แชร์

chapter 9

ผู้เขียน: gaojianxiong
last update วันที่เผยแพร่: 2023-12-01 16:04:54

Dahan-dahan kong naimulat ang aking mga mata. Sumalubong agad sa akin ang walang hanggang kadiliman. Wala akong makita kundi dilim lamang. 

Sinubukan kong tumayo at mabuti na lamang dahil hindi ako natumba. Bigla namang kumirot ang aking ulo kayan napakagat na lamang ako sa aking ibabang labi.

Nang mag-angat ako ng tingin, napakaraming imahe ang lumitaw sa ere. Tila nasa loob ako isang ng monitor room at nanonood ng mga kuha ng CCTV cameras. Nababalot ako ngayon ng pagtataka.   

Isang eksena ang nakaagaw sa aking atensiyon. Medyo glitchy ito pero maayos ko namang naririnig ang mga boses ng nag-uusap.

“Ate, makipaglaro ka naman sa amin. Puro ka na lamang pagsasanay. Miss na kitang kalaro,” pakiusap ng isang batang may maliit na tinig. 

Napapatulala na lamang ako habang pinagmamasdan ang batang babae. 

“Hindi maaari, Debbie. Kailangang magsanay nang magsanay ang ate mo. Hangga't hindi pa niya nagagawang kontrolin ang kaniyang kapangyarihan, hindi pa siya puwedeng maglaro,” matigas na usal ng isang babae. 

Teka, siya na naman iyong babae sa panaginip ko no'ng nakaraan. Bakit ko ba napapanaginipan ang mga bagay na ito? Ito kaya ang mga nawawala kong alaala? 

Bigla namang lumipat ang senaryo sa isa pang senaryo. 

Isang batang lalaki naman ngayon ang nakaupo sa ilalim ng isang puno habang umuulan. Malalakas ang mga pagkulog at matatalim ang mga kidlat sa langit. 

Ngunit, ang batang babaeng nagngangalang Ash sa aking panaginip ay lumabas sa bahay at pinayungan ang batang lalaki. Napatingala sa kaniya ang lalaki at kitang-kita ang kalungkutan sa mukha ng bata. 

“Don, anong ginagawa mo rito? Bakit hindi ka pa pumasok sa loob? Baka magkasakit ka mamaya niyan,” pag-aalala ng batang Ash sa kaniya.

“Lahat sila ay takot sa akin. Ayaw nila akong kalaro dahil natatakot sila sa aking mga kidlat at kulog. Walang may gusto sa akin. Baka pati ikaw ay pinipilit lamang ang iyong sarili na lapitan ako. Mas mabuti pang iwan mo na ako dito kung pati ikaw ay natatakot din sa akin,” pagmamaktol ng bata at saka niyakap muli ang tuhod. 

“Hindi naman nakakatakot ang mga kulog at kidlat, ehh! At saka hindi ka naman nangangain ng tao kaya bakit naman ako matatakot sa iyo? Halika na rito at pumasok na tayo sa loob,” magiliw na saad ng batang babae sa lalaking tinawag niyang Don. 

Inilahad niya ang kaniyang kamay sa lalaki ngunit hindi ito inabot ni Don. Napailing na lamang si Ash at hinila ang kamay ng lalaki. Ipinagsalikop niya ang kamay nilang dalawa at saka nginitian si Don.

“Nakuryente ba ako? Hindi naman, 'di ba? Kaya halika na rito,” nagagalak na sambit ni Ash. 

Sabay silang dalawa na naglakad sa gitna ng ulan habang nakapayong at magkahawak ang mga kamay. Dahil sa ginawa ni Ash, unti-unting napawi ang kalungkutan sa mukha ni Don at nagawa niyang ngumiti. 

Hindi ko namamalayang napapangiti na rin ako dahil sa aking napapanood. Ngunit, bigla na lamang umikot ang aking mundo at napunta na naman ako sa ibang lugar. Ibang eksena na naman ang aking natutunghayan. 

Napatigil ako nang mapansing nasa isang wasak na kagubatan ako. Teka, ito iyong panaginip ko no'ng nakaraan. Ngunit, karugtong niya yata itong aking nakikita ngayon.

Napatingala ako at gaya ng inaasahan, hindi pa rin bumababa mula sa pagkakalutang ang batang babae. 

Napapalibutan pa rin siya nang magkahalong itim at gintong awra. Ngunit, labis-labis na pagpupuyos ng galit ang namamayani sa kaniyang mga mata. 

