Share

chapter 16

Penulis: gaojianxiong
last update Tanggal publikasi: 2023-12-01 18:02:41

Deo

Kagat labi akong nagtungo sa pasilyo kung nasaan nakahilera ang mga gintong pinto. Nasa aking gilid ang tagapagsilbi at taimtim ko lamang itong sinusundan sa paglalakad.

Kanina lamang ay hiniling kong sana'y hindi niya ituloy o kalimutan na lamang ang kanyang plano sa akin ngayong gabi, ngunit mukhang hindi ko na ito maiiwasan.

Masama ang kutob ko rito.

Akala ko'y papasok kami sa isang gintong pinto ngunit kumunot ang aking noo nang lagpasan namin ito ng tagapagsilbi at lumiko sa ibang pasilyo.

"Akala ko'y sa silid ni Prinsipe Deo tayo magtutungo?"

Bahagya pang nagulat ang tagapagsilbi sa biglaang tanong.

Nang makabawi ay ngumiti ito bago nagsalita. "Aniya'y sa kanyang silid aklatan ka na lamang dadalhin. Mahigpit rin na ipinagbabawal ni Prinsipe Deo ang pagpapapasok ng mga kababaihan sa kanyang silid kung ito'y hindi niya personal na tagasunod."

Tumango tango ako.

Tiyak na marami ng nakaka-alam na ako'y hindi kanyang personal na tagasunod sa mga oras na ito, minsan ko na itong naikwento sa mga tagapagsilbi at hindi na nakakapagtakang mabilis kumalat ang katotohanan.

Huminto kami sa tapat ng isang malaking pinto na gawa sa makapal na kahoy. Bahagyang dumistansya sa akin ang tagapagsilbi at yumuko.

"Hanggang dito na lamang ako Akira, magandang gabi."

Mabilis itong nawala sa aking paningin.

Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang siradula. Agad na bumalot sa aking pang amoy ang pamilyar niyang halimuyak. Bumungad sa akin ang isang maluwag na silid aklatan.

May dalawa itong palapag, maliit na sala na binubuo ng isang eleganteng pugon at mga upuan, dalawang hagdanan at sa gitna ay naroon nakapwesto ang kanyang mesa na puno ng kanyang mga kagamitan.

Tahimik lamang ang buong silid aklatan at tanging liwanag lamang mula sa pugon ang nagpapa-ilaw sa buong paligid.

Mayroon din pala itong artipisyal na liwanag sa kisame na siyang lagi kong nakikita sa bawat sulok ng palasyo, ano man ang tawag non ay hindi ko alam.

"Deo?"

Sinagot lamang ako ng katahimikan. Walang bakas ng prinsipe sa paligid.

Ilang hakbang ang aking iginawad habang inililibot sa paligid ang aking paningin.

"Nasaan ka?" ulit ko. "Hindi ako pumunta rito para makipaglaro ng taguan Deo."

Kaunti na lamang ay makakaramdam na ako ng inis.

Nang masigurong wala siya rito ay napagpasyahan kong lapitan ang mga aklat. Dahan dahan kong pinaglakbay sa mga ito ang aking daliri. Ang ilan sa kanila ay walang pamagat habang ang iba naman ay mga nobela o librong tungkol sa mga kababaihan.

Napapailing na lamang ako.

Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang mga litrato ng mga dalagitang hula ko ay mga dugong bughaw. Ang mga ito'y nakasabit pa sa kanyang pader habang ang iba naman ay nakalapag sa kanyang mesa.

Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang isang obra ng isang dalagita nang maramdaman kong may humawak sa dulo ng aking buhok. Agad ko itong nilingon at bumungad sa akin ang nakangisi na Deo.

"Kanina pa ako nag-aantay,"

Tumaas ang isa niyang kilay. "Not new. Palagi na lamang akong iniintay ng mga kababaihan."

Tinalikuran ko na lamang siya at naglakad pabalik sa kanyang mesa. Kapwa nakadaop ang aking mga kamay sa aking likuran habang patuloy na pinupuri ang kanyang silid aklatan sa aking isipan.

