctor Luke loo

  • GJX GN 21000000189   chapter 64

    The annual Gala of Alpha's and Luna's took place every year at the end of the semester, that was the first week of July. Which was in a few days.Faith's brusies were non existent by this time and Dea had not hit her or given her any more injuries either. Alpha Rigie took a lot of interest in faith's personal life. Faith was not very happy with that but the pressure on her was high.Her sisters resented her even more. Dea avoided her mostly and on occasions yelled at her to the point where she did not have to beat her to bring tears to her eyes.In short, it was one hell of a one week that Faith endured.She was not that excited to leave for the Gala at first but after suffering the unnecessary amount of humiliation and badmouthing, Faith was happy to leave for a few days.Alpha Rigie picked Faith up in his car along with a few warriors. An Alpha never left his pack wit

  • GJX GN 21000000189   chapter 63

    Elsa terbangun merasakan pegal di sekujur tubuhnya, namun juga ringan di dadanya. Dia membuka mata, menatap langit-langit kamar dalam diam. Ketika berhasil meraih semua kesadarannya, ingatan mengenai kejadian semalam membuat darahnya mendidih dan naik ke wajah. Elsa mencengkram selimut semakin erat dan menaikkannya ke dagu, menggigit bibir ketika setiap momen itu berputar di kepalanya bagai sebuah film.Dia tidak percaya bahwa dirinya sudah tidak lagi perawan. Sudah bukan lagi seorang gadis. Di usia 16 tahun, ya tuhan, apa yang dirinya pikirkan?!Elsa memikirkan bagaimana semalam Leon menyentuhnya, menyebar gelenyar panas ke seluruh tubuh, dan mengenalkannya ke sensasi yang tidak pernah Elsa ketahui sebelumnya. Terasa seperti, tubuhnya bukanlah miliknya. Karena Leon mengenal setiap jengkalnya l

  • GJX GN 21000000189   chapter 62

    CHAPTER 15He had gotten her flowers.Sara stared at the large beautiful bouquet of flowers Ariel had given her, she had brought it with her from work.Along with a carefully hand written note on a pink slip, her friend had said, "Christian said I should give you this, he is so anticipating you guys date, like seriously that was all he could talk about, he revealed some details which he said I should keep a secret from you, and all those stuffs,mehn babe you so lucky.""I'm lucky? In what way." She'd asked looking at the bouquet of red roses adorably, smiling and swooning profusely."Girl, you just walked down the streets one day, meet an handsome guy who now loves you like no man's business, and you're asking me why I say you are lucky, oh God when?" Ariel had answered looking up and raising her hands mockingly in an apologetic gesture.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status