Nagngingit-ngitan ang kaniyang mga ngipin at sobra-sobrang emosiyon ang nagmumula sa kaniya. Napakatindi rin ang enerhiya at kapangyarihang kumakawala sa kaniyang katawan. 

“A-Ash, aking anak. S-sa wakas at nagawa mo ring palabasin ang iyong kapangyarihan.”

Napabaling naman ang aking atensiyon sa babaeng nakahandusay sa lupa at naghihingalo na. Ngunit, nagagawa pa rin niyang makapagsalita. Napapaubo siya ng dugo habang pinipilit na ibuka ang kaniyang mga bibig.

 “M-Magpalakas ka pa lalo. P-patawarin mo ako... kung naging malupit ako sa'yo. Ginawa ko lamang iyon... upang turuan kang ipagtanggol ang iyong sarili balang araw... mula sa mga mas malalakas pang kalaban. Malapit na silang dumating at sa iyo ko nakikita ang pag-asa,” naghihikahos na hayag ng babae habang nakaangat ang kaniyang isang kamay. Nakaturo ito sa gawi ng batang babae.

Bigla akong nanlumo at napasalampak na lamang sa lupa. Isa-isang tumulo ang aking mga luha hanggang sa hindi na tumigil ang mga ito sa pagbagsak. 

“Mahal na mahal kita, Ash, aking anak. Alagaan mo si Debbie para sa akin.” 

Napatakip na lamang ako sa aking bibig. Nanginginig ang buo kong katawan. Naalala ko na. Naaalala ko na ang lahat.

“Lisa, tingnan mo kung gaano kalakas ang iyong anak. Balang araw, magiging katulad ka rin niya,” sambit ng babae bago nalagutan ng hininga. 

Nabato ako sa aking kinaroronan. Napapatulala. Tumayo ako nang wala sa sarili ngunit bigla akong nadapa. Sobrang nanlalambot ang aking mga tuhod.

“Huli na ako. Wala na si Arianna at nagising na ang kapangyarihan ni Ash. Sinabi ko naman kasi noon sa kaniyang hayaan niya lamang na kusang mapalabas ng bata ang kaniyang kapangyarihan imbes na gisingin ito nang sapilitan. Ngunit, matigas din ang kaniyang ulo,” litaniya ng isang lalaking kararating pa lamang sa lugar. 

“Archmaster Leonard,” mahinang bulong ko sa aking sarili. 

Yumuko si Archmaster sa bangkay ni Mama Arianna at saka isinara ang mga mata nito. Tumingala siya sa itaas at napailing na lamang makita ang batang babae na walang iba kundi ako noon. 

“Patawarin mo ako, Ash. Ngunit kailangan kong gawin ito. Sealing Magic: Confinement of Fate!”

Isang malaking pentagram ang namuo sa ibabaw ng ulo ng batang babae at hinigop nito ang awrang nagmumula sa kaniya. Nahulog siya at nawalan ng malay, ngunit agad siyang nasalo ni Archmaster. 

“Maaaring mawala ang iyong mga alaala dahil hindi sa normal na paraan mo nagawang palabasin ang iyong kapangyarihan. Mas mabuting burahin ko muna ang alaala ni Deborah bago siya dalhin, kasama ibang mga Celestial Zodiac, sa Caelum Academy. Mananatili ka muna dito sa Earth at balang araw ay babalikan kita, kapag tama na ang panahon,” hayag ng Archmaster sa natutulog na bata. May bahid ng kalungkutan ang kaniyang tinig. 

Unti-unting nawala ang mga imaheng pinapanood ko. Naglaho ang mga ito kasama ang hangin. Ngayon, malinaw na sa akin ang lahat. Mariin kong naipikit ang aking mga mata at sa muling pagmulat ko, nagising na ako mula sa aking nakaraan. 

Hindi ako nakakilos sa aking higaan. Impit na mga hikbi lamang ang kumakawala sa aking bibig. Ngunit, patuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha.

“Isa akong halimaw,” mahinang saad ko sa aking sarili. 

Paano ko nagawang paslangin ang babaeng nagsilbing Ina ko sa loob nang siyam na taon? Kinamumuhian ko siya noon dahil sa pagiging strikto sa akin pagdating sa pagsasanay. Hindi niya ako pinapayagang makipaglaro sa iba at abot-abot ang sermong natatanggap ko sa kaniya kapag may nagawa akong pagkakamali. Ngunit, binulag ako ng galit. Hinayaan ko ang aking emosiyon na lamunin ang aking pag-iisip. Paano ko iyon nagawa sa kaniya? Napakasama ko!