Ramdam kong umupo siya sa kanyang upuan. Nang hindi ko mapigilan ang aking sarili ay napatanong na lamang ako.

"Iyan," turo ko sa nakapatay na artipisyal na liwanag. "Anong klaseng liwanag ang siyang bumubuhay niyan?"

"Oh," Tumingala siya upang tingnan ang tinutukoy ko. "You call that Chandelier. Iyan ay produkto galing sa mundo ng mga tao."

Muli ay lihim akong nagulat.

Bata pa lamang ako ay pinamulat na sa akin na walang sino man ang maaring magbukas ng lagusan patungo sa mundo ng mga tao. Mukhang linabag na ito ng mga maharlika.

"Narito na 'yan bago pa man kami isinilang. Sabi ni Ama ay regalo iyan ni Haring Eulo. Noon pa man ay nahilig na ito sa pabalik-balik na paglalakbay sa mundo ng mga tao." patuloy niya.

"Haring Eulo?"

Kunot noo itong bumaling sa akin. "Hindi mo kilala si Haring Eulo?" tanong nito na nakapagpa-iling sa akin.

"Siya ang ama ng magkapatid na Larklaurent." bahagyang tumagilid ang kanyang ulo. "Malaki ang naitulong niya sa Saban. Imposibleng hindi naging maingay ang kanyang pangalan doon."

Napabuntong hininga na lamang ako.

Natitiyak kong hindi alam ng prinsipeng ito na kahit kailan ay hindi ako naging interesado sa politika. Ang mga usap-usapan na tungkol sa kabaitan ng isang maharlika ay bagay na hindi ko binibigyan ng pansin; maari lamang pakitang gilas iyon upang sila'y suportahan at sambahin ng sang katauhan.

Inintindi ko na lamang siya sa parteng iyon. Sa halip ay nagtanong ako tungkol bagay na nakapagpagulat sa akin.

"Paanong nakakapunta siya sa mundo ng mga tao?"

Humilig ito sa kanyang upuan.

"Binuksan niya ang lagusan?" sarkastiko nitong sambit.

Pinigilan kong umirap. "Hindi iyan ang sagot na ninanais ko..."

Tinitigan niya ako na tila nag-iisip ng malalim.

"Ipinagkakatiwala ko sa iyo ang bagay na ito." bumuntong hininga muna siya. "Sa mundo ng mga tao lumaki at nagka-isip si Reyna Karmin - ang Ina nina Eleanor. Hindi ko alam ngunit napunta roon si Haring Eulo at doon nagsimula ang kanilang pag-iibigan. Nang madala ni Haring Eulo si Reyna Karmin sa kanyang reyalmo ay huminto siya sa pagpunta sa mundo ng mga tao. Nang muling pumaroon ang Hari sa hindi malamang dahilan ay tangay na niya ang mga ito sa kanyang pag-uwi." itinuro niya ang artipisyal na liwanag. "These chandeliers we're special gifts from a human to King Eulo, then passed to our family."

Bawat salita niya'y seryoso at malalim. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kilabot. Kung ang mga Chandelier na ito ay bigay ng isang tao kay Haring Eulo, bakit niya naman ito ipinasa sa pamilyang Taliesin?

Kung pag-iisipang mabuti ay tila nakipagkita ang Hari sa taong nagbigay ng mga artipisyal na liwanag. Wala nang ibang dahilan pa upang siya'y pumaroon kung narito na rin sa Gallia Liris ang kanyang pinakamamahal.

Umupo muna ako sa silyang nasa harap ng kanyang mesa nang makaramdam ng pangangawit.

"Hindi na nakakapagtakang nahilig na rin sa pagpunta roon ang kanyang mga anak." biglaang dugtong ni Deo habang nakatingin sa kawalan.

Pansin ko ngang kakaiba ang mga alahas ni Eleanor kanina at ang dala niyang pamalo na bumasag sa salamin ng hapag.

"You guys are talking about us," biglang nabuksan ang pinto at iniluwa nito si Eleanor na may suot na bestida'ng pantulog.

"Why the fuck are you here?"

Napabaling ako kay Deo nang tumaas ang kanyang boses. Matalim na itong nakatingin sa gawi ni Eleanor na kaswal na umupo sa silyang nasa aking harap.

Ngumiti ito sa akin. "Magandang gabi Akira!"

Nginitian at binati ko rin siya pabalik. "Magandang gabi rin Mahal na Prinsesa,"

Humalimuyak agad ang kanyang pambabaeng amoy. Litaw na litaw ang kutis ni Eleanor kahit madilim. Hindi kakapalan ang kanyang kilay, mayroon itong maliit na nunal sa gilid ng kanyang ilong - na siyang masisilayan kapag ang prinsesa'y tatagilid, ang kanyang kulay tsokolate at alon-along buhok, maliit na mukha, at ang kanyang labi'ng maihahalintulad ang kulay sa rosas.

Umiling ito. "Clovenille nalang, masyadong pormal ang pantawag mo sa akin."

"Siya lang ba babatiin mo?" dumating na rin si Karson.

Gulo gulo ang kanyang puting buhok at naka pantulog na rin ito.

"Fuck it! Will you two please get out?!" naihampas pa ni Deo ang kanyang kamay sa mesa.

"Not you Karson. Umaga lang ang maganda sa'yo." ani Eleanor at umirap.

Kaswal na umupo ito sa hita ng kanyang nakababatang kapatid.

"Damn Karson! Ang tulis ng pang-upo mo!" mura ni Eleanor.

Mabilis silang nagpalit ng posisyon. Kahit nauupuan ni Eleanor ay hindi parin nawala ang ngiti sa mukha ni Karson.

"Istorbo talaga kayong dalawa." napapailing na lamang si Deo.

"Mamaya mo na pairalin ang iyong kapusukan Deo, maaga pa naman. Siguro'y uulan mamayang hating gabi't wala akong nakitang bituin nang sumilip ako kanina." ngumisi ito at itinaas baba ang kanyang kilay. "Nakakahalina kapag ganoon."

Hinampas ni Eleanor ang binti ni Karson. "Shut it. Nahahawa kana sa kanya Karson. Baka maisipan mo ring kumuha ng personal na alipin. Hindi ako makakapayag."

"Wag kang gaya-gaya Karson," sabay kaming lahat lumingon sa kakabukas na pinto at iniluwa nito si Haring Rhiel.

Natuod ako sa aking kinauupuan nang makita kung gaano ka simple ang Hari.

Walang korona at tanging simpleng pantulog lamang ang suot. Gaya ni Karson ay gulo-gulo rin ang buhok nito.

"Damn." napapikit na lamang si Deo sa inis.

"What?" takang tanong ni Karson. "I was just suggesting. Ngayon pa ba kayo magtataka? Lagi namang humihingi ng 'Positions', 'Stunts' at 'Tips' si Deo. Hindi na bago."

Kumunot ang aking noo. Tila may malisya at kahulugan ang mga salitang binitawan ni Karson.

"Ano at para saan ang mga iyon?" tanong ko dahilan upang mabaling ang kanilang atensyon sa akin.

Nagkatinginan si Eleanor at Haring Rhiel, kalaunan ay sabay silang napasampal sa kanilang noo. Nang balingan ko si Deo ay nakataas na ang gitna nitong daliri sa kanila.

Bumaling sa akin si Karson. "Exercise Akira. Mga posisyon sa pag-eensayo ang mga iyon."

Biglang tinamaan ni Deo ang mukha ni Karson ng bolang papel. Napairap naman si Eleanor at tumaas ang dalawang kilay ni Haring Rhiel na tila hindi inaasahan ang mga salitang iyon mula kay Karson.

Kung ako'y tatanungin ay katanggap tanggap naman ang kanyang sagot. Kung may iba pa itong kahulugan ay siguradong hindi ko ito magugustuhan kung kaya't tumango tango na lamang ako.