Mariin akong napakapit sa aking kumot at naikuyom ang mga kamao. Kinasusuklaman ko ang aking sarili. Isa akong mamamatay-tao. Isa akong demonyo.

Dahil sa sobrang galit sa sarili, hindi ko namamalayan ang paglabas ng itim na usok sa aking katawan. Isinusumpa ko ang kapangyarihang ito. Bakit pa ako nagkaroon ng ganito? 

Gusto kong magwala at sumigaw ngunit bigla akong napahinto nang makarinig ng mga yabag na papalapit sa aking kuwarto. Dali-dali kong pinunasan ang aking mga luha at umaktong natutulog. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Kung tama ang aking kalkulasyon, tatlong tao ang pumasok sa silid.

“She's still asleep. Tatlong araw na ang nakalilipas ngunit hindi pa siya nagigising,” malungkot na saad ng isang baritonong boses.

Nalaman kong kay Raid galing ito dahil sa tono ng boses. Bahagyang naikunot ko ang aking noo, ngunit pigil na pigil ang sarili kong gumawa ng pagkilos. Kakaibang pag-aalala ang nararamdaman ko sa tono ng boses ni Raid.

Teka, tama ba ang dinig ko? Ibig sabihin ay tatlong araw na akong walang malay. At dahil sa aksidenteng pagkakatama ng aking ulo sa isang bato, isa-isang nagsibalikan ang aking mga alaala. Ano na ngayon ang aking gagawin?    Magpapanggap ba ako sa kanilang hindi pa bumabalik ang aking mga alaala? 

Ayaw kong layuan nila ako kapag nalaman nila ang totoo, kapag nalaman nila ang tunay na pagkamatay ng Archmage na nagpalaki sa aming mga chosen twelve. Ayaw kong kamuhian nila ako.

Ngunit... bakit pa ako matatakot na kamuhian nila ako kung ako mismo ay galit na galit sa aking sarili? 

“I know, babalik siya para sa atin. Ash is tough. Simula pagkabata natin, gustong-gusto nating maging malapit sa kaniya. Ngunit, hindi tayo nabigyan ng pagkakataon dahil istrikto si Mother Isabela sa kaniya noong nasa kumbento pa lamang tayo. Kaya gano'n na lamang ang tuwa ko no'ng magkaroon ako ng pagkakataong makasama siyang muli sa iisang bubong at maging kaibigan siya,” dinig kong tinig ni Caya. 

“Gusto kasi ni Mother Isabela na lumaki siyang mahinhin at mayumi. Kahit naman hindi gawin iyon ng matandang madre, lalaki pa rin namang mayumi at maganda si, Ate Ash,” dagdag naman ni Marc.

Nagitla ako sa pag-iisip dahil sa sinabi ng dalawa. Mother Isabela? Sino iyon? Kumbento? Hindi naman kami sa kumbento lumaki, kundi sa piling ni Mama Arianna, ang ina ni Deborah. Saka lang ako napadpad sa kumbento nang mawalan ako ng memorya. Bakit parang may mali sa mga alaala nila? Hindi kaya—Memory Alteration. Siguro nga iyon ang dahilan. 

Ang Memory Alteration ay isang mind magic spell na kayang baguhin o palitan ang ibang mga impormasiyon na nakarehistro na dati sa utak ng tao. Ibig bang sabihin ay hindi lamang si Deborah ang nawalan ng mga alaala. Ginamitan din kaya ni Archmaster ang lahat ng chosen twelve ng spell para baguhin ang ilan sa kanilang mga alaala?

“Sana gumising na siya. Marami akong ipapakita sa kaniya kapag gising na siya,” magiliw na tono ng tinig ni Caya. 

“Ako rin. Masaya akong muli natin siyang nakapiling. Kapag gising na siya, sasakay kaming dalawa sa likod ni Poly at lilibutin namin ang buong Academy,” hayag naman ng isang pambatang tinig ngunit may pagka-mature ang paraan nang pagkakasabi niya. 

“Hoy, Marc, ilang beses ko bang sabihin sa iyo na huwag kang lapit nang lapit kay Ash.”

“At bakit Raid? Bata lang ang anyo ko ngunit kasing-edad niyo na rin ako. Hindi lang ikaw ang may karapatang magkagusto sa kaniya!”

“Puwede bang pakihinaan ang mga boses niyo. Hindi niyo naman kayang sabihin ang mga nararamdaman niyo kapag kaharap niyo si Ash. Baka mamaya, maunahan pa kayo ni Glade,” awat ni Caya sa dalawa.

“No! You can't be serious!” sabay na angil naman ni Raid at Marc. 