"You guys are ruining my routine. Lumabas na kayo." lumingon sa akin si Deo. "Mabuti pa't sa aking silid ka nalang matulog."

Nanlaki ang aking mga mata. Bago pa man ako makaangal ay nagsalita kaagad si Eleanor.

"What? No! She'll sleep on MY room. We'll have a girl talk." ngumiti sa akin si Eleanor.

"Hindi mo siya pag-aari Venille. Wala kang karapatan upang sabihin iyon." depensa ni Deo.

"C'mon Deo. You have all her time, huwag mag damot. Minsan na lamang akong manatili rito kaya pagbigyan mo na." bumaling sa'kin si Eleanor. "Besides, I like─ love her more than your past personal servants. Lahat sila maldita sa akin, taliwas kay Akira."

Sinandal ni Karson ang kanyang noo sa likod ni Eleanor. "Maldita ka rin naman sa kanila Venille."

"Well of course because you and Kiellion keeps on spoiling her." ani Haring Rhiel na kasulukuyang binabasa ang isang papeles mula sa mesa ni Deo.

"Minsan na akong nagtaka kung saan ka nagmana Eleanor." ani Deo at ngumisi. "Hindi ganyan si Haring Eulo at Reyna Karmin. They're both soft-speaking people."

Nanliit ang mata ni Eleanor. "Pinagtutulungan niyo ba ako?"

"Err... Parang kanina lang pinag-uusapan niyong dalawa ni Akira ang tungkol sa pamilya namin." sumbat ni Karson.

"You guys we're blackmailing us dont you?" bahagya pang tumaas ang kilay ni Eleanor sa aming dalawa ni Deo.

Mabilis akong umiling. "Hindi naman sa ganoon Eleanor."

"Good."

"I guess I should go now." Napalingon ako kay Haring Rhiel nang bumuntong hininga ito at inilapag ang papeles na hawak. "Bukas na iyan Deo. 'Wag kang mag-alala dahil sumulat na ako sa Sentro."

Doon ko napagtantong ang nakapaloob sa papel na hawak niya'y tungkol sa aberya sa pamilihan.

"I just came here to say goodnight." dagdag pa nito.

Halos malusaw ang puso ko nang humalik ito sa pisngi ng kanyang kapatid. "Goodnight Kuya,"

"Aww," napalingon ako nang magsalita si Eleanor. Matamis itong nakangiti nang masaksihan ang ginawa ni Rhiel.

Agad siyang hinalikan sa pisngi ni Karson kaya dali-dali nitong pinunasan ang kanyang pisngi.

"Won't you kiss me back, little sis?" ani Karson at ngumuso na ikinangiwi ni Eleanor.

"Heck no," nauna na itong lumabas.

Nang sulyapan ko uli si Deo ay nahuli ko itong nakatingin sa akin habang nakataas ang isa niyang kilay.

Naramdaman kong may humawak sa dulo ng aking buhok. Nang lingunin ko ito ay ngumiti sa akin si Haring Rhiel.

Mabilis rin siyang nawala sa aking paningin.

"By the way, can I have a morning walk tomorrow Akira?" napatingin ako kay Karson nang mag-alok ito.

Ngumiti ako at tumango. "Sur─"

"Ayoko." mabilis na saad ni Deo na nakapagpasimangot sa akin.

Talagang pinangungunahan niya ang aking mga desisyon.

Tumaas ang isang kilay ni Karson. "Hindi ikaw ang inaalok ko Deo."

Tumayo na ito at naglakad papunta sa pintuan. Bago pa man ito tuluyang maisara ay rinig ko ang kanyang sigaw mula sa labas.

"Goodnight Kuya Deo, have a wet dream!" nasundan pa ito ng halakhak.

Kahit ako'y mahinang napahagikhik. May kasama man iyong biro ngunit nasisiguro kong hinugot iyon ni Karson mula sa kanyang puso.

"Damn them,"

Nang tumayo si Deo ay tumayo na rin ako. Lumapit siya sa akin at hinigit ako papalabas.

"Ganoon naba talaga kayo makitungo sa isa't isa?" naaliw kong tanong.

"Yes. Just dont minds us." tipid nitong sagot.

Marahan niya lamang akong hinihila at sabay ang bawat pag-apak namin sa sahig.

Hindi ko alam ngunit tila napuno ang aking puso ng galak. Hindi matanggal sa aking isipan ang pakikitungo nina Rhiel, Eleanor, Karson at Deo sa isa't isa.

Ang kanilang samahan ay tila gamit na walang katumbas ang halaga. Buong buhay ko'y kinamuhian ko ang mga maharlika sa pag-aakalang lahat sila'y matapobre at bulag sa kayamanan.

Inaamin kong nagkamali ako. Nagpakabulag ako sa kanilang kasamaan, ngunit hindi nila ako masisisi pagdating sa bagay na iyon.

Ang aking sinapit ay isang ihemplo ng kanilang kasamaan.

Ngunit sila'y mga nilalang rin na kagaya naming normal na mamayanan; ang iba'y mabait sa kapwa, ang iba'y may tinatagong bait, at ang iba'y matapobre at makasarili.

Ang kanilang samahan ay bagay na ipinagkait sa amin ni Aokio. Hindi kami nagkaroon ng mga kaibigan sa aming paglaki dahil ilag ang mga bata sa amin noong mga panahong kami'y nasa ampunan pa lamang.

Natigil lamang ako sa pag-iisip nang huminto kami sa isang panibagong pinto na may pambabaeng disenyo.

May naka-ukit na ugat rito na siyang kulay rosas at gawa ito sa makapal na kahoy na siyang pininturahan ng puti. Kulay ginto ang hawakan ng pinto at may palamuti itong bulaklak.

Kunot noo kong binalingan si Deo. "Kaninong silid ito?"

"Kay Eleanor." tipid niyang sagot.

"Akala ko ba'y sa iyong silid ako mananatili?"

Tumaas ang isa niyang kilay sa akin. "Hindi na. 'Wag nalang."

"Hindi ba ako makaka-abala?"

"Ginusto ni Venille ito."

Pansin ko na ang biglaang pag-ikli ng kanyang mga sagot sa aking mga katanungan.

Bigla kong naalala ang aking kapatid na kasulukuyang nag-iisa ngayon sa aming silid.

"Paano si Aokio?" tanong ko na nakapagpatigil sa kanya nang akma niyang pihitin ang hawakan ng pinto.

"Doon nalang muna tutuloy si Ginang Sara."

Ang ideyang 'yon ay ayos lamang sa akin sapagkat panatag ang aking loob kay Ginang Sara.

Tumango na lamang ako at binuksan na niya ang pinto.

Ang pamilyar na bango ni Eleanor ay muling sinakop ang aking pang-amoy. Ang kanyang kwarto'y elegante. Halos lahat ng kagamitan dito ay may bulaklak na disenyo.

May isang malaking kama sa gitna ng silid at balkonahe sa kanyang gilid. Mayroon itong dalawa pang pinto na natitiyak kong paliguan at isang maliit na silid kung saan inilalagay ng mga maharlika ang kanilang damit.

Rinig ko kaagad ang pagpatak ng tubig mula sa paliguan, hudyat na naroon si Eleanor. Hindi ba't nakapagbihis na siya ng pantulog?

Lumingon ako kay Deo na nasa labas. "Salamat Deo. Alam kong may nais kang sabihin sa akin kanina sa iyong silid aklatan kaya mo ako pinatawag doon ngunit hindi natuloy, maari bang bukas nalang?"

Kung ano man ang sadya niya upang ipatawag ako roon ay nais kong malaman kinabukasan. Masyado ng malalim ang gabi at sanay akong matulog ng ganitong oras.

Tumaas ang kanyang kilay. "Wala akong sinabing ganoon."

Tumikom ang aking bibig. Kung ganoon ay anong dahilan niya upang ipatawag ako?