Hindi ko alam ngunit bigla na lamang akong napangiti. Wala pa sana akong balak na magmulat ng mata ngunit bigla na lamang akong nakaramdam nang malagkit at malapot na likidong pumatak sa aking mukha. 

Halos mapalundag ako sa aking higaan nang bumungad sa akin ang alaga ni Marc, na palaging tinatawag niyang 'Poly babe'. Mariin akong napapikit nang dinilaan ako nito sa mukha. Ang lansa ng amoy.

“Poly, ano bang--”

Hindi ko naituloy ang aking pagpoprotesta sa alaga ni Marc nang biglang dambahin ako ni Caya ng yakap. 

"Sam, salamat naman at gising ka na. Pinag-alala mo kaming lahat," mangiyak-ngiyak niyang bulalas sa akin.

Hindi ako makahinga dahil sa higpit ng kaniyang yakap. 

“She can't breathe, Caya. Loosen your hug!” asik ni Raid sa babae.

Napakalas naman si Caya mula sa pagkakayakap sa akin at inirapan ang lalaki. Napadako ang aking tingin kay Raid. Mukhang nagulat pa siya sa ginawa kong pagtitig sa kaniya. Ngunit, agad niya rin naman itong binawi, saka nag-iwas ng tingin. Nahuli ko ang kaniyang tainga na namumula sa hindi ko malamang dahilan.

"Don't you dare do it again,” matigas na wika ni Raid sa akin habang nakatingin sa ibang direksyon. Napakunot ang aking noo at salubong ang mga kilay kong tumitig sa kaniya.

“What do you mean?” naguguluhan kong usisa. 

“Do not put your life at stake again just to save someone. Your goal is to protect everyone and not only one. That is our mission as Celestial Zodiacs,” ani Raid at umiigting ang kaniyang panga habang binibitawan ang kaniyang mga linya. 

Mas lalo akong binalot ng pagtataka dahil sa kaniyang reaksyon. Anong drama naman ngayon ng lalaking 'to?

“I won't agree with you! Ginawa ko iyon dahil kaibigan ko si Caya. Kung hindi ko kayang protektahan ang isang tao, hindi ko rin magagawang ipagtanggol ang lahat,” sabat ko sa kaniya. 

“Kahit na. Hindi mo pa rin pwedeng gawin iyon. Paano na lang kapag hindi kami dumating at hindi ka naagapang gamutin. You might die,” iritado niyang sambit.

Naguguluhan ako kung bakit ganoon na lamang siya mag-alala sa akin. May gusto ba talaga sa akin ang lalaking 'to?

“Why? Why do you even care? Ano ba ako para sa'yo? Umamin ka nga, may gusto ka ba sa akin?”  

Napatigil naman siya dahil sa aking mga katanungan. Hindi siya agad nakapagsalita. Pinapanood lang naman kami nina Caya at Marc habang nagsasagutan. 

Nakangisi pa ang dalawa at nanunukso ang kanilang mga tingin sa amin. Teka, ano bang sinabi ko? Like what the-- Bigla naman akong nahiya at gusto na lamang lamunin ng lupa nang napagtanto ko kung ano ang huli kong tanong kay Raid.

“Y-Yes! I mean, n-no! Not a chance. There's no way I can like you,” namumulang saad niya.

Dang! I find him cute while blushing. Nagkandautal-utal pa siya habang idinidepensa ang kaniyang sarili sa akin. Narinig ko ang mahinang pagmumura niya sa kaniyang sarili. 

“Then, why are you blushing?” I teased him, making him blush even more. 

“Just... Just don't make me fret again!” mariin niyang wika at saka nilisan ang kuwarto. 

Napaawang ang aking bibig dahil sa kaniyang sinabi. Bigla namang nag-init ang aking mga pisngi. Tila ako sinisilaban. 

Ano bang sinabi niya? Kinikilig ba ako? No! Never! 

Tila bumaliktad yata ang mesa sa akin. Hindi maaari! Hindi ako kikiligin sa isang lalaking katulad niya. Scratch that thought.

“Just don't make him fret again daw, Ate Ash,” mapaglarong hayag naman sa akin ni Marc at saka tinawag si Poly sa aking tabi. 

Lumabas siya sa silid at mukhang sinundan si Raid. Napabungisngis na lamang si Caya habang nagbabalat ng prutas. 

Pinandilatan ko siya ng mata na naging dahilan upang mapatigil siya sa pagtawa. Napabuga na lamang ako ng hangin. 