"Malalim na ang gabi, mag pahinga kana."

Humugot ako ng ngiti mula sa aking puso. "Magpahinga kana rin Deo."

Akmang aabutin ko na sana ang siradula ng pinto nang bigla akong hinigit ng prinsipe sa bewang. Napahawak ako sa kanyang dibdib dahil sa gulat. Tila daan daang daliri ang kumiliti sa aking tiyan nang maramdaman ko ang kanyang labi sa aking pisngi.

Mabilis lamang iyon dahil ramdam ko ang kanyang hininga sa aking tenga at halos tumindig ang aking balahibo dahil doon.

"Bad girls call me Prince, but my Good Girl calls me Deo."

Humigpit ang kanyang hawak sa aking bewang at pigil hininga na akong nakatayo sa kanyang harapan. Pakiramdam ko'y sasalampak ako sa sahig kung wala ang kanyang mga kamay na sumusuporta sa akin.

"What have you done Akira?"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • GJX GN 21000000194   chapter 67

    a a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a a a a a a aa a a a a a a a a a aa a a a

  • GJX GN 21000000194   chapter 66

    Things had gone relatively well for us since we’d moved in. I was spending a lot of my free time painting walls and ceilings.Xander had given me carte blanche when it came to decorating, which was nice, and not once did he say, or even appeared not to like my choices colours, so I went a little wild. I’m not really used to be given so much freedom, beyond that, he’s turning into a great enabler.

  • GJX GN 21000000194   chapter 65

    Zenobex Corporation "Young master, it's time for lunch," said Matias.

  • GJX GN 21000000194   chapter 64

    Imose woke up to the crow of the Cock. The room was dimly lit. The oil lamp glowed lazily. Getting up she picked the broom made from Palm fronds laying beside the mud bed and walked out of her hut to sweep her father's compound.Imose was an only child. Her mother had died at her birth, and her father, Chief Idemudia had refused to marry another wife for he loved his wife dearly. He raised Imose with the help of his sister who later died of a strange ailment. People called Imose cursed but to Chief Idemudia, she was his priceless jewel. The symbol of the love between him and his late wife.The night had given way for the day by the time Imose was through with sweeping the large compound. She went into her father's hut to greet him. She saw him seated on his rafter chair inhaling snuff

  • GJX GN 21000000194   chapter 63

    A cidade já era visível a uns vinte quilômetros, ela ficava no pé da montanha, e o terreno só subia até chegar nela, o pântano permitia uma visão clara do horizonte, e era visível só longe o formato de prédios, algumas luzes muito fracas eram visíveis também.Chegando mais perto formas mais específicas começaram a se distinguir, quanto mais ao centro da cidade mais altos os edifícios, todos de corres parecidas, todos marrons, o mesmo marrom do pântano, o mesmo tipo de terra formava o pântano e era usada como base para construção.Andando em direção a ela não era visível mas do alto podia-se notar a típica forma de design urbano dos Ohla, nas laterais mais ao longe da cidade residências de trabalhadores de grande porte físico, casas altas com portas largas, feita para os lenhadores, quebradores de rocha entre outros, depois uma série de casas bem menores, feitas para os trabalhadores pequenos,como coletores, pescadores entre outros, os prédios mais ao ce

  • GJX GN 21000000194   chapter 62

    Wizkid's samba started playing and Shewa started crooning her finger at me to get me to come and dance.I shook my head but she insisted and dragged me up from my seat.I quickly ran behind Titi and shouted that she should help me. She took mercy on me and shielded me from Shewa. Before long Shewa got distracted.During the 'Sare wa gba' part, Shewa would run forward and back, then she followed it up with whining down low. She stood still for a few seconds, then started kick turning during samba.Kemo took notice and quickly supplied a dance step that would follow after. She bent slightly and turned her knee inward, biting her tongue as she danced.We all started brain storming the dance steps that would look good but would still be simple enough for the majority to do.The song was played on repeat and by the third listen, we had constructed an entire choreo though it was still rough around the edges.We were no longer required to pe

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status