Nagpapasalamat ako dahil muli ko silang nakapiling. Ngunit, hanggang kailan kaya ang itatagal ng aming pagkakaibigan? Hanggang kailan kaya ako magpapanggap sa kanilang wala akong naaalala?

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • GJX GN 21000000189   chapter 67

    eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu eyu ey eyu eyu

  • GJX GN 21000000189   chapter 66

    Sejak kejadian di perpustakaan rasa kesal Mika menguap hilang entah kemana. Tetapi ucapan manis Daffa itu hanyalah ucapan manis belaka. Mungkin hanya untuk membuatnya senang. Buktinya sampai sekarang Daffa sama sekali tidak pernah memberitahukan keinginannya. Terhitung sudah beberapa hari semenjak Daffa mengatakan bahwa dirinya akan bilang ke Mika kalau ingin makan masakannya. Kenyataannya Mika-lah yang selalu mengirim pesan duluan untuk menanyakan apakah Daffa ingin dibawakan bekal atau tidak.Dan tidak.Sampai hari ini Mika tidak pernah membawakan Daffa bekal lagi.Mika memandang ke arah lapangan basket yang tidak jauh darinya. Sekarang dia, Siska, dan Michelle sedang duduk di bangku bawah pohon beringin samping kelasnya sambil melihat Daffa dan Rendy yang sedang melatih junior-junio

  • GJX GN 21000000189   chapter 65

    "This is your baby's heartbeat."From the monitor screen connected to the transducer on my stomach, I could see that my baby was still tiny. Maybe I can say it looks like a lump of meat. Over there is the source of my baby's heartbeat. This miracle had not happened in last month's examination."Your baby's heart rate is normal." Doctor Luke said."Really? How do you know?"In a reclining position, I glanced at Sean. At first, he refused to take me to the hospital, but he suddenly agreed, and now asked questions as if he cared. Sean folded his arms, and his expression looked worried too. Why is Sean worried?"The frequency is stable, 145. You can listen carefully too." Doctor Luke loo

  • GJX GN 21000000189   chapter 64

    The annual Gala of Alpha's and Luna's took place every year at the end of the semester, that was the first week of July. Which was in a few days.Faith's brusies were non existent by this time and Dea had not hit her or given her any more injuries either. Alpha Rigie took a lot of interest in faith's personal life. Faith was not very happy with that but the pressure on her was high.Her sisters resented her even more. Dea avoided her mostly and on occasions yelled at her to the point where she did not have to beat her to bring tears to her eyes.In short, it was one hell of a one week that Faith endured.She was not that excited to leave for the Gala at first but after suffering the unnecessary amount of humiliation and badmouthing, Faith was happy to leave for a few days.Alpha Rigie picked Faith up in his car along with a few warriors. An Alpha never left his pack wit

  • GJX GN 21000000189   chapter 63

    Elsa terbangun merasakan pegal di sekujur tubuhnya, namun juga ringan di dadanya. Dia membuka mata, menatap langit-langit kamar dalam diam. Ketika berhasil meraih semua kesadarannya, ingatan mengenai kejadian semalam membuat darahnya mendidih dan naik ke wajah. Elsa mencengkram selimut semakin erat dan menaikkannya ke dagu, menggigit bibir ketika setiap momen itu berputar di kepalanya bagai sebuah film.Dia tidak percaya bahwa dirinya sudah tidak lagi perawan. Sudah bukan lagi seorang gadis. Di usia 16 tahun, ya tuhan, apa yang dirinya pikirkan?!Elsa memikirkan bagaimana semalam Leon menyentuhnya, menyebar gelenyar panas ke seluruh tubuh, dan mengenalkannya ke sensasi yang tidak pernah Elsa ketahui sebelumnya. Terasa seperti, tubuhnya bukanlah miliknya. Karena Leon mengenal setiap jengkalnya l

  • GJX GN 21000000189   chapter 62

    CHAPTER 15He had gotten her flowers.Sara stared at the large beautiful bouquet of flowers Ariel had given her, she had brought it with her from work.Along with a carefully hand written note on a pink slip, her friend had said, "Christian said I should give you this, he is so anticipating you guys date, like seriously that was all he could talk about, he revealed some details which he said I should keep a secret from you, and all those stuffs,mehn babe you so lucky.""I'm lucky? In what way." She'd asked looking at the bouquet of red roses adorably, smiling and swooning profusely."Girl, you just walked down the streets one day, meet an handsome guy who now loves you like no man's business, and you're asking me why I say you are lucky, oh God when?" Ariel had answered looking up and raising her hands mockingly in an apologetic gesture.

